Halos magkasunod lang kaming pumasok ni Axle nauna lang siguro ako ng mga tatlong minuto. Dala dala niya yung mga binigay ng mga fans niyang pagkain.
Nagsalita si Mario. "Looks like your fans gave a lot again huh?" at saka siya kumuha.
If I know mga kaibigan lang din ni Axle ang umuubos ng mga binibigay ng fans niya sa kanya. As if naman na mauubos niya lahat ng yun at saka maarte kaya yan. Mayaman kasi eh kaya siguro ganyan din ugali.
(Kring-kring-kring)
Hindi ko napansin breaktime na pala. Niyaya ako ni Katherine na bumili at sumama naman ako. Pagkabili ng pagkain bumalik na rin kami kaagad sa classroom namin.
Mabuti naman at wala pa dito sila Axle makakakain ako ng maayos. Naguusap kami ni Katherine habang kumakain. Kung ano ano lang ang mga pinaguusapan namin tapos bigla niyang natanong.
"Mela... balita ko sa Dance Club sasali si Alpha. Susundan mo ba siya?"
Napatigil ako at nagtanong pabalik. "Hah? Saan mo naman nakuha yan?"
Sumagot si Katherine. "Sa ALPHABABES, group page na tungkol lahat kay Alpha. Hindi ka ba kasali sa diyan? Mas makakakuha ka ng information about kay Alpha kaya sumali ka na."
Masaya kong sinabe. "Thank you Katherine! Dance Club! Here we go!"
"Bes... hindi ka naman baliw sa kanya noh? Well... sasali naman ako sa Sports Club dun daw si Axle." kinikilig niyang sinabe.
"Hay nako Katherine... seryoso ka talaga na susundan mo siya. Magisa ka lang dun! Baka mamaya ikaw pa pagtripan nila!"
Tumingin siya sa akin, hinawakan ang kamay ko at sinabe. "Kaya nga sasamahan mo ako eh..." ngumiti pa siya.
Inalis ko ang kamay ko. "No way... ayoko makasama yung lalakeng yun."
Nagpapaawa pa siya. "Mela... please... sasamahan din kita sa Dance Club."
Tinignan ko siya. "Katherine..."
"Ano bang gusto mo? Lilibre kita?" nginitian niya ako ng labas ang ngipin.
Kilalang kilala talaga ako nito. "Sige na nga... sasamahan na kita."
Masaya niyang sinabe. "Yey! Thank you... bukas tell me what you want... I got yah!"
Ngumiti nalang ako at patuloy kaming nagkwentuhan. Tapos na ang breaktime. Mabilis na natapos ang araw na toh. Wala namang masyadong ginawang eksena si Axle sa akin. Mabuti naman.
Arghhh! Thursday na nga pala ngayon hindi pa kami nakapagregister ni Katherine para sa club na sasalihan namin.
Himala at walang nakaabang at naghihintay ngayon kay Axle. Mukang napagtanto na nilang hindi dapat nila siya kinababaliwan.
Wala si Axle sa classroom pero lahat ng kaibigan niya nandito na. Asan kaya yung lalakeng yun? Narinig ko na sinabe ng mga kaibigan niya na hindi makakapasok si Axle kasi may sakit. Kawawa naman siya pero this day will be good. Walang maninira ng araw ko.
(Kring-kring-kring)
Ok breaktime na... We should go and register.
"Mela... bukas nalang tayo magregister sa club." sinabe ni Katherine.
Tinanong ko siya. "Hah? Bakit?"
Sumagot siya na parang nahihiya. "Uhmmm... kasi gusto ko sabay kami ni Axle kaso absent siya ngayon."
Napakamot ako sa ulo ko. "Katherine... ano ba naman yan... pwede..."
Bago pa ako natapos sa sinasabe ko nagsalita na siya. "Lilibre kita ulit. Anong gusto mo?"
"Hay nako... tara na nga."
Hindi talaga ako makatanggi sa gusto ni Katherine lalo na kapag ililibre niya ako. Well... kahit magmuka na akong patay gutom at least makakatipid ako.
It's Friday natatanaw ko na naman na nagaabang yung fans ni Axle. Crazy ones.
