DEMONS XVII : Masquerade 1.0

Kasalukuyan silang nasa Shins Mansion na pag-aari ng parents ni Ley. Ngayon kasi gaganapin ang masquerade themed birthday party ng baklang Ley. Napaka-lawak ng lugar at nilagyan nga ng glass floor yung malawak na pool para doon ganapin ang waltz dance or cotillion dance for Ley's eighteen roses. Napakadaming bisita pero hindi napupuno ang garden nila at sa pagkaka-alam nila ay may extension pa itong reception area which is yung ballroom hall na kadugtong nitong garden. "Yayamanin talaga ang luka. Sana all." Saad ni Tintin sa sarili.

Nakaupo silang anim sa table na nakalaan para sa kanila. Sa tingin nila ay iyon ang may pinakamalaking table sa lahat cause it can accommodate up to fifteen persons while the rest of the table only have five to six seats. "I wonder kung sino pa ang makakasama namin dito sa table." Muling saad ni Tintin sa sarili.

"Ya! Apaka-sosyal talaga ng parents ni Ley. Puro mamahalin ang mga alak na nandito." Tili ni Jora na tila tuwang tuwa.

"Maglalasing tayo!" Tawang tawa namang sang-ayon ni Batchi.

"Mga purita! Ngayon lang ba kayo makakatikim ng mamahaling alak?" Taas kilay na tanong ni Kyra na halata mong nang-aasar. Napaka-tabil talaga ng dila ng isang ito.

"Hayup ka talaga! Panira ka ng moment." Angil ni Jora dito and Kyra just showed her middle finger to her.

"Jura! I have a question." Robin gets her attention.

"Nu yun?" Simpleng sagot nito.

"Diba business partners ng family ni Ley yung step brother mo and his friends, does that mean andito din sila?" Tanong muli ni Robin.

"Oo nga no. Puro business associates ng family ni Ley ang halos lahat ng bisita, so there's a big probability na andito sila pero wala namang nasabi sa akin si Namu eh." Mahabang sagot ni Jora.

"Hindi naman kasi lahat kailangang sabihin niya sayo no." Singit niya sa kanila.

"Shattap Tintin! Hmp!" Reklamo ni Jura na inirapan niya lang.

"So childish, Jora." Malamig na wika ni Ice kaya't nilingon nila ito.

"Kasama ka pala namin?" Tila gulat na tanong ni Kyra pero mahihimigan sa boses ang pang-aasar. "Gago talaga to." Naisip na lang ni Tintin.

"Teka nga! Alam niyo ba kung tayo-tayo lang gagamit ng table na ito or meron pa? Andami pang bakanteng seats eh." Tanong niya naman sa mga kasama.

"You wouldn't want to know." Malamig na namang saad ni Ice sabay inom sa wine na hawak niya.

"Bakit sino ba?" Takang tanong ni Batchi.

"Figure it out yourselves." Muling sagot ni Ice saka muling nanahimik at hindi na sila pinansin.

Kanina pa nagsimula ang party at sa ngayon ay kasalukuyan namang ginaganap ang waltz or cotillion dance ni Ley with her eighteen roses. Tahimik lang na nanunuod ang mga kaibigan niya habang di mapigilang mag-bitaw ng sariling komento sa mga nakakasayaw ng kaibigan. Kasalukuyang kasayaw ni Ley ang isang matangkad pero may kapayatan na lalaking may ash blonde na buhok.

"He looks familiar and he seems feminine for me." Biglang saad ni Robin.

"Tru! Apakalambot gumalaw ah." Sangayon naman ni Jora sa kaibigan.

Nagpatuloy ang sayaw at nalipat si Ley sa isang binatang medyo may kaliitan pero may jolly aura.

"Mukhang tanga!" Nakahalukipkip naman na puna ni Ice sa malamig na tinig.

Tiningnan lang siya ng mga kasama ng may gulat sa mata for the reason that they are not expecting any comment from her. Ipinagpatuloy na lang nila ang panunuod kay Ley at sa kasalukuyan nitong kasayaw na medyo may kaliitan at nakasuot ng tuxedo pero halos nakikita ang chest area na tila ipinagmamalaki niya iyon.

"Feeling gwapo naman yan!" Asik naman ni Kyra.

"Teka! Parang?" Nakakunot na saad ni Jora habang nakatitig sa binatang kasayaw ni Ley.

"Kilala mo?" Agad na tanong ni Kyra.

