Start Growing Up

Lola Issay, kamusta po si Lolo Miggy?"

Tanong agad ni Kate matapos nilang magmano ni Mel.

Hindi na nya napansin ang nagtatanong na mga tingin ni Issay ng makita silang magkasama ni Mel.

Alam ni Issay na magkasintahan ang dalawa pero ....

'May naiba sa dalawang ito, nafefeel ko!'

"Mabuti at nagpunta ka agad dito. Hindi ko alam kung paano ka kokontakin! Araw araw na lang tinatanong ka nya. Nagkausap na sila ni Eunice sa telepono pero ikaw, gusto ka talaga nyang makausap ng personal!"

Sabi ni Issay.

'Bakit?'

Tanong ng isipan ni Kate.

Sa kanila ni Eunice mas close si Lolo Miggy nya kaya bakit?

"Gusto mo na ba syang makita?"

Tanong ni Issay.

Tumango si Kate tapos ay tumingin kay Mel.

"Okey lang ako Kate MyLabs, sige na puntahan mo na si Don Miguel! Inaantay ka nya!"

Sabi ni Mel.

At inakap ni Kate saka hinalikan si Mel bilang pasasalamat.

"Mel, dyan ka lang muna iho sasamahan ko lang si Kate, babalikan kita!"

"Okey po!"

Naiwan na mag isa sa sala si Mel.

Dinalhan sya ng makain at maiinom ng isang kasambahay.

Nagpagala gala ang tingin ni Mel sa bawat sulok ng bahay.

'Ang sarap tumira sa bahay na ito, ma fefeel mong at home ka!'

"Mel, iho, nainip ka ba?"

Sabi ni Issay ng paparating ito.

"Hindi naman po, nakaka relax po kasi sa bahay nyo!

Nagtataka lang po ako kasi, ang laki po ng Hacienda pero hindi mansyon ang bahay gaya dun sa Hacienda Remedios ni AJ Dude ko!"

"Sinadya kong maging simple ang bahay na ito ayoko kasi ng mansyon baka hindi kami magkakitaan ng pamilya ko! Saka .... mahirap linisin! Hehe!

Ikaw iho, kamusta kayo ni Kate?"

"Uhm, kasal na po kami!"

Deretsahang sabi ni Mel saka ipinakita ang singsing sa daliri.

"Kasal na kayo? Bakit hindi ninyo ako sinabihan, sana nakapaghanda ako ng regalo!"

"Eh, kasi po .... nagtanan po kami!"

Nahihiyang sabi ni Mel.

"Aysus, kainaman kayo! Feeling teenager? Hahaha! Anong sabi ng mga magulang nyo?"

"Hindi pa po namin sigurado kung alam na po nila!"

"Ha?!"

Natutuwa si Issay dahil sa wakas nagpakasal din ang dalawa pero nalulungkot sya at the same time dahil kailangan pang magtanan ng dalawa para lang makasal.

***

Sa silid kung saan naroon si Don Miguel.

Nakaratay na ito sa kama at hindi nito magawang makabangon ng mag isa.

May personal doctor ito na nag momonitor ng kalagayan nya every 30 minutes.

"Kate, maupo ka sa tabi ko, para madinig mo ang sasabihin ko!"

Sabi ni Don Miguel.

Mabagal na itong magsalita pero malinaw pa rin.

Lumapit naman si Kate at naupo sa upuang naroon sa tabi ng kama ni Don Miguel.

"Lolo Miggy ano po ba yun? Tinatakot nyo po ako e!"

Sabi ng kinakabahan si Kate.

Sa tuwing pinatatawag sya nito lagi syang kinakabahan dahil baka mapagalitan sya.

"Buksan mo ang recording, gusto ko, ma irecord ang paguusapan natin!"

Sabi ni Don Miguel.

'Kinakabahang sinunod ni Kate ang sinabi ng matanda.

Batid nyang ang recording na ito ay naka direkta sa isang personal data files ni Don Miguel sa computer nya na tanging mga pinagkakatiwalaan lang nya ang pwedeng mag bukas.

"Makinig kang mabuti, Kate!

Mula ngayon ay isinasalin ko na sa'yo ang pamamahala sa ELITE SPECIAL GROUP!

Lahat ng may kinalalaman sa organization ay nasa'yo ng mga kamay!"

"PO???!!!"

Nagsusumigaw ang isip ni Kate, hindi nya matanggap.

