Unti unti naman kumalma si Kate pero muli nyang nadinig ang boses ni Don Miguel sa radyo. Malapit na raw sila.
"Hello, malapit na kami bakit ala pa rin access? Edmund, sabihin mo kay Kate bilisan nya at nawalan na ng malay si Issay!"
Muling nakita ang panic sa mukha ni Kate.
"Yes Tito Miguel! Copy po!"
"Jusko! Huhuhu!"
"Kate, sabihin mo sa akin, anong ginawa mo sa chopper, paano tayo nagka access dito sa Sinag? Tell me everything!"
"Pero hindi ko po talaga alam Ninong! Huhuhu!"
Awang awa naman si Mel sa asawa, gusto nyang tulungan ito pero hindi nya alam kung papaano.
"Wait! Teka lang, ikaw ang unang naupo sa pilot seat anong ginawa mo dun? Nakaprogram na sya nung naupo ako!"
"Ewan ko po, basta natuwa lang po ako nung nakaupo na po ako at kusa na pong gumalaw ang mga daliri ko, hinayaan ko na lang po!"
"You mean, hindi ka aware na naiprogram mo ang chopper patungo dito sa Sinag Island?"
Napataas ang kilay ni Edmund.
'Grabe, may sarili bang buhay ang mga daliri ng batang ito?'
"Tama! That's it WifeyLabs!"
"?????"
Gulat si Kate at Edmund ng biglang magsalita si Mel.
'Anong tamang pinagsasabi nito?'
"WifeyLabs, halika maupo ka dito!"
Pinaupo nya ito sa paborito nitong upuan. Sa upuan na iyon madalas si Kate, malayo sa lahat. Nasa pinaka sulok ng silid.
Tapos ay kinuha ni Mel ang laptop ni Kate, yung laptop ni Kate na lagi nyang dala dala kahit hindi naman nya ito mabuksan dahil hindi nya alam ang password.
"Eto Kate MyWifeyLabs, ito ang gamitin mo!"
Binuksan nya ito at inilagay sa harapan ni Kate.
"Ngayon listen to me WifeyLabs, relax ka lang at ipikit mo ang mga mata mo."
"?????"
At ginawa naman ni Kate ang sinasabi ni Mel kahit nalilito sya.
"Now inhale .... exhale. ..."
"Huwag mong pakinggan ang mga naririnig mo sa paligid ako lang ang pakinggan mo, okey!"
Tahimik na sumunod si Kate at si Edmund naman ay tahimik din na lumabas para di maistorbo ang dalawa dala ang radyo.
Pakiramdam nya tama ang ginagawang approach ni Mel at kailangan nila ng privacy.
Muli kasing tumatawag si Don Miguel, nandito na sila pero ni anino ng Sinag hindi pa nila nakikita. Nakakadalawang ikot na sila sa lokasyon at kinakabahan si Don Miguel dahil pakiramdam nya ay may nakasunod sa kanila.
At isa pa, along nagpapanic si Kate pagnadidinig ang boses ni Don Miguel sa radyo kaya lumabas ito.
"Edmund ano ba? Kailangan ko ng makapasok!"
"Yes Tito Miguel, wait lang po! Mas mabuti po siguro susunduin ko po kayo ng chopper ko. May access po ito dito sa Sinag!"
Ito na lang ang naisip ni Edmund.
Mas maiging sunduin na lang nya tutal may access naman ang chopper nya sa isla dahil naiprogram nga kanina ni Kate ng hindi nya alam.
'Hindi ko na mahihintay si Kate, kailangan may gawin ako!'
At umalis na ito para sunduin si Don Miguel sa kabilang isla malapit sa Sinag, kung saan sila pansamantalang nag landing.
Samantala, sa loob ng silid.
"Ngayon WifeyLabs itaas mo ang mga kamay mo at ipatong mo sa keyboard ng laptop ng hindi binubuksan ang mata mo."
"?????"
Hindi maintindihan ni Kate bakit ipinapagawa ito ni Mel pero ginawa pa rin nya.
Narerelax sya sa boses ng asawa nya nawawala ang takot na nararamdaman nya.
