TUTOK na tutok ako sa laptop ng pumasok si Coco sa opisina ko
"Anong ginagawa mo dito?" nakasimangot itong umupo sa sofa
"I'm bored. Sabi ni kuya tutulungan nya kong mawala itong boredom ko." napataas ang kilay ko sa sinabi nya
"Bakit sabi ni Sky nawawala ka daw."
"Hindi ako pwedeng mawala dahil wala ng mag aayos ng mga schedule nya kaya ako nandito."
"Pero meron ng secretary ang kapatid mo." kumunot ang noo nito
"Who?"
"Clover Smith."
"Clover? Yung kaibigan mong patay na patay kay Sky?"
"Kahiya-hiya mang sagutin pero yes sya nga yun."
"How?"
"Bat hindi mo itanong sa kapatid mong malakas ang sayad sa ulo." iniligpit ko na ang gamit ko at naglakad palabas
"Let's go, may kliyente pa kong dapat pasayahin."
"Poor girl, sana lang mababaw ang nararamdaman nya kay Sky."
"Sana lang nakinig sya sa pinayo ko sa kanya. Ayokong makita syang umiiyak dahil kahit pinsan ko pa ang nanakit sa kanya kaya kong patayin."
"Don't worry pagsasabihan ko si Sky na--" pinatigil ko sya sa nais nyang gawin
"Don't. Hayaan mo kapatid mo."
"Pero paano ang kaibigan mo?" may pag alala sa boses nito
"Don't worry, i know my friend she can handle any situation."
I hope she can.
KANINA pa ko nasa labas ng kumpanya ni Arnold. Nagdadalawang isip kung itutuloy ko pa ba o hindi na. Huminga ako ng malalim at nagsimulang naglakad papasok sa kumpanya
"Excuse me, where is Arnold office?" tanong ko sa reception
"Do you have an appointment, Miss?"
"No, but i need to talk to him."
"I'm very sorry ma'am but you can't talk to our CEO unliess you have appointment."
"I understand."
Mukhang ito na ang sign na nagsasabi na tigilan ko na agad ang kalokohan nila Sky. Pero sa tuwing naaalala ko kung gaano sya kaseryoso habang humihingi ng tulong hindi ko maiwasang hindi makunsensya
Think Liah. Just think. Tumingin ulit ako sa kumpanya nya. Paano ba ako makakapasok sa loob nyan?
Binaba ko ang binata ng kotse ng may kumatok.
"Mack? Anong ginagawa mo dito?"
"I have a meeting with Mr. Stryk and I saw your car in front of his company. What are you doing here?"
"You said you have a meeting with Stryk? Can i come?"
"Why?"
Akmang ipapaliwanag ko sa kanya ang dahilan ng may naalala akong pinaalala sakin ni Sky.
"Don't tell it to anybody ."
"Kahit sa tropa mo?"
"Yeah. Kahit si Mack pa ang makasalubong mo o kung sino man sa kabigan ko."
"I think I deserve an explanation."
"May pustahan kami kung sino samin ang makakapagpasaya kay Arnold. Kahit anong gusto nya ibibigay."
"Hey Liah, what is it?"
"Nothing. May gusto lang akong sabihin sa kanya kaya lang hindi ako pinayagan ng nasa reception hall sabi nya I need an appointment."
"Arnold is always like that. He doesn't talk to anyone especially if that person has nothing to deal off because for him every open of his mouth is important."
"Kaya pala pagmagkakasama kayo hindi ko man lang naririnig na nagsasalita ito."
*ting*
Sinundan ko lang si Mack na pumasok sa pangatlong pintuan. Napadako ang tingin ko sa lalaking bagot na nakatingin kay Mack. Arnold Blaire Stryk. The man with few words. Lumagpas ang tingin nito kay Mack at tinaasan ako ng kilay. Hindi lang pala pipe suplado po ang kyah mo.
"What the hell is she doing here?" nagkibit balikat lang si Mack at umupo sa katapat na upuan ni Arnold at ako naman ay umupo sa sofa malayo ng konti sa kanila
Ramdam ko ang tingin ni Arnold habang may meeting na nagaganap pero hindi ko man lang sya nilingon. At pinatuloy ang paghahanap ng magandang tanawin na maariing magpakasaya sa isang tao.
Matagal na ang business na ginagawa ko kaya kahit papano nakakakuha ako ng mga ideya sa mga nakaranas na ng serbisyo namin at ang kadalasang sinasagot para sumaya ang tao na depress is either pagkain, pahinga at stress reliever. Sabi kasi ng isa sa tinanong ko, matagal na syang hindi nakakaranas ng saya magmula ng namatay ang anak nya hindi na nya alam kung paano ulit ngumiti at maging masaya hanggang sa may nagrecomenda sa kanya tungkol sa shop ko unting unti syang nakakamove on sa nangyari sa buhay nya sa pamamagitan ng nature. Sabi nya nature is medicine, nagagawa kang pakalmahin nito kahit titigan mo lang sya at ramdamin. Baka iyon ang kulang kay Arnold. Kulang sya sa damdamin.
HINDI ko alam kung anong oras na sila natapos dahil paggising ko nasa isa na kong kama. Dali dali kong inayos ang sarili ko at dahan dahang naglakad palabas ng may nakita akong paa na nakaharang sa dinadaanan ko.
"Hi Arnold! Long time no see. How's life?" ginagawa kong normal ang boses ko tinaasan nya lang ako ng kilay
Oo nga pala, pipe ang kyah nyo.
"Nice meeting you, Aalis na ko." akmang lalagpasan ko sya ng hinarangan nya ulit ako
"Bakit?" sinundan ko ang tinitingnan nya, yung kama gulo gulo
"Sorry, aayusin ko na po." habang nagliligpit ako tiningnan ko kung umalis na sya sa lugar nya kaso mukhang walang balak umalis ang lalaking yon.
"Tapos ko ng linisin salamat nga pala sa pagpapatulog mo sakin. Sino nga pala yung nagbuhat sakin?" naghihintay ako ng sasagutin nito kaso mukhang wala talagang balak magsalita ang lalaking ito.
"Sige maiwan na kita. Salamat nga pala." tinaas nito ang hawak na selpon na katulad na katulad ng sa akin hanggang sa marealize ko na selpon ko ang hawak nya
"B-akit na sayo iyan?" kinakabahan ako dahil paalala rin ni Sky na dapat walang malaman si Arnold sa plano nila
"Why my name's here?" napalunok ako ng marinig ang boses nito, ang lalim na parang wala akong ibang magawa kundi ang malunod sa lalim
"Answer me lady!" imbes na matakot ako sa galit nyang itsura tila ang gwapo gwapo nya sa paningin ko. Ano bang nangyayari sakin?
Tutal nakita na nya ang plano ko dapat ko ng panindigan kung anong nasa isip ko.
"Gusto kasi kitang yayain mag date kahit isang buwan lang nagbabasakali lang ako kung papayag ka."
"Fuck off lady. I'm not like the other boys that you can play around in your tiny little hands. So better watch you words bitch."