Kampay ng Hangin

Minsan inisip anong nais marating

Naglakad, lumangoy, at nagmunimuni

Ang paglipad siguro'y katangi-tangi

Tulad ng galang ibong 'di mapakali

Ang lupaing minsang berde ngayo'y kahel

Nagkalat ang mga dahong tila papel

Lukot, magaspang, malutong, at kay bango

Patuloy na dumarami sa dulo ng tagsibol

Minsan nang naparito ngunit lilisan

Sa dakong ibayo'y tutungo't tatahak

Tulad ng galang ibon ay babalikan

Pag-usbong ng yaring puno't bulaklak

Tiyak akong nais nilang manatili

Sa lupaing nagnahan at nagpalaki

Hihintaying maging handa itong muli

Sa oras na magwakas yaring taglamig

Paa nila'y marahang inilublob sa danaw

Balahibo'y basa, tuka ay inihahanda

Sa pagpagaspas ng mgapakpak nito'y bitbit

Butil ng tubig na tila tala kung magningning

Marahil sa kanila'y kay inam sumabay

Tanaw sa ibabaw, namnamin ang kariktan

Silayan ang nakaraan, lupaing liyag

Buong puso't tapang ngayo'y maglalayag.