Pagkapasok ko sa classroom kaunti pa lamang ang nandoon maaga aga pa nga naman kasi. Mabuti nalang ay pumasok ng maaga si Katherine at may makakausap ako. Ilang saglit lang ay dumating na salot sa buhay ko.
Linapitan ako ni Axle. "Hey! Hey! Hey! Namiss mo ba ako Mela my loves? Well, d na pala kailangan tanungin yan. Alam ko na sagot."
Hindi talaga ako nito titigilan. "Yeah... sa sobrang miss ko sayo parang gusto kitang sakalin." at saka ko siya tinignan ng nakakatakot.
Tumawa siya. "Oh... you looked scarier than I thought today." Inilapit niya ang mukha niya sa akin at onti nalang ay mahahalikan na niya ako. "Ahh... but even you looked scary I still like you." saka siya ngumiti.
This pervert gay is so irritating.
Nagsalita ulit siya. "What if I'll give code name to you." tumawa pa siya.
Ngumiti ako. "Hey! Pervert gay... I don't care on everything you want to call me."
"Ahh! Now I know! I should call you Ms. O!" ngitian niya ako ng labas ang ngipin.
Tumawa ako. "What in the world are you? Ms. O? What's with O huh?" tanong ko.
"For now, hindi ko na muna sasabihin. Ayoko namang makitang mamatay sa kilig." ngumiti ulit siya.
Ms. O? What's with him? Tatawagin na nga lang niya ako ng kung ano Ms. O pa talaga? Ahh... bat ko ba toh iniisip. Wala akong pakialam sa kanya. Oo... wala talaga.
"Hey!" pasigaw na sinabe ni Axle sa tenga ko.
Sumakit pa tenga ko. "Ano ba?!"
Tinawanan niya ang reaksyon ko. "Nothing." at saka siya ngumiti.
Ang lakas talaga ng tama nito sa ulo. Hindi mo maintindihan kung ano gusto niya o kung ano iniisip niya.
(Kring-kring-kring)
Ok here we go. Kailangan na talaga naming magparegister ni Katherine.
"Mela! Tara na!" papalapit si Katherine sa akin.
"Ok... san tayo una paparegister?" tanong ko.
"Sa Sports Club! Nandun na si Axle." kinikilig niyang sagot.
Napakamot ako sa ulo. "Ohh my... Axle talaga huh?"
Nginitian niya ako. "Hehe."
Habang naglalakad kami papunta sa room ng Sports Club nagtanong sa akin si Katherine.
Tinignan niya ako sa mata. "Uhmmm Mela? Bakit mo ba hindi magustuhan si Axle? Oo, pinagtitripan ka niya lagi. Sinasabihan ng pick up lines. Mabait pa rin naman siya sayo kahit papaano. Kaya bakit?"
Napatigil at napaisip ako sa sinabe niya. Bakit nga ba? Dahil ba naiinis ako sa kanya lagi? O dahil ayoko lang talaga siya?
Ngumiti ako at sinabe. "Katherine... Maybe its just he's not my type."
Hinawakan niya ang dalawa kong kamay at nakatingin sa akin. "Then please Mela... tulungan mo ako kay Axle. Please Mela... magkakilala na kayo matagal na."
I can see her two eyes shaking and directly looking at me. Its the first time I saw Katherine holding my hands tightly and wishing some favor. He really like Axle. I can see and feel it. What can I do? Magkaklase lang naman kami na palaging magkaaway at hindi nagkakasundo sa mga bagay bagay. Paano ko matutulungan si Katherine kay Axle?
I smiled at her. "Katherine... ok... I'll try..."
Niyakap niya ako ng mahigpit at ramdam ko ang kasiyahan niya. Pero paano ko nga ba talaga siya matutulungan?
Nagpatuloy na kami ni Katherine sa paglalakad at nakarating na kami. Nandito nga si Axle.
"You're also going here Mela huh? Baka sinusundan mo lang talaga ako?" At itinataas taas pa ang kilay habang nakangiti.
"In your dreams... pervert gay!" at saka kami pumila ni Katherine.
