Walang nagawa si Gen. Pasahuay kundi ang umalis. Wala na si Jaime kaya ano pang gagawin nya sa opisina nito?
Pero bago sya umalis ay may isiniksik sya sa paso ng halaman.
'Ngayon tingnan natin ang galing mo, Santiago!'
Nagmamadali itong umalis at nagtungo sa isang bakanteng pabrika sa labas ng Maynila.
"Kanina pa kita inaantay, Gen. Pasahuay. Anong balita kay Santiago? Nagkausap na ba kayo? Nasabi mo na ba ang mga demands ko?"
Sabi ng isang lalaking nakaupo sa sofa.
"Oo, pero hindi kami gaanong nagkausap dahil nagmamadali sya."
Sagot ni Gen. Pasahuay.
"Hmm, ang ibig mo bang sabihin, hindi ka nya pinansin?"
Sagot ng lalaking nasa edad kwarenta na.
"Masyado ng malaki ang ulo ng Santiagong yan, harap harapan na kung bastusin ako!"
Nanggigil na sabi ni Gen. Pasahuay.
Nangisi naman ang kausap nitong mukhang kagalang galang sa suot na barong tagalog at may pin pa ng bandila ng Pilipinas sa colar ng barong tagalog nya.
Kilalala nito ang ugali ni Gen. Pasahuay, ugali nitong ipagdiinan sa kausap na mas mataas sya at lagi syang nagdedemand ng respeto at pag galang sa kausap bago nya sabihin ang pakay.
Kaya madalas, isang oras na hindi pa nya nasasabi sa kausap kung ano ang dahilan kaya sya naroon.
Kailangan munang matiyak ni Gen. Pasahuay na naisaksak nya sa kokote ng kausap na langgam lang sila na madaling tirisin kumpara sa kanya.
Ganun ang ugali ni Gen. Pasahuay kaya hindi na sya magtataka kung layasan sya ni Jaime.
"So, anong plano mo ngayon, Gen. Pasahuay?"
"Ano pa edi sirain ang pangalan ng hambog na yun! Lahat ng kasong isinampa nya sa sindikato, ibabalik natin sa kanya!"
"Ibig mong sabihin ...."
"Sa kanya natin igagawi ang mga ebidensya para sya ang kilalanin utak ng sindikato! Hehehehe!"
"Magagawa mo yun?"
"Oo! Kaya huwag ka ng magaalala dyan Eddie Boy, mag concentrate ka na lang sa nalalapit na senatorial eleksyon.
Tandaan mo, kailangan mong manalo para sa Papa mo!"
"Siguraduhin mo lang na hindi madadawit ang pangalan ko sa anumang plano mo, Gen. Pasahuay. Ayaw kong masira ang pangalan ko!"
"Akong bahala Eddie Boy! Sa gagawin kong 'to makakaganti na tayo sa nangyari sa Papa mo at malalayo na rin natin ang hinala ng mga tao sa'yo bilang utak ng sindikato."
"Mabuti kung ganun! Salamat!"
"Huwag kang magpasalamat! Ipinagkatiwala ka sa akin ng iyon amang si Col. Reyes. Tinutupad ko lang ang ipinangako ko sa kanya!"
Sagot ni Gen. Pasahuay.
Ang kausap nito ay walang iba kungdi si Sen. Edward Reyes, isang huwarang senador at matapang na lumalaban sa katiwalian.
Isa syang sikat na Senador at bayani ng mga mahihirap sa paningin ng mga mamayan. Ngunit sa likod nito ay nakatago ang matinding sekreto.
Anak sya ni Col. Reyes ang dating superior ni Jaime. Nagretiro ito na hindi man lang natupad ang pangarap na maging isang heneral.
Dahil sa sobrang sama ng loob at kahihiyan ni Col. Reyes, inatake ito at namatay.
Sa pagkamatay nya minana ng anak nya ang pagiging pinuno ng sindikato ng sex slavery at ang sindikatong ito ang kumidnap kay Khim.
At si Gen. Pasahuay ang lubos na pinagkakatiwalaang tauhan ni Col. Reyes.
Ginawa nito ang lahat para maungusan si Jaime, bilang ganti nya sa pinakamamahal syang superior na si Col. Reyes.
