DEMONS XIX

Maagang nagising ang magkakaibigan nina Iscelle the next day and Ley already prepared their breakfast when they all came downstairs. Naglaan sila ng panalangin lead by Robin before starting to  dig on their own food.

"Hoy Tintin! Nung ganap sa birthday mo?" Usisa ni Kyra habang nagsasandok ng kanin.

"True! Malapit na nga pala yun, ano?" Dagdag na tanong ni LA.

"Sabi kasi ni Mama sa Canada daw kami mag-celebrate, utos daw yun ni lolo." Sagot naman ni Tintin.

"Napaka-arte talaga ng matandang yun. For sure exclusive for relatives kuno na naman yan!" Reklamo ni Jora.

"Ano pa nga ba." Walang buhay na sagot Tintin.

"Kakaiba talaga yang lolo mo. Akala mo naman lalasunin namin siya." Tila nagtatampo ring sabi ni Robin.

"If that's the case, then get your present from my room when you're done eating." Malamig na wika ni Iscelle kay Tintin.

"Yung akin din nasa kwarto ni Iscelle." Nakangiting sambit ni Ley na inirapan naman ni Iscelle.

"Andadaya niyo! Kelan pa kayo nakabili?" Tanong ni Batchi.

"None of your business." Masungit namang tugon ni Ley.

"Grabe sa mood swings Ley, ha! Daig mo pa buntis." Asar naman ni Kyra saka binalingan si Tintin.

"Ipapadala ko nalang sa Canada yung akin." Nakangiti niyang turan kay Tintin.

"Isabay mo sa package mo yung akin." Saad naman ni Kyra na sinegundahan nina Batchi at Robin.

"Balakayojan. Ako kahit kelan na lang hehe." Tila proud pang sambit ni Jora which earned a glare from the three.

"Just shut up." Malamig na turan ni Iscelle kay Jora at tila batang napagalitan naman ang huli na siyang ikinatawa nang apat niyang mga kaibigan.

~•~

The girls offered to send Tintin off kaya nandito silang lahat ngayon sa airport. Medyo maaga pa naman kaya hindi niya kailangang magmadali at saka jet plane na pag-aari ng lolo niya ang sasakyan nila ng family niya and other relatives nila na manggagaling din ng Pilipinas.

Nakilala na rin ng lolo ni Tintin ang mga kaibigan niyaat buti na lang at walang naging problema. Usually kasi ay ayaw nito sa mga nagiging kaibigan niua mula pagkabata. "Saltik ata yun eh." Naisip na lang ni Tintin. Isa pang problema ng lolo niua ay kahit gaano katagal na nitong kakilala ang isang tao ay hindi pa rin sila makaka-attend ng kahit anong event na may kaugnayan sa pamilya dahil mahigpit niyang ipinagbabawal na magpapasok ng hindi naman nila kadugo.

"Alam mo naman size ng paa ko diba bes?" Biglang sabi ng baliw na si Jora sabay kapit sa braso niya.

"Tangek! Birthday nga niya diba? Ni wala kapa ngang naibibigay man lang kahit simpleng regalo tas ikaw pa manghihingi ng pasalubong dyan?" Litanya ni Batchi matapos niyang batukan si Jora.

"Bobo! Magkaiba yun! Edi parang exchange gift nalang kami ni Tin diba?" Nakangising ganti ni Jora sa sinabi ni Batchi.

"Alam mo kayong dalawa puro kayo kalokohan, no?" Singit naman ni Kyra na medyo naiinis na sa bangayan ng dalawa.

"Kyra wala ng pagasa ang dalawang yan. Hayaan mo na lang." Singit ni Tintin.

"Bakit ko ba kayo naging mga kaibigan? Tatahimik kayo o patatahimikin ko kayo?" Malamig na tanong ni Iscelle ng naka-crossed arms sabay titig sa dalawa.

Nanlaki ang mata nung dalawa at sabay na tumahimik. Iscelle is a type of person na hindi basta-basta nakikialam sa bangayan nitong mga ito unless mairita talaga siya. And when she do? Hala! Matakot ka ng bata ka.

"Ah? hehe so-sorry Ice. Labyu." Si Batchi ang unang nakabawi sa dalawa.

"Tsk!" Inirapan lang naman siya ni Iscelle.

"One week kang mawawala, right?" Tanong naman ni Robin na tinanguan niua lang. Niyakap siya nito at matapos yun ay saka ito nagpaalam at nagsabing magingat daw siya.

