Ang Magsing Irog

"Ano, malayo pa ba?"

Tanong ni Don Miguel sa piloto na nagmamaneho ng chopper nya.

Kanina pa ito tanong ng tanong at hindi mapakali. Nagaalala sya ng sobra sa asawang si Issay.

Natataranta tuloy ang piloto, kinakabahan sa boss nyang si Don Miguel.

"Malapit na po tayo Don Miguel. Natatanaw ko na po ang landing sight natin. Mga 5 minutes po!"

Sagot agad ng piloto para tumigil na sa katatanong ang boss nya.

Nakaramdam naman ng tuwa si Don Miguel sa sinabi ng piloto.

"Masyadong matagal ang five minutes, bilisan mo pa!"

Utos ni Don Miguel.

'Jusko naman! Mahabaging langit, tulungan nyo po kami at napapraning na naman ang boss kong si Don Miguel!'

"O-Opo Don Miguel!"

Pero bago dumating ang five minutes bigla silang may nadinig na pagsabog at ramdam din nila ang lakas nito sa ere dahil malapit lang ito.

Katunayan, nagmula ang pagsabog duon mismo sa lugar kung saan ginaganap ang event ng school.

Napaliko tuloy ang pilot at lumipad palayo sa pagsabog para makaiwas.

"Ano yun? Anong nangyari? Bakit ka lumiko? Hindi mo ba nakita, sumabog ang school at naroon sa school na yun ang ASAWA KO?!"

Galit na singhal ni Don Miguel sa piloto.

Gusto nitong dambahin ang piloto para paalisin para sya na ang magmaneho pero pinigilan sya ng mga bodyguard nya.

"Don Miguel pasensya na pero nawala po yung landing site natin kaya lumiko ako!"

"Jusko ang asawa ko! Tawagan nyo lahat, ipahanap nyo ang asawa ko! BILIS!"

Utos nya sa pinaka head ng bodyguard nya.

"Huwag po kayong magaalala Don Miguel, naabisuhan ko na ang lahat!"

Agad namang lumading ang helicopter malayo sa site ng pagsabog.

Agad na nagpumilit bumaba si Don Miguel.

Sa edad nya ngayon, hindi na ganun kaliksi si Don Miguel. Nakatungkod na ito at hirap ng maglakad o tumayo man lang. Lampas 100 na ang edad nito pero nagawa nyang tumalon mula sa chopper at tumakbo para sa asawa.

'Wow! Grabeng matandang ito, ang lakas!'

Gulat na sabi ng piloto.

Nagulat ang mga bodyguard nya sa ginawa ng matanda. Nagmamadali nila itong hinabol.

"Rigor, tawagan mo agad si Mendes para sunduin si Don Miguel!"

Utos ni Gio ang personal bodyguard ni Don Miguel sa piloto.

Agad nilang pinigilan si Don Miguel kahit na nagpupumiglas ito.

"Bitiwan nyo ko! Huwag nyo akong pigilan, kailangan kong puntahan ang asawa ko!"

Mabuti na lang at dumating agad ang sasakyan.

"Don Miguel, huminahon po kayo! Andito na po ang sasakyan natin, sumakay na po kayo!"

Saka lang tumigil sa pagpupumiglas si Don Miguel at dali daling sumakay ng sasakyan.

"Tara na! Bilisan mo!"

Utos nito kahit hindi pa nakakasakay ang dalawang bodyguard nya.

Wala tuloy nagawa si Mendes kundi patakbuhin ang sasakyan habang patakbong sumasakay naman ang bodyguard nya.

Hingal tuloy ang dalawa.

"Bakit ba ambabagal nyo?"

Singhal nya sa dalawa ng makasakay na ang mga ito.

"Pasensya na po Don Miguel."

Sagot agad ni Gio na nasa tabi nya.

"May balita na ba kay Issay? Nakita na ba sya?"

"Wala pa po Don Miguel!"

"Ambabagal naman ng mga tauhan mo! Yung dami nilang yun ni isa wala pang nakakakita kay Issay?

Bilisan mo tawagan mo ulit silang hanapin si Issay! At pagnakita nyo ay didiretso agad kami ng Sinag!"

"Opo Don Miguel!"

*****

Samantala, sa loob ng covered court kung saan naganap ang pagsabog, abala si Issay sa mga batang nagpapanic.

Nawala kasi sila sa mga teacher nila dahil kanya kanyang takbo. Pati ang mga teacher inuna pa ang sarili kesa sa mga estudyante.

"Doña Isabel, mabuti at nakita na namin kayo! Okey lang po ba kayo? May masakit po ba sa inyo?"

Tanong ni Zac, isa sa mga tauhan ni Don Miguel na naghahanap sa kanya.

"Oo, okey lang ako! Itong mga batang ito ang hindi okey!"

Sabay turo ni Issay sa mga batang tinutulungan nya na nagiiyakan.

