Bakit Si Kate?

Director Head! Director Head!"

Nagmamadaling katok ng dalawang heart doctor sa office ni Dr. Gonzales.

"Ano bang problema nyo at ganyan kayo makakatok? Saka, anong ginagawa nyo dito, tapos na ba ang surgery?"

Nagkatinginan ang dalawang duktor, wala silang naintindihan sa sinabi ni Dr. Gonzales.

"Anong surgery?"

Tanong nila.

"Yung follow up operation ng pasyente na dinala dito kahapon at inoperahan ni Dr. Santiago."

Sagot ni Dr. Gonzales.

Muling nagkatinginan ang dalawa.

Nagtaka na sa kinikilos nila si Dr. Gonzales.

"Bakit ba kayo ganyan? Ano bang problema? Hindi ba natuloy ang surgery kaya kayo narito?"

"Yung tungkol sa surgery, Head director, natuloy naman sya.."

Sabi ni Dr. Santy

"Pero .... hindi kami yung nag opera."

Sabi naman ni Dr. Alonso

"What? Eh, sinong gagawa nun, kayo lang naman ang heart doctor dito?"

"We don't know! Hindi kasi kami pinapayagan na makapasok sa OR. May nakaharang sa elevator at sa stairs."

"Maraming security sa buong floor at hindi pinapayagan ang sino man na makalapit. Utos daw ng Head Boss."

Naguguluhan si Dr. Gonzales.

Pag gising nya kanina, nabalitaan na lang nyang dinala ulit ang pasyente sa OR para operahan.

Dumaan din kasi sya sa ICU kung saan naroon si Gene pero walang tao roon at ng magtanong sya ay sinabi lang na dinala daw sa OR para maoperahan sa puso.

Hindi na sya gaanong nagtanong kasi expected nya na ang dalawang heart doctor na nasa harap nya ngayon ang dahilan kaya inooperahan ulit ito.

Yun kasi ang sinabi nila kagabi sa kanya ng ipaalam ng dalawa na may plano silang operahan na ang matanda dahil natatakot silang baka makarating ito kay Don Miguel at pumayag naman sya.

Naguguluhan si Dr. Gonzales kaya tumawag sya sa OR.

Dr. Gonzales: "Hello, OR, may inooperahan daw dyan ngayon. Sinong surgeon?"

OR Station: Si Dr. James Santiago po Sir."

Dr. Gonzales: "Sinong kasama ni Dr. Santiago?"

OR Station: "Si Dr. Kate de Guzman at si Dr. Fernan po."

Dr. Gonzales: "Sinong Dr. Fernan? Wala naman tayong Dr. Fernan dito, hindi ko sya kilala?"

OR Station: "Hindi po sya duktor dito sa IDS, sa Maynila po sya duktor."

Dr. Gonzales: "Ano?! Duktor sya sa labas? Paano sya nakapasok? Sinong nagbigay sa kanya ng permisong makapasok sa ospital na ito at mag opera na hindi ipinaalam sa akin?!"

Nanggagalaiti ito sa galit.

OR Station: "Si Dr. Santiago po, may permiso raw po mula sa Big Boss!"

Dr. Gonzales: "ANO?!"

Nagpintig ang tenga nito.

Kahapon lang sinabi nyang siya ang panginoon sa ospital na ito at batas ang salita nya tapos ngayon may sasalungat sa sinabi nya.

Dr. Gonzales: "Ipatigil mo ang surgery ngayon din!"

OR Station: "Po?! Paano ko po gagawin yun, kanina pa po nagsisimula ang operasyon? Saka, may permiso naman po yun ng Big Boss, bakit nyo po pinatitigil?"

Dr. Gonzales: "Kung may permiso yan, bakit hindi ako tinawagan ni Don Miguel? Alam mong mahigpit ang utos nun na bawal magpapasok ng kung sino, sino!"

OR Station: "Pero Head Director, hindi ko po pwedeng basta mapatigil ang operasyon. Wala po akong karapatan at isa pa, kawawa naman yung pasyente. Bakit hindi nyo na lang po patapusin yung operasyon?"

Pinanggigilan nito ang phone at sa inis, itinapon.

"Mga bwisit!"

"Bakit Director Head ano pong sabi?"

"Kailangan nyong palitan kung sino mang duktor yun! Papayag na lang ba kayo na basta baliwalain ng kung sino?"

Inis na sabi ni Dr. Gonzales sa dalawa.

"Kaya nga kami nagpunta sa inyo Director Head para ipaalam sa inyo. Hindi naman kami pwedeng kumilos ng hindi ipinapaalam sa inyo."

May katwiran naman sila. May pagka control freak kasi itong si Dr. Gonzales, gustong manipulahin ang bawat kilos at galaw ng buong IDS.

Kaya sa inis, bumaba ito at nagtungo sa OR kabuntot ang dalawang duktor.

Pero hindi sila pinapasok.

