DEMONS XV

Nakarating sila ng EliGa makalipas lamang ang ilang minuto sapagkat nagkarera rin sila papunta dito. Nauna lang si Yeol ng dating dahil andaming sinasabi ni Dongwoo. Naabutan nilang seryosong nakaupo si Yeol sa pinakadulong upuan na naka-reserve sa kanila. Pinasadya ni Devilish Empress ang VIP seats sa kanila dahil maaarte daw ang mga ito. Gyu noticed a girl sitting with them but he didn't bother himself about her. 'Di ko naman yun kilala eh.' He mumbled to himself.

"Hala!" Biglang sigaw ni Woo sabay takip sa bibig niya.

"Shut up!" Iritang suway naman ni Hoya dito.

"Devi, bat nandyan ka? Tas wala ka pang suot na maskara?" Nagtatanong na bulong ni Woo sa katabi niya pero naririnig nila kaya't nilingon din nila ang babaeng kinakausap nito.

Kamukhag kamukha nga ni Devi pero may iba, sa isip-isip pa ni Gyu. Pero bigla nalang binatukan ni Yeol si Dongwoo.

"Shut up Reaper! She's not Empress. She's her sister." Sagot ni Yeol pagkatapos nitong batukan si Woo.

"Talaga?" Tila namamangha at masayang tanong namn ni Woo.

"Tsk. Abnormal talaga." Iiling iling na bulong ni L sa tabi ni Gyu.

"Hi there! My name's Jayzel, and Ley already told me about everyone of you." Nakangiti nitong turan.

"Hindi ka talaga si Devi?" Muling tanong ni Dongwoo na animong batang naninigurado.

"Can't you figure out the difference?" Asar na tanong ni Yeol dito at napakamot lang ng ulo si Dongwoo sabay iling.

"You really have the same face pero you have an angelic face siguro kasi lagi kang nakangiti. Si Devi kasi mukhang walking bitchface eh." Natatawang sambit ni Sungjong.

"We get that a lot." Nakangiti namang turan ni Jayzel.

'Looking at Jayzel, there's something strange with her smile. It doesn't look that genuine and it doesn't even reach her eyes. Anyway, not my story to tell. Eto namang si Yeol, isa pang abnormal. Lumalabas lang ang totoong ugali kapag nasa loob kami ng Terra Infinite. Ewan ko ba dyan, may dual personality ata si gago. Pero may kakaiba sa kanya ngayon eh. Pati kasi kay Devi ay ang cold at aloof nito samantalang halos mapunit ang labi niyan kakangiti kahit makausap niya lang si Devi sa phone.' Saad ni Gyu sa isipan habang nakatitig sa mga ito ng may pagtataka.

"By the way, Ley's birthday is coming. We planned for a masquerade party and I'm sure you're all coming?" Jayzel asked everyone.

"So long as she would invite us, we'll be there." Sagot naman ni Hoya.

"Why wouldn't I? Of course you're all invited." Narinig nila ang tinig ni Devi kaya't nilingon nila ito.

"Isasama mo ba sila sa eighteen roses mo?" Tanong naman ni Jayzel ng makaupo ang kapatid sa tabi niya.

"I'll think about it." Sagot ni Devi na halata mong nakangisi kahit nakasuot siya ng maskara.

"That can't be. It's a must na included kami sa cotillion dance mo para naman ma-expose ang kagwapuhan namin." Nakangiti at pataas taas ang kilay na suggestion ni Namu.

"It's a masquerade party. Pano makikita ng guests kung gwapo ang nasa likod ng maskara?" Tanong naman ni Gyu.

"Ang mga gwapo kahit naka-mask ay gwapo pa rin. Mahirap kasi itago ang katotohanan." Tumatawang sagot ni Namu.

"He's right Loser Gyu. But a masquerade party suits you better. Para naman di ka mamroblema pano itatago yang panget mong mukha." Singit ni Hoya na ikinatawa naman ng lahat habang siya ay nanlilisik ang mga mata sa kanila.

"Shut Up!" Gyu hushed them with gritted teeth.

"Pikon ka pa rin talaga." Naaaliw namang saad ni Devi sa kaniya.

Nun niya lang din napansin na hindi pala nagiingay si Yeol. Nakahalukipkip lang ito sa tabi at nakatingin sa malayo habang may seryosong ekspresyon. Nakita nilang nilapitan ito ni Devi kaya't umusod sila ng inuupuan to give them privacy. Nilingon pa nga sila ni Devi habang may nagtatakang tingin pero nginitian lang nila ito saka pinanuod ang kasalukuyang karera bago ang kay Devi.

"Care to share your problem? Or, may regla ka lang ngayon?" Seryosong saad ni Ley kay Yeol pero balak niya lang itong asarin.

