CHAPTER 1

PROLOGUE

ASH POV

Noong gabi na iniwan ko ang lalaking pinakamamahal ko, pansamantala akong tumuloy sa motel para mag palipas ng gabi. Minabuti kong huwag ipaalam kay Mamá ang aking lagay o kinaroroonan. Dahil alam ko na maaaring ipaalam niya kay Spencer ang sitwasyon ko. Minabuti kong mag deactivate ng social media accounts. Pinalitan ko rin ang sim card ko.

Nang Gabi ring iyon ay minabuti kong mag email ng resignation letter sa aking pinapasukan. Hindi na ako bumalik pa sa trabaho ko. Kinausap ko si Roman na ihanap ako ng mauupahang apartment. Si Roman ang tumulong sa akin para mabalik sa normal ang buhay ko. Ginamit ko ang ipon at share ko sa premyong napanalunan ko sa competition para tapusin ang aking pag-aaral.

Makalipas ang isang linggo, Nag pasya akong ipaalam kay Mamá ang aking lagay. Sa tulong ni Roman, nakasama ko muli si Mamá hanggang sa kahuli-hulihan ng kaniyang buhay. Bago siya mamaalam sa mundo, Umakyat ako sa entablado at inalay sa kaniya ang aking diploma. Bagay na hindi niya natanggap kay Austine.

Pumanaw na si Mamá. Dala ng labis na komplikasyon ng diabetes at sakit sa bato. Hindi man lang kami nabigyan ng pagkakataon na mag kaayos-ayos ni Papá. Dahil sa huli, pinanindigan niya pa rin ang aking kapatid na si Beatrixie at ang ina nito. Ginawa kong inspirasyon ang sakit at hirap ng aking pinagdaanan. Ngayon ay isa na Akong sikat na artist.

Unang tinangkilik ang aking obra sa eskuwelahan na aking pinasukan dito sa Maynila. Si Misis Ramos ang siyang naging daan upang tangkilikin ang aking obra na noon ay binabalewala lamang dito sa Pinas. Kaya sino ang mag aakala na aabot pala ang aking sining mula sa iba't-ibang panig ng mundo?

Sining ang naging dahilan upang dalhin ako nito sa pangarap kong bansa. Ang France. Ngunit sa kabila ng lahat ng aking matamis na tagumpay, Isang mapait na katotohanan ang nasa likod nito. Mag-isa kong narating ang France na dapat sana ay kasama ko si Austine at si Mamá. Tanging larawan na lamang nila ang aking hawak habang mag-isa akong naka upo sa eiffel tower.

Mag-isa ko man narating ang France, para sa aking puso naman ay kasama ko pa rin ang mga taong iniwan ako. Si Mamá, Austine, at Si Spencer. Silang lahat ang pinaka magandang sining sa aking buhay. Sa buhay ng isang Natasha Amorine ngayon.

"Ma'am, ready na po ang lahat." Napalingon ako sa aking likuran. Si Mitch lang pala.

"Ganon ba? Paki ayos ang pila ng mga bata." Mahinahon kong utos saka pumuwesto upang mag served ng pagkain.

Nakilala ko si Mitch noong isang buwan pa lang ako sa France. Niloko ng employer niyang Kapwa Pilipino. Nag bayad ng two-hundred thousand kapalit ng pag tatrabaho ni Mitch dito pero, sa kasamaang palad ay wala naman pala talagang nag hihintay na trabaho kay Mitch kundi, panganib. Kaya naman tinulungan ko siya para maging legal ang papeles niya. Ngayon, bilang ganti niya sa akin siya nag tatrabaho bilang isang Personal Assistant.

Kasalukuyan kami ngayong nasa Orphanage. Dito Sa Holy Village Paris. Ang thirty percent ng income ko bilang artist ay napupunta sa scholarship at sponsorship ng mga out of school youth o di kaya Homeless at mga batang nasa ampunan. Sa ganitong paraan ko inilalaan ang oras ko. Pakiramdam ko kasi bahagi sila ng pamilya ko. Para ko na rin silang anak.

