Dead 15 (Part 2)

Chapter 15

Kiera POV

"Bitawan niyo siya!" Madiin na sambit ko sa mga lalaking hawak hawak si Tyler. Malaki ang pangagatawan nito at maraming tatoo ang katawan.

"Bibitawan lang namin siya kung sasama ka saamin." Deretsong saad nito saakin.

"Ano ba ang kailangan niyo saakin!"

"Marami"  Nakangising wika nito.

Naalarma ako dahil sa biglang paghigpit ng hawak nito sa bata.

Mahigpit na hinawakan ko ang baril at tinutok sa kanya.

"Sige iputok mo! At sabay-sabay tayong mamamatay ng batang ito!"

Nanginginig ang mga kamay ko. Hindi dahil sa takot sa sarili ko kundi ang takot kung ano ang maaari nilang gawin kay Tyler at sa mga kasama ko.

Marami sila at nakatutok ngayon ang kanilang mga baril saakin.

Napadaing nalang ako ng biglang kumirot ang dibdib ko. Unti-unti kong nararamdaman ang panlalambot ng mga tuhod ko at hindi ko napigilang mapaluhod.

"They are controlling me"

Hindi ko ito kayang pigilan.

Nanlalabo na ang mga mata ko ngunit pinipigilang kong pumikit sa kadahilanang nasasaktan akong makita si Tyler ngayon na puno ng takot at pag-aalala.

Pilit akong bumabangon.

"S-sasama na a-ako." Hirap na banggit ko.

"Pa-pakawalan niyo na ang bata."

Napangisi naman silang lahat. Unti-unti kong inaabot ang kamay ni Tyler at agad na hinila siya papunta saakin.

"A-ate huwag kang sumama sa kanila!" Pagmamakaawa nito.

"Ano na?! Usapan ay Usapan Bata. Huwag kang gumawa ng maling kilos kundi pareho kayong mamamatay!"

Hinaplos ko ang muka nito.

"Maging maayos din ang lahat." Saad ko at tumayo.

"Kiera! Huwag kang sumama!"

Bigla akong napalingon sa nagsalita. Nakita ko yung mga kasama ko. 

"Sino kayo?!" Nang-gagalaiting saad 'nung lalaki kanina habang nakatutok ang mga baril sa kanila. 

Bigla-bigla rin silang bumunot ng kani kanilang mga baril.

"Anong ginagawa niyo!" Sigaw ko sa kanila. Marahas akong lumingon sa lalaki.

"Huwag mo silang idadamay dito." Mahinahong saad ko.

"Huh, sino ba ang mga 'yan? Kaibigan mo? Tsk tsk."

Kaibigan..

Kaibigan ko na ba talaga sila? Napailing nalang ako. Ayokong magtiwala sa kanila. Hindi ko pa sila lubusang kilala ngunit taliwas naman ito sa nararamdaman ko. 

Naguguluhan ang isip ko, nalilito.

Bakit nga ba kasi sumama pa kami sa kanila ni Tyler?

Napatigil ako, pwede kong iwanan sa kanila si Tyler at lumayo sa kanila. Mapapahamak lamang sila kung nasa tabi nila ako.

"Keira! Sino ba ang mga 'yan!" Sigaw ni Mia.

"Pag-usapan natin 'to." Seryosong saad ko.

"Sabihin mo muna sa kanilang ibaba ang mga baril nila." Naningkit ang mata ko at inoobserbahan ang bawat galaw nila.

Lumingon ako sa likod.

"Ibaba niyo ang mga baril niyo." Sabi ko. Nagdadalawang isip pa sila ngunit wala na silang magagawa.

Malapit ko ng mahawakan si Tyler ngunit hindi ko inaalis ang paningin ko sa mata ng lalaking ito.

Nang malapit na saakin si Tyler agad ko siyang hinila at sinipa ang baril sa harap ko kung kaya lumipad ito sa taas para masalo ko at agad na ipinutok.

"Takbo!!!" Sigaw ko sa bata habang pinoprotektahan siya papunta sa iba.

Sunod-sunod ang mga putok ng baril ang maririnig sa buong lugar. Napatago ako sa isang sasakyan malapit saakin.

"Keira! Sino ba ang mga 'yan!" Tanong ni Mia habang bumabaril.

"Bad guys." Tanging nasambit ko habang nagpapaputok.

"Guys! Kailangan na nating makaalis sa lugar na 'to dumadami sila!" Sigaw ng isang lalaki, Vans yata to.

Hindi na kami nagpaligoy-ligoy pa at nagmadali sa pagtakbo.