"Shut up!" He hissed kaya kinurot siya ni Ley sa tagiliran na ikinagitla nito sabay ang panlalaki ng mata at pagpipigil humiyaw dahil patuloy niyang pinaikot ang mga daliri sa balat nito.

"Nung problema mo?" Biglang tanong ni Ley ng tigilan niya ang pagkurot.

"Geez, woman! That fuckin' hurts." Angil nito sa kaniya.

"You deserved that!" Asik niya naman sabay crossed arms.

"Akala ko ba ay walang celebration na magaganap sa birthday mo? Sabi mo tambay na lang tayo sa condo unit ko." Nakasimangot naman nitong sambit.

"Not my fault na sinang-ayunan ng parents ko ang suggestion ni Jayzel. Isa pa, I've realized that it's a once in a lifetime experience, so why not?" Nakangiti niya pang sagot.

"Anyway, ikaw nalang pala yung last dance ko ha." Sabi niya ulit dito.

"Why?" Nakakunot ang noo na tanong nito.

"Why not? Pero kung ayaw mo, I'll just ask Myungsoo kasi mukhang papayag yun." Sagot niya naman.

"Tss! L again? Is there something going on between the both of you? I've been noticing it for weeks now." Tila naiirita at cold nitong tanong sa kaniya.

"No way! Isa pa, I haven't notice anything between us naman. Baka imagination mo lang yan." Sagot niya naman na inaasar pa rin ito bago tingnan ang oras sa relos niya.

"Sige. Iiwan muna kita diyan sa imagination mo kasi ako na ang susunod na kakarera. Wish me luck, baby~" Mapangasar niyang wika dito.

"I know you'll win." He said with seriousness kaya't napangiti na lang siya. Tinalikuran niya ito pero hindi niya napigilan ang mapangisi.

"I'm never gona lose. Its my territory and every bit of this place is mine." Saad niya pa sa sarili.

~•~

Nakahanda na ang dalawang sasakyan na magkakarera. Devilish Empress and her opponent are using two different luxury cars.

"Now! Lets see if this young gentleman here can beat our very own Devilish Empress! The race will start in--- 5... 4... 3... 2... 1....!" Anunsyo ng MC.

Kasabay ng bilang na 1 ay ang pagkumpas ng flag sa harap ng dalawang racer hudyat na simula na ng race. Agad na tinapakan ng dalawa ang accelerator upang umarangkada.

Sa una ay diretso lamang ang dinadaanan ng dalawa and after passing the one kilometer straight road, they met a deadly curve. Agad na nagdrift si Ley o mas kilala bilang Devilish Empress. She made a smooth and perfect drift while her opponent have difficulty due to its very high speed but the race still continue.

Pagkatapos ng kurbadang iyon ay naging masikip na ang daanan. Nauuna si Ley at hindi nya hinahayaang makahabol o malampasan sya ng kalaban. Ilang pasikot sikot na daan, malubak na kalsada at tunnels ang kanilang nilampasan. Ilang nakakatakot na stunts narin ang kanilng ipinakita.

Finally, they reached the last deadly curve wherein only one car can lead the way. They can't drift ng magkasabay kaya't bago iyon narating ay nagkiskisan ang mga sasakyan nila. Ley's opponent kept colliding his car to hers. Nagtagumpay ang kalaban at nauna ito sa pagdrift but Ley still make a way to lead. Nagdrift sya hindi sa kalsada ngunit sa pader sa gilid or sa may gutter ng curve.

Pinaharurot nya kaagad ang sasakyan right after the drift to reach the finish line. They both do the same and are aiming to win sapagkat may pustahan kada laro. Her enemy wants her to be his girl if he'll win while Ley wants her opponent's car if she'll win. The result?

"What a breath taking race that we've witnessed tonight. As usual? Devilish Empress never failed to impress us with her stunts of winning. Now that it's done. The winner should claim her prize! Let's greet Devilish Empress for another victory!" Yan ang masayang anunsyo ng MC bago mag-sigawan ang mga tao sa loob ng stadium.

"WOOOHHH!!"

"ANGGALING MO TALAGA DEVILISH EMPRESS!!"

"WALANG KUPAS!!!"

"SANA AKIN KANA LANG!!"

"I LOVE YOU DEVILISH EMPRESS!!"

"ANG SEXY MO TALAGA!!!"

"WOOHHH IDDDOOOOLLL!!!"

Ilan lang yan sa mga sigawan ng mga taong naroroon. Matapos namang makuha ni Ley ang susi ng sasakyan ay umalis na ang kalaban nito. Unti-unti naring nag-aalisan ang mga manunuod.

"I know you'll win." Simpleng saad ni Yeol pagkalapit nito kay Ley na nginisian lang ng kaharap.