"JUSMIYO!"
Bulalas na nadinig ng lahat mula sa loob.
Sabay sabay silang napatingin sa direksyon ng ICU.
"GRANNY!"
Patakbo silang nagtungo sa ICU, nakalimutan na ang tanong ni James.
"Granny bakit po?"
Itinuro ni Belen ang paa ni Gene. Nakakumot ito kanina ng pumasok siya pero ngayon hindi na.
Kinakabahan ang lahat na tiningnan kung ano ang itinuturo ni Belen at napakagat labi sila ng makita iyon.
'Oh!'
"Sinong gumawa nyan?"
Tanong ni Belen.
Hindi nila alam kung galit ba ito o hindi pero namumula si Belen.
"Ako po Granny! Nagustuhan nyo po ba?"
Inosenteng tanong ni Khim.
"Khim bakit mo ginawa yan?"
Singhal ni James na ikinatakot ni Khim.
"Kasi ... kasi .... sabi sa akin ni Kuya Melabs masyado daw maputla si Grampy kulang daw ng colors. That why I add colors!"
Sagot ni Khim habang natataranta hindi alam kung bakit galit ang Kuya James nya eh nilagyan lang naman nya ng kyutiks yung mga nails ng Grampy nya sa paa.
'Anong Kuya Melabs ka dyan?'
Nagsusumigaw ang isip ni Kate pero hindi nya masabi dahil andun si Belen.
Habang si Mel naman ay binigyan si Khim ng double thumbs up.
"Juskupo, bakit ba feeling ko mga 12 years old ang mga kasama ko?'
Sabi ng isip ni James habang kinakabahan na baka magalit si Belen sa pinaggagawa ni Khim pero nagulat sya sa susunod na nangyari.
"Bwahahahaha!"
Bumalahaw sa pagtawa si Belen.
Hindi na nito napigilan ang sarili nya, naluluha na ito sa kakatawa.
Napanganga ang lahat sa lakas ng tawa ni Belen parang inilalabas nya lahat ng negative vibes sa pagtawa nya.
*****
Sa isang lugar na puro huni ng ibon at lagaslas ng tubig ang maririnig, naroon si Gene sa ilalim ng isang pamilyar na puno, nakaupo ito habang may kaakap na isang babae.
Masaya nilang ninanamnam ang presensya ng bawat isa na napaka tagal nilang pinanabikan.
Kung pagmamasdan ang babae, malaki ang hawig nito kay Jaime.
Kasing tangkad ito ni Gene, maganda, parang si Kate kung tumindig at kumilos.
At kagaya ni Gene, nakauniporme din ito ng sundalo.
Ito si Janine ang unang asawa ni Gene at ina ni Jaime.
Matagal na silang magkaakap at masayang pinagmamasdan ang paligid pero hindi pa rin sila nagsasawa. Parang kay tagal nilang pinanabikan ang isa't isa nakalimutan na nila ang realidad.
Ganito ang laging ginagawa nila Gene at ni Janine nung nabubuhay pa ito at itong punong ito ang saksi ng pagiibigan nila simula pa nung una.
Pareho silang sundalo at may mataas na ranggo kaya madalas silang madestino ng magkahiwalay kaya naman pag may pagkakataon, dito sila nagtutungo.
"Pangga, masaya ako at muli tayong nagkasama.
Ikaw ang nagpapakalma sa ligalig kong puso!"
Sabi ni Gene.
"Masaya rin ako at muli tayong nagkasama, Pangga! Sana hindi na matapos ang araw na ito."
Puno ng lambing na sambit ni Janine.
Sinagot sya ni Gene ng isang nagaalab ng halik.
Nang biglang may nadinig si Gene na isang babaeng umiiyak at tinatawag ang pangalan nya.
Gene andito na ko!
Napatigil si Gene at hinanap ang babaeng nadinig nyang umiiyak.
Pamilyar ang boses ng babae at may dalang kirot sa puso nya ang pagiyak nito.
'Saan galing ang boses ng babaeng iyon at bakit ako nasasaktan sa pagiyak nya?'
Tanong ng isip ni Gene
Napapikit sya sa kakaisip.
"Bakit Pangga, masakit ba ulo mo?"
Tanong ni Janine.
"Oo biglang kumikirot!"
Sagot ni Janine.
Maya maya nadinig nyang tumatangis ang boses ng babae at mas matinding kirot sa puso nya ang dulot ng pagtangis na iyon, hindi nya mapigilan na maluha.
Mukhang alam na ni Janine ang nangyayari.
"Huwag mo ng pigilan Pangga, mukhang oras na para umalis ka!"
Nakangiting sabi ni Janine
"Hindi, ayokong umalis, ayokong iwan ka, Pangga!"
