Si Tess ay isa sa babaeng ipinain ni Col. Reyes kay Jaime.
Si Col. Reyes ay ang dating Senior Officer ni Jaime.
Malaki ang galit nito sa tatay ni Jaime na si Gene dahil naungusan sya nito sa ranking. Kaya ginawa nya ang lahat para gamitin at sirain si Jaime at the same time.
Pero kahit na anong gawin nya ay hindi nya nagawang sirain si Jaime ng tuluyan dahil karamihan ng babaeng ipinadadala nito para ipain kay Jaime ay kusang umaayaw maliban dito kay Tess.
Ang mission ni Tess ay maibahay sya ni Jaime para tuluyang masira ang pangalan nito, pero hindi nya magawang makuha ang atensyon ni Jaime, kaya sya ang gumagawa ng paraan para mapansin sya nito.
May panahon ngang bigla na lang itong sumusulpot sa kampo at nagpapakilalang Mrs. Santiago sa mga sundalo.
Ngunit ang totoo, mabibilang lang sa daliri ang pagkakataon na nagkasama sila at madalas lasing pa si Jaime nun.
Matagal tagal na rin nya itong ginagawa, ang akala tuloy ng karamihang sundalo, sya talaga ang misis ni Jaime.
Nito lamang nalaman ng mga sundalo na hindi pala sya ang tunay na asawa ng dalawin nila sa ospital si Jaime.
Nuon pa man alam na ni Jaime na si Col. Reyes ang may pakana ng lahat kaya nakakalusot ang mga ito. Tanging si Divina lang ang natitiyak nyang hindi ipinadala ni Col. Reyes kaya nagtagal sa kanya ang magina. Alam nya kasing nasa kanya ang loyalty ni Divina at Diane.
At lahat ng ito natitiyak ni Jaime na alam ni Nadine.
Iisang babae lang naman ang pinagselosan ni Nadine ng husto, ang kaklase ni Jaime at kasabay nitong pumasok sa PMA. Pero nananahimik na ito.
Aminado si Jaime na may mga naging babae sya pero ni isa sa kanila wala syang ibinahay lahat sila ay panandaliang aliw lang sa kanya.
Kahit kailan wala syang planong mag karon ng pangalawang asawa na ibabahay. Hindi nya ito magagawa kay Nadine at hindi rin hahayaan ng Papa nyang si General Gene na gawin nya ito sa asawa nya kaya sya nagpa vasectomy.
Pero walang nakakaalam nito maliban sa kanya, si Nadine, si Gene at si James dahil sya ang nagopera kay Jaime.
*****
Ngunit si Tess ay hindi madaling sumuko at maparaan ito.
"Hindi maari ito, hindi ako pwedeng mabigo!"
Bulalas ni Tess.
Ang gusto nya lang nung una ay ang maibahay sya ni Jaime pero nung lumaon, ang gusto na nya ay ang maging Mrs. Jaime Santiago at gagawin nya ang lahat para maagaw ang titulong iyon sa asawa ni Jaime.
Wala na sya minsan sa katwiran. Masyado na syang obsessed.
"Kailangan kong makabalik sa ospital! Kailangan kong ipilit kay Jaime na sa kanya ang batang dinadala ko!"
Kaso, pagbalik nya ng ospital, wala na duon si Jaime, nakalabas na.
Dali dali syang lumuwas ng Maynila para sundan si Jaime sa kampo pero laking gulat nya na wala raw ito ruon.
Hindi sya naniwala.
"Pwede ba, papasukin mo ako! Sino ka para pagbawalan akong pumasok!"
Singhal ni Tess kay Divina.
"Ang kabilin bilinan sa akin ni Mrs. General, huwag akong magpapsok ng kung sino sino, lalong lalo ka na! Kaya pwede ba, umalis ka na!"
Pasigaw na sabi ni Divina.
"Hoy babae, bastos ka! Wala kang karapatan pagbawalan akong pumasok dito! Hindi mo ba ako nakikilala? Gusto mo bang isumbong ko kay Jaime ang mga pinaggagawa mo sa akin?!"
Pananakot ni Tess.
"Wala akong pakialam kung sino ka! Kung gusto mong magsumbong kay General edi magsumbong ka!"
At pabalibag nitong sinara ang gate.
"Aba't ..... "
Nanggigil na kinalampag nito ang gate na nakagawa ng ingay sa paligid.
May nagsumbong tuloy sa kanya sa security ng kampo at binitbit sya papalabas ng kampo.
"Teka bakit nyo ba ako pinapaalis? Kailangan kong bumalik sa asawa ko!
