Pero halos nalibot na nila ang
resort hindi pa rin nila nakikita si Ethan.
"Mukhang naligaw na nga ng tuluyan yung mokong na yun ah!"
"Anong gagawin natin Melabs, hihingi na ba tayo ng tulong?"
"Huwag muna, baka andyan lang yan sa tabi tabi. Bakit pagod ka na ba? Buti pa dun tayo sa may ice cream parlor para malamigan ka at makapagpahinga."
At inalalayan nito si Kate papasok ng ice cream parlor. Hindi maintindihan ni Kate pero feeling nya kinikilig sya sa mga pagaasikaso ni Mel sa kanya.
"Dito ka lang ha oorder lang ako."
Nang masigurong nasa maayos si Kate at saka lang ito tumayo para umorder.
Kahit hirap dahil sa saklay nya, hindi makikitaan ng pagkairita ito, bagkus masaya si Mel kahit na nahihirapan pa ito sa paglakad.
Hindi naman maalis sa labi ang mga ngiti ni Kate.
Sa pagkakataong ito ramdam na nya na sya nga si Kate at si Mel ang asawa nya. Ramdam na rin nya kung gaano sya kamahal ng asawang si Mel.
'Hindi nya man lang ako tinanong kung anong oorderin ko. Mukhang kabisado na nya ang lahat ng gusto ko!'
Masaya nyang pinagmamasdan ang asawa habang umoorder ito.
Nasa ganitong moment sya ng dumating si Ethan.
"Elise!"
Pero hindi sya pinansin ni Kate. Busy ito sa panonood sa asawa, kaya agad syang nilapitan ni Ethan.
"Elise, mabuti andito ka! Nagkita na kami ng Mommy ko!"
"Okey!"
Yun lang ang sagot ni Kate, habang patuloy na sinusundan ng tingin ang ginagawa ni Mel.
Kaya kinuha ni Ethan ang kamay nito at naupo sa tabi nya para makuha ang atensyon nya at para matakpan ang view.
Gusto nyang sya lang ang makita ni Kate.
"Elise, gusto kang makilala ng Mommy ko, kinuwento ko sa kanya ang nangyari sa atin!"
Buong ngiting kwento ni Ethan.
This time nakuha na nya ang atensyon ni Kate hindi lang dahil natakpan nito ang view ni Mel at hindi rin dahil sa sinabi nya kundi dahil sa mga kamay nyang hawak ni Ethan.
Pilit nya itong tinanggal sa pagkakahawak nito at lumayo ng kaunti kay Ethan.
Ewan ba nya pero naiilang sya sa hawak ni Ethan ngayon. Para kasing may malisya ang mga hawak nito na parang inaangkin na sya hindi tulad ng dati na kaswal lang.
"Ethan, masaya ako na nagkita na kayo ng Mommy mo pero pwede bang lumipat ka ng upuan, nasisikipan ako e!"
Pagdadahilan ni Kate pero ang totoo naiilang na sya sa ikinikilos ni Ethan.
"Elise ...."
Sinubukan, hawakan ni Ethan ang pisngi nito na hindi naman nito dating ginagawa.
Tinabig ni Kate ang kamay nya.
"Ethan ano ba?"
Sabay tayo ni Kate.
Nadinig ni Mel ang boses ng asawa kaya agad nya itong nilapitan.
"Bakit, WifeyLabs, anong ginawa nya sa'yo?"
"Mel pwede ba hayaan mo muna kaming magkausap ni Elise. May kailangan lang akong sabihin sa kanya."
Napataas ang kilay ni Mel.
"Teka lang Ethan, baka nakakalimutan mong asawa ko sya? Hindi naman ata maganda na utusan mo akong iwan sa'yo ang asawa ko lalo na at obvious na naiilang sya sayo!
At saka hindi Elise ang pangalan nya kundi KATE!"
Lumundag ang puso ni Kate ng madinig na pinagtatanggol sya ni Mel. Naiinlab na talaga sya kay Mel.
Paano naman sya hindi maainlab? Just imagine mas mataas ang height nya kay Mel tapos si Ethan mas matangkad naman kay Kate. At hindi lang yun, nakasaklay pa si Mel pero eto sya buong tapang na ipinagtatanggol ang WifeyLabs nya sa isang lalaking hangggang dibdib lang ang taas nya.
"Oh come on! She is Elise not Kate! Ikaw lang ang nagpipilit sa kanya na sya ang asawa mong si Kate. Ni mismong sya si Elise, hindi nga nya nararamdaman na sya si Kate!"
Totoo itong sinasabi ni Ethan.
Simula ng magising si Kate sa coma, hindi nya nararamdaman na sya si Kate kahit na may mga memories na unti unting bumabalik sa kanya, still hindi pa rin nya mafeel.
At nabanggit nya nga ito kay Ethan ng minsan magusap sila at tanungin kung naalala nya na ba si Kate.
Ngunit iba na ngayon dahil unti unti na syang naiinlab kay Mel ang HubbyLabs nya.
Inilayo ni Mel ang asawa kay Ethan at buong tapang syang hinarap nito.
"Hey lovely couple what's going on?"
Bati Eleanor na kakapasok lang.
"Mam kayo po pala. Eto po kasi, hinaharass si Kate!"
"What?"
"No I'm not! She's Elise not his wife Kate!"
Napakunot ang noo ni Eleanor.
"No Ethan, she's Kate not Elise!"
"No Mom! She's Elise! My Elise!"
"Mom?"
Gulat na bulalas ni Kate
"Anak nyo sya?"
Nagtatakang tanong naman ni Mel.
"My Elise?"
Nawindang si Eleanor ng madinig ito sa anak.
"Teka wait! Wait!
Yes he's my son, Ethan at hinahanap ko kayo Kate, Mel, dahil gusto kong mahiram yung hanky. Nadinig ko kasi ang kwento ng nangyari sa kanya and a girl name Elise. Kinutuban ako and I want to make sure kung related sa'yo Kate!"
Kinuha ni Kate ang panyo na nakalimutan nyang isoli kay Eleanor kanina.
"Mom what's going on?"
"Ito ba ang tinutukoy mo? This hanky is mine! I am Elise!"
"What? When did you become Elise, Mom? People call you Eleanor or Ellie but never Elise!"
"Well, someone called me by that name before."
"Who?"
"My ex!"
"Bakit hindi ko ito alam?"
"Bakit ba napaka big deal sa'yo kung ako si Elise at hindi si Kate?"
Samantala, habang nagtatalo ang mag ina, hindi na mamalayan ni Ethan na umalis na pala ang magasawa. Ang akala nya ay kinuha lang ang order nila, hindi nya alam na umalis na ang mga ito sa senyas ni Eleanor.
"Because I love her Mom! I love Elise and I need to tell her that!"
Hinanap ng mga mata ni Ethan si Kate pero nakalabas na ito ng ice cream parlor.
"Elise! Elise!"
Pero nagulat sya ng bigla syang tadyakan ng nanay nya sa may binti at namimilipit sya sa sakit.
"Tumigil ka na kaka Elise mo! Can't you see, happily married yung dalawa?"
"No Mom, that's not true! How can she love's that man eh hindi naman nya nakikilala!"
"Liligawan ko si Elise kahit anong mangyari and you can not stop me!"
At kumaripas na ito ng takbo palabas para habulin si Kate.
'Jusko, ano bang parusa ito, bakit nainlove sya kay Kate?'
'Mukhang kailangan na namin magusap ni Jaime!'