PROLOGUE:

Biglang bumagal yung paggalaw sa paligid. Parang nabibingi ako sa katahimikan. Gulong-gulo ang isip ko. Naghahabulan sina negatibo at positibong kakalabasan sa aking isipan. Nagtatalo sina pagsisisi at ang aking sarili sa aking puso. Walang tigil ang pagbuhos ng aking mga luha. Para bang hindi ko na nararamdaman kung umiiyak na pala ako ng todo. Panay nginig ng aking mga tuhod at mga kamay na duguan habang yapos na yapos siya ng aking mga braso. Hindi ko na tinitingnan yung pagmumukha niya dahil mas lalong sinasaktan ko lang yung sarili kong makita siyang unti-unti nang nawawalan ng malay.

"Tulong! tulungan niyo kami! Parang awa niyo na!" mangiyak ngiyak kung sigaw sa mga taong nilalagpasan lang kami.

"Parang awa niyo na, tumawag kayo ng ambulansya, tulungan niyo kami" pagsusumigaw ko ulit matapos pinaalis ko si Esther para tumawag agad nang Ambulansya.

Naramdaman kong hinawakan niya ng mahigpit ang aking kaliwang kamay.

"Leo please! Huwag kang bumitaw. Love wag kang bumitaw, okay? Kaya mo to, kaya natin to, okay? Wag kang bibitaw" mangiyak ngiyak kong sabi para palakasin yung loob niya at labanan yung nararamdaman niya.

Mas lalo akong nataranta nung dumami nang dumami ang dumanak na dugo sa kalsada mula sa ulo niya.

"Parang awa niyo na, tumawag kayo ng ambulansya. Tulungan niyo po kami! Manong, tulungan niyo po kami, please parang awa niyo na"

"Ale, sandali ale, tulungan niyo po kami. Tumawag po kayo ng ambulansya"

Mangiyak-ngiyak akong nagmakaawa sakanila para tulungan kami pero walang niisang nagtangkang tulungan kami o di kaya'y tawagan ang ambulansya.

"I already called the ambulance, let me help you" boses mula sa aking likuran.

Hindi ko naaninag ang kanyang pagmumukha dahil nanlabo na ang aking mga mata kakaiyak. Tinulungan niya akong buhatin si Leo papunta sa gilid ng kalye. Mangiyak ngiyak akong niyayakap si Leo.

"Love, promise to hold on, okay? Love, kaya natin to. Kaya mo to. Love, just hold on"

"What are you looking at? If you're not willing to help, then get out of the way. If yes, then get yourselves to phone the emergency services!" sigaw nung lalaking tumulong samin sa mga taong tiningnan lang kami sa kalye.

"Roll him into the recovery position to keep his spine in line, okay? You got my support" tinulungan niya akong palulunin si Leo para hindi magkaproblema lalo yung likod niya buhat ng pagkabangga.

"I'm Doctor Lee, trust me" seryoso niyang sabi.

Biglang dumating yung ambulansya at agad kinuha si Leo ng mga ambulance workers papasok sa sasakyan. Mangiyak ngiyak akong pumasok sa ambulance car.

"Love, malapit na tayo okay? Wag kang susuko. Wag na wag kang bumitaw. Just hold on, okay? Love, please" mangiyak-ngiyak kong pakiusap sakaniya.

Gulong-gulo yung utak ko. Hindi ko na alam kung anong gagawin. Kung ano-ano nalang ang tumatakbo sa isipan ko. What if kung matuluyan si Leo ngayon? What if kung mabubuhay siya pero magka-amnesia? What if kung iiwan niya ako, pano na sila mama? Paano na yung family niya? Hindi ko na alam.

Mangiyak-ngiyak akong nagdadasal sa loob ng sasakyan.

"Love, I'm sorry. I'm sorry. Kasalanan ko to eh. Kasalanan ko ang lahat ng ito. Hindi sana mangyayari to kung pinakinggan lang kita ng maayos. Leo, I'm sorry" mangiyak-ngiyak kong bulong sakaniya.

Ramdam na ramdam ko yung paghabol ng hininga niya. Tuloy pa din sa pag agos ng dugo mula sa ulo niya.

Mga ilang minuto at nakarating kami sa hospital at agad siyang pinasok sa ER. Gustuhin ko mang pumasok, at pinilit ko nang pinilit, pero ayaw talaga ako papasukin nung mga nurse sa loob.

"Doc, parang awa niyo na, gawin niyo po yung makakayanan niyo, buhayin niyo lang yung boyfriend ko, Doc please" mangiyak-ngiyak kong pakiusap sa Doctor.

Tumango tango yung Doctor at agad na pumasok sa loob.

"Miss, ipangako niyo namang bubuhayin niyo yung boyfriend ko, please. Parang awa niyo na"

"Ma'am huminahon po muna kayo, sisimulan na po namin yung operasyon. Bawal po kayo dito sa loob. Mag antay nalang po kayo sa labas" paliwanag sakin nung isang Nurse at agad na sinarado ang pintuan ng ER.

Agad akong nag punta sa dasalan ng Hospital. Hindi ko na alam kung anong gagawin pero alam na alam kong ang Diyos lang ang matatakbuhan ko sa mga oras na to.

"Anak...

Agad akong lumingon at nakita ang nag-alalang si Mama at si Kuya Shine. Agad akong lumapit at niyapos si Mama. Gayundin si Kuya Shine.

"Kanina ka pa tinatawagan ng Kuya Shine mo, hindi ka naman daw sumasagot buti nalang at nakita ka ng Kuya mo habang papasok ka nang ambulansya, kaya sinundan ka ng Kuya mo papunta dito. At tinawagan niya ako para pumunta dito. Tinawagan niya na rin yung pamilya ni Leo para pumunta na din dito. Anak, I'm worried about you" ani ni Mama na halatang may halong pag-alala.

"Wala bang nangyari sayo? May sugat ka ba? Would you mind if pa pacheck ka natin to ensure na okay ka lang talaga?" suhestiyon ni Kuya Shine.

Umiiling-iling nalang ako habang tumutulo ang mga luha ko.

"What happened? Where's my son? How is he? Where is Leo?" mangiyak-ngiyak na sigaw ni Tita Lia (Mommy ni Leo) sa Hospital.

"Are you okay, Shi? Nasugatan ka ba or what? Okay ka lang ba? What happened?" pag-alalang tanong ni Tito Andre (Daddy ni Leo)

Hindi ako makasagot sa tanong ni Tito Andrei. Nakatingin silang lahat sakin. Hindi ko kasi alam kung pano sabihin. San ba ako magsisimula o di kaya'y paano ko ba sisimulan? Hindi ko alam. Umiyak lang ako nang umiyak.

Niyakap ako ni Mama ng mahigpit.

"Tita, Tito, hayaan nalang po muna natin si Shi. Na-traumatize pa siya sa mga nangyayari. Pati kami, hindi din namin alam kung ano ang nangyari. Hayaan nalang po muna natin sya not until kalmado na yung kapatid ko, sabay sabay po tayong makikinig sa buong pangyayari" suhestiyon ni Kuya sa mga magulang ni Leo.

Ilang oras na kaming naghihintay sa labas ng ER. Mangiyak-ngiyak na si Tita Lia sa pag-alala. Labas-masok ang mga nurses sa ER. Bumili na nang pagkain si Kuya pero hindi ko padin ginalaw ang mga yon. Kinain na ng pag-alala at pagsisisi yung sistema ko.

"Baby Shi, bumili ako ng Carbonara para sayo, diba favorite mo to?" pang-akit sakin ni Kuya Shine habang hinahalo niya ang pasta.

"Kumain ka na, hindi sasaya niyan si Ole, pag hindi ka kakain" akmang subo niya sakin. (Ole ang tawag niya kay Leo)

Kumain nalang ako at inunting-unti nginunguya ang pasta.

"Shi, baka pwede mo namang sabihin kung ano ang nangyari? Hindi ako mapakali, nag-aantay ako dito nang hindi ko nalalaman ang kasiguraduhan kung ligtas ba ang anak ko o hindi!Ako ang ina ni Leo, karapatan kong malaman kung ano ang nangyari sa anak ko!" galit na galit na biglang bulalas ni Tita Lia

"Lilian, please stop" pigil ni Tito Andre kay Tita Lia.

"Hindi, paano ko magawang manahimik nalang dito Andre! Ano? Uupo nalang ako dito nang basta-basta ni hindi nga natin alam kung mabubuhay pa ba ang anak natin o hindi. Shi, pwede bang sabihin mo na samin kung ano talagang nangyari? pwede ba wag mo nang pag-aksay...

Naagaw ng atensyon namin nang biglang lumabas ang Doctor. Kinabahan ako sa kung ano ang sasabihin niya. Hindi ko alam. Ang bilis ng tibok ng puso ko. Hindi ko na alam. Tinanggal nung doctor ang gloves niya at ang kanyang mask. Halatang pagod na pagod siya sa operasyon at tumatagaktak pa ang kanyang mga pawis.

"Are you the family of the patient?" tanong ng Doctor.

Agad kaming sumagot at tumango. Halatang atat na atat na kaming malaman ang resulta ng operasyon kahit na alam namin sa sarili naming kabado kami sa maaaring sabihin ng Doktor.

"We're the parents" agad na sabi ni Tita Lia at Tita Andre.

"He lose too much of blood. It's a serious crash risk. Masyadong malakas yung pagkabunggo sakaniya. He's too young at hindi niya nakayanan yung critical operation" nanlumo ako sa mga narinig ko. Nanlambot ang aking mga paa at nawalan bigla ako nang lakas. Nanghina ang aking katawan at napahagulhol nalang ako sa mga nalaman ko.

Nagwala na din sa kakaiyak si Tita Lia. Pinipigilan siya ni Tito Andrei. Pati sina Mama at Kuya.

"I'm sorry to say this but we did our very best but unfortunately your son didn't make it. Breathed his last and I'm sorry for your loss"