Hindi nyo ba ako nakikilala? Ako ang asawa ni General Jaime at pamamahay ko yun, kaya wala kayong karapatang paalisin ako!"
Galit na sabi ni Tess sa mga sundalong bumitbit sa kanya.
"Sorry po Mam pero kabilin bilinan po sa amin ni General Jaime at ng asawa nyang si Madam Nadine, na huwag na huwag daw po kaming magpapasok ng kung sino sino sa pamamahay nila na wala sa master list nila!"
Paliwanag ng sundalo sa kanya.
"Anong master list? Kelan pa nagkaroon ng master list?"
Iritang sabi ni Tess.
Nakakalabas masok sya sa kampo dahil akala nga ng iba ay sya ang misis ni Jaime kaya kelan nagkaroon ng master list e nung isang araw andito lang sya?
Pero hindi sya inintindi ng mga may bitbit sa kanya patuloy syang binitbit ng mga ito.
"Tawagin nyo si Major General Cinco at syang magpapatunay sa inyo kung sino ako!"
Singhal ni Tess.
"Tungkol ba saan ito, bakit nyo ako pinatawag dito sa gate?"
Tanong ni Major General Cinco
"Sir, ayaw po nyang umalis ng maayos, nagpupumilit pong pinapunta sya dito ni General Jaime at sya daw po si Mrs. Santiago!"
"Major General Cinco, sabihin mo sa kanila, sabihin mo kung sino ako!"
Sabi ni Tess.
"Ikaw si Tess. Marites Ignacio!"
Sagot ni Major General Cinco.
"Hindi yun! Sabihin mo sa kanila na ako ang asawa ni General Jaime!"
Utos ni Tess sa kanya.
Napakunot ang noo ni Major General Cinco.
"Nababaliw ka na ba?
Tess, anong karapatan mo para sabihing asawa ka ni General Jaime? Ni sa kalingkingan ng asawa nya hindi ka papasa! Ikaw lang ang nagiisip at nagkakalat na asawa ka ni General Jaime at ikaw lang din ang nagpipilit ng sarili mo sa kanya! Pero ang totoo, walang pakialam sa'yo si General Jaime!"
Sagot ni Major General Cinco.
"Anong pinagsasabi mo? Kilala mo kung sino ako at pinagbubuntis ko ngayon ang anak ni Jaime!"
"Tess, papaano ka mabubuntis ni General eh lagi syang wala dito hindi kayo nagkikita. Sigurado ka bang kay General Jaime nga yan? Obviously obsessed ka ng maging asawa ni General kaya nagfefeeling kang asawa nya. Ni hindi ka nga nakakapasok sa bahay nya diba? Kaya pwede ba, pakiusap, tumigil ka na, alam ko na ang lahat! Bakit hindi mo na lang puntahan yun kaakap mo sa ospital! Sige na ilabas nyo na yang mapagpanggap na yan at huwag na huwag nyo na yan papasukin dito sa loob ng kampo! Maliwanag!"
"Hoy teka teka teka TEKA!"
Nagpupumiglas na sigaw ni Tess pero wala syang magawa ng tuluyan na syang bitbitin at isakay sa isang owner at dinala sa labas ng kampo.
After that tumawag si Major General Cinco sa head ng security ng kampo at pina blacklisted si Tess Ignacio para siguradong hinding hindi na ito makakapasok pa sa kampo.
*****
"Mabuti naman at naisipan mong ihatid ang asawa mo! Antagal na nating hindi nagkikita!"
Sabi ni Issay kay Nadine.
"Mano po Nanay Issay!"
Magkasunod na nagmano ang dalawa.
"May balita ako sa inyo, gising na si Gene!"
"Talaga po? Kelan po?"
Kaninang umaga lang!"
Sa sobrang saya ni Jaime nakalimutan nito ang sakit na nararamdaman inakap ang asawa at hinalikan na ikinabigla nito.
"Okey na ang Papa, hahahaha!"
Masayang masaya si Jaime, para itong batang naglulundag sa saya.
"Akalain mo nga naman itong si Jaime sa edad nyang yan, isip bata pa rin! Hahahaha!"
"Nanay Issay, bakit nyo po pinatawag si Jaime?"
"Bakit ka ba nagmamadali dyan, sabihin mo muna sa akin kung bakit ikaw ang naghatid sa asawa mo. May plano ka na bang manatili sa tabi nya?"
Tanong ni Issay kay Nadine habang pinagmamasdan nila ang pinaggagawa ni Jaime.
"Wala po akong magawa, mahal ko eh!"
Sagot ni Nadine.
"Don't worry Nadine, kakausapin ko si Jaime."
Nangiti si Nadine.
"Sana nga this time makinig na sya."