DEMONS LVIII : Too Late

"Am I late for the party?" Isang pamilyar na tinig ng isang babae na nagpagulat sa lahat ang kanilang narinig.

"W-what the fuck are you doing here? You should be dead already, and buried at the pits of hell!" Singhal ni Yvo.

Nginisian lang siya ng kaharap sabay baril direkta sa noo ng anim na lalaking kasama nito. Nagulat pa si Yvo sa ginawa ng babaeng kaharap niya ngunit dali-dali nyang itinutok ang baril niya kay Mors.

Bago pa man maiputok ni Yvo ang baril ay dumudugo na ang kamay nya at tumalsik na rin ang hawak nitong baril kanina.

"Too slow." Kumento naman ng babaeng dahilan ng pagdurugo ng kamay ni Yvo.

"You piece of shit! I will kill you!" Naiinis na sambit ni Yvo sabay hugot ng isa pang baril sa likuran niya at saka sinugod ang babae.

"You're wrong. I will kill you assh*le!" Kalmado ngunit may diin at matalim nitong sagot kay Yvo na nagpanindig ng balahibo ng lahat ng nandoon.

Kita nila ang galit sa bawat salitang binitiwan ng dalaga. Kita rin nila ang poot na sinasalamin ng malalamig nitong mga mata.

Inilabas niya ang katana niya at iniba ang trajectory ng bala pabalik sa may hawak ng baril kaya't tinamaan sa balikat si Yvo. Matapos yun ay naglabas siya ng shuriken at pinatama sa kamay nitong may hawak pa ring baril sabay sipa niya sa mukha ni Yvo.

Agad na natumba ang huli ngunit nagmadaling bumangon. Sa pagmamadaling bumangon ay hindi niya napansin ang round house kick na sasalubong sa kaniya.

Muling natumba si Yvo at tila nahilo sa nangyaring pagtama. Kinuha ng dalaga ang katana niya at gumawa ng mahaba at malalim na sugat sa magkabilang hita ng kalaban na nagpasigaw rito. Hindi pa siya nakuntento dahil sinaksak pa niya sa tagiliran si Yvo na muling nagdulot ng paghiyaw nito.

"Tss.. weak!" Singhal ng dalaga sabay putol sa isang braso ni Yvo kayat nagpagulog gulong ito habang hawak ang putol na nitong braso.

"You bitch!" Sigaw ni Yvo dulot ng sakit ng naputol na braso.

"That's not enough for what you've done. I'll make sure to kill you in a not so easy way. I'll make sure you'll beg me to just kill your worthless life, shithead!" Matigas na tugon ng dalaga na kinatakutan ng lahat ng nasa loob ng kwartong iyon.

Sobrang sakit na ang nararamdaman ni Yvo dulot ng mga hiwa sa katawan pati narin ng naputol nyang braso. Hindi pa sya nakakahuma ay may tumamang tubo sa ulo niya. Masakit pero hindi sapat para mawalan siyaa ng malay.

Lalo syang namilipit at nagpagulong-gulong sa sakit. Bigla naman syang tinadyakan ng dalaga sa tiyan kaya't tumalsik siya sa pader at ang likod niya ang tumama. Hindi niya alam ngunit ang lahat ng natatamong pinsala ay hindi pa sapat upang ikamatay nya. Tahimik nya ring hinihiling na sana nga ay patayin nalang siya ng dalaga.

"You're giving up already? Oh, don't be a pussy, cause I'm not yet done." May halong pagbibiro ngunit matalim nyang sambit kay Yvo.

Dali dali nyang nilapitan si Yvo saka niya ito pinaulanan ng suntok at sipa. Siniguro niya na hindi na makikilala ang mukha ni Yvo. Ibinuhos nya rin ang buong galit niya sa lalaki hanggang mawalan ito ng malay.

"That's for fuckin' killing my sister." Sambit pa ng dalaga sabay baon ng isang trench knife sa noo ni Yvo.

"J-jayzel, bakit nga-ngayon ka l-lang?" Tanging tanong na lang ni Myungsoo matapos nyang magmulat at makita ito. Nawalan syang muli ng malay matapos nun.

Walang isinagot si Jayzel at tanging mga mata niya lang ang tila nangungusap sa nangyari saka kusang tumulo ang mga luhang kanina niya pang pinipigilan dulot ng pagkawala ng kapatid. Nang pagkawala ni Gleya Nam Shin.

"I'm sorry, I'm late." Mahinang bulong ng dalaga sa sarili na tila para sa kanyang kapatid.