Tapos na magregister tong lalakeng toh ano pa ginagawa niya dito? Ang lakas talaga ng tama sa utak. Ewan ko nalang.
Tapos na kaming magregister ni Katherine biglang nasa gilid na namin si Axle.
"So... kulang pa ako ng isang club na sasalihan. Mela pwede saan ka pa ba magpaparegister?" tanong ni Axle.
Sumagot ako ng maayos. "Dance Club."
Ngumiti siya at sinabe. "Ok! Doon na rin ako!"
Tinignan ko siya ng masama. "Hah? Susundan mo talaga ako? Baliw ka na ba?!"
"Oh Mela... syempre hindi kita sinusundan. Lets just say na sasamahan kita." nakangiti pa niyang sinabe.
Napapikit ako. "Ahhh! Kainis!" at saka ko hinatak si Katherine.
Sinusundan talaga niya kami papuntang sa Dance Club Room. This guy is really crazy. Tch...
Wala na akong nagawa nagparegister talaga siya. Hindi ko naman pwedeng sabihin na ayaw ko siyang makasama magmumuka lang akong tanga pag ginawa ko yun. Not a valid reason.
Teka... paano ko kaya matutulangan si Katherine na mapalapit kay Axle? Ahh... I see... alam ko na.
Uwian na nakita kong magisa lang si Axle. Sakto sasabihin ko na sa kanya.
Nakangiti ako ng todo. "Axle."
Tinignan niya ako. "What's with your face? Ngiting ngiti ka naman masyado. Alam ko naman na pogi ako pero wag ka naman pahalata."
Kung wala lang talaga akong kailangan sayo baka inaway na naman kita!
Ngumingiti pa rin ako. "Tomorrow is Saturday. Go at the mall. 11:00 am"
"Oh... are you saying we're having a date tomorrow huh?" nakakunot pa ang mga kilay niya at nagtataka.
"Just go there and don't be late." at saka ako umalis.
Sinabihan ko na rin si Katherine para bukas. Sana naman gumana toh. Sana naman makatulong ako sa kanya.
Sinamahan ko na si Katherine pero hindi ako magpapakita kay Axle. Kailangan silang dalawa lang pero malapit ako sa kanila para kung magkaroon man ng problema andun ako kaagad.
(Axle Abellar sent a message)
"I'm here. Where are you?"
"Go to the Coffe shop in front of NBS."
"Ok. On my way"
Nakikita ko na siya. May upuan ng para sa kanilang dalawa nasa likod lang nila ako pero hindi ako makikita. Maririnig ko ang mga pagusapan nila.
"Hi Axle." nakangiting sinabe ni Katherine.
"Where's Carmela?" tanong niya.
Hindi sumagot si Katherine. "Uhmmm... lets seat there."
Sumunod naman si Axle. Sa ngayon mukang ok naman lahat.
"Where's Carmela?" tanong ulit ni Axle.
"Uhmmm... This one is good. Try it." ngumiti pa si Katherine.
"Do you have your ears? I'm asking you! Where's Carmela?!" tumaas ang tono ng boses niya.
Ano ba tong ginawa ko. Anong gagawin ko?
"She's not here... umalis na siya kanina lang." sagot ni Katherine.
Hindi marunong magsinungaling si Katherine sana hindi siya nahalata ni Axle.
Ngumiti si Axle at tinignan si Katherine. "Oh please stop lying. What do you want from me?"
Napatahimik siya ng saglit . "I-i like you Axle. I asked Carmela to bring you here. So we can have a date." kinakabahan na sagot ni Katherine.
"Wow... that Carmela! I know she's still here. Where is she?" tanong ni Axle.
"She already go." sagot ni Katherine.
"Oh stop lying please! Alam kong hindi ka niya iiwan dito magisa. And for you to know I don't want us to have a date. So move away."
Ahh... ano ba tong ginawa ko? Lalo ko lang mapapalayo si Katherine kay Axle. Anong gagawin ko?
"Pumunta ako dito for Carmela not for you!"
Hindi ko na kaya toh. Napatayo ako sa upuan ko at lumapit na sa kanilang dalawa.