*CHILDHOOD MEMORIES*
#1. CAGAYAN RIVER
----------------------------------
ASH POV
"Hindi ba delikado dito? Bawal daw ako pumunta sa ilog sabi ni Mamá dahil may diwatang nag aalaga dito..." natatakot kong usal habang nag tatago sa likod ni Spencer.
Huminto kami sa pag lalakad saka niya ako nilingon. Hinawakan niya ang kamay ko saka inayos ang aking mahabang buhok.
"Huwag kang matakot. Dahil hindi naman totoo yun. Panakot lang para sa mga uto-uto. Uto-uto ka ba?" Nakangisi niyang sabi habang hawak ang aking baba.
Ngumiti ako saka umiling. Nasanay akong maging matapang sa paningin ni Spencer. Kaya hindi ako dapat matakot sa mga elementong mas mababang uri kaysa sa tao.
Hinawakan niya ang kanang kamay ko at muli kaming nag patuloy sa pag lalakad. Nakatitig lamang ako sa aming mga kamay na magkahawak. Nauuna siya sa akin sa paglalakad dahil mas kabisado niya ang lugar na tinatahak namin papunta sa ilog.
"Ash, nanginginig ka. Sabing huwag kang matakot." Pinisil niya ang aking palad ng di ako nililingon.
Hindi naman dahil sa takot kaya nanginginig ang aking kamay. Kundi dahil sa labis na kilig. Palihim akong ngumingiti ng malapad habang nakatalikod siya sa akin.
"Malapit na ba?" Tanong ko habang tahimik na sumusunod sa kaniya.
"Dito na." Sambit niya saka ako inalalayan ng may pag iingat ng mauna siyang bumaba matapos ay hinawakan ako sa aking bewang para ibaba sa mabato niyang kinatatayuan.
Inakbayan niya ako habang minamasdan namin ang malawak na ilog. Ang ilog ng Cagayan ay longest river in the philippines. Tanaw at sakop ng lawak nito ang buong region 2.
Tinikom ko ang aking labi at pasimpleng sinulyapan ang kaniyang kaliwang kamay na nakapatong sa aking balikat. Pakiramdam ko nga ay naka hawak pa rin siya sa aking bewang.
"Maliban sa puno, dito ako madalas pumupunta para mangisda..." Pag mamalaki niya saka inalis ang kamay niya sa aking balikat at inayos ang kaniyang buhok.
Artistahin naman ang itsura niya kahit pa payatot siya. Kamukha niya nga si Ian Veneracion na may halong Gabby Concepcion. Mistisuhin at ma appeal.
"Gaano ka kadalas dito?" Tanong ko habang naka pamewang. Masyado siyang matangkad kaya nakaka ngalay siyang kausap. Bago siya sumagot ay tumuro na ako sa lupa na ibig sabihin ay maupo siya.
Bahagya niyang itinupi ang kaniyang pantalon saka naupo. Kumuha siya ng maliit na bato saka diretsyong tinanaw ang dulo ng ilog bago sumagot.
"Alas dose o alas tres? Basta kapag high tide, asahan mo, sisisirin ko ang ilog. Doon kasi maraming huli." Sagot niya bago ihagis sa ilog ang bato.
Alas dos o alas tres? Ganong oras ay mahimbing na ang aking tulog. Pero siya, pumapalaot pa? Napaka hirap naman kapag walang ama. Pero dahil walang ama si Spencer, pakiramdam ko ay ako ang biyayang natanggap niya mula sa langit. Dahil alam ko na kinakailangan niya ng masasandalan maliban sa tulong na ipinapa abot ng pamilya namin sa kanila ng nanay niya. The more na nag hihirap siya, the more na feel ko mas kailangan niya ako.
"Gusto mo bang subukan lumusong?" Naka ngiti siya ng ilahad ang kamay habang naka tukod ang isang tuhod sa batuhan.
Nilingon ko ang ilog saka tumango. Inabot ko ang kaniyang kamay saka niya ako binuhat. Dahil sa gulat ay hindi na ako nakapag salita. Naka ngiti lang siya habang nakatitig sa aking mukhang nangangamatis.
Maingat niya akong binaba sa may maliit at mababang tipak na itim na bato saka inalis ang aking sandalyas. Isinuksok niya iyon sa kaniyang bewang na naiipit ng maong na pantalong saka ako pinalusong. Malamig ang ilog. Kalmado at katamtaman ang agos ng tubig. Nasa mababaw na parte kami kaya naman hindi ako nangangamba.
"Sana pala noon mo pa ako dinala dito!" Maligaya kong sabi habang nag tatampisaw.
"Sabi na ba masisiyahan ka. Dati pa sana Ash! Noon pa sana kaya lang nakakahiya..." Nakayuko niyang sabi saka piningot ang kaniyang tainga na para bang nahihiya.
"Bakit naman?"
"Kasi ang dapat sa mga mayayaman, sa resort nag pupunta hindi dito sa ilog palaisdaan..." bagot niyang sabi saka inayos muli ang kaniyang blonde hair.
"Ang saya kaya dito. Sana talaga dati pa tayo pumunta dito." Turan ko saka siya tinalikuran.
"Mukhang uulan?" Puna ko ng kumulimlim na may kasama pang pag kulog.
Ang katanghaliang tapat ay naging madilim ng tuluyang bumuhos ang ulan. Napalingon ako kay Spencer na ngayon ay naka upo sa ibabaw ng bato habang ginagawan ng remedyo ang kaniyang tsinelas na limang buwan na buhat ng ibinili ni Mamá para sa kaniya.
Inagaw ko iyon sa kaniya saka pinalipad sa ilog. Tulad ng dati kong ginagawa, sisirain ko pa lalo ang gutay gutay niyang damit para bilhan siya ni Mamá ng bago. Sasadyain kong punitin ang kaniyang maong para palitan ni Mamá ng mas maganda at mas marami. Itatapon ko ang isang pares ng kaniyang tsinelas para palitan ni Mamá ng mas bago at mas matino.
"Ash! Puwede pa naman iyon! Bakit mo tinapon?" Mistulang galit na tatay ang awra niya at ako naman ang kaniyang anak na sinisermonan.
Bakas sa kaniyang mukha ang panghihinayang sa sira niyang tsinelas. Ayokong ipakita na naaawa ako para sa kaniya. Kaya naman sa halip na mag paliwanag ako, tinarayan ko na lang siya.
"Buti talaga wala akong naging kapatid. Lalo na kung kasing salbahe mo!" Inis niyang sabi saka ako pinatumba sa ilog ng atakihin niya ako mula sa aking likod.
Hindi ko inaasahan iyon kaya naman nakainom ako ng tubig ilog. Abot hita ang lalim at napahiga ako. Nauubo ako at may lumabas pang tubig mula sa aking ilong. Sa inis ko ay pinaghahampas ko siya habang siya naman ay nag tatawa habang inaawat ako.
Di namin alintana ang ginaw at lamig ng panahon kasabay ng pag ulan. Masaya ang bawat sandali ng kabataan namin kapag mag kasama kami. Nang biglang kumulog ng pagkalakas lakas, Sa takot ko ay Napasubsob ako ng husto sa kaniyang mabutong dibdib.
Sapo niya ang aking ulo at likod hanggang sa makalipas ang pag dagundong ng langit. Marahan akong nag angat ng tingin sa kaniyang maamong mukha. Bagamat nakatikom ang kaniyang bibig, bakas ang ligaya sa kaniyang mapungay na mga mata. Marahil natatawa siya ng pag masdan ako. Uminit ang aking pisngi dahil sa hiya na naramdaman. Akmang tatayo na sana ako ng muling kumulog na may kasama pang pag kidlat. Mas malakas kesa kanina kaya naman muli akong sumubsob sa kaniyang dibdib. At sa puntong iyon, yakap ko na siya ng mahigpit.
"Ash! Kidlat at kulog lang 'yan. Kasama mo 'ko kaya huwag kang matakot. Bago ka tamaan ng kidlat, mauuna na akong mangisay." Biro niya para iwaksi ang aking takot.
Di ko na kinayang pilitin ang sariling mag matapang. Kaya naman pumikit na lang ako habang nananatili yakap-yakap. Napuno ako ng takot dahil pakiramdam ko ay nalagay ako sa panganib.
"Nakakatakot. Gusto--kk--uuwi--"
"Ash!" Hiyaw niya habang humahalakhak. Mas malakas pa kaysa sa kulog at kidlat. Nang maramdaman ko ang kaniyang kamay sa aking likod, doon ay nag lakas loob akong tingalain siya.
Patuloy pa rin siya sa pag halakhak na para bang maluluwa na niya ang kaniyang bagang. Hindi ko alam kung bakit nagagawa niya pa tumawa gayong nasa kalagitnaan kami ng panganib. Anumang oras ay maaari kaming tamaan ng kidlat. Sentro ng bagyo ang mga ilog at karagatan kaya sa halip na mag tigil siya, mas lalo pa siyang natatawa.
"Bakit ka ba natatawa? Mamamatay na ako sa nerbiyos tapos nakukuha mo pa tumawa!" Talak ko saka siya hinampas sa dibdib.
"Ikaw! Akala mo kung sinong matapang takot naman pala sa kulog at kidlat!" Sigaw niya saka muling tumawa ng nakakairita.
"Spencer baka hinahanap na tayo. Natatakot na ako." Nilibot ko pa ang aking paningin dahil pakiramdam ko may iba pa kaming kasama sa ilog na hindi namin nakikita.
"Hindi kita iuuwi hanggat natatakot ka sa alon, sa kulog at sa kidlat." Seryoso niyang sabi saka ako pinakandong sa kaniyang binti.
Gamit ang kaniyang daliri, sinusuklay niya ang aking mahabang buhok. Ipinuwesto ko ang aking mga kamay sa ibabaw ng aking hita habang naka yuko.
