Eoilogue
Aira POV
"Hindi pa ba sa nagigising?"
"Hindi eh."
"Okay na man daw yung mga vital's signs niya kaya huwag kang mag-alala uy!"
Unti-unti kong binuksan ang talukap ng aking mga mata at napapikit uli dahil sa silaw.
Pero hindi iyon naging hadlang para hindi ko masilayan ang paligid.
"OMG! Gising na siya!"
"Aira, can you hear us?!"
Halo halo ang aking naramdaman ng masilayan ko muli ang kanilang mga mukha.
Totoo na ba ito?
Hindi ba ako nanaginip?
Maya-maya pa ay nakaramdam ako ang pagpahid ng kung ano sa mukha ko.
"K-kyler" Untag ko sa lalaking nakatingin saakin at siyang nagpahid ng luha ko na hindi ko manlang naramdaman.
"Grabe ka Aira! Si Kyler talaga yung una mong pinansin?!" Napatingin ako sa babaeng umiiyak ngayon.
Lihim akong napangiti.
"S-sino ka?" Pagkukunyare ko at halos matawa ako ng bigla siyang umatingal na parang bata.
"J-joke lang." Saad ko at agad naman akong binatukan.
"Hey!" Pagsisita sa kanya ni Kyler.
Lumapit naman saakin ang iba.
"G-guys." Saad ko at ngumiti naman sila habang. maiiyak na.
"Ba't kayo umiiyak? Ke lalaking tao." Saad ko.
"Okay na si Aira! Nakapag joke na!" Sigaw ni Lee.
Dahan dahan akong umupo sa kinahihigaan ko.
"Aira!" Sigaw ng mga babae at agad akong dinamba ng yakap.
"Miss na miss ka namin! Hindi kami makapaniwala! Huhuhuhu!" Atungal nila. Agad naman akong napaiyak ng maalala ang mga nangyari.
Kumalas sila ng yakap at nagpahid ng luha.
"Tapos na diba?" Tanong ko at tumango silang lahat.
Hinawakan naman ako ni Mia sa kamay.
"Nagawa natin Aira, nagawa mo."
Hindi ako makapaniwala.
"Ate Aira!!!!" Bigla silang nahawi para bigyan ng daan ang tumawag saakin.
"DenDen" Saad ko at sinalubong niya akk ng yakap.
"Ate! Huhuhu! Nabalik naba ala-al mo? Lahat ate?!" Pagtatanong nito.
"Oo, natatandaan ko na lahat kahit iyong pag hingi mo ng piso noon saamin ni Mia." Bigla naman humagikhik ang lahat.
"Ate naman." Saad nito.
Nagpalinga linga ako sa paligid.
"Si Tyler hanap mo ate?"
Agad akong tumango.
"Oo, asan siya?"
Tumakbo naman bigla si DenDen at may kinaladkad.
"Tyler." Tawag ko sa batang kaladkad ni DenDen.
"Nahihiya daw po siya ate!"
"Halika nga dito!" Saad ko at nakayukong lumapit.
"A-ate Kie-ay mali ate Aira." Saad nkto at napangiti ako.
"Ako parin naman ang ate Kiera mo eh." Saad ko at napatingin naman ito saakin.
"Atee!" Sigaw nito at yumakap uli saakin.
"Namiss po kita!" Sabi niya at habang patuloy sa pag-iyak.
"Ate, si Chiena nga po pala!" Pagpapakilala nila sa isang batang kasama nila.
Lumapit ito saakin.
"Hello po ate!"
"Hello!" Bati ko.
"Airaaa!" Agad akong napabaling sa isang lalaking papalapit at akma akong yayakapin ng hilahin ito ni Kyler sa may leeg.
"Joke lang naman!" Tawang tawang saad ni Ace.
Maya-maya pa ay may dumating.
Agad na sumibol ang matinding pangungulila ko rito.
"Daddy."
"Anak ko." Saad nito at yinakap ako ng mahigpit.
"Sobrang miss na miss ko po kayo!" Saad ko habang umiiyak.
Hinaplos haplos nito ang buhok ko.
"Hindi ko inaasahang masisilayan kita muli anak ko."
Kumalas ako ng yakap at pinahid ang mukha ko.
"Kuya!" Pagtawag ko at kagaya ng ginawa ni Daddy ay yinakap muli ako nito.
"Ang tibay ng kapatid ko. Ilang buhay ang meron ka?" Biro nito kaya natawa nalang ako.
