'Honey....'
Puno ng habag at pagmamahal na pinagmasdan ni Nicole ang natutulog na asawa.
Haggard ang itsura nito at mukhang ilang araw ng hindi nagaahit.
Ngunit mababanaag pa din ang kagwapuhan nito na kinabaliwan ni Nicole. Hindi pa rin nya maiawasan hindi humanga at kiligin sa asawa.
Nilapitan nya ito at hinaplos ang mukha.
'Bakit ba ko magiisip ng kung ano ano ngayon alam ko naman na ako lang ang mahal nya?'
At tuluyan ng naglaho ang tampo nya at sama ng loob nitong mga nagdaang araw.
"Honey.... Gising na .."
"Huh?"
Nicole, Hon?"
Napabalikwas ng bangon si Edmund ng makita ang pamilyang ilang araw na rin nyang hindi nasisilayan dahil sa pagkukulong nya sa study room.
"Honey!"
"Yes Honey, diba nasa Australia ka, kelan ka dumating?"
"Kararating ko lang."
At naupo ito sa tabi ng asawa at inakap ito ng buong higpit na sinuklian naman ni Edmund.
'Namiss ko 'to!'
"Dad, are you okey?"
Nalilitong tanong ni Earl habang si Eunice ay pinagmamsdan ang paligid.
"Yeah, why?"
"Hon, ano ba kasing problema, bakit kaba nagkukulong dito sa study room?"
"Sensya na Hon, medyo confidential hindi ko masabi sayo."
"Ehem!"
"Sherwin? Ba't andito ka?"
Nagulat si Edmund ng makita ang kaibigang duktor
"Nice to see you too Brad!
I'm here to deliver this!"
Napakunot ang noo ni Edmund na parang nalilito, nagtatanong.
"Are you telling me na hindi mo naalala ito .... your medical results."
"Oh."
"Anong oh, ka dyan? Kunin mo at gusto kong malaman ang resulta. Kanina ko pa hinihingi sa kanya ayaw nyang ibigay sa akin dahil kabilin bilinan mo daw!"
Atat na sabi ni Nicole.
"Bakit parang hindi ka iteresado sa resulta ng medical exams mo?"
Tanong ni Sherwin ng mapansing tila wala ng pakialam ito sa dala nya.
"Just throw it."
"Throw it? Anong throw it e hindi mo pa nga nalalaman kung ano resulta, throw it ka dyan!"
"Why, Edmund? ..... dahil ba sa alam mo na ang test results kaya pinatatapon mo na ito?"
Inagaw ni Nicole ang envelope sa kamay ni Sherwin at dali dali nya itong binuksan.
Hindi na sya pinigilan ni Sherwin.
"Tama ba ko Edmund?"
May inis sa tanong ni Sherwin sa kaibigan.
Naiinis sya dahil pakiramdam nya pinaglilihiman sya ng sobra ng kaibigan.
"Teka ano 'to?"
Tanong ni Nicole pagkatapos nyang basahin ang test results.
"Negative."
Sagot ni Eunice na hindi sila tinitingnan. Nakatingin ito sa isa sa mga computer na ginagamit ng dad nya.
Marami ang nakabukas at isa isa itong tiningnan ni Eunice.
Napatingin tuloy ang lahat sa kanya.
"Pano mo nalaman?"
Gulat na tanong ni Sherwin.
Alam nyang matalino ang pangay ng kaibigan nyang si Edmund pero hindi nya alam na genius ito.
"At ikaw naman pinakaba mo ko! Negative naman pala hindi mo kaagad sinabi sa akin, naistress tuloy ako!"
"Pasensya na Nicole, madami kasing katanungan ang gumugulo sa isip ko at tanging si Edmund lang ang makakasagot nito."
Edmund: (rolled eyes)
"Ano ba kasing nangyayari Hon, bakit mo kinailangan mag undergo ng general check up ulit?"
"Ninong? Ninong?"
Nagulat si Nicole ng madinig ang boses ni Kate.
"Katherine Marie?"
Agad na kinuha ni Nicole ang tablet na kanina pa nasa katawan ng asawa na nadatnan nyang nasa dibdib nya kanina at mukhang nakatulugan nya kagabi.
"Hello po Ninang.
"What's going on po? Pwede po bang makausap si Ninong?"
"YOU tell us what the hell is going on?"
"Uhm .... Ninong?"
"Haaay....!"
Buntunghininga ni Edmund.
Mukhang wala na syang choice kundi sabihin sa kanila.
