Chapter 34

Quarrel

Hindi ko inasahan ang nakita ko kanina. 'Di ko maintindihan kung bakit may litrato kami kasama ang pamilya ko. Ano ba talaga ang nangyari sa akin? Kami ba talaga pero nakalimutan ko lang? Sunod-sunod na tanong ko sa isip.

Nagpahangin muna ako kasi 'di ko maintindihan kung bakit gano'n ang atmosphere sa kwartong iyon. I really want to know the truth.

Hindi pa man ako nakakapasok sa loob ng ospital nang may tumawag sa akin. Base of my instincts circulating to my mind. Alam kong si Herrick iyon. Lumingon ako at nakita ko nga si Herrick.

Lumapit siya sa akin. "What are you doing here?"

"Refreshing."

Kumunot ang noo niya. "Refreshing? By the way, bakit ka nga nandito?"

I saw his eagerness to know why am I here. Should I tell him na nandito ako dahil kay Zazdrick? Sa loob-loob ko. Ewan.

Hinarap ko siya. "Naaksidente ang amo ko."

Nagulat siya. "Seriously? Bakit?"

I sighed. "Sabi ng witness, mabilis daw 'yong takbo ng nakabangga and so with him."

"Okay lang ba siya?"

I nodded. "Oo, may minor fracture lang sa binti niya."

"Buti naman, walang nangyaring masama sa kaniya. Eh ikaw, okay ka lang ba? May nilihim ka sa 'min, Amasia. Bakit mo nagawa 'yon?" si Herrick.

Alam na nila? Sana maintindihan nila ang explanation ko. Hindi ko lang naman sinabi sa kanila para 'di sila mag-alala. Alam ko namang mali 'yong ginawa ko, inaamin ko iyon pero para lang talaga sa kanila 'yon.

"Alam niyo na? Paano? Si mama ba?"

Seryoso niya akong tinitigan. "Sinabi ni kuya lahat. Your dad is in ICU, right?"

Tumango ako. Wala na ring dahilan para 'di ko aaminin ang totoo. Alam na nila eh. Tiyak kong nagtatampo na 'yon si Astrid sa akin.

"See? You hide to us. Wala ka bang tiwala sa amin?" seryoso niyang tanong.

Hinawakan ko ang kamay niya. "Herrick, please... let me explain. Ginawa ko lang naman 'yon para 'di kayo mag-alala sa akin. Astrid came here for work not to carry my burdens."

"F*ck that explanation, Amasia. Sa tingin mo ba hindi kami tutulong sa 'yo? Alam mo ba napapansin ka naming tulala sa kawalan. 'Yon pala may problema ka pero natatakot kang sabihin sa amin, right?"

I shook my head. "No... it's not. Hindi totoo 'yong sinasabi mo Herrick. Ginawa ko 'yon para sa inyo. Ayoko nga sabing mag-alala kayo sa akin."

"Sa tingin mo ba hindi kami nag-alala nang hindi mo sabihin ang totoo sa amin? Amasia naman... may mga mata kami at napapansin namin iyon, may damdamin kami at nararamdaman namin iyon."

I stooped. "Sorry, hindi ko sinasadyang gawin 'yon sa inyo. Believe me, I trusted you and Astrid pero ayoko lang sirain ang kasiyahan niyo."

Napatingin siya sa itaas dulot ng iritasyon. "Sirain? Alam mo bang sira na ang kasiyahan namin. Nagpapanggap lang kami para sa 'yo. Nararamdaman namin ang dinadala mo kahit hindi mo sinabi sa amin. Gano'n kami nag-alala ni Astrid sa 'yo."

"Sorry..." Nagsimula ng tumulo ang mga luha ko.

He sighed at saka niyakap ako. "Don't do that again. Alam naming may problema ka, pero sana sabihin mo rin naman ito sa amin. Hindi naman kami nasisiyahan sa mga inaasta mo eh. Halatang-halata ka na may dinadalang problema."

"Pangako, hindi na mauulit iyon."

"'Wag kang mangako. Kasi minsan ang pangako napapako, so don't leave promises Amasia."