Masaya ako na sa ganitong paraan ay nakakatulong ako sa aking kapwa. Pero minsan hindi ko maiwasang hindi maging malungkot kapag naiisip ko na di hamak na mas mahirap ang bansang Pilipinas kumpara sa France. Mas maraming batang lansangan ang nagkalat. Minsan nanghihinayang talaga ako dahil nagagawa kong suportahan ang mga batang narito pero ang mag silbi sa sariling bayan na pinag-mulan ko ay di ko magawa.

"Ma'am, ano po ang susunod nating gagawin?" Tanong ni Mitch sa akin nang lapitan niya ako habang pinag mamasdan ang pagkain ng mga bata.

"Art lesson naman. Tama lang na mabusog ang sikmura nila para mas mag function ng maayos ang artistic side nila..." Nakangiti kong sabi.

Libre ang pag turo ko sa kanila ng Art lesson. Iyon nga lang, dahil mga bata pa ay madalas wala silang pasensiya sa ginagawa. Marami na akong na-encounter na pasaway at sakit sa ulo. Pero once na mahuli mo ang kiliti nila, mapapasunod mo rin sila.

Matapos ang Art lesson, namigay naman kami ng mga damit at medjas at guwantes para sa kanila. Ang mga obra naman ng mga batang ito ay hindi ko hinahayaan na masayang sa wala. Dahil once in a month, may binubuksan akong art exhibit para sa kanilang obra.

Ang pinagbebentahan ay diretsyong napupunta sa savings account ng mga bata. Para kung sakali man, dumating ang araw ng lisanin nila ang Bahay-ampunan, mayroon silang sapat na ipon. Mahalaga ang pera sa buhay ng tao. Pero minsan sa sobrang kasakiman, ang nangyayari ay nagiging mas mahalaga ang pera kaysa sa buhay.

Kinahapunan, dumaan ako sa flower shop na isa sa mga business na naipundar ko sa pamamagitan ng katas ng sarili kong pag-sisikap. Ako rin ang tumatayong manager sa sarili kong flower shop. Bukod pa dito, may panibagong bubuksan na naman akong Book Publishing Company. Dahil isa sa mga hilig ko ang pagsusulat ng mga tula at istorya.

"Ma'am, Tumawag pala si Miss Ramos. Pinapasabi na may bubuksang Art-exhibit sa Pilipinas. Bb--baka interesado kayo?" Saad ni Mitch na mayroong malapad na ngiti.

"Hindi. Paki sabi--"

"Nako Ma'am! Isipin niyo na lang na makakatulong kayo sa mga batang lansangan-sa mga--batang biktima at inabuso ng mga sindikato--o di kaya sa mga pinag malupitan ng sariling mga magulang!" Nakanguso niyang sabi with action pa.

"Pag-iisipan ko." Tipid kong sagot saka siya tinalikuran.

"Ma'am, kasi--bb-birthday ko rin this month. Ahm, dalawang taon na rin kasi akong hindi nakaka uwi sa Manila. Gusto ko sana makasama ang pamilya ko..." Pahabol ni Mitch.

Napabuntong hininga muna ako at pansamantalang nag-isip. Mukhang inaasahan talaga niyang marinig sa akin ang pag tanggap sa offer ni Miss Ramos. Medyo kumirot ang puso ko sa dahilan niyang gustong mag celebrate ng birthday kasama ang pamilya.

"Ss-sige." Sagot ko.

"Tt-talaga Ma'am? Nako! Grabe ang saya-saya ko! Salamat po talaga!" Maluha-luha niyang sabi.

"Mag pa book ka na ng flight. Lilipad na tayo pa Manila next week." Saad ko saka pumara ng taxi.

"Ingat ka. Text mo 'ko kapag naka uwi ka na." Paalala ko nang makasakay ako.

"Salamat po Talaga ma'am." Masaya niyang sabi habang kumakaway sa akin.

Habang nasa taxi ako, di ko maiwasang alalahanin ang huling pag kakataon ko na nag celebrate ng birthday ko. Siyang araw din noong nag propose sa akin ang lalaking minahal ko noon. Saksi ang aking mahal na ina.

Pero last month, ako na lang ang mag isang nag celebrate ng birthday ko. Ito na yata ang marahil ang malungkot na kapaskuhan na darating dahil wala na ang mahal ko sa buhay. Siguro ay makiki celebrate na lang ako kanila Ann pag balik ko sa Manila, o fi kaya sa pamilya ni Mitch.

"How's your day?" Bungad ni Lenon pag kapasok ko sa apartment na tinutuluyan ko.

"Not bad. Nakakapagod talaga kapag saturday." Sagot ko habang nag huhubad ng boots.

"Want a coffee?" Offer ni Lenon saka naupo sa aking tabi.

"No thanks."

"Parang ang lalim ng iniisip mo?" Taas kilay niyang tanong.

"Um, lilipad ako pabalik ng Manila next week." Sagot ko saka nahiga at ipinatong ang aking paa sa kaniyang hita.

"What?" Nanlaki ang kaniyang mata at napatakip ang palad sa bibig.

"My God! I thought hindi ka na babalik sa Land of Pearl? Anong nangyari? Bakit nag bago ang isip mo?" Usisa niya saka nilapag ang hawak na kape.

"Yeah... pero birthday naman ni Mitch kaya, pumayag ako na dumalo at sumali sa art exhibit. Gusto niya mag celebrate with her fam." Sagot ko habang naka pikit.

Akmang isasalpak ko na ang earphone sa aking tainga ng bigla niya hawakan ang aking kamay.

"Eh di makikita mo ulit si- si--Sino nga ulit 'yon?" Kunot noo niyang tanong habang naka tingala sa kisame.

Si Lenon ay isang bisexual. Pero hindi lantad. Ako lang naman ang bukod tanging nakaka alam ng tungkol sa kaniya. Dito sa apartment na aming tinutuluyan, may kasama pa kaming dalawang babae. Si Jenica at Eleze. Kapwa Pinoy na nag tatrabaho sa boutique. Si Lenon naman ay isang Licensed photographer. Hindi mo aakalain na sa tindigan ni Lenon, at karismang mala star hot-model, ay isa pala siyang bisexual.

"Si Spencer?" Sambit ko.

"Yes! Yun nga! Yung Ex mo?"

"Sira! Hindi naman siya ang inaalala ko no!" Sagot ko at naupo.

"Eh sino? Yung daddy mo?"

"Hindi rin." Naka ngisi kong sagot.

"Ah? Eh sino?" Pag tataka niya.

"Yung Childhood friend ko. Bakit ko naman iisipin yung tatay ng pamangkin ko? Tsk!" Usal ko saka humigop ng kaniyang kape.

"Tsk, tsk, sino naman?"

"Bago kasi ako pumunta sa france, nabanggit ko kay Miss Ramos ang tungkol sa kaniya. Kahapon lang din ako naka tanggap ng info galing kay Miss Ramos. Sabi niya sa akin, isang kaibigan niya na empleyado sa Immigration ang naka pag sabi na tumira daw siya sa United kingdom. Feel ko malapit na kami mag-kita!" Maligaya kong saad.

"So, bakit masaya ka? Hoping ka? What if may Pamilya na siya?" Tanong niya.

"So what? Masama ba na makipag kamustahan? Tsaka isa pa, gusto ko lang naman malaman kung ano na ba siya ngayon?" Paliwanag ko.

"What do you mean? Hindi ba siya tao noon? Bakit, dati ba siyang frog baka ngayon Prince na siya?" Saad niya saka sumimsim ng kape.

"Ganon na nga, excited lang akong malaman kung ano ang naging journey ng lalaking 'yon. Natuwa nga ako nang malaman ko Narating niya sa U.K. at nanggaling siya dito sa france."

"Saan naman city? Sa London? Dito sa Paris? Scotland?...."

"Basta! Bago ako bumalik sa Manila, I assure you, magkikita na ulit kami." Naka ngiti kong sabi saka nag pasyang mag-pahinga na sa aking kuwarto.