"Ngayon naman laruin mo ang keyboard. Pindut pindutin mo lang sya WifeyLabs."
Sinunod naman nito ang sinabi ng asawa.
Ang hindi alam ni Kate dahil sa ginagawa ng asawa, nagawa nyang buksan ang laptop at maitype ang password nito ng hindi nagmumulat ng mata. Kusang kumikilos ang mga daliri nito na parang kabisado na nya ang gagawin.
Nuon kasi, madalas makita ni Mel ang asawa na nakapikit sa harap ng laptop at kusang gumagalaw ang mga kamay nito na parang may sariling buhay. At yun nga ang ginagawa ni Kate ngayon.
Patuloy lang sa pagsasalita si Mel at nangingiti ito ng makita na kusang gumagalaw ang mga kamay ni Kate na parang may sariling buhay.
"Mabuti pa WifeyLabs kakantahan kita habang pinipindut pindot mo ang laptop. Pero sana huwag mong bubuksan ang mga mata mo ha! Hayaan mo lang itong nakapikit at pakinggan ako."
"Okey HubbyLabs..."
"Ehem!
Pasensya ka na sa boses ko WifeyLabs pero matagal na kitang gustong kantahan. Ayoko namang tumatak sa isip mo na puro 'Ako ay may lobo' na lang lagi ang kinakanta ko sayo! Ala pa tayong theme song kaya sana magustuhan mo ito! Hehe!"
Nangiti lang si Kate. Nakapikit pa rin ito.
Somewhere in her minds naalala nya si Mel habang kinakantahan sya ng 'Ako ay may Lobo'
Night after nights we sleep together
Sharing lovely moments that spells forever.
Day after day our love get stronger
Growing every minute that we get closer .....
Hindi namamalayan ni Kate na naiiyak na pala sya sa kanta. Ramdam nya ang ibig sabihin ng bawat salita, tumatagos ito sa puso nya.
I'll never say goodbye ....
No matter how you've tried.
At hindi nya namamalayang sinasabayan na nya si Mel sa pagkanta, habang patuloy sa pagpindot ang mga daliri nya sa laptop.
Don't let your tears run dry
No Need for you to cry
I promise I will stay
I am with you all the way .....
Patuloy lang sila sa pagkanta, habang sila Edmund naman ay nakapasok na sa Sinag Island kasama si Issay at Don Miguel.
'Mukhang nagtagumpay sila na mabuksan ang shield.'
"Edmund, ipasara mo na agad ang shield. Kanina pa may nakasunod sa atin, baka makita ang Sinag!"
"Yes Tito Miguel!"
Agad namang tumalima si Edmund at nagtungo sa kung saan naroon si Kate para ipatigil ang anumang ginagawa nito.
I'll never say goodbye....
There are no reasons why.
Our souls are so entwind
There is us not you and I .....
Ito ang nadinig ni Edmund pagbukas nya ng silid.
Napatigil tuloy sya ng madinig na kumakanta ang dalawa.
Papaano ba nya patitigilin ito?
*****
"Hahahaha! Finally, we found the island!"
"I told you we're gonna be lucky this time!"
"I finally beat you Dad!"
"Hey, don't say that yet! We're just starting!"
"I don't care!"
"I think we need to go down!"
"Yes! We are going down!"
At nagmamadaling lumipad papuntang Sinag Island ang helicopter kung saan nakasakay si George at ang kaibigan nito.
Pero ng malapit na sila, nagulat sila ng biglang maglaho ito sa kanilang paningin.
"What happened? Where's the island?"
At sa sobrang pagkalito ni George nagkamali sya at nawala sa focus. Kaya bumagsak ang helicopter nila sa kabilang isla.
Mabuti na lang at hindi ito sumabog, nakaligtas pa rin sila. Yun nga lang hindi nila alam kung paano sila makakaalis sa islang ito.
Pero ganunpaman hindi pa rin maalis ang ngiti sa mga labi ni George.
"Sinag Island I finally found you and soon you'll be in my hand!"
"HAHAHAHA!"