At Parating Na Sya

Ba-Bakit buhay ka pa..?"

Nagtatakang tanong ni Edwin kay Jaime.

Hindi ito makapaniwala.

'May sa pusa ba ang taong ito?'

"Kasi nabasa ko na ang kilos mo, alam ko kung kelan mo kakalabitin ang gatilyo kaya umilag ako! Hehe!"

Pagtatapat ni Jaime sa gitna ng nararamdamang sakit.

"Nakailag ka ng lagay na yan, e ba't may tama ka pa rin?"

Tanong ni Joel.

Tiningnan ni Joel ang ulo nito na may tama.

"Tyong naman nakatali pa ho kasi ang isang kamay ko pati mga paa ko kaya nadaplisan ako! Kalagan nyo muna kaya ako!"

Sabi ni Jaime na nanghihina na.

"Bakit ang daming dugo, saan galing ang mga dugo mo?"

Nagaalalang tanong ni Joel.

"Dito po (ubo).."

At tinuro ni Jaime ang tama nya sa may dibdib.

Agad na kinuha ni Joel ang dala nyang towel para ma ampat ang pagdurugo habang kinakalagan naman ni Emong ang mga paa at kamay nito.

Sinubukan ni Edwin na tumayo pero hindi nya magawa masakit ang buo nyang katawan dahil sa tama nya sa balikat.

"Huwag mo ng subukan tumayo, malamang natamaan ng bala ang spinal cord mo. Mas mabuting manatili ka na lang dyan.

Sabi ni Emong.

Nahuli na lahat ng mga tauhan ni Edwin ng matapos nilang malapatan ng first aid ang dalawa.

Isinasakay na nila ito ng sasakyan ng dumating ang grupo ni Major General.

"General!"

Patakbong tawag ni Major General ng makita si Jaime na isinasakay ng sasakyan.

Kita na ang pamumutla ni Jaime.

"Mga lintik kayo! Ambabagal nyo! Bakit ngayon lang kayo! (ubo ubo ubo)"

Sabi ni Jaime sa mga subordinates nya.

Napahiya ang mga sundalo.

Kasalanan nila kaya nagkaganito.

Kung hindi nila pinigilan kanina ang grupo nila Joel, baka nakarating ang mga ito ng mas maaga at baka hindi nalagay sa alanganin ang buhay ng General nila.

"Tama na yan! Kailangan na namin syang madala sa ospital. Kayo ng bahala dito!"

Sabi ni Joel na may halong pangiinis kila Major General

Walang nagawa si Major General at ang grupo nya, hinayaan nyang umalis ang mga ito para maisugod agad sa ospital si General Jaime.

Sa sasakyan.

Hindi mawala ang kaba ni Edwin simula ng madinig nya kay Emong na may posibilidad na natamaaan ang spinal cord nito.

'Ang ibig bang sabihin nito, magiging baldado na ako habambuhay?'

Napuno ng takot si Edwin sa isiping ito.

Napatingin sya kay Jaime na katabi nyang nakahiga sa sinasakyang van.

Nawalan na ito ng malay.

Gustong sapakin ni Edwin si Jaime. Malapit lang ito sa kanya pero ... hindi nya magawa dahil hindi na nya maiangat ang kamay nya.

Naiyak si Edwin.

Naiyak sya sa katotohanang wala syang silbi.

Wala na nga syang silbi sa mag ina nya nuon, paano pa kaya ngayon na magiging inutil na sya.

'Bakit kasi sa dami ng lalaking ipapalit mo sa akin, ito pang si General?'

Napaiyak na lang si Edwin, awang awa sa sarili nya.

Habang nageemote si Edwin, tinataranta naman ni Joel si Emong.

"Bilisan mo! Bilisan mo! Ano ba?"

Sigaw ni Joel sa kanya.

"Sir Joel, huwag nyo akong tarantahin, lumilipad na ho tayo!"

Sigaw ni Emong.

Binalingan naman ni Joel si Jaime.

"Hoy Jaime, umayos ka! Huwag mo akong biruin ng ganyan! Gumising ka! JAIME!!!"

Singhal ni Joel kay Jaime na walang malay.

'Jusmiyo itong si Sir Joel, malamang ma emergency din ito pag nagpatuloy syang ganito!'

'Sa susunod kahit anong pamimilit nya, hindi na ako papayag na sumama sya sa mission namin!'

