Mitch POV
Ilang buwan na rin simuka ng dumating dito sa Monteverde Enterprise si James bilang company at syempre hindi naging madali sa akin ang pakisamahan siya
6 HOURS LATER
"Oh hindi ka pa aalis?" Tanong sakin ni Amanda
"Mauna na kayo"
"Geh mauna na kami bye" Jenny
Pagkaalis rin nila tyaka rin ako umalis at tinawagan si Greg
My friends have been with me since my downfall
"Hello Greg" "Oo" "Lalabas na ako"
"Bye"
Nasa Parking lot na ako ng dumaan si James sa harapan ko
"Hi Greg" bati ko sa kanya
"Whore nga naman oh" bulong ni James sakin at tyaka tumingin ng masama sakin kaya napatungo na lang ako
Bumaba si Greg at hinalikan nya ako sa cheeks at tyaka binitbit nya yung bag ko
Baliw talaga to andito sa harap namin yung asawa ko ... Pagtingin ko kay James nakatingin sya ng masama sa amin for sure mali nanaman iniisip nun
"Thanks" ngumiti lang sya sakin at pinaandar ung kotse nya
Kinabukasan maaga akong pumasok sa work ko maya maya ay dumating na rin itong mga workmate ko
"Uiiii! May taga sundo sya pakilala mo naman kami sa kanya " Jenny na tinutukso ako
"Oo nga may pakiss kiss pa ah kaya pala parang wala kang interest sa bagong boss natin kasi may papable ka na" Amanda
"Tigil---" di ko na naituloy yung sasabihin ko kasi dumating na si James waaaah bakit ba ganito sya ang sama ng tingin nya
"Good morning Sir" sabi ng mga katrabaho ko
"Good Morning Sir" sabi namn nila Jenny at Amanda
"Good morning sir" sabi ko naman sa kanya pero inirapan nya lang ako
"I want a cup of coffee" sabi nya sakin as usual mas malamig pa sa yelo ang pagkasabi nya sakin buti nga at di nagtatanong 'tong dalawa sakin
"Yes sir"
Pagpapasok nya sa office nya tyaka ako tumingin sa kasama ko
"Bat ganon yun ang sungit ni Sir hala! Baka narinig tayo ni sir na nag chi chismisan!" Panic naman na sabi ni Jenny
"Sige kuha saglit ako ng coffee ng boss natin at baka lalong magalit"
"Okay!" Amanda
"Sir Coffee nyo po" after kong magtimpla ng kape dumiretso na agad ako sa opisina niya
"Lock the door" James
"P-Po"
" Don't assume that we will do something because I will never touch you again because someone already touch you" James na halata sa tono ng boses nya ang pagkasuklam,pagkagalit at pagkainis sa'kin siguro he really hated me
Nilock ko na lang yung pinto at pinalagpas yung sinabi nya sakin ... Pag ka lock ko ng pinto pinaupo nya ako
"So may nilalandi ka nanaman! Bakit hindi mo pa pirmahan yung annulment papers natin kung ganun?!" Galit na sigaw sakin ni James kaya napa iyak na lang ako dahil nakakatakot iyong boses niya or dahil malaki na talaga iyong pinagbago niya?
"Hindi ko sya nilalandi kaibigan ko lang sya James maniwala ka naman sakin James" pagmamakaawa ko sa kanya habang umiiyak ako
"So kaibigan lang pala yung paghalik nya sayo sa cheeks ganun ba?" Galit na sabi sakin ni James
"Hindi ko sya nilalandi kasi nga kaibigan ko lang sya bakit ba ayaw mong maniwala sa akin James?!" Sinigawan ko narin sya
pagtingin ko sa kanya ang sama na nang tingin nya sakin
"Sorry James h-hindi ko sinasadyang sigawan ka " Sabi ko sa kanya pero umiwas lang sya ng tingin
"Hindi ba at sinabi kong wag kang umiyak sa harap ko" Sabi nya sakin kaya pinunasan ko ng marahas yung mga luha ko
"At tyaka bakit ka ba dito nagtratrabaho? Ano ginamit mo pa mommy ko para makapasok ka sa M.E ? " James
"Hindi ko ginamit mommy mo hindi ko nga alam na sa inyo to ang sabi ng mommy mo sakin sa friend daw nya!" Sigaw ko ulit sa kanya pero ang totoo noong una hindi ko alam na sila ang may ari nito at balak ko na sanang umalis pero pinakiusapan ako ng Mama niya 'yon pala may gusto nilang magkabalikan ulit kami ni James kaya kahit papaano thankful ako
"So ngayon magreresign ka na ba?" James na nakangisi
"No" matapang na sabi ko sa kanya. Hindi ko lang ito ginagawa para sa akin kundi para sa mga taong umaasa na magkakabalikan pa kami
"Ang kapal naman ng mukha mo" hindi makapaniwalang sabi niya sa akin
Umalis na lang ako para hindi na lumala pa lalo yung away namin
James POV
"Shit!" "Shit" "Shit"
Hindi ko dapat ito maramdaman dahil deserve niya ang matrato ng ganun pero bakit ganito ang nararamdaman ko nung nakita ko na umiiyak siya
"Dammit James! Get hold of yourself" kausap ko sa sarili ko
"Tok! Tok!"
