Si Dalig

"Saan na naman kayo nakarating? Bakit ang tagal nyo? Sabi nyo mamumulot lang kayo ng panggatong?"

"Pasensya na po Nanay Eda, nahirapan lang po kasi kami sa pag balik, mabigat po kasi!"

"Asus, dami nyong dahilan! Ang sabihin nyo naglaro lang kayo! Inuna nyo pa yang laro, hindi nyo inisip na nagugutom na ako! Magsaing na kayo, Bilis!"

Nagmamadaling nagtungo sa kusina ang dalawa para magluto.

Kahoy ang gamit nila sa pagluluto at sa ilang araw nila dito, natutunan na nila kung paano ang gagawin para magpaapoy sa kalan.

Ito ang ginagawa ni Khim habang si Karla naman ang naghugas ng bigas na pang saing.

At pagkatapos maisalang ang kaldero ay ginayat naman nila ang mga gulay na igigisa.

Ganito sila simula ng dalhin ni Jorge ang tagapagligtas nila dito sa bahay ni Nanay Eda.

Mabait naman si Jorge sa kanila at nangako naman itong ipapaalam sa mga pulis ang nangyari sa kanila pero hinadlangan ito ni Nanay Eda.

May kaso kasi itong si Jorge ng pagnanakaw at kung magtutungo ito sa mga pulis ay baka mahuli sya at makasuhan ng kidnapping.

Kaya wala itong nagawa kundi ang sumunod sa Nanay Eda nya na kumupkop sa kanya at nagtago habang pinaghahanap ito ng mga pulis.

*****

Samantala.

"Ayun!"

Bulalas ni Edmund ng makita ang code na drawing ni Khim sa isang bato.

Isa itong larawan ng gate ng Little Manor.

Minsan nahuli na si Khim ni Jorge na may iginuguhit gamit ang uling na itinago nya bago sila magtungo sa may batis, pero hinayaan lang nya ito. Alam nyang gumagawa ng paraan si Khim para may makaalam ng kinaroroonan at gusto man nya silang tulungan pero wala syang magawa.

Pero ilang araw na wala pa din dumarating na tutulong sa magtyahin kaya inisip na lang ni Jorge na nagaaliw lang itong si Khim at hilig lang ang pagdodrawing.

Sa totoo lang, naawa na siya sa mag tyahin, alam nyang may kaya ang mga ito sa itsura at pananamit kaya gusto rin nyang maialis sila sa lugar na ito pero hindi nya kayang suwayin si Nanay Eda. Kontrolado sya nito at alam nyang ito rin ang balak nya kila Khim at Karla, ang alipinin sila.

Okey lang na sya ang magpaalipin dito kay Nanay Eda dahil malaki ang utang na loob nya dito sa pagkupkio na ginawa nya pero, hindi tama na madamay pa sila Khim at Karla.

"Pero Sir Edmund paano po tayo bababa, masyadong delikado at mapuno ang lugar?"

"Maghanap ka kahit malayo dito basta tandaan mo ang lokasyon!"

Umalis na papalayo ang chopper ni Edmund pero nadinig ito ni Karla at nagmamadaling lumabas.

"Tita....mmmp!"

Excited na turo ni Karla sa chopper, nakilala nya ito agad pero biglang tinakpan ni Khim ang bibig nito at hinila siya papasok.

"Shhhh.... wagka maingay!"

Bulong ni Khim sabay akap sa pamangkin.

Naiyak si Khim, lumulundag ang puso nito pero hindi sya pwedeng magpahalata.

"Listen Karla, wagka masyadong excited ha baka malaman ni Nanay Eda! Please kalma ka lang at huwag kang maingay okey!"

Bulong ni Khim.

"Opo, opo Tita! Behave po ako!"

Sagot ni Karla.

"Hoy! Ano yan? Anong pinagbubulungan nyo dyan?"

Singhal ni Nanay Eda na ikinagulat ng dalawa.