"G-guys!"

"Ace! No---!!!!!!!"

*bang*

"No"

Kitang-kita ng dalawa kong mga mata ang pagbaril sa ulo ni Ace  at ang pagkahandusay nito sa lupa.

"Xander! Waggg!"

Bigla nilang hinila si Xander na akmang pupuntahan ito.

"G-guys, pl-please u-umalis na tayo dito."

Pasan pasan ni Kyler si Tyler sa kanyang likuran. Panay naman ang palitan ng mga putok ng baril.

Lumiko kami sa isang eskinita ngunit agad naman kaming napatigil at inamba ang mga baril namin sa grupo ng mga naka uniporme at armadong mga lalaki.

"Sino kayo!" Pagtatanong ni Kyler.

"Relax guys you're safe now."

Agad naman na nahawi sa gitna ang grupo ng mga lalaki upang bigyan ng espasyo ang isang lalaki.

Isang ngiti ang bumungad saamin.

Ngiting hindi ko alam kung bakit ang lakas ng epekto saakin.

"Kuya Aries!" Tumingin ako sa kanila at sa lalaki at agad naman siyang sinunggaban ng yakap ng mga babae at umiyak.

"Hey, what happened?"

"K-kuya si Ace---huhuhu"

"He-he's Dead."

Bakit feeling ko, kasalanan ko?

Nang dahil saakin nawalan sila ng kaibigan.

Ba-bakit---

"Keira, okay ka lang ba?" Napatingin ako kay Abegail na nasa tabi ko at mugto parin ang mga mata.

"Ewan ko." Mahinang saad ko at  tumingin sa bintana ng army truck.

"Kung ano man 'yang iniisip mo, magiging maaayos din ang lahat, makakabalik na tayo ng safe zone." Sabi niya at ngumiti.

Oo, makakabalik na kayo ng safe zone pero hindi yata ako nababagay doon.

Malalagay lang kayong lahat sa panganib.

"Na-walan u-uli tayo ng isang kaibigan." Mahinang usal ni Kyler.

Uli?

Kung sabagay, marami narin silang pinag-daanan. Hindi malabong may namatay.

"Andito na tayo."

Napatingin ako sa napakataas na pader at unti-unting pagbukas ng tarangkahan.   

Isa-isa kaming bumaba.

"Parang may nagbago dito." Sabi ni Mia na nasa tabi ko.

"Matagal na tayong nawala kaya ganyan." Biglang saad naman ni Christine.

"Okay, kayo ng bahala dito. Iiwan ko muna kayo. Alam niyo naman ang pasikot sikot sa lugar at wala namang nagbago dito." Saad 'nung Aries at tumalikod saamin kasama ang mga armadong mga lalaki.

"Tara na Kiera." Anyaya ni Mia at sumama naman ako. Nakita ko na ang mga lalaki sa unahan at naging kampante naman ako dahil kasama nila si Tyler.

Tama ba 'tong pinasok ko? Magiging okay ba ako? Hindi ko pa rin alam ang tunay na pagkatao ko at kung saan ako nanggaling. 

Makakatulong ba sila saakin?

Pumasok kami sa isang silid at bumungad saamin ang nakahilerang  kama, anim na kama.

"Pumili ka na Kiera kung saang kama ka." Saad ni Mia.

Pumunta ako sa pinakadulong bahagi ng kama.

"Pwede ba dito?" Pagtatanong ko.

Nagkatinginan silang tatlo.

"May problema ba? Sige doon nalang ako sa kabila."

"Wala naman problema. Diyan ka na Kiera."  Mabilis na saad ni Abegail.

Tumango nalang ako bilang tugon at umupo ng kama.

Naramdaman ko naman ang paghiga ni Abegail sa katabing kama.

Narinig ko naman ang buntong hininga niya.

"Actually 'yung may-ari niyan ay wala na." Panimula niya.

"Anong ibig mong sabihin?"

"Wala na siya, nasa heaven na. Hehehe."

Napatitig ako sa kanya.

"Matalik na kaibigan niyo siguro siya."

"Hahaha. Oo, ng dahil saakin nawala siya." Nakita ko ang butil ng luha na pumatak sa pisngi niya.

"Niligtas niya kasi ako eh. Haist!" Mabilis siyang bumangon at nagpahid ng pisngi.

"Pasensiya na Kiera. Hehehe"

"Okay lang. Kung saan man siya ngayon siguradong masaya siya at nailigtas ka niya." Saad ko at nagulat na lamang ako ng bigla niya akong yinakap.

"Salamat Kiera."

Done