Nene

Naglalakad si nene sa gilid ng kalsada

Binibilang ang kaniyang natitirang barya

Biyaya na nga ang ilang malamlam na ilaw

Pauwi, bitbit ang nahinging sardinas at bahaw

Gutom na sikmura'y mas lalo pang namilipit

Sa kaniya'y may humablot, braso'y idinikdik.

Ginapos ang bisig, binusalsalan ang bibig

Hita'y binukang pilit, blusa'y pinagpupunit.

"Pakiusap, 'wag po n-nagmamakaawa a-ako.

Tulong! Tulong! Tulungan niyo po ako!"

Sa palagay mo'y sino ang makaririnig?

Kung mas maingay pa ang pagpatak ng luha sa sahig.