DEMONS IV:Marry Who?

At 5 o'clock in the afternoon Woohyun arrived where Jora's subdivision is. He parked outside Inspirit Sanctuary and lean on the hood of his car while waiting for her.

"Hey Namu!" He heard her called out habang lumalabas ito ng gate. She smiled so he did the same. Nang makalapit ito ay binuksan niya agad ang pinto sa passenger seat.

He can feel an awkward silence while driving. Probably because of their last encounter. She confessed that she's inlove with him, but he only sees her as his younger sister.

'Tsk! Kahit naman ganon ang nangyari ay hindi ako sanay na ganito kami sa isa't isa. Kapatid ko pa rin siya kahit anong mangyari. Magtataka rin panigurado ang parents namin pag dumating kami sa bahay.' That is what's running through his mind.

"So, how's school?/ Um, kumusta naman sa school niyo?" They asked the same question, tagalog nga lang ang kay Jora. Dahil dun ay nagkatinginan sila at nagkatawanan. Siguro napansin rin nito ang awkwardness.

"I told you na wag mo nang isipin yung sinabi ko sayo. Let's just pretend that it never happens. Mas hindi ko matatanggap ang mawalan ng kapatid dahil lang dun." Simpleng saad ni Jora sabay ngiti.

"But, going back to the topic. How's school?" Dagdag pa nito.

"As usual. Girls are always causing a havoc once they've seen us." Mayabang nitong sagot dahil iyon namam ang totoo.

"And as usual. Napakahangin mo parin!" Saad ni Jora sabay irap.

"Gusto mo naman! Bleh!" Asar ni Namu sa kanya.

"At may bago ka ng pangasar ha. Madaya!" Saad nitong tila naaasar sabay halukipkip.

"How 'bout you? How's school? Third year ka na diba?" Tanong naman ni Namu.

"Yep! Nagpa-plano nga kaming lumipat ng school. Nagkaproblema kasi sa current school namin yung isa kong friendship. Syempre, walang iwanan kaya lahat kami mag-transfer para bongga. Excited na nga ako eh." Nakangiti nitong sagot.

"Nasa iisang bahay lang naman kayo. Pero desisyon niyo parin yan." Tanging saad niya nalang.

Pagkapark niya ng kotse ay sabay na silang pumasok. Naabutan pa nila ang kanilang Dad sa living room, so Namu greeted him and they did a manly hug.

"I miss you baby Denise!" Singit naman ng Mom nila na kalalabas lang ng kusina.

"Ma! Hindi na nga ako baby eh!" Reklamo ni Jora while pouting.

'These ladies are cute.' Namu thought.

"You're still my baby girl." Sagot ng Mom nila sabay kurot sa pisngi ni JD.

"Anyway, halika na kayo habang mainit pa ang mga pagkain." Yaya nito sa kanila. Iginiya sila ng kanilang mom sa hapagkainan and after a short prayer ay nagsikainan na sila.

"Nga pala Dad, what's the purpose of this dinner?" Nagtatakang tanong ni Namu.

"Kakasimula lang kumain yan agad ang tanong mo." Angil naman nito sa kaniya ng pabiro.

"Biglaan naman kasi. So bakit nga?" Tanong niyang muli.

"Well your Mom and I planned it a month ago.." Sagot ng Dad nil.

"At pa-suspense pa talaga kayo ha!" Reklamo naman ni Jora.

"We want the both of you to marry each other. We've been thinking about it and we both agreed that it's a good idea." Sagot ng Mom nila na tila tuwang tuwa.

"Hindi na rin kami bumabatang dalawa at saka hindi naman kayo totoong magkapatid kaya naisipan namin ito. Besides nakikita kong mahal niyo ang isa't isa." Dugtong naman ng Dad nila.

"And baby Denise's parents would love the idea cause we even have a talk about it when they're still alive." Singit pa ng kanilang ina.

"Seriously? It's a bad idea. If this is the purpose of the dinner, uuwi talaga ako!" Angil nitong si Jora habang nakasimangot at nakahalukipkip.

'And that's what I admire about her. She love me but she's never a selfish.' Sa isip-isip na Namu.

