"T-Teka sino ka ba at bigla ka na lang nanakal dyan?"

Tanong ni Sarhento na ngayon lang natauhan. Namutla ito kanina dahil sa pagkabigla ng makita ang ginawa ni Kate.

Sinilip nito si Lara na hawak ang dalawang binti, nakaupo pa rin sa sahig, nanginginig sa takot.

"Lara, okey ka lang?"

Pero hindi sya pinansin nito, tila hindi sya nadidinig. Nakatulala pa rin si Lara at puno ng takot ang mababanaag sa mga mata nito.

"N-Nakita mo na ang ginawa mo? Gusto mo bang makulong? Kahit buntis ka, pwede kang makulong sa ginawa mong pananakit sa kanya!"

Tiningnan sya ng matalim ni Kate tapos ay sa posas na nakalagay sa kamay ni Mel at kay Sarhento.

"Bakit ka nya pinosas?"

Tanong ni Kate kay Mel.

"Sa totoo lang WifeyLabs, hindi ko rin alam. Basta na lang nya akong pinosas pagpasok nya rito!"

Pagtatapat ni Mel.

"Pinosasan mo ang Melabs ko ng walang dahilan?"

Nagpupuyos na naman sa galit si Kate.

"A-Anong walang dahilan? Inabuso nya ang inaanak ko, kaya andito ako para hulihin sya at dalhin sa presinto! Pati ikaw isasama ko! Mga abusado kayo!"