*****

Nakaabot naman ng buhay sa ospital sila Jaime at Edwin. Nabigyan sila agad ng lunas at nagkatotoo ang kinatatakutan ni Edwin. Paralisado na sya.

Pagkagising ni Jaime, nagulat sya dahil ang una nyang nakita ay si Edwin.

Wala kasing bakanteng silid kay pinagsama na lang sila.

"Nasa impyerno na ba ako? Bakit sa dami dami ng makikita ko IKAW PA!

Sarkastikong tanong ni Jaime.

Napansin nitong tahimik si Edwin umiiyak.

"Anong problema mo, iiyak iyak ka dyan?"

Pangiinis ni Jaime

Gustong iwasan ni Edwin si Jaime pero hindi nya magawa, paralisado na sya at nakaposas pa.

'Ano ba namang parusa ito, bakit ba itinabi nila ako dito sa sira ulong General na 'to!'

"Hoy Edwin, anong nangyari sa'yo, bakit tila na umid yang dila mo?"

Patuloy sa pangiinis ni Jaime.

Parang bata itong binubully si Edwin.

Pikon na pikon naman si Edwin sa ginagawa ni Jaime.

Maya maya bumukas ang pinto.

"Papa Jaime! Huhuhuhu!"

"Diane? Bakit ka nagpunta dito?"

Gulat na tanong ni Jaime.

"Nadinig ko po kasi ang nangyari sa inyo kaya pinilit ko po si Mama na puntahan kayo!"

Umiiyak ito habang pinagmamasdan ang tataytatayan nya.

Ito na ang tinuring nyang ama simula pa nuong ipinanganak sya kaya natakot sya ng mabalitaang may nangyari dito.

Samantalang si Edwin.

Mas malapit ang kama ni Edwin sa pinto kaya kita nito ang anak na patakbong nagtungo kay Jaime, umiiyak.

Nasasaktan sya habang nakikita kung gaano magalala ang anak nito kay Jaime ang taong tinuturing nyang mortal nyang kaaway.

"Anong iniisip mo?"

Tanong ng babaeng dumating kay Edwin.

May hawig ito kay Diane.

"D-Divina, andyan ka pala."

Inis ang makikita sa mata ni Edwin sa dati nyang asawa.

"Siguro, iniisip mong dapat ikaw yun. Ikaw dapat ang inaalala ni Diane hindi si Sir Jaime."

"Kasalanan mo 'to... Kasalanan mong lahat ito! Bakit hindi mo sinabi sa akin na nagkaanak tayo?"

"So ako na naman ang may kasalanan.

Bakit hindi mo tanungin ang sarili mo kung sino ang basta basta na lang naniniwala sa ibang tao maliban sa asawa mo?

Pinalayas mo ako nun, kinaladkad palabas ng bahay. Hinubaran sa gitna ng kalye at sinaktan sa harap ng naraming tao dahil lang sa sinabi ng kaibigan mo na may lalaki ako!

Mas naniwala ka sa kanya pero ni hindi mo man lang ako tinanong. Wala kang pruweba na may lalaki ako!

Tapos sasabihin mo sa akin na kasalanan ko?

Sa tingin mo hindi ko sinubukan bumalik ng malamang buntis ako?

Hindi ba't sinabi mo sa Mama mo na kung buntis ako, tyak na hindi sayo ang bata at pag nakita mo ako pupwesahin mo ako na ipalaglag ang bata!

Hindi mo alam ang dinanas kong paghihirap nuon habang pinagbubuntis ko si Diane.

Mabuti na lang at nakita kami ni Sir Jaime at kinupkop kaming mag ina!"

Galit na sabi ni Divina.

Finally nagawa na nyang sabihin ang hinanakit ng puso nya.

"Pero bakit, bakit sya pa? Bakit ka kumabit sa may asawang tulad nya? Nakakadiri ka!"

Galit na sabi ni Edwin.

"Kasi isa kang malaking tanga! Wala kaming relasyon ni Sir Jaime, binabalik ko lang ang utang na loob ko sa kanya kaya ko sya pinagsisilbihan. Pero alam ko naman na hindi ka maniniwala sa sinabi ko kaya bakit pa ako magaaksayang magpaliwanag sa'yo! Manigas ka sa inggit dyan!"

Umalis na si Divina at iniwan si Edwin na naguguluhan.

Samantala, alam na rin ni Nadine na nasa ospital si Jaime.

.... at parating na sya.