Chapter 37

Mutual friend

Amasia's P.O.V.

Kainis talaga. Sabi niya gusto niya ako pero malaman-laman ko, may fianceè na pala siya. Aba, napaka tindi naman talaga. So ano ako? Kabit? He wish! Buti na lang talaga hindi ko sinunod ang sinasabi ng puso ko.

"Hoi Amasia. Tulala ka na naman," panggambala niya sa iniisip ko.

Tinignan ko siya. "Ano?"

Huminga siya ng malalim. "Hay nako, kung 'di lang ako kinausap ni Herrick baka 'di pa tayo bati hanggang ngayon."

Kinausap kasi siya ni Herrick na patawarin ako. Nag-iinarte na naman kasi ang bruha. I know I hide about what happaned to my father at alam ko namang naiintindihan niya ako. Pinaliwanag ni Herrick sa kaniya ang lahat at naliwanagan naman siya.

Bumalik si Herrick at may dala na itong pagkain. Inilapag niya ito sa mesa sabay upo sa tabi ni Astrid. Napapansin ko ang close na ni Herrick kay Astrid parang may dapat akong malaman sa kanila.

"Let's eat," si Herrick.

Kukuha sana ako pero nauna si Herrick at isinubo kay Astrid. Humalukipkip na lang ako sabay tingin sa kanila. May something talaga sa kanila eh. Ano kayang tinatago ng mga ito. Gusto kong malaman.

"Masarap ba mhie?" tanong ni Herrick kay Astrid.

Mhie? Huh? Hindi ako nagsalita sa halip, pinagmasdan ko lang ang mga kinikilos nila. Kumuha si Astrid ng fries at isinubo kay Herrick. Natawa pa si Astrid kasi ngumuso ito. Pinahiran ni Astrid ang cheese stain sa gilid ng labi ni Herrick.

"Bakit ka natatawa mhie?" seryosong tanong ni Herrick kay Astrid.

"Para ka kasing bata." Pinisil ni Astrid ang matangos na ilong ni Herrick.

Nag pout ito sabay halik sa labi ni Astrid. Nagulat ako sa ginawa ni Astrid. May pa halik-halik na sila ngayon, ha. Ano ba talagang meron sa kanila? Na ko-curious tuloy ako.

"Bakit mo ginawa 'yon?" naguguluhang tanong ni Astrid.

"I hate pinching my nose." Pinisil ni Herrick ang matangos ring ilong ni Astrid.

Eh 'di, kayo na. Sa isip ko.

"Ano ba Herrick? Masakit ha," reklamo ni Astrid.

"Sorry mhie, I didn't mean it." Hinawakan ni Herrick ang mukha ni Astrid saka hinalikan ang ilong nito.

Nagkatinginan silang dalawa. Kung maka landi ang dalawang ito parang wala silag kasama ah. Oo na, kayo na may love life. Tsk.

Tumikhim ako. "Puwede po ba akong makikain?"

Natigilan naman sila at umayos sa pagkaka-upo. Umiwas ng tingin si Astrid habang si Herrick naman naka yuko. Ngayon pa talaga sila nahiya. Eh kanina pa nga sila naglalandian sa harap ko.

"S-Sure," si Herrick.

Kumuha ako ng isang bunch ng fries at isang burger. Ikakain ko na lang 'tong nararamdaman ko. Paasa 'yong loko na 'yon. Maypa confess-confess pa siyang nalalaman, eh may fianceè na pala ang loko.

Hindi ko maiintindihan kung bakit bigla akong nainis nang dumating ang fianceè niya. Eh hindi naman kami magkakilala. At 'yong sinabi niyang na amnesia ako. Siguro sabi-sabi niya lang iyon para utuhin ako.

Tama ng siguro ang sabi ni sir Stanford. Isang napaka laking manloloko ng kapatid niya. Tama na sigurong 'di ko na lang siya pansinin. He deserve that anymore. Sana nakinig na lang ako kay sir Stanford.

"Amasia," pagtawag ni Astrid.

Lumingon ako sa kaniya. "Bakit?"

Huminga siya ng malalim. "Anong bakit? Tinatanong ka namin kung okay ka lang ba pero parang 'di yara narinig kasi tulala ka na naman."

