ASH POV
Sa kalagitnaan ng aking pag tulog bigla na lang ako nagising nang maramdaman ko ang pag kumot sa akin ng malamig na hangin. Marahan akong nag mulat ng sabayan ng pag kulo ang aking sikmura.
Mahimbing na ang tulog ni Spencer kaya naman hindi ko na siya inabala pa. Maingat akong gumalaw upang bumaba. Tahimik kong pinihit pabukas ang pinto saka diretsyong tumungo sa kusina.
Marahil sa labis na pag kagutom kaya sinisikmura ako. Binuksan ko ang ilaw sa kabahayan. Tahimik masyado at may kalamigan ang paligid. Alas kuwatro pa lang ng madaling araw kaya siguro wala pang kasambahay ang nagigising.
Binuksan ko ang fridge para mag hanap ng puwedeng makain. Sa dami ng puwedeng pag pilian ni isa ay wala akong natipuhan man lang. Pakiramdam ko tuloy umiinit na naman ang aking ulo.
Nilibot ko ang aking paningin, binuksan ko pa ang ilang drawer para mag hanap ng can goods na ready to eat pero wala talaga akong magustuhan.
Lumabas ako sa kusina at doon sa ibabaw ng buffet table ay may nakita akong manggang kalabaw. Mabilis akong nakalikom ng laway ng matakam ako sa aking nakikita.
"Puwede na rin." Sambit ko.
Kumuha ako ng isang piraso at agad na gumawi sa kusina para balatan iyon. Nag salin ako ng sukang labnaw sa mangkok na siyang ginawa kong sawsawan. Unang kagat ko pa lang ay para na akong naginhawaan ng matikman ko ang hinahanap-hanap ng aking panlasa.
Wala pa sa kalahati ang aking kinakain ng maramdaman ko ang aking pamamawis. Sobrang init na ng pakiramdam ko kaya minabuti kong maupo sa sahig at binuksan ang fridge para makalanghap ako ng kaunting lamig.
Bawat malutong na pag kagat ko ay talagang ninanamnam ko ng husto. Kakaiba ang tamis at asim ng sukang labnaw na gawa pa mismo ni Madam mervie. Mas masarap ito kumpara sa dati nilang paninda. Nasa kalagitnaan ako ng pag kain ng bigla kong makita sa aking peripheral vision ang isang tao na nakatayo sa aking gilid.
"P***angina!" Mariing bigkas ni Spencer.
Agad ko siyang nilingon saka pinunasan ang aking labi. Pakiramdam ko tuloy may nagawa akong krimen ng makita niya akong kumakain na para bang daga na mapag samantala habang wala ang pusa.
Nakatagilid ang kaniyang ulo ng tignan ako. Hawak ng kaniyang kaliwang kamay ang M16 riffle na hindi ko alam kung saan ba niya tinatago at hindi ko rin alam kung para saan iyon. Basta ang alam ko ngayon ko lang iyon nakita.
"Spen--"
"Nagugutom ka pala bakit hindi mo ako ginising?" Usal niya ng buhatin ako at ipinaupo sa high chair.
"Ayokong maistorbo kita." Sagot ko.
"At gusto mong baliwin ako sa pag aalala kung nasaan ka habang ako natutulog?" Inis niyang sabi saka sinara ang fridge.
"Akin na nga yan!" Aniya saka kinuha ang kinakain kong mangga.
Nilapag niya ang M16 sa ibabaw ng fridge saka kumuha ng duck egg na hindi ko alam kung para saan.
"Sorry kung pinag alala kita..." sambit ko. Tahimik ko siyang inoobserbahan habang nag babatil ng itlog.
"At isa pa! Alam mo na ayaw na ayaw ko na walang sapin ang paa mo!" Baritono niyang sabi ng di ako nililingon.
Napasulyap naman ako sa aking paa na walang sapin. Ilang sandali pa ay nilapitan niya ako saka ipinasuot sa akin ang gamit niyang tsinelas.
"Ang weird mo ngayon. Hindi mo ba napapansin 'yon?" Tanong niya habang hawak ang aking bukong bukong.
"Weird?" I echoed.
"Yes! Mangga sa madaling araw? Na isinawsaw sa suka? Natasha hindi kaya---"
"Yung kalan." Sambit ko ng mapansin ang pag usok ng kawali.
Agad siyang tumayo saka ipinagpatuloy ang pag luto sa scrambled egg.
"Next time, gigisingin mo ako kung nagugutom ka. Hindi yung basta ka na lang aalis at pag gising ko wala ka na naman." Baritono niyang sabi ng di ako nililingon.
Matapos niya maisalin ang itlog sa plato, humatak pa siya ng isang silya at tahimik akong inoobserbahan habang kumakain.
Medyo nakaka ilang ang paraan ng malagkit niyang tingin kaya naman hindi ko magawang ngumuya ng maayos.
"Wala ka ba'ng ibang nararamdaman?" He asked out of nowhere.
I raised my left brow, trying to understand what does he want to say.
"Wala naman?" I replied sounded like a question.
"What's that?" He asked, pointing my forehead.
"Ou--ch!" I muttered as I threw his arms away.
"Is that a pimple?" He asked with a narrowed brows.
"It's nothing." I answered in a high tone.
"You looked pale?" Spencer said as he stood and gave me a glass of water.
I didn't even bothered to speak. I finished my food quietly instead.
"I'm done." Said I.
"Let me do it for you Natasha. Go back to sleep." He command.
"I'll wait for you. Sabay na tay---"
"I said go back to sleep. It's too early just---rest." He calmly said while cleaning up the table.
I rolled my eyes as I turned back against him. I went straight in our bed and sit up straight while waiting for him to come back.
It's been ten minutes since I left him in the kitchen but still he wasn't here and it made me get worry so I decided to check him out. I opened the door but then, I suddenly stopped when Spencer appeared in front of me.
"Balik!" He command. Putting the riffle on top of his broad shoulder.
"Ang tagal mo kasi--nag aalala ako akala ko---"
"Puwede na ba kitang tabihan?" He snapped and then he locked the door.
"Oo naman. I think ayos na ako." I replied and then I lie down.
He put back the M16 riffle inside his closet before he lay down by my side.
I can still smell the fragrance of his perfume and it made my stomach feels going to be explode at any time.
"Fine! Tumalikod ka na lang sa akin kung nasusuka ka sa amoy ko." Aniya na agad kong ginawa.
Sa aking pag pikit, naramdaman ko na lamang ang kaniyang kamay sa aking braso pababa sa aking tiyan. Ramdam ