Gleya Nam
Time flies fast when you enjoy it the most. My friends all wanted to have a simple and quiet life until they graduated and start their own business or until they inherit their family's business. I so want that kind of life, but I can't since I'm involved in the underground world. Well, here we are, enjoying the troubles that comin' on our way which happened after they met those seven men.
Nakikita kong masaya naman na silang lahat. Even those who doesn't have label are still committed to each other. Pati na rin yung akala mo'y aso't pusa ay nagkakasundo rin. Kahit na yung taong akala mo kung sinong superior sa lahat ay naging inferior at akala mo'y batang paiyak na kapag nahihirapan na siya. Pero, pinaka-proud ako kay Iscelle. Unti-unti ay nawawala na yung lungkot sa puso niya and she's starting to move forward, hindi na siya sad girl, lol.
Masaya rin ako sa kung anong meron kami ni Yeol. I can't be lovers with him or with anyone dahil ayokong maulit kung anuman ang nangyari noon. I don't want to take the risk, never. But, there's something binding us. He gave me a bracelet last Christmas and ma-unlock lang yung sa kaniya using mine.
Well, it's the end of our story.
NOT YET. I'm just kidding. =)
~•~
January 19th
Jora Denise
Dahil maagang natapos ang klase namin ay nagpatulog ako kay Kyra to bake cookies, kasi trip ko lang. Di ko rin maalala ba't ko naisipan ipag-bake si Hamster. Anyways, nandito na ako sa pinto ng HQ nila sa loob ng school. I went here unannounced kasi I wanna surprise him. Narinig ko ang boses niya sa kusina kaya dahan-dahan akong nagtungo doon habang medyo kinikilig pa, shuta.
Nakatago ako sa may pinto kasi nagpe-prepare pa ako ng sasabihin. Papakinggan ko na lang ang usapan ng dalawang abnoy.
"Salamat talaga Gyu." Panimula ni Namu kaya na-curious ako at pinairal muna ang pagiging chismosa.
"Why?" Takang tanong ni Gyu.
"Kasi you were there to help me nung hindi ko alam paano ako mapapalapit kay Nerisse when JD is there. Ayoko din naman siyang masaktan and good thing, her attention was diverted to you." Sagot ni Namu na ikinagulat ko.
So, it was planned? Kaya ba palagi akong kinukulit ni Gyu nung mga panahong yun ay dahil kay Namu?
"Of course. We're friends after all." Sagot naman Gyu.
"Mabuti na rin n---" Hindi na naituloy ni Gyu ang sasabihin niya dahil sa pagbagsak ng jar of cookies na dala ko. Nakatitig lang ako sa kanila habang tuluy-tuloy ang pagtulo ng luha ko.
"What a great surprise! So, everything was planned and I was just making a fool out of myself!" Naghihinakit kong saad saka nagmamadaling lumabas ng building na yun.
I heard him calling my name, but I didn't look back, not even once. I don't need an explanation. I don't need another lie.
Akala ko pa naman ay sincere siya sa paglapit sa akin. Akala ko.. totoo lahat, but everything's fake.
Bakit Namu? Sinabi ko naman na wag mo ng isipin yung confession na ginawa ko. I won't be in your way naman, di naman ako tanga para pigilan sila ni Kyra if they really love each other. Masakit yun sa part ko pero di naman ako kokontra kagaya sa mga pelikula at drama sa TV.
Napansin ko na lang na nasa parking area pala ako at mayroong SSC Ultimate Aero XT sa harapan ko. Nakabukas ang bintana nito at naroon sa drivers seat si Ley.
"Get in." Saad ni Ley at tumalima naman ako. Ipinagpatuloy ko ang pag-iyak sa kotse niya hanggang sa makatulog ako.
Nagising ako sa hindi pamilyar na lugar. Wala na si Ley sa kotse kaya lumabas na lang rin ako. Napansin ko na nasa isang parang forest kami at nang hanapin ko si Ley ay natagpuan ko siyang nakaupo sa may cliff.
Nilapitan ko siya to find out that she's drinking habang nakatitig sa city lights. Tanaw na tanaw ang city mula rito at ang ganda nitong pagmasdan.
"You can sit beside me and get drunk if you want." Sambit niya habang nakatitig sa harapan niya. Tinabihan ko siya at kinuha ang boteng hawak niya sabay kuha ng isa pang basong nakalapag.
"It's my sanctuary. When I wanna clear my head ay dito ako pumupunta, obviously ay gabi ang paboritong oras ng pagpunta ko." Saad niya.
"I heard and I knew what exactly happened. Wag ka na magtaka, because I have ears and eyes everywhere." Dugtong niya pa.
Ininom ko ang alak na isinalin ko sa baso ko kasabay ng pagtulo ng luha ko. Her words are like a switch for me to start crying again.
"I may not know how you exactly feel right now, but I just wanna tell you that you need to hear out their explanation. I won't force you though. Pero alam mo naman sa sarili mo if those moments you've had with him are sincere or not."
"I'm sure you felt betrayed and fooled, but don't let your anger eat yourself whole. That won't help the situation." Tahimik lang akong nakikinig habang nagpupunas ng mga luha ko, kasi alam kong may point siya.
"OMG, Ley! Bakit ka ganyan? Sa lahat ng kaibigan natin, I thought you wouldn't care about these things. Shuta ka!" Natatawang naiiyak kong sambit which earned me a batok from her.
"Tss! Abnoy ka lang talaga." Nakairap niyang tugon saka niya inubos yung alak mula sa bote.
"Gaga! Paano tayo uuwi kung maglalasing ka?" Singhal ko.
"I have high alcohol tolerance, so don't worry. Mas delikado pa kapag ikaw ang nag-drive kesa ako na nakainom lang." Nang-aasar niyang wika kaya hinampas ko siya sa braso kaso nakailag ang gaga.