Napatingin naman siya kay Ley because of her unusual quietness. Kanina pa kasi itong tahimik sa bahay. "Lema kaya nito?" Tanong ni Tintin sa sarili.

"Bibili ko kayong pasalubong. Promise!" Nakangiti niyang saad at nagulat siya dahil bigla siyang dinamba ng yakap ni Jurang baliw.

"True friend ka talaga bes! Mwah!" Saad pa nito matapos siyanh bitiwan at halikan sa pisngi. Buti na lang at hinigit na ito ni Kyra mula sa kwelyo ng damit niya. "Abnormal talaga." Iiling-iling na bulong ni Tintin.

"Call us when you get there." Muling paalala ng Robin.

Right after that ay tumlikod na siya at dumiretso na sa loob patungo sa naghihintay niyang flight.

Nasa lobby pa rin ng airport ang magkakaibigan at nanatiling nakaupo na animoy nagaantay ng papatak na biyaya.

"I want to eat, nagugutom na ako." Parang batang saad ni Jora

"Yeah, ako din." Sangayon naman ni Batchi.

"Lagi naman kayong gutom eh." Singhal ni Kyra sa dalawa.

"Kahit ikaw yung laging kain ng kain diba?" Ganti naman ni Batchi.

"Kahit sa inyo lang naman halata na kain kayo ng kain diba?" Sarcastic na tugon ni Kyra dito na siyang ikinatawa nina Robin, Kyra and Ley.

"Pasmado yang bunganga mo ah. Magtoothbrush ka nga!" Singhal naman ni Jora.

"Talaga three times a day ko pa nga gawin eh. Unlike you na every new year lang dahil akala mo yata pag nagtoothbrush ka ng new year pang buong taon na yun." Sagot naman ni Kyra na sinundan niya ng pagtawa.

Pati si Iscelle ay napangiti narin sa bangayan ng kaniyang mga kaibigan samantalang nakitawa narin si Batchi sa iba.

"Mga bus---!" Biglang natulala si Jora kaya't sinundan nila ang tinitingnan nito.

"Ice!" Gulat at di makapaniwalang saad ni Robin at Kyra.

"Y-you.." Saad naman ni Batchi na tila hindi mahinuha ang dapat sabihin.

"Obviously. She smiled." Pagsabi ni Ley sa dapat sanang sasabihin ng mga kasama.

"Hala!" Sabay sabay na napatakip sa bibig ang magkakaibigan maliban kay Ley na nakatingin sa malayo.

"It's been a long time since I've seen that smile from you, Iscelle. I even missed how you laugh." Malungkot na saad ni Ley bago ilipat ang kaniyang paningin sa kaibigan. Tumingin lang sa malayo si Iscelle at hindi sila binigyang pansin.

"So you used to smile and laugh before?" Curious na tanong ni Robin. Imbis na sumagot ay tumayo si Iscelle at umalis na sa lugar na iyon ng sobrang tahimik.

"Hala! Nagalit yata yun sa sinabi mo, Robin." Pananakot ni Jora kaya nakatikim siya ng malakas na batok kay Batchi.

"Jora, pede ba?" Mataray na saad ni Kyra habang nakataas ang kilay.

"Hindi ba natin siya susundan?" Tanong naman ni Batchi.

"Let her be. She won't like it you do that." Maikling pahayag ni Ley. Aalis na dapat sila ng mapansin nila si Tintin sa tabi nila.

"Teka bat nandito ka pa? Diba'y umalis kana?" Sigaw ni Jora dito.

"Tanga! Hawak mo parin ang luggage ko eh.  Hindi ko rin agad napansin." Sagot ni Tintin na pasigaw rin.

"Ay oo nga no? Hehe." Napakamot nalang si Jora sa ulo niya.

"Tsk! Bobo talaga." Singhal dito ni Batchi.

"Wait! Tama ba nakita at narinig ko 'bout Ice? She really smiled?" Masayang usisa ni Tintin.

"Hindi ka naman suguro bingi at mas lalong hindi ka bulag Tintin kaya wag kana matanong at lumayas kana!" Masungit namang sagot ni Kyra.

"Pasmado talaga yang bunganga mo eh no? Makaalis na nga! Akina yan!" Asik nito sabay agaw sa mga bagahe niya bago nagmartsang paalis.