Nasa elevator pa lang sila, hindi na sila pinayagang lumabas.

"Ano 'to? Bakit nyo ako pinipigilang makapasok? Hindi nyo ba ako nakikilala?"

Tanong ni Dr. Gonzales.

"Dr. Gonzales, kilala namin kayo pero kabilin bilinan ni Big Boss huwag daw kayong papasukin."

Sabi ng security.

Kilala ni Dr. Gonzales ang mga nagbabantay.

Ito ang special security unit na tanging sinusunod lang ay ang pinuno ng organization ... si Don Miguel.

Wala itong nagawa kundi magtungo ng opisina nya at maghimutok.

*****

Samantala.

"Tiya Belen, sabi ng duktor pwede na daw po kayong lumabas."

Sabi ni Edmund.

"May balita ka na ba sa Tiyo mo?"

Tanong nito na puno ng lungkot.

"Nasa IDS po sya ngayon. Si Nanay Issay ang nagpadala sa kanya. Andun po kasi si James kaya dun nya pinadala.

Sa kasalukuyan po ay inooperahan sya sa puso, may bara daw po."

Hindi na sinabi ni Edmund ang buong detalye pero batid ito ni Belen. Ayaw na rin naman nyang malaman. Natatakot sya.

"Gusto ko syang makita!"

"Kami din!"

Sabay na sabi ng kambal nilang anak ni Gene na sina Abigail at Alison.

Kamukhang kamukha sila ni Belen pero ang ugali ay naman kay Gene. Makulit at malambing.

"Alison, Abigail, anong ginagawa nyo dito?"

Tanong ni Belen sa kambal

"Nanay, hinimatay ka po alangan namang hindi kami magalala."

"Okey na ko, magsiuwi na kayo at alagaan ang mga anak nyo."

"Ayaw po, gusto naming makita si Tatay."

"Pero ayaw po kaming payagan ni Kuya Edmund!"

"May dahilan ang Kuya Edmund nyo, malayo ang lugar. Paano ang asawa at anak nyo? Dumito na lang kayo at ako na lang ang pupunta para maalagaan ang Tatay nyo!"

"Sorry po Tiya pero .... kahit po kayo pinagbabawalan magpunta duon."

Sabi ni Edmund.

"Ano? At sinong nagbabawal?"

"Si Nanay Issay po. Dumito muna lang daw po kayo hangga't hindi pa ayos ang kalagayan ni Tiyo."

Ang tinutukoy ni Edmund ay ang mga pasa sa buong katawan ni Gene. Namamaga at nangingitim pa ito, hindi makakabuting makita ni Belen at ng mga anak nya.

Nakaramdam ng takot si Belen.

Pati ang kambal.

Hindi man sabihin sa kanila, natitiyak na nila ngayon na sobrang grabe ang lagay ni Gene.

'Jusko, ang asawa ko!'

*****

Sa presinto.

"Hoy, huwag mo nga akong tulugan! Hindi pa tayo tapos!"

Singhal ni Jaime sa lalaki.

General naman magdamag ka ng nagtatanong pwede bang patulugin mo naman ako kahit ilang oras? Hindi ko na kayang pigilan ang antok ko. Saka .... pare pareho lang naman ang tanong mo!"

Sagot nito.

"Eh kasi pare pareho lang din ang sagot mo!"

Sabi ni Jaime

"So anong gusto nyo General, magsinungaling ako at sabihin ko ang gusto mong marinig kahit hindi totoo? Para tigilan mo na ako!"

"Bakit hindi pa ba pagsisinungaling ang mga sagot mo?"

Muling tanong ni Jaime.

"General ilang beses ko bang sasabihin sa'yo na wala akong kinalalaman sa mga sindikatong dumukot sa anak mo.

Oo, aaminin kong tinangka ko syang dukutin din para takutin ka upang maramdaman mo ang sakit at hirap ng naranasan namin nung dinukot ang pamangkin kong si Angela!

At isa pa, bakit naman ako sasanib sa sindikatong naging dahilan kaya nagkaganun ang pamangkin ko?"

Nagulat si Jaime.

"Pamangkin mo si ... Angela?"

"Oo, kapatid ko ang mother ni Angela ang batang babaeng walang awa mong inabuso!

At kung inaakala mong natatakot ako sa'yo at sa isasampa mong kaso, nagkakamali ka dahil handa na ako sa mangyayari sa akin. Handa akong sabihin sa lahat kung ano ang ginawa mo para pagtakpan ang kasalanan mo sa pamangkin ko!"

Natahimik si Jaime. Kinokonsensya na kasi sya sa nangyari kay Anghela ang babaeng iniregalo sa kanya.

Pero hindi pa dun natapos ang lalaki.

"Katunayan, ako ang nagpadala sa anak mong si Kate ng mga ebidensya sa kaso ni Angela."

Namutla si Jaime.

"Bakit si Kate?"

"Dahil alam na namin na si Kate ang kahinaan mo!"