Nakadungaw mula sa gilid ng karimlan
Sinasabayan ang pag-awit ng ulan
Kakaibang bugso ang nadarama
Silakbo ng puso'y di maihulma
O giliw ba't ba tayo pinaglayo?
Tila binaha na't di makasulong
Nakasilong, narito't di makahayo
Bagyo ng damdaming kay hirap isuplong
Marahang hinihintay ang pagtila
Nakapagtanto, subukan waring paglaya
Lunurin ng luha't tubig ang mga mata
Sabagay, ang ulan ay may katangi-tanging ganda