DEMONS XXXII : K-I-S-S-I-N-G

Byernes. Ito ang huling araw bago ang kanilang semestral break nila at ito rin ang huling araw ng kontrata nina Hoya at Tintin. Nagmamaktol si Tintin habang nililinias niya ang kwarto ni Hoya na nasa loob ng kanilang mini HQ sa eskwelahan. Naging crush niya pa naman ang hunghang pero napakasama pala ng ugali, she sighed at the thought.

Nabubwisit siya dahil ngayon pa nito naisipang ipalinis ang kanyang kwarto dahil nga daw last day na ng kontrata which means sinusulit lang ni gago ang pahirapan siya. Dahil lagpas alas sinko na at uwian na rin ng mga kaibigan niya ay ipina-drive niya na lang muna kay Robin pauwi ang sasakyan niya. She can just ask them to fetch her once she's done kesa naman magpahintay siya eh alam niya namang matatagalan siya. Alam niya ring may lakad pa ang baklang Jora at naiinggit si Tintin sa thought na hindi man lang nahihirapan si Jora samantalang siya ay napupunyeta sa taong ito.

Bandang alas sais nang halos matapos niya na ang paglilinis. Paanong hindi siya magtatagal eh sobrang kalat ng kwarto na tila sinadya pa ni gago. Naiinis na naman tuloy siya. At nang matapos siya ay tila nagdiwang ang kanyang kalooban. Dali-dali aiyang pumunta sa banyo para magpunas ng wet wipes sa mukha at katawan niya dahil nanlalagkit na siya bago siya nagpalit ng panibagong tshirt. Matapos yun ay nahiga muna siya saglit sa kamang naroroon upang magpahinga.

~•~

Matamang nakatitig si Hoya sa taong pinapanood niya mula sa mga installed cameras habang prenteng nakaupo sa control room. Sinadya niya talagang magkalat ng sobra aa kwarto niya kahit ayaw niya ng ganoon. He's busy watching his girl whose cleaning his entire room while she kept on ranting about how rude and arrogant he is.

"She's cute when she's like that", sa isip-isip niya pa. Hindi niya rin kasi alam kung pano niya ba dapat iapproach ang babaeng gusto niya lalo na kapag natapos ang kontrata nila. It's indeed the last day of their contract and he don't this to end. He wanted her near him and he wanted her to be his.

Nang magsawa sa kakatingin sa pigura nitong mukhang nasa mahimbing ng tulog ay saka niya ito pinuntahan. Naupo si Hoya sa gilid ng kama at saka tinitigan ang mukha ng babe.

"Maybe one touch won't hurt?" Saad niya sa sarili bago niya hinaplos ng dahan-dahan ang mukha nito, removing a few strands of hair that blocks her beautiful face. Hindi maitatangging nahulog na nga siya sa babaeng ito. He liked how beautiful and innocent her face is and the first he ever held her hands felt like there's an electricity that sparks between them.

He just can't help it. He wanna do something else because it might be the last time he can do this. He's a coward anyway, so he lean down to kiss her inviting lips. Hoya closed his eyes as if savouring the moment and when their lips touched, he felt the electricity and bliss that travelled through his bones. Ngunit ng imulat niya ang kanyang nga mata ay gulat na pares ng mga mata ang sumalubong sa kaniya.

"Fuck! Bat nagising siya?" Inis niyang singhal sa sarili saka dali-daling humiwalay sa gulat na gulat parin nitong mukha bago niya isinuklay ng marahas ang kaniyang kamay sa buhok due to frustration. Bigla namang bumangon si Tintin at saka marahang lumayo sa kaniya.

"Shit! Natakot ko pa ata siya." Muli niyang saad sa sarili.

"S-sorry." Mahinang sambit ni Hoya due to embarassment.

"Y-you.. ki-kissed me?" Tila gulat na gulat pa rin nitong tanong.

"Look, I'm sorry. It's just..." Panimula ni Hoya pero hindi niya maituloy ang dapat na sasabihin.

"J-just what?" Tanong naman ni Tintin.

"I like you, okay? I like you, that's it!" He whisper yell.

"Y-you.. like me? Weh? Di nga? Joke time ata ito eh. Where's the camera?" Di makapaniwalang tanong pa ni Tintin.

"Tsk! It's not a fuckin' joke, Elle!" Singhal naman ni Hoya.

"Tsk! Elle again? San mo ba yan nakuha? Tintin nga kasi, Tintin!" Singhal naman nito.

"Shut up! I'll call you Elle whenever I want"

"Oo nalang. Anyway, what are you up to?" Nakataas ang kilay at naka-crossed arms nitong saad. Hinawakan ni Hoya ang kaniyang kamay at tinitigan siya sa mga mata.

"I really like you. Since the first time that I saw you and the first that I held your hands. I just.. I just don't know how to express or how to tell you my feelings. Believe me, Elle, I'm not lying." Nagsusumamo nitong saad.

"Should I believe him or not? His eyes seems so sincere but I wanna be cautious" Tintin is having an internal battle in her mind.

"I already know that it'd take time before you'll believe me, but I wanna ask for a chance just to prove myself." Muli nitong saad bago niya marahang pinisil ang mga kamay ni Tintin.

"O-okay." Yun na lang ang nasabi niya which made him smile.

"Oh my god! Ngayon ko lang siya nakitang ngumiti at ampogi niya talaga, shit!" She squealed in her mind before smiling at him.

"I'll drive you home?"

"Sure." Tanging sagot ni Tintin.

Nang makarating sila sa gate ng mansion ay pinagbuksan pa siya nito ng pinto ng kotse.

"Goodnight and see you after sembreak." Nakangiti saad ni Hoya.

"Yeah, goodnight." Nakangiti niya ring saad.

Tumalikod na si Tintin para sana pumasok na sa loob pero nahulat siya nang higitin siya ni Hoya and the next thing she knows ay magkalapat na ang mga labi nila. 0_0

"Goodnight kiss. I'm gonna miss you." Nakangiti nitong saad sabay pasok sa kotse saka umalis.

Ilang minuto pa bago siya nakapasok ng bahay nila dala ng pagkagulat niya. Umakyat na siya sa hagdan dahil gabi na rin at hindi pa nagdi-dinner. Naabutan niya pa si Ley sa taas ng hagdan na nakasandal sa railings with a grin plastered on her face.

"I saw it." Nakangisi nitong saad.

"Ha?" Naka-maang nitong sagot.

"You and him standing outta here. K-I-S-S-I-N-G..." Nakangisi nitong kanta habang bumababang hagdan.

"Gagang ito, iniba pa ang lyrics para patamaan ako. Potek! Nakita niya?" Gulat na gulat na sambit ni Tintin sa sarili saka nagtatakbo sa kwarto niya due to embarassment.