Sagot ni Gene na nasasaktan na pag naiisip na mawawalay syang muli sa mahal nyang si Janine.
"Gene, shhhh... makinig ka, Pangga.
Alam ko naman na hindi ako mawawala sa puso mo pero, panahon na para ikaw ay bumalik .... sa kanya."
Buong pang unawang sabi ni Janine.
Giliw ko.....
"Tinatawag ka na nya."
Sabi ni Janine.
"Mamimiss kita Janine!"
"Mamimiss din kita Eugene!"
Sabi ng dalawa na parehong lumumuha.
At inakap nila ang isa't isa.
Bwahahahaha!
Nangiti si Gene, ng madinig ang halakhak na yun. Kilala na nya kung kanino galing ang pamilyar na boses na yun.
"Giliw ko!"
Naiiyak man si Janine, natutuwa ito at meron pa ring isang babaeng magmamahal at magalalaga sa Pangga nyang si Gene.
"Paalam na Pangga! Mabuhay kang masaya at puno ng ligaya.
Huwag mo ng masyadong alalahanin si Jaime, magiging maayos na ang lahat mula ngayon!
Hanaggang s muli nating pagkikita ... Pangga"
At binigyan nito ng halik si Gene.
***
"Granny akala ko po pagagalitan nyo ako kanina eh!"
Sabi ni Khim habang hawak ang isang daliri ni Gene sa isang kamay at brush naman sa isa pa.
Nilalagyan din nya ng kyutiks ang kamay nito.
"Bakit naman ako magagalit? Tuwang tuwa nga ako ng makita ko! Hahahaha! Ikaw ang dahilan kaya nakatawa ako, gumaan tuloy ang pakiramdam ko!"
Sabi ni Belen habang hawak din ang isang daliri ni Gene at ang brush ng kyutiks sa isa pang kamay.
Tinutulungan nya si Khim na lagyan din ng kyutiks ang mga kamay ni Gene suhestyon ni Belen.
Silang dalawa na lang ang naroon, iniwan na sila ng iba para bumalik sa kani kanilang mga trabaho.
"Granny, lagyan din po natin ng design. Sabi po ni Kuya Melabs, cute daw po pag may designs!"
Suhestyon ni Khim
"Ah, talaga? Okey sige! Turuan mo ako kung paano maglagay ha."
"Opo, Granny! Hehe!"
Busy ang dalawa sa ginagawa nila hindi nila napansin na nagmulat na ng mata si Gene.
Naluha ito ng makita ang Giliw nya at apo nya na pinagtitripan sya. Hindi tuloy alam ni Gene kung babatiin sila o hahayaan na lang sa ginagawa nila.
Hindi nya rin alam kung paano pipigilan ang maiyak at matawa ng sabay.
"Ano kayang magiging reaksyon ni Grampy mo pag nakita nyang may kyutiks ang mga daliri nya?"
Nangingiti si Belen kapag naiisip ang magiging reaksyon ni Gene.
"Paano po pag hindi nya nagustuhan?"
"Naku, tyak may palo ka!"
"Waaaah ayoko na po, ayokong mapalo!"
"Hahahaha! Huwag kang magalala Khim, sabihin mo utos ko...."
Nagulat sila ng makitang gumagalaw ang tyan ni Gene.
Hindi na kasi nito mapigilan ang sarili na matawa.
"Gene?"
"OMG! Si Grampy gising na!"
"Gene!"
Iniwan ni Belen ang ginagawa at inakap ang asawang si Gene.
"Ay teka po tatawagin ko sila Kuya James at Ate Kate pati sila Kuya Melabs at Ate Vicky!"
Excited na sabi ni Khim habang tumatawag.
"Kuya James, gising na si Grampy!"
Sigaw ni Khim.
Nagulat si James. Hindi na sinagot si Khim, patakbo na itong nagtungo sa ICU.
"Anong nangyari dun?"
Gulat na tanong ni Vicky sa katabi nyang nurse.
"Ewan ko po pero malamang sa ICU ang punta nya."
Nang madinig ito ni Vicky, iniwan din ang ginagawa at patakbong nagtungo sa ICU.
Samantalang si Kate ay busy .... sa dessert.
"Bakit ba hindi ko makontak sila Ate Kate at Kuya Melabs?"
"Hayaan mo na baka busy!"
Sabi ni Belen habang si Gene naman ay kinukutkot ang mga daliri nya.
"Ahhh! Grampy, huwag nyo po munang galawin, hindi pa po tuyo yan! Saka huwag nyo po akong papaluin, si Granny po may utos sa akin!"
"Hahahaha!"
Natawa si Gene sa kakulitan ni Khim. Sa tingin nya, mas makulit pa ito kay Kate.