Bakit ko ba kasi siya naiisip. Hindi kami at mas lalong walang kami. Hindi na ulit ako magpapaloko sa kaniya. Isa siyang napakalaking gago.

"Huh?"

Huminga ng malalim si Herrick. "Baka iniisip niya 'yong amo niya mhie. Ano bang pangalan no'n? Zazdrick?"

Umiwas ako ng tingin. "Hindi, 'no."

"Hindi daw. Lokohin mo lolo mo Amasia," sabat ni Astrid.

Ewan. Ayokong marinig ang pangalan niya. Naiirita lang ako. Hindi pa rin maalis sa isip ko ang mga nakita ko kanina.

I sighed. "Puwede ba, 'wag muna natin siyang pag-usapan? Marami akong iniisip ngayon at ayokong madagdagan pa 'yon."

"Okay, sabi mo eh... by the way mhie. Labas tayo ngayong bukas. Punta tayong De Vellara. Masarap daw 'yong pagkain do'n," sabi ni Herrick kay Astrid.

"Sige, wala rin naman akong gagawin bukas."

Tinignan ko silang dalawa. Natahimik naman sila. Ano bang meron sa dalawang ito.

"Ano na ba ang status niyo?"

Nagulat sila pareho sa tanong ko. Umiwas ng tingin si Astrid habang gulat na nakatingin si Herrick sa akin.

"W-What do you mean, Amasia?"

"Ano bang meron sa inyo ngayon? Hindi niyo ba napapansin ang mga kinikilos niyo?"

"We're..." pangbibitin ni Herrick.

'Wag niyang sabihing sila na. Nako, 'di puwede iyon. Lalo na't hindi ko pa binibigyan ng basbas si Astrid na magka-boyfriend.

"Were mutual friend, Amasia. Why?"

Mutual friend? Gano'n na ba talaga ang friend sa kaniya? Bakit ba ang pa-fall niya masyado. Napansin ko si Astrid na tumingin sa labas. Alam kong nasaktan si Astrid sa sinabi ni Herrick.

"Mutual friend? Eh paano mo mapapaliwanag ang tawagan niyo? Hindi pa kayo pero may tawagan na kayo."

He sighed. "Ah... 'yong mhie? Mhie means my friend. Pinaikli lang."

Hindi ko na talaga alam bakit ganito ka sweet si Herrick sa mga kaibigan niya. Buti na lang 'di ko siya gusto. Pero nasasaktan ako para kay Astrid. Sino ba kasi ang 'di mag-aasume sa mga kinikilos niya. Nagbibigay siya ng motibo na para lang pala sa wala.

"Mag re-restroom lang muna ako." Tumayo si Astrid at naglakad papunta sa restroom.

Matalim kong tinignan si Herrick. Kumunot naman ang noo niya. Hindi niya talaga alam na may nasasaktan na siya. Palagi na lang siyang ganiyan.

"Anong ginawa mo Herrick?"

His brows furrowed in confusion. "W-What are you pointing, then?"

"Hindi mo ba alam kung ano ang mga pinaggagawa mo, ha? Hindi mo ba alam nakakasakit ka na ng tao. You're too insensitive, Herrick. Makiramdam ka naman for once. Hindi mo ba napapansin ang mga bagay-bagay, ha?"

"Ano bang pinupunto mo, Amasia? Ano bang gusto mong sabihin—"

"Mahal ka niya, ramdam ko 'yon. Pero parang wala lang 'yon sa 'yo. Ang trato mo lang sa kaniya ay bilang isang kaibigan pero kung kumilos ka, parang gusto mo siya. Nagbibigay ka ng motibo na para lang pala sa wala. Pare-pareho lang kayo. Mga paasa."

"Ano bang sinasabi mo, Amasi? Na gusto ako ni Astrid? 'Yon ba? Paano mo naman nasabing gusto niya ako?"

"Herrick naman, ganiyan ka na ba talaga, pa-fall? Makiramdam ka naman for once."

Tumayo ako at naglakad papunta sa restroom. Kailangan kong maka-usap si Astrid. Alam kong nasaktan siya sa sinabi ni Herrick. Bakit ba kasi ang insensitive niya? Bakit ba hindi siya nakakaramdam na may gusto na pala ang tao sa kaniya?

— —

ShineInNightt