DEMONS XLV

He is such a headache. Pagkarating pa lang namin sa bahay niya ay nahirapan na ako dahil ambigat bigat niya. Mukhang langong lango na siya sa alak, so I'm wondering paanong nahabol niya pa ako kanina. Haist!

Pagkapasok ko sa bahay niya ay nagulat ako sa dilim ng paligid at aurang naabutan ko. Mukhang sobrang naging miserable nga ang taong ito. Inakay ko na lang siya sa pintong itinuro niya kung saan ang kwarto niya. Though I'm someone who seems not to care about everything, but I actually do. Tinulungan ko pa siyang magpalit ng damit at bago yun ay pinunasan ko ang katawan niya ng maligamgam na tubig para mas maaliwalas ang pakiramdam niya. Sinampal ko pa nga siya para magpalit ng jeans, ako kasi yung hindi kumportableng matulog ng naka-pantalon at buti naman at nakumbinsi ko siya to change into some shorts, ayaw niya daw ng sweat pants dahil mainit.

Ang sakit niya pa sa ulo dahil nung lalabas na sana ako para matulog sa sofa na lang ay hinila niya ako kaya muntik na akong mapahiga sa kama. Buti pumayag nung sabihin kong maliligo pa muna ako bago matulog. Iniwan ko siyang nakahiga at nanghiram ako ng sweatpants at isang black shirt para pamalit dahil wala naman akong gamit, naglayas nga ako remember?

Anyway, nilabhan ko kaagad yung mga suot ko including my underwears matapos kong maligo para may maisuot ako bukas. Isang gabi lang naman akong matutulog ng walang underwears, so that's fine.

~•~

Alecs Andrew

Nagising ako sa liwanag ng sikat ng araw at saka napasapo sa ulo ko ng maramdaman ang hangover ko. Tangina!

Pero nagulat ako sa naalala kong nangyari. Dahil sigurado akong hindi yun imahinasyon, kasama ko si Yzel kagabi kaya inilinga ko sa buong kwarto ang paningin ko and I found her sleeping beside me. Hindi ko napigilang mapangiti at saka dahan-dahang humiga muli para yakapin siya. Tila mapupunit na ang labi ko sa kakangiti ng mapansin ko ang suot niya. This makes me think that I want her to be my wife, so I'll get used to seeing her like this.

Muli ko siyang niyakap at saka hinagkan sa ulo  niya bago ako tumayo para maligo at maghanda ng almusal. It's been a while since I cooked real food.

Pagkabalik ko sa kwarto dala ang pagkain at pain reliever para sa aming dalawa ay sakto namang kakagising niya lang.

"Let's eat?" Aya ko sa kaniya saka ko ipinatong muna sa lamesa sa loob ng kwarto ko ang mga pagkain. Tumango siya saka nagpaalam na pupunta muna ng CR.

"Breakfast in bed." Nakangiti kong sambit saka muli siyang niyaya pabalik sa kama and she silently followed.

Matapos naman naming kumain ay iniabot ko sa kaniya ang pain reliever para sa hangover. Alam kong masakit din ang ulo niya dahil sa dami ng nainom niya.

"So, why did you left me?" I asked matapos kong ibalik sa kusina ang pinagkainan namin. Nanatili siyang nakaupo sa kama habang nakansandal sa head board nito. Tumitig siya sa akin before sighing loudly.

"I'll only explain it once, so please, Lecs, listen to me, okay?" Mahinahon niyang saad na tinanguan ko naman.

"My name is Gleya Nam Shin and Yzel Martinez never exist because she is just a name made up by the organization we're part of. The Yzel Martinez you've with and you've fallen in love with, is my sister, Jayzel." Mahinahon niyang pahayag na hindi ko mapaniwalaan. Rage is building up inside me.

"Why are you doing this to me? I very well know your voice kaya alam kong ikaw yan and you're calling me Lecs, for petes sake! Alam mong ikaw lang ang tumatawag sa akin niyan!" Tanong ko na medyo pasigaw dahil sa pinipigil ng galit.

"I don't mean to hurt you and my sister didn't mean to make your life miserable as well. She just doesn't have a choice back then." Muling saad niya.

"As I said, I'll explain everything to you. Here's the thing, her, entering your school is because of a mission. I bet you're not ignorant when it comes to mafia organizations and gangs, right?" Tanong niya pa kaya napatango na lang ako.

"So yun nga, dahil bored ako sa bahay at hindi pa nagsisimula ang klase namin, I asked Jayzel kung pwedeng ako na muna ang pumasok sa first week ng klase niya. No one would actually suspect cause we can pass to be twins though we're not. At dahil masyado akong bored at nakakatuwa kang inisin kaya ikaw ang napagtripan ko nun." Mahaba niyang paliwanag na ikinagulat ko.

"Edi i-ikaw nga! Ikaw si Y-Yzel." Mas nagulat ako ng pitikin niya ako sa noo.

"Nope. Ako lang ang pumasok sa first week ng school but after you've kissed me that day ay umuwi na ako at hinayaan si Jayzel to take over."

"Though there are times na kapag kailangan niyang bumalik sa organization ay ako ang pumapasok para sa kaniya."

Doon ako mas nagulat kaya't mas lalo akong naguluhan. So, kanino ako nagkagusto?

"I bet you're kinda confused kung sino sa amin ang gusto mo? Don't be. Sa tagal niyong magkasama ni Jayzel imposibleng magkapareho ang nararamdaman mo sa aming dalawa. Nalilito ka lang sa ngayon." Saad niya pa saka siya ngumiti.

For some reason, I suddenly hugged her saka ko hinayaang tumulo ang mga luha ko. Nagulat naman ako ng maramdaman ko ang kamay niya na humahagod sa likuran ko. Mas ikinagulat ko pa ng sabihin niyang makikitira siya pansamantala dahil naglayas daw siya pati na rin ng sabihin niya kung saan naroon si Jayzel ngayon.