Kumalas ako sa pagkakayakap at tiningnan sila.
Sumibol bigla ang kapayapaan sa puso ko ng nakita kong kumpleto silang lahat at nagpapasalamat akong hindi nila sinayang ang ginawa kong sakripisyo noon. Hahahaha
Napamulat ako ng aking mga mata habang inaalala ang mga sandaling iyon.
"Guys! Ready na kayo?!" Napatingin ako kay Lee na ngayon ay may bitbit na bag.
"Wow! Bagay na bagay saatin itong uniform! Ahhhhhh!" Kinikilig na wika ni Christine.
Inayos ko ang suot na uniform ko.
"Bagay sayo 'yung uniform." Napatingin ako sa lalaking tumabi saakin at bahagya akong hinalikan sa noo.
"Yiieeee! Ang sweet!!!" Tukso nila na pinangungunahan ni Mia.
"Eh bakit 'di ka magpahalik sa jowa mo?" Tukso ni Christine at namula naman ito gayundin si Lee. Susss anlalandi.
"Hoy Christine, wag kang ano diyan! Gusto mo bang sabihin ko ng gusto mo si Vans?!" Hamon ni Mia.
"H-hoy! Tumigil ka Mia!"
"Hello Vans!" Bati ni Mia na nakatingin sa pinto at halos matawa kaming lahat ng biglang tumakbo si Christine sa kusina.
Napailing nalang ako.
"Sana all." Napatingin naman kami kay Abe.
"Eh bakit di mo pa ako sagutin?" Manghang mangha naman kaming napatingin kay Ace. Ibang klase.
"Pa'no kita sasagutin eh ang yabang yabang mo?!"
Humagalpak naman kami ng tawa.
"Sorry na, eh isang taon na akong nanliligaw sayo pero okay lang, parang tayo rin naman eh" Mayabang nitong sabi.
Kaya na pa "oohhhh" nalang kami.
Bahagya kaming napatingin sa labas ng makarinig ng busina.
"Ayan na si Xander! The one and only lonely boy!" Sigaw ni Lee.
"Hoy, may nililigawan kaya siya!" Saad ko at nagulat naman ito.
"Talaga?!" Tanong nito.
"Oo katunayan alam naming lahat, mukhang ikaw lang ang hindi." Pambabara ni Mia at napapout naman si Lee na binatukan pa ni Mia.
Agad naming kinuha ang mgs bag namin at lumabas.
"Yasss! I'm ready!" Sigawan nila.
Agad kaming pumasok sa sasakyan habang si Xander ang nagd-drive.
"Lezzgo guys!" Sabi nito at pinaharurot ang sasakyan.
Makailang minuto nasa tapat na kami ng malaking gate.
"It's nice to be back!" Sigaw namin.
Hindi namin aakalain na ipagpapatuloy namin ang pag-aaral dito sa US.
Limang taon na ang lumipas pagkatapos ng lahat at masaya kami na mabilis naayos ang lahat sa tulong din ng nakatataas.
Noong mailigtas nila ako ay kaagad silang gumawa ng lunas, gamit din ng antidote na nakuha ni Mia sa loob ng laboratoryo.
Ang ginawa nilang lunas ay para mapatay ang mga natitirang infected sa mga bansang apektado, gumawa sila ng nuclear gas para masakop ang mga lugar, kaya unti-unting namamatay ang mga infected o kahit na anong mga nilalang. Sinigurado nila na hindi ito makasasama sa mga tao. Kaya ngayon ay naisaayos na ang lahat.
Limang taon na kaming naninirahan dito sa US at balita ko ay malapit nang mag recover ang bansa kung saan kami galing.
Ngunit wala akong pakialam kung saan man kaming bansa basta't kasama ko silang lahat ay kuntento na ako.
Nakaramdam ako ng paghawak sa kamay ko.
Tumingala ako kay Kyler na ngayon ay nakangiti. Ngumiti naman ako pabalik. Nakita ko ang iba na tumatakbo papasok at excited na excited. Nakita ko rin sina Tyler, DenDen at Chiena sa loob at kumakaway saamin. Ang laki na ng pinagbago nila.
"Let's go." Magkahawak kaming pumasok sa gate ng paaralan kung saan magbabago ng tuluyan ang mga buhay namin at magiging handa sa mga susunod 'pang mga hamon sa buhay.
End