Ito ang dahilan kaya mas nauna syang naging heneral ng isang taon kesa kay Jaime.
"Paano nga pala yung mga ebidensya na ipinasa ni Jaime sa NBI?"
Tanong ni Sen. Reyes
"Yun ang gagamitin laban sa kanya!"
"Ngunit saan kaya nya nakuha ang ebidensya?"
"Hindi ko rin alam, pero inaalam ko na kung sino sa mga tao natin ang kumakalaban sa atin!"
Sa di kalayuan, walang kamalay malay ang dalawa pati na ang mga tauhan ng mga ito na may sumusubaybay na pala sa kanila.
Si Jaime.
At lahat ng napagusapan nila ay nakavideo at naka record pa.
*****
Sa Sinag Island.
"It was you!"
Bulalas ng Prinsipe
"Who, me?"
Naguguluhang tanong ni Mel ng makitang itinuturo sya ng prinsipe.
"Yes you!"
Sagot ng Prinsipe na buong ngiti.
"Yes, me?"
Naguguluhan pa rin si Mel.
Samantalang nainis naman si Kate dahil nasira ang moment nila ng HubbyLabs nya. Sinira ng Prinsipe.
"Yes! It was you! It was you! It was you! Hahahaha!"
"It was me? I'm confused!"
"Your the one who pinched me and poked my ribs,! Am I right?"
"No! your not right! It was my left!"
Sagot ni Mel ng maintindihan na nya ang sinasabi ng Prinsipe
"Your left?"
Ngayon ang Prinsipe naman ang naguguluhan.
"I used my left hand not my right to pinched you!"
Sagot nito.
"Why?"
"Because your so cute!"
Sagot ni Mel
Napakunot naman ang noo ni Kate.
'Anong cute ang pinagsasabi ni HubbyLabs ko eh, mukha nga syang palaka!'
Sa totoo lang, guwapo talaga si Prince Tobias, super gwapo to be exact. Matangos ang ilong may dimples, mapanga, cute ngumiti lalo na kapag nakita mo ang super shining at pantay pantay na white teeth nya. Long hair pa.
Kaya sya tinawag na palaka ni Kate ay dahil sa mapupungay nitong mga mata na kulay green.
"No! what I mean is, why did you use your left hand, are you left handed?"
"Why, what's wrong with being left handed?"
Sabat ni Kate
"Well, it was my first time to see a left handed person, that's why!"
"So why are asking if it is me who pinched you? Why, are mad? I'm sorry if your mad."
Sabi ni Mel
"No! No! No! No! No! I'm not mad! Actually I want to ask you something, how did you do that?"
"Do what?"
Naguguluhan na naman si Mel.
"The energy that you transfer to me, I felt it!"
"What energy?"
Tanging nasabi ni Mel. Hindi nya masundan ang tanong ng prinsipe, hindi nya maintindihan at hindi nya alam kung paano nya sasagutin.
Maging si Kate ay sumasakit na rin ang ulo.
'Ano bang pinagsasabi nitong palakang ito?'
"Mr. Prince, we don't understand you! Are you telling us that my husband has power ang he transfer that power to you?"
"Yes! That is why I want to talk to you! I want to know more about that power!"
"I'm sorry Mr. Prinsipe, but I don't have power! You must be thinking to much!"
"Yes Mr. Prince, that thing you said is crazy and imposible! My husband doesn't have power, but I do believe that he has a warm heart, warm enough to heal the pain. He also have a big heart, big enough to enveloped all the people that he care and love! So you see, that is his power!"
Na touch naman si Mel sa sinabi ng asawa.
Ngingiti ngiti ito, abot hangggang tenga. Kinikilig pa!
'Eeeeiiii si WifeyLabs ko talaga.... love you Kate MyWifeyLabs!'
Nagtutwinkle twinkle pa ang mga mata nito habang tinitingnan si Kate.
"What happen to him? Why is he like that?"
Nilingon ni Kate ang asawang si Mel. Kinikilig ito habang kumukutikutitap ang mga matang nakatingin sa kanya.
'Utang na loob HubbyLabs, huwag kang ganyan! Marupok ako!'