Bumitaw siya sa akin sabay halik sa noo ko. "Magpakatatag ka. Kailangan ka ng pamilya mo. Nandito lang kami para sa 'yo."

Ngumiti ako. "Salamat."

He wiped my tears. "Pshh... don't cry baby."

Tumawa siya ng malakas. Hinampas ko nga sa dibdib pero parang wala lang sa kaniya iyon. Parang hindi siya nakaramdam ng sakit.

"Dami mo talagang kalokohan."

Ngumiti siya. "'Yan, ngiti ka lang. smile your problems Amasia. 'Wag kang magpadaig sa problema mo. Tandaan mo, you're the captain of your ship."

Ngumiti ako. "Thank you Herrick."

Ngumiti siya. "You're welcome my princess."

Magsasalita pa sana si Herrick nang biglang may isang kotseng huminto sa tapat namin. Nang binaba nito ang windshield, nakilala ko kung sino ito. No other than, sir Stanford.

"Amasia, why you are here? 'Di ba dapat nasa loob ka para bantayan ang pasaway kong kapatid?"

"Nakatulog po siya at nagpapahangin lang po ako dito."

Dumapo ang tingin niya sa kay Herrick na naka hawak sa balikat ko. Hindi ko inasahan ang susunod na nangyari. Lumabas si sir Herrick sabay hila sa akin.

"Aray sir... nasasaktan po ako."

"Hands off," mahina ngunit may awtoridad na sabi ni Herrick.

Binitawan ni sir Stanford ang kamay ko at saka nakipagtaasan ng tingin kay Herrick. Sa tingin ko, mukhang magsusuntukan ang mga 'to.

Naka suot si Herrick ng white polo shirt at black na short pants na palagi niyang sinusuot. While sir Stanford wore a black polo shirt at jeans.

"Sino ka ba, ha? Kaano-ano mo ba si Amasia? Magkakilala ba kayo? Or... you're harassing him. You pervert!" si sir Stanford.

'Di rin nagpatinag si Herrick. Tinaasan din niya ito ng tingin si sir Stanford.

"Bakit ka nagtatanong? Kayo ba?" tanong ni Herrick.

Gusto ko silang pigilan pero mas inaalala ko si papa at si... nevermind. Bakit ko ba siya inaalala eh minor lang naman ang lagay niya 'di katulad kay papa.

"Hindi, pero tandaan mo. Kahit may singsing ng nakasuot, mababawi pa rin ito kung gugustuhin."

Namilog ang mata ko sa sinabi ni sir Stanford. Ano bang mga pinagsasabi niya? Anong sing-sing? Anong maagaw? Sino ba ang tinutukoy niya? Sa isip ko.

"May balak ka bang agawin siya sa nagmamay-ari sa kaniya, ha?" si Herrick.

"Kung sasabihin kong oo may magagawa ka? Besides... wala rin namang kwenta 'yong lalaking 'yon. She deserve a man like me."

Tumawa ng malakas si Herrick. Alam kong peke 'yon. Nakita ko namang umiba ang timpla ni sir Stanford.

"A man like you? Are you joking? Eh hindi mo nga siya mapantayan eh."

"'Wag mo akong igaya sa 'yo, mahina. Hindi ako katulad niyo na mga bobo."

Napantig ang tenga ni Herrick. Nakita kong kumuyom ang kamao nito. Pipigilan ko sana sila pero huli na nang nagsuntukan ang dalawa.

"Gago ka!" sigaw ni sir Stanford.

Maya-maya may umawat sa kanila. Nagpupumiglas si sir Stanford pero hindi siya makakawala dahil mga malalaking tao ang umawat sa kanila.

"Mas gago ka. Sarili mong kadugo, ginagago mo!" sigaw ni Herrick.

Pumagitna ako sa kanila. "Bakit ba kayo nag-aaway? Sino ba ang tinutukoy niyo?"

Hindi sila sumagot bagkus naglakad si sir Stanford patungo sa sasakyan niya at pumasok sa sasakyan sabay harurot.

— —

ShineInNightt