Malaking responsibilidad ito at natatakot syang magkamali.

In short, hindi pa ganun ka matured ang isip ni Kate.

Ayaw nya ng sobrang laking reponsibilidad, kaya hindi nya tinanggap ang family business nila.

Gusto na kasing magretiro ni Nadine, pagod na syang mag work pero walang mag take over sa business ng pamilya.

Kay Nadine kasi iniwan ang negosyo ng tatay nya na mga Hotels and resorts.

"Lolo Miggy naman huwag po kayong magbiro ng ganyan! May mga anak po kayo, bakit hindi nyo po sa kanila ibigay?"

"Nagrereklamo na nga ang mga damuhong anak ko sa mga ibinibilin ko sa kanila, dadagdagan ko pa!"

"Pero Lolo Miggs bakit po ako, bakit hindi si Eunice? Mas responsable po sa akin ang pinsan kong si Eunie, alam nyo naman po yun!"

"Alam kong may pagkaisip bata ka pero hindi ka iresponsable!

Ayaw mo lang sa mabibigat na responsibilidad dahil takot ka!"

Yun ang totoo, takot sya! Hindi sya katulad ni Eunice na bukas palad tinatanggap ang responsibilidad.

Saka, never pumasok sa isip nya that she is a born leader.

Pero iba ang tingin ng lahat.

Katulad na katulad sya ng Mommy nyang si Nadine magisip nuon. Mabuti na lang dumating si Issay at tinulungan sya.

Kulang lang talaga sa pukpok yang si Kate.

"Lolo Miggy please naman po, pagisipan nyo po ulit ang desisyon nyo!"

"Nakapag desisyon na ako and that's final! Saka, ikaw lang ang pwede kong pagkatiwalaan sa organization hindi ko ito pwedeng ibigay sa pinsan mong si Eunice dahil mabobored lang ito! Samantalang ikaw, tyak kong mag eenjoy ka!"

"Pero .... "

"Wala ng pero, pero! That's my order!"

"Lolo Miggy naman eh! Kakakasal ko lang po, hayaan nyo naman po muna akong mag honeymoon! Hindi ko pa po tapos namnamin ang Hubby ko! Saka ... gusto ko rin pong magkaron ng mga chikiting!"

Sabi ni Kate na nanghahaba pa ang nguso.

Natawa si Miguel pero naubo ito pagkatapos.

"At may lalaki talagang magpapa under sa'yo? Ha ha ha!"

"Lolo Miggy, grabe ka po sa 'kin!"

Natawa ulit si Don Miguel at sinundan ng walang katapusang ubo at hingal.

"Alangya kang bata ka, kahit kelan ang kulit mo!

Basta ikaw ang napili ko, so from now on start growing up!!!"

"Lolo bakit nyo po ba ibinibilin na sa akin ang organization, hindi pa naman po kayo mamatay? Saka na lang po pag dedu na kayo!"

"Lintek kang bata ka pasalamat ka nakaratay ako dito! Ang sarap mong hambalusin!

Ang daming nagkakandarapa na makuha ang posisyon ko sa organization tapos ikaw inaayawan mo?"

"Eh, kasi ... "

"Eh kasi ka dyan? Kaya ko ito ibinibigay sa'yo ng mas maaga para maalalayan kita hanggang buhay pa ako! Para pag tsugi na ako, ready ka na!"

"Aysus naman po Lolo Miggs, malakas pa po kayo, matagal pa po kayong matsutsugi!"

"Basta, ikaw na ang head ng organization mula ngayon, maliwanag?!"

"Opo!"

Walang nagawa si Kate kundi sumagot.

*****

Pagbaba sa pantalan, dumiretso si Gene sa probinsya kung saan ikinasal sila Kate at Mel.

Nagpunta sya dito para kausapin ang judge na nagkasal sa kanila para ma rehistro na ang kasal ng dalawa.

"Ay, oo, natatandaan ko ang dalawang ito! Nagtanan daw sila! Hahaha!

Pasensya na hindi ko alam na hindi pa pala ito narehistro. Huwag kang magaala General Gene, ako mismo ang mag rerehistro!"

At ginawa nga agad ito ng Judge sa harap mismo ni Gene.

"Ayan tapos na, nakapasok na sya!"

Masayang sabi ng Judge.

"Salamat ng marami sa'yo Judge!"

Pagkatapos dito ay nakipagkita naman ito kay Dante ang negosyanteng galit na galit kay Jaime.