Tara na po at tutulungan namin kayong makalabas dito!

Nasaan nga po pala ang mga bodyguards nyo?"

Tanong nito na hindi man lang pinansin ang mga nagiiyakan na bata.

Ang misyon nya ay ang mailabas agad si Issay sa lalong madaling panahon.

"Andun sila, inutusan kong iligtas ang mga bata! At ikaw naman, tulungan mo ako na mailabas ang mga batang ito! Marami pa duon na natrap na mga bata at kailangan ko silang balikan."

"Pero Doña Isabel, kabilin bilinan po sa amin ni Don Miguel, ilabas namin kayo agad! Andun po sya ngayon sa labas naghihintay!

Pag hindi po namin kayo nailabas, tyak magpupumilit na pumasok yun!"

"Eh, ganun naman pala, ano pang ginagawa mo dyan talak ka pa ng talak? Halika na at tumulong ka na sa paglalabas sa mga bata!"

Ibinigay ni Issay ang mga bata sa kanya at pag katapos bumalik sa lugar kung saan may na trap pang mga bata.

Walang tuloy nagawa ang inutusan kundi ang sumunod.

"Rios, ikaw na ang maglabas sa mga batang ito at susundan ko si Doña Isabel."

Utos ni Zac sa kasamahan nya ng masalubong ito.

Kahit na umuubo na sa sobrang usok at hirap ng maglakad si Issay, buo pa rin ang kalooban nito na iligtas ang bawat bata na nadidinig nyang humihingi ng tulong.

Isa isa nya itong nilalapitan at tinutulungan saka isinasama.

"Doña Isabel, kami na po dito, tara na pong lumabas! Tumawag na po ako ng mga kasamahan para tulungan ang mga bata!"

Anito kay Issay.

Alam nyang hindi sya mananalo sa katwiran kay Issay kaya naisip nya ito.

Napansin naman ni Issay ang mabilis na aksyon ng mga kasamahan nito.

"Okey sige, sasama na ako!"

Hindi pa nakakailang hakbang si Issay ng biglang bumagsak ang isang parte ng kisame sa pagitan nila na ikinatumba ni Issay.

"Doña Isabel!"

"Okey lang ako! Intindihin nyo ang mga bata!"

Lalo kasing lumakas ang atungal ng mga bata sa takot ng makitang may bumagsak. Ang akala ng mga ito nabagsakan si Issay.

Pero hindi talaga okey si Issay. May nakadagan sa kanya at nahihirapan syang makakilos.

Maya maya, may lumapit sa kanya at tumulong na maialis ang nakadagan sa kanya pero agad din itong umalis kaya hindi na nagawa ni Issay na magpasalamat. Ni hindi nya nakita ang mukha nito. Ang akala nya ay isa sa mga tauhan ni Don Miguel.

"Doña Isabel, okey lang po ba kayo? Kaya nyo po bang tumayo?"

Sinubukan ni Issay pero di nya magawa. Nabalian ata sya ng tadyang, may masakit kasi syang nararamdaman sa bandang tagiliran nya.

Agad syang binuhat ni Zac ng makitang nahihirapan ito at patakbo nitong inilabas si Issay.

"ISSAAAAY!"

Sigaw ni Don Miguel ng makitang padating si Zac buhat ang asawa. Lumabas ito ng sasakyan at patakbong sinalubong sila.

"Issay, irog ko... !"

Hindi na napigilan ni Don Miguel na umiyak.

Puno ng takot at pagmamahal ang mababanaag sa kanya ng makita ang kalagayan ng asawa. Wala na ang matapang at malupit na si Don Miguel.

Hinawakan nito ang mga kamay ni Issay habang dinadala ito sa sasakyan.

"Irog ko may masakit ba sa'yo?"

Buong lambing na tanong ni Don Miguel.

Nakaunan ang ulo ni Issay sa hita nya at kita nito sa mukha ng asawa na may iniindang kirot.

Hindi malaman ni Don Miguel ang gagawin kaya marahan nyang hinaplos ang maganda at maliit na mukha ng asawa upang sa ganun paraan man lang ay mabawasan ang sakit na nararamdaman ng pinakamamahal nyang si Issay na lubos nyang iniirog.

"Okey lang ako irog ko. Naiibsan naman ang sakit dahil naryan ka. Kaya tumahan ka na irog ko!"

Buong ngiting sabi ni Issay.

May kirot man itong nararamdaman ngunit hindi pa rin nagbabago ang mga ngiti nitong kay tamis at kay gandang pagmasdan.

Ngiting tunay na bumighani sa puso ni Don Miguel. Hindi nya tuloy napigilan na halikan ito.

Pati ang mga bodyguard ay naantig ng makita ang boss nila sa ganitong itsura. Ito kasi ang unang beses nilang makita na umiiyak naglalambing ang malupit na si Don Miguel.