Kinutuban ito ng madinig ang chopper kaya nagmamadali nitong pinuntahan ang dalawa. Kinakabahan syang baka magkakakaway ang mga ito at mapansin ng dumadaan na chopper.

Nahimasmasan naman sya ng makitang nasa loob ang dalawa pero hindi nya maalis ang pagdududa na baka may binabalak na tumakas ang dalawang ito sa ikinikilos nila. Wala na talaga syang balak na paalisin pa ang dalawang ito.

'Kala ba nila makakaalis pa sila! Nagkakamali sila!'

'Mga alipin ko na sila simula ng pumasok sila dito sa teritoryo ko kaya dapat lang na pagsilbihan nila ako!'

Nagisip naman agad ng maidadahilan si Khim.

"W-Wala po Nanay Eda, masakit lang po ang tyan ni Karla, hindi po kasi sya nakapag agahan!"

"Asus ang dami nyo talagang dahilan, ang takaw takaw nga ng bubwit na yan!"

"Hoy ikaw bubwit, halika rito para maturuan ka ng leksyon!"

Hinablot nito si Karla para ilayo kay Khim.

"Waaaaah! Tita Khim, wag mo akong ibibigay sa kanya! Waaaaah!"

Atungal ng takot na takot na si Karla.

"Huwag po Nanay Eda! Huwag po!"

Akap ni Khim kay Karla para hindi ito makuha ni Nanay Eda.

"Bitawan mo sya!"

Pinaghahampas ni Nanay Eda si Khim pero kahit na nasasaktan, hindi pa rin nito binitiwan si Karla.

"Nanay Eda, itigil nyo na yan!"

Singhal ng kadarating na si Jorge.

Agad nitong nilapitan sila Khim at Karla para ilayo kay Nanay Eda.

"Nanay Eda ano bang ginagawa nyo, bakit nyo sila sinasaktan? Sinusunod naman nila ang gusto nyo, pinagsisilbihan nila kayo ng maayos at walang reklamo, kaya bakit kailangan nyo pang gawin ito?"

Gulat si Nanay Eda sa ginawa ni Jorge. Ito kasi ang unang beses na sumagot ito at nangatwiran sa kanya.

"Gusto ko lang turuan sila ng leksyon para malaman nila ang mga kamalian nila! Bakit ka ba nakikialam dyan?"

"Ano ho bang pagkakamali nila? Ako na lang ang parushan nyo! Nakikita ko naman ang pagsusumikap nilang pagsilbihan kayo kaya bakit kailangan nyo pa silang saktan ng ganito?"

"Aba't nangangatwiran ka na ngayon sa akin at ipinagtatanggol mo pa sila! Baka nakakalimutan mo na ako ang kumupkop sayo nung pinaghahanap ka ng mga pulis!"

"Hindi ko po malilimutin yung utang na loob ko sa inyo pero wala naman kinalalaman dito sila Khim at Karla kaya tigilan nyo na sila! Dahil kung hindi ay mapipilitan akong ialis sila dito at dalhin sa mga pulis!"

Natahimik bigla si Nanay Eda.

'Hindi maari ito!'

'Hindi ko papayagan na makalis ang sino man sa kanila dito!'

Kaya kahit na naiinis ay tumalikod na ito at iniwan sila.

"S-Salamat!"

Umiiyak na tugon ni Khim.

Tumango lang si Jorge, hindi makatingin ng diretso kay Khim.

Sya ang nagdala sa dalawa dito kaya responsibilidad nya ang mga ito. Nagiguilty sya at nauwi sa ganitong sitwasyon ang dalawa.

Kinagabihan hindi natulog itong si Nanay Eda. Nagtungo sya sa alaga nyang sawa na si DALIG na nasa pinakaliblib na lugar ng gubat na ito.

"Wagkang magaalala Dalig, malapit ng malamnan yang sikmura mo ng sariwa at batang bata! Mayroon akong bubwit na regalo sayo! Hehehe!"