Inopen ni Edmund ang laptop at may hinanap na news
inopen ni Edmund ang tablet at may hinanap na news at ipinakita sa kanila.
"Is that ...."
... ito ba yung sinasabi nilang kumakalat na virus na dito daw nagmula sa atin?"
Tumango si Edmund kila Nicole at Sherwin na parehong sumeryoso ng makita ang news.
"So, anong kinalalaman mo sa virus na yan?"
Setyosong tanong ni Nicole.
"Pinapatigil namin ang pagkalat nito."
"Namin?"
"Yes! Ako sila Kate at mga tauhan ko at tauhan ni Tiyo Miguel."
"Pinipigilan nyo ang virus, papaano? Hindi naman kayo duktor at diba problema ito ng presidente?"
"Hindi ang virus ang pinipigilan namin kundi ang pagkalat nito."
"Huh?"
Gulong gulo nakatingin kay Edmund ang mga kausap nyang sila Nicole, Sherwin at Earl.
"Hindi po ang virus ang pinipigilan namin kundi ang balita tungkol dito. Pinipigilan po namin itong kumalat upang hindi magkaroon ng panic attack."
Paliwanag ni Kate.
"Pinipigilan nyo ang balita tungkol sa virus, e diba dapat maging aware ang mga tao sa sitwasyon?!"
Lito pa rin sila.
"Dahil walang virus."
"Ha?"
Napatingin ang lahat kay Eunice na kanina pa nakafocus ang tingin sa isang laptop na tila may pinagaaralan. Ni hindi tumingin sa kanila ng magsalita ito.
"Paano mong... "
Nagtataka ngunit may paghangang tanong ni Edmund sa anak.
'Bakit ba lagi na lang ginugulat ako ng batang ito?'
'Gaano na ba kataas ang IQ nya?'
"Tama po si Eunice, wala pong virus, gawa gawa lang po ito para magcreate ng panic ang mga tao!"
Napatanga si Sherwin.
'Jusmiyo mga genius ba 'tong mga batang 'to, bakit andami nilang alam?'
"Papaano nyo nalaman ito e ang daming nagaaral at nagiimbestiga tungkol dito pero hanggang ngayon hindi pa rin matuklasan kung ano ang totoo?"
Alam ito ni Sherwin dahil isa sya sa committee na nagiimbestiga tungkol sa virus.
"Dahil mali ang pinagaaralan at iniimbestigahan nyo?"
"And how can you say that?"
May inis na tanong ni Sherwin. Feeling nya iniinsulto sya, sila ni Eunice.
"Dahil fake ang virus."
"Fake?"
"Yes po Doc Sherwin, fake po ang virus, man made po ito hindi natural existence."
Sagot ni Kate.
"Sabi ko na sa inyo Ninong isama natin si Eunice e, kita nyo sandali lang alam na nya agad na fake!"
Proud na tiningnan ng magasawa si Eunice maliban kay Sherwin na hindi pa rin makapaniwala.
"Totoo ba 'to?"
"Yes po Tito Sherwin at si Tito George po ang may possibility na gumawa ng virus."
Sagot ni Eunice sabay bigay ng laptop na kanina pa nya tinitingnan.
"Let's say totoo ito. Now tell me, sino naman si George at ano ang motibo nya bakit nya ginagawa ito?"
"Una ang kayamanan ni Tito Miguel, pangalawa ...."
Sagot ni Edmund.
"Ang Sinag Island!"
Dugtong ni Kate
"Huh? Bakit pati Sinag Island hindi naman kay Tito Miguel yun?"
"Pero hindi yun ang paniniwala ni George. Buong akala nya kay Tito Miguel ang Sinag Island."
"Ang George ba na sinasabi nyo ay ang eldest son ni Don Miguel?"
"Yup, that's him."
Nakataas ang kilay na sagot ni Nicole.
"Bakit naman magkakainteres si Uncle George sa Sinag Island? Ano bang meron dun?"
Inosenteng tanong ni Earl.
"Well that makes me think too!"
Curious na saad ni Sherwin.
"Tito Edmund .....!"
"Tito Edmund ....!"
"Khim?"
"Tito Edmund, Tita Nicole, Ate Eunice, Kuya Earl! Huhuhu!"
Sabay sabay na napapaba ng hagdan ang lahat ng madinig ang sigaw at pagiyak ni Khim.
"Bakit Khim, what happened?"
"Si Mama po nag collapse tapos ... tapos ... sumunod si Papa! Huhuhu!"