"Hindi, pero hawig nya si Namu eh." Simpleng sagot ni Jora.

"Yung gago mong kapatid kapatidan?" Nakataas ang kilay na saad ni Kyra.

"Makagago naman to! Mabait kaya yun." Depensa ni Jora sa kapatid.

"Tsk! Bastos kamo!" Muling angil ni Kyra.

Tinuloy nalang nila ang panunuod at ang kasalukuyang kasayaw ngayon ni Ley ay isang lalaking may black na buhok at mukhang may pagka-seryoso sa buhay base sa nakikita nila.

"Mukhang ansungit naman nyan kahit naka-mask siya." Komento ni Tintin na sinangayunan ni Batchi.

Nagpatuloy ang waltz/cotillion dance and Ley does have a different partner now. Kahit nakamaskara ay nakikita pa rin ang singkit na singkit na mga mata ng kasayaw ni Ley.

"Hamster~" Jora whispered out of trance.

"What?" Robin asked her.

"Yung mata kako nung kasayaw ni Ley parang sa hamster." Paliwanag ni Jora na sinangayunan ng lahat.

"Happy birthday Devi." Nakangiting saad ng kasayaw ni Ley.

"No one's greeting me without a present" Pangaasar naman ni Ley dito.

"I'll give it to you later." Sagot naman kasayaw niya.

" Oh! I'll look forward to that." Simpleng sagot ni Ley.

Nagtawanan lang silang dalawa hanggang may lumapit na naka-maskarang lalaki sa kanila. Matangkad ito at nakababa ang itim na itim nitong buhok at mapapansin ding gwapo ito kahit nakamaskara pa.

"I'll dance with her." Saad nito na hindi nagtatanong bagkus ay tila naguutos.

"Sure thing, Hunter." Pangaasar naman ng kasalukuyang kasayaw ni Ley.

"I'm Myungsoo, Daemon." Malamig na wika ng lalaking tinawag na Hunter.

"Shut it! Baka magaway pa kayo." Singit naman ni Ley na tila nagbabanta. Ngumit na lang ang dalawang lalaki sa likod ng kanilang maskara and Myunsoo then danced with Ley.

"Aw! They look good together pero isang tingin mo palang sa kasayaw ni Ley, mukhang casanova eh." Puna ni Batchi.

"There's something odd with those people na nakasayaw ni Ley, trust me." Biglang pahayag ni Robin sa mga kaibigan.

"What's odd here is everyone of you who kept making a comment out of those persons she danced with." Malamig na sambit ni Ice habang hawak ang goblet niyang may lamang whiskey.

Her comment made the rest of her friends silent at tahimik lang ding sumimsim ng alak si Iscelle. Nakailang baso na rin siya, sinimulan niyang uminom ng dalawang kopitang wine saka naman siya uminom ng whiskey.

"Hmm pwede ka na palang makulong since you've reached the legal age already." Panimula ni Myungsoo.

"I'll make sure that there would be no witness nor evidence to be found whenever I'll commit a crime." Nakangising sambit naman ni Ley dito.

"But I'm a proof. You've stolen my heart, so I should imprison you with my hug full of love." Mas lumawak ang ngisi ni Myungsoo sa sinabi niya.

Mahigpit na niyakap siya ni Myungsoo na tinawanan ni Ley ngunit pareho silang nagulat sa mga brasong pilit na pinaghiwalay sila.

"Told ya' he can hear  our conversation and he'll surely separate us immediately." Pilyong bulong ni Myungsoo kay Ley saka niya ito kinindatan bago umalis.

"Last dance?" Tukoy nito sa kanyang sarili.

"Yeah, you're my last dance. Muntik pang hindi." Ley said with a grin.

"Tsk! You said nothing's going on with you and Myungsoo." Angil ng kasayaw ni Ley.

"There isn't." Mahinahong sagot niya dito.

"I'm warning you. He's a fuckin' casanova and you are freaking aware of that! He'll just play with you." May diin sa bawat salitang turan nito kay Ley.

"Yeol, he's not playing around with. I told you. There's nothing between the two of us." Sagot ng dalaga.

"But I've heard everything awhile ago. I knew him well when he wants to get a girl." Giit ni Yeol sa kanya.

"Ha! You're unbelievable! Narinig mo pa kami sa distansya mong yun?" Sagot ni Ley saka siya tumawa ng pagak.

"Tsk!" Tanging nasagot naman ng kasayaw nito.