"Teka! Grabe ka naman sa akin. Ganyan mo ba ka-ayaw saken, sis?" Tanong ni Namu sabay arteng tila nasasaktan.

"Aish, Namu! Tigilan mo nga ang kalokohan mo!" Naiinis nitong wika kaya naman tumawa si Namu.

"Mom, Dad. Tigilan niyo na nga ang joke time niyo." Saad nalang ni Namu sa dalawa.

"Ano ba naman yan! Pinaghandaan naming dalawa to tapos ganyan ang mga reaksyon niyo?" Sumbat ng Dad nila.

"I actually imagined both your faces to be too shocked. Hindi ba convincing ang acting skills ko?" Parang batang reklamo naman ng kanilang Mom.

"Ewan ko talaga sa inyong dalawa." Naiiling na saad ni Namu.

"Pero ano ba talaga ang purpose ng dinner na to, Ma?" Tanong ni Jora.

"Ah! Oo nga pala. Three days from now is your debut kaya naman pinaghandaan namin ito ng Papa mo." Nakangiting sagot ng kanilang ina.

"We want you to celebrate it here. The invitations and everything else for that day was already planned and prepared." Singit naman ng ama nila.

"Nakapili na rin ako ng isusuot mo pati na rin ng partner mo." Sambit ng Mom nila sabay tapon ng tingin kay Namu.

"So I'm going to be JD's escort?" Tanong niya.

"Yes son. Dapat nga ay ako eh kaya lang sabi niyang ina mo ay matanda na raw ako." Akala mo'y batang reklamo ng kanilang Dad.

"Pffft!" Jora and Namu contained theirselves kasi nagse-senti ito.

"Aba't tinatawanan nyo pa kong magkapatid?" Tila naiinis pa nitong tanong.

"Peaceyow Dad." Tumatawang sagot ni Namu.

"Sorry Papa." Saad din ni Jora habang nakangiti.

"Let's just eat, folks. You two, dito na kayo matulog tonight and I expect the both of you to be here early in the morning by May 13. Okay?" Paninigurado ng kanilang ina.

"Yes Ma/Ok Mom." Magkapanabay na sagot ng dalawa.

"Nga pala anak. I've heard that you and your friends are planning to transfer to a different school?" Pagkukumpirma ng dad nilakay Jora.

"Yes po, Pa. Nagkaproblema kasi yung isa kong friendship sa current school namin. Eh, the more the merrier kaya sumama kaming lahat." Sagot ni Jora na sinamahan niya ng tawa.

"That's fine. Just always be careful alright?" Saad muli ng kanilang Dad na tinanguan naman ni Jora.

Matapos ang dinner ay nagkwentuhan lang silang pamilya sa salas at makalipas ang ilang oras ay umakyat na si Jora sa kwarto niya. Dumiretso lang siya ngayon sa rooftop nila dahil namiss niya ang tumambay dito.

"Hey li'l sis." Narinig niya ang boses ni Namu kaya't lumingon siya dito.

Nginitian niya lamang ito saka siya tumalikod dito. Humarap si Jora sa railings at dun sumandal habang pina-panood ang view sa harapan niya.

"Bakit hindi ka pa natutulog? Mag-a-alas diyes na kaya." Tanong ni Namu.

"I just don't feel sleepy." Tanging sagot niya.

"Ikaw din?" Tanong naman nito kay Namu.

"Ewan pero hindi ako makatulog for some reason and it's been a long time since we did star gazing." Nakangiti nitong tugon.

Jora just hummed as an answer. Ipinikit niya ang mga mata habang dinadama ang payapa at malamig na simoy ng hangin. Matagal siyang nasa ganoong posisyon at nararamdaman niya parin ang presensya ni Namu sa tabi niya. Tahimik lang ito but the awkward silence are no longer there.

Makalipas ang ilan pang minuto ay nagpaalam itong matutulog na.

"Goodnight!" Simpleng tugon niya.

"Good night din. Matulog ka na at maaga pa tayong aalis bukas." Paalala ni Namu.

Dinama pa niya ng ilang saglit ang simoy ng hangin bago siya nag-pasyang matulog na.