~•~
Napapalibutan ng underlings ng DA gang ang buong lugar kung saan naroon ang Wolf gang. Alam na rin ng lahat kung anong gagawin nila depende sa sitwasyon. At tulad ng sinabi ni Ley ay nanatili sa loob ng sasakyan ang mga kaibigan niya. Samantalang siya ay nakapwesto sa sanga ng malaking puno di kalayuan sa lumang building na siyang hideout ng Wolf gang. Dala-dala niya ang kaniyang sniper rifle at marami rin siyang baong amunition.
Katulad ng plano ay magpapakita si Gyu without any weapon hangga't makapasok siya sa loob kung saan naroon si Jora. Nang makapasok ay agad niyang nakita ang kalagayan ni Jora. Nakatali ito isang upuan which is very cliché sa isip-isip ni Ley.
Agad namang napansin ni Gyu na medyo namamaga ang pisngi ni Jora pati na rin ang sugat sa lower lip nito. Balak niya sanang lapitan agad ang dalaga ngunit hinarang siya ng isa mga tauhan ng kalaban. He glared to the person in front of him at kung hindi siya napigilan ng nagsalita sa ear piece niya ay siguradong nasuntok niya ang kaharap.
Hindi mapapansin ng kung sino lang ang ear piece na meron siya. It is a black stud earring pero they can communicate through it.
"Pasensya ka na, Daemon. Napakaingay kasi ng isang to. Kusa tuloy gumalaw yung palad ko." Tila nasisiyahan sa reaksiyo ni Gyu na sambit ng taong nakatayo sa tabi ni Jora.
"Who the fuck are you, anyway?" Nanlilisik ang mga matang tanong ni Gyu rito.
"Oh yeah. I forgot to introduce myself. I'm Brent, leader of Wolf gang." Sagot nito habang nakangisi.
"Let. Her. Go." Matigas na saad ni Gyu.
"No problem. We're just going to beat you, then we'll let her go." Sagot ni Brent.
"If that's the case, I wanna speak with her before you'll do that." Mahinahong saad ni Daemon.
"Since this will be your last moment together, sige payag ako." Sagot ni Brent at sumenyas sa mga kasama na hayaan itong makalapit sa hostage nila.
May hinugot siyang maliit na knife na mukhang ball pen sa manggas niya at saka pasimpleng iniabot kay Jora ng yakapin niya ito.
"Use that to cut the ropes tying you on this chair." He cupped her face after whispering those words. "Oo, I diverted your attention away from Namu dahil ayaw niyang patulog kang masaktan once he found someone that he loves. But, it's also my sole intention to dibert your full attention to mae and to make you mine. There's no misunderstanding on that." Mabining bulong pa ni Gyu sabay halik sa noo ng umiiyak na si Jora.
"Tama na yang drama niyo, Daemon." Singit ni Brent sabay hila sa kwelyo ni Gyu. He gave the signal to his men so they can start beating him up.
Samantala, ay tahimik namang gumalaw si Ley. Isa-isa niyang pinatumba ang mga naka-bantay sa labas ng lumang huilding para makapasok ng matiwasay ang DA gang at underlings nila.
Iilan lamang ang nasa loob dahil lahat ng tauhan ni Brent ay nasa labas to ensure na magisa lamang si Daemon. He is confident na mapapatumba niya ang leader ng DA gang dahil hindi ito manlalaban given na hawak nila ang girl friend nito. Tuwang-tuwa siyang nanunuod sa pagbugbog ng kaniyang tauhan kay Daemon habang tahimik namang umiiyak si Jora while slowly cutting the ropes.
"Siguradong ako na ang mamumuno sa Gangster's arena once the news came out na ako ang pumatay sayo." Tumatawang saad ni Brent not knowing na unti-unting nauubos ang tauhan niyang nasa labas.
"Ugh!" Daing ni Gyu dahil sa ilang suntok, sipa at pagkakahampas ng kung ano sa katawan niya.
Matapos lamang ang ilang minuto ay naubos na rin ang lahat ng nasa labas sa tulong ni Ley at ng miyembro ng DA gang.
"Baka ma-deads na si Hamster kaya tama na pagpapa-cute niyo diyan. Bilisan niyo kumilos." Utos ni Ley sa DA gang.
Samantala ay kumuha si Brent ng isang makapal na kahoy na upuan at saka lumapit sa kinaroroonan ni Gyu para ihampas dito ng biglang, "Hamster!" Sigaw ni Jora saka siya tumakbo palapit kay Gyu at ihinarang ang katawan sa paghampas na iyon.
Nagulat si Brent ngunit nang makabawi ay binalak na muling ihampas ang upuan sa dalawa. Pero hindi yun hinayaan ni Ley kaya't mabilis niyang pinatamaan ng bala ang binti at braso nito.
"Bilisan niyo, Meteor Garden ata ito eh. Baka mawalan ng malay si Sanchai." Muling saad ni Ley sa DA gang na tinawanan naman agad ni Woo.
"Wake up, H-hamster.. Please, don't leave me. I love you and I won't be mad anymore.. Please.." Nagmamakaawang saad ni Jora sa unconscious na si Gyu.
Nagulat ang Wolf gang sa pagpasok ng DA gang at mga underlings nito. May isang kaagad bumunot ng baril at itinutok iyon kina Jora pero naunahan siya ni Ley kaya't bumagsak siya ng butas ang noo.
Isa-isang pinabagsak ng DA gang ang mga natitirang miyembro ng Wolf gang at nang mapansin ni Namu na tumatakas ai Brent ay kaagad niyang binaril ang dalawang tuhod nito saka niya ito pinatamaan ng bala sa ulo.
Kaagad namang dinala ng mga underlings nila si Gyu palabas habang binuhat naman ni Namu si Jora saka nila isinugod sa hospital ang dalawa.