"Come in" sabi ko
"Sir ito na po yung pinapa bili nyo po" Manong Kiko
"Thanks ... Paki sabi sa lahat may meeting" Sabi ko since lunch na kaya naisipan kong bumili at e-treat sila simula kasi ng dumating ako dito hindi ko pa masyadong nakakasalamuha iyong mga empleyado ako
After 15 minutes pumunta na ako sa Meeting office
"Ahm ehem"
"Good afternoon sir"
"Good afternoon sir"
"Good afternoon sir"
"Good afternoon sir" Sabi ni Mitch na hindi nakatingin sakin at halatang kakatapos lang umiyak
"Well pinatawag ko kayo dahil gusto ko kayong e-treat para magkaroon tayo ng magandang samahan" sabi ko sa kanila
"Salamat po sir!"
"Wow ang bait namn ni Sir"
"Thank you po sir!"
"Thank you po Boss"
"Ui Mitch pasalamat ka kay Sir" Amanda
"Salamat po" sabi nya ng hindi parin nakatingin, pake ko ba kung hindi siya tumingea
" Magandang samahan daw" epal naman na sabi ni Kevin
Umupo na ako sa gitna at sa gilid ko naman si Mitch tapos ung epakl kong pinsan na si Kevin tapos ung mga employee na iba
Nag-umpisa ng kumain iyong mga kasama namin pero hindi parin kunukuha si Mitch ng pagkain. Ayaw ba niya?
"Mitch kain ka na" sabi sa kanya ni Jenny
"Busog pa ako" rinig kong sabi ni Mitch
"Anong busog eh hindi ka nga nag lunch kanina" sabi naman sa kanya ni Amanda
"W-wala akong gana ... Excuse me " sabi nya at tumayo na sya kaya nga lang pinigilan sya ni Amanda
"Uii maupo ka nga dito mamaya magalit si Sir" sabay tingin sakin ni Amanda kaya umupo sya ulit
"Kain na kayo" sabi ko sa kanila pero hindi parin nya ginagalaw yung pizza at cake na nasa harapan nya
"Mrs.Monteverde dont you like the food?" Tanong ko sa kanya at diniinan ko talaga yung Mrs.MONTEVERDE hehe wala lang trip ko lang bakit ba?
"Sorry sir I need to go"
"Yun oh!" Sabi naman ni Kevin pinsan ko sya yung Vice President
"Mrs.Monteverde don't you like the food sabihin mo lang kung anong gusto mo mamaya magalit yung asawa mo sabihin hindi ka namin pinapakain dito habang wala sya" Kevin na tumingin sakin .. Sinamaan ko naman sya ng tingin at nagpeace sign kang siya, tarantado talaga
"Kaano ano mo si Sir Kevin, Mitch? Mukha kasi kayong close" curious na tanong naman nung isang empleyado
"Asawa niya pinsan ko" Sagot naman ni Kevin
"Sayang crush pa naman kita
Ma'am Mitch may asawa na pala kayo" sabi naman nung isang empleyado
"Ows? Crush mo si Mitch? Ang alam ko may nangliligaw kay Mitch eh si Greg ba yun Mitch? Di pag nagdivorce na kayo ng asawa MO sasagutin mo na sya?" He's getting on my nerve!
"Sir pwede po bang umalis na ako?" Tanong ni Mitch kay Kevin
"Ayaw mo ba talaga ng pagkain? Oh sige pwede ka ng umalis pero paalam ka muna kay James since siya ang nanglibre" nakakalokong sabi ni Kevin kay Mitch, pinagloloko ba kami ng gagong 'to?
"Sorry Sir Kevin masama lang po talaga yung pakiramdam ko" sabi naman nya "Sir alis na po ako" paalam niya sa akin
After niyang umalis pumunta sa opisina ko pero pagkalabas ko pa lang nagsalita si Kevin
"Alam mo kasi kung gusto mong suyuin hindi 'yong dinadaan sa ganito" sabi sa akin ni Kevin ng nasa labas kami ng pinto
"Sino bang nagsabi na sinusuyo ko siya?"
"Tsk deny ka pa" tumatawang sabi niya
"I'm not denying anything alright? I don't even gave a damn about her, she could die if she want I'd be happy"
"Is that how much you despised me? You'll be happy if I die? Really James?" hindi makapaniwalang tanong niya at nagsalita ulit " Don't worry if ever na namatay ako ikaw unang makakaalam" after she said it she wiped her tears and walk away
"I think you really went overboard this time James" kevin said and pat my shoulder