"Kita mo ba ang dulo ng ilog?" Tanong niya saka ako tiningala.
Tinanaw ko ang dulo ng ilog at wala naman akong napansin na kakaiba.
"Kunwari naroon ako nasa pinaka dulo ng ilog. Tapos ikaw nandito ka. Gugustuhin mo ba na ganon kalayo ang agwat natin sa isa't-isa kahit alipin mo lang ako?" Tanong niya saka ngumiti.
"Hindi. Ayoko ng malayo ka o malayo ako sa iyo." Mahina kong sambit saka nagpakawala ng malalim na pag hinga.
"Pero paano 'yan, biglang kumulog tapos kumidlat, aatras ka ba?" Taas kilay niyang tanong habang tinitingala ako.
Muli kong tinanaw ang dulo ng ilog at binalik ang tingin sa lugar naming dalawa.
Ngumiti ako saka umiling.
"Matatakot ka pa rin ba sa kulog at kidlat? O sa hampas ng alon?" Tanong niya habang naka tanaw dulo ng ilog.
Nakatitig lamang ako sa kaniyang mukha na para bang kinakabisa ko ito. Pinagmasdan ko ang paligid bago nag salita.
"Siguro?" Sagot ko habang naka tingin sa itaas.
"Kailangan mo ng tapang Ash. Balang araw haharap tayo sa malakas na bagyo."
Hindi ko siya maunawaan. Hindi ko alam kung ano ang ibig niyang sabihin. Madalas pinipilit ko siyang unawain. Pinipilit kong makipag sabayan sa pag iisip niya. Tulad ng ilog ng Cagayan, ganon kalawak ang isip niya.
"Hindi dahil wala na akong tapang, hindi ko na susubukan ang isang bagay. Kahit natatakot pa ako kung kinakailangan languyin ko ang dulo ng ilog gagawin ko..." turan ko ng di nag aalis ng tingin sa ilog.
"Tama. Ganon nga Ash. Lakasan mo ang loob mo palagi. Gusto kong mapanatag ang loob ko kapag dumating ang araw na magkakalayo tayo." Malumbay ang kaniyang bawat bigkas sa mga salitang namutawi sa bibig.
Kahit pa patuloy ang bagsak ng ulan, kitang-kita ko ang hapding namuo at umagos sa kaniyang mga mata. Hindi ko alam kung bakit nag dulot iyon sa akin ng labis na sakit sa dibdib o sa puso. Hindi ko alam kung bakit ganon ang epekto sa akin ng mga sinabi niya. Pakiramdam ko ay napunit ang aking puso.
"Matapang ako. Sabi ni Papá, sa lahat ng bata kakaiba ako. Malakas ang pangangatawan ko at matapang daw ako hindi gaya ng ibang bata na nakilala niya." Nakangisi kong sabi kahit pa wasak na wasak na ang aking puso.
"Pag ako yumaman, lahat ng natatanaw mo Ash, lahat lahat ng nakikita mo hanggang sa pinakadulo ng ito ay magi----ging akin." Turan niya na may kasama pang pag ere ng kanang kamay sa bawat galaw habang ang isang kamay niya ay naka hawak sa aking braso.
"Hindi mangyayari 'yon. Ang tawag diyan, ilusyon. Once a slave always a slave." Madiin kong bigkas saka siya tinitigan.
"Malapit na Ash. Matutupad lahat ng pangarap ko. Balang araw magiging teritoryo ko ito. At lahat ng narito ay pag mamay-ari ko. Kahit pa ikaw." Matamis ang kaniyang ngiti ngunit bakas ang pangamba sa kaniyang mga mata.
May takot akong naramdaman at pangamba na baka tuluyan niya akong iwan. Magiging mayaman siya at baka may iba siyang makilala ng higit sa akin. Naging salbahe ako sa kaniya kaya imposibleng mag tagal pa siya sa ugali ko.
Ipinanganak kang mahirap. Kaya alipin lang kita. Ipinanganak akong mayaman kaya hindi mo ako magiging pag mamay-ari. Kapag lumayo ka, hindi mo na ako mahahanap.
"Hahanapin kita Ash. Balang araw pag babayaran mo ang lahat ng pag hihirap ko. At pag sisisihan mo na naging alipin mo ang isang Spencer Pascual!"
Bagamat nakangiti, may lungkot akong nakikita sa kaniyang mata.
"Kapag bumalik ka, hindi mo na ako ulit makikita dito. Hindi na kailan man." Taas noo kong sabi kahit pa sa totoo lang wasak na ako.
"Dapat lang. Dahil kung mahanap man kita, sisiguruhin kong sa simula pa lang milyon milyon na ang uutangin mo sa akin hanggang sa hindi mo na ako kayang bayaran kaya magiging alipin kita."
Ang kulog, kidlat, at alon ay sadyang nakakatakot dahil sa dala nitong panganib. Ngunit ang maiwan ng mag-isa at mag hintay sa bagay na walang kasiguruhan, ang pinaka mas nakakatakot na naramdaman ng batang si Natasha...