Chapter 26

Bad news

Dumaan ang ilang linggo, hindi ako makapaniwalang may nagbayad sa utang namin. Nang tinanong ko si Herrick, itinanggi niyang siya ang nagbayad no'n. Gusto kong pasalamatan kung sino man siya, siya'y isang anghel na bumaba sa lupa upang tulungan kami.

Umalis sina SIR Zazdrick at ma'am Lishia. May pupuntahan daw sila. Tanging si sir Stanford lang ang natira dito. Sa katunayan nga nandito siya sa sala, nanonood ng palabas habang ako naglilinis.

"Amasia, itigil mo muna 'yan. Samahan mo muna ako dito."

Tumango ako at naglakad papunta sa gawi niya sabay upo sa tabi niya. Hindi ko maiwasang hindi mapatingin sa kaniya. Topless kasi siya, tanging boxer short niya lang ang nakatapis sa katawan niya.

"Stop staring, I'm tempting."

Sinabi niya iyon nang hindi tumi-tingin sa akin. Seryoso siyang nanonood sa palabas. We're now watching The Conjuring. Shit! Ayoko pa namang manood ng horror kasi napapaginipan ko ito.

Nang nasa part na tumahimik ang palabas, nagtakip ako ng mata sabay talikod. Maya-maya, biglang tumunog ang palabas ng nakakapag talon ng diwa ko. Buti na lang naka talikod ako ngayon.

"Why you turn away?"

Hindi ko siya sinagot. Sa halip sumandal ako sa balikat niya na nakatakip ang kamay sa mata. Ayoko talaga ng mga palabas na ganiyan.

Naramdaman ko ang kamay niyang nakahawak sa ulo ko at nilagay ito sa balikat niya. His warm and soft hand makes me feel better.

"'Wag ka ng matakot, I'm always here for you. I won't let you feel scared."

Nasa gano'n kaming sandali ni sir Stanford nang biglang bumukas ang pinto at iniluwa nito si SIR Zazdrick at ma'am Lishia na gulat na gulat sa nakikita. Nakita ko pang umiwas ng tingin si SIR Zazdrick.

"Fratello, Amasia, what you guys doing?" si ma'am Lishia.

Lumayo ako at umiwas ng tingin. Bakit ko ba kasi hinayaan ang sarili kong sumandal sa balikat niya. 'Yan tuloy, nakita kaming gano'n ni ma'am Lishia at SIR Zazdrick.

Tumayo si sir Stanford at pumunta sa mga kapatid. "Lishia, you look beautiful today."

Naglakad si SIR Zazdrick paakyat ng hagdan nang pigilan siya ni sir Stanford. Bahagya itong lumingon pero pinagpatuloy pa rin ang paghakbang hanggang sa mawala siya sa paningin ko.

"Kuya, ano 'yong nakita ko? Akala ko ba lulubayan mo na siya? Pero bakit nakita kita at ang masama pa nakita ni Zazdrick. Nahuli ka niya sa akto."

He sighed. "I didn't intentionally touched her. Sadiyang na dala lang ako sa emosyon ko. She was afraid and she needs comforter."

Ma'am Lishia sighed. "Fine, hindi mo na sinasadya but how would you explain it to your mortal enemy brother?"

Ngumiwi si sir Stanford. "I know, he'll understand what I've done. Zazdrick was a pragmatic and stern man but he's not hotheaded. May puso siya and he's willing to listen no matter how sour you were."

"Okay if you say so, by the way may I leave you here fratello. May gagawin pa ako sa kitchen. See you later."

Naglakad papunta sa kitchen si ma'am Lishia sabay pasok. Bumuntong hininga ako nang naka pasok na siya. Bumalik naman si sir Stanford sa gawi ko sabay upo.

"Hey, you okay?"

Tumango ako. "I'm fine, sir. 'Wag na po kayong mag-alala sa akin."

He sighed. "Amasia, sorry. I didn't intentionally touched you. Na dala lang ako ng emosyon ko. You're scared and you need some comforter kaya nagawa ko 'yon."

I smiled. "Sir ano ka ba, okay lang 'yon. Dapat nga ako pa ang dapat magpasalamat sa 'yo eh dahil pinagaan mo ang loob ko."

He smiled. "No wonder why he likes you so much. You're so gold heartened at hindi na ako magtataka kung lahat ng lalaki magkakagusto sa 'yo."

Ano bang pinagsasabi niya? At sino ang tinutukoy niyang may gusto sa akin? Sa loob-loob ko.

"Lahat? So... pati po kayo?"

"I didn't say anything, sinabi ko lang na maganda ka but I didn't say na may gusto ako sa 'yo. Yeah, there's no doubt why everyone likes you."

Ano bang pinagsasabi niya? Anong everyone? Eh wala pa ngang nag confess sa akin tapos sasabihin niyang may gusto sa akin? Ayaw ko sa lahat 'yong torpe, kasi paano niya patutunayang kaya niya akong ipaglaban kung mismo niya, wala siyang tiwala.

"By the way, maiwan na muna kita. May gagawin lang ako sa kwarto ko."

Naglakad siya paakyat ng hagadan. Nang hindi ko na siya makita sa paningin, pumunta akong pool at nag muni-muni. Bakit ba parang may tinatago sila sa akin? Pati si ma'am Lishia, parang may linilihim siya sa akin.

Nasa kalagitnaan ng pagmu-muni-muni nang biglang tumunog ang telepono ko. Kinuha ko ito sabay sagot.

"Hello, ma."

"Anak... ang papa mo..." 'di niya matuloy-tuloy ang sasabihin.

Nagsimulang tumibok ng mabilis ang puso ko. Bakit parang iba ang pakiramdam ko? Ano kayang nangyari kay papa? Uuwi pa ako ng pilipinas kaya sana makita niya ako.

"Bakit po? Ano pong nangyari kay papa, ma?"

"Ang papa mo... naaksidente. Nasa ospital kami ngayon. Sabi ng doktor naapektuhan daw ang ugat ng utak niya sa pagkabunggo niya. You're father is in critical condition right now."

Parang binagsakan ako ng pag-asa ng marinig ko ang sinabi ni mama. Tinapos ko na ang tawag sabay takbo papunta sa kwarto ko. Bakit ba 'to nangyayari sa akin? Ano bang kasalanan ko para maranasan 'to?

Pagkapasok ko sa loob ng silid, sinara ko ng malakas ang pintuan sabay upo sa kama ko. Hinayaan kong tumulo ang mga luha kong kanina pa nagpipigil. Napa yakap ako sa unan ko. Isinara ko ang mga mata ko at hinayaang sakupin ng dilim.

'Di kalaonan, nagising ako nang may kumakatok sa pintuan. Pinunasan ko ang luha ko at saka naglakad papunta sa pintuan. Pagkabukas ko, bumungad si ma'am Lishia sa akin.

"M-Ma'am, ano pong kailangan niyo?" paos kong tanong.

Napansin ni ma'am Lishia ang ilang butil ng luha ko sa gilid ng mata ko. Umiwas ako ng tingin.

"Are you crying?"

Umiling ako. "O-Okay lang po ako. 'Wag na po kayong mag-alala sa akin."

She forcedly smiled and then went inside of my room. I wiped my tears as I'm on his back, forcing not to cry in front of her. Umupo siya sa kama ko.

"C'mon Amasia, tell me. What's wrong? Do you have problem?"

Umiling ako pero too poor kasi 'di siya naniwala sa sagot ko. She sighed and stood up then walks to me.

"You can't fool me Amasia. I know you have problem. I saw you awhile ago. Bursting a cry and can't believe that's happening. I understand you Amasia. Sana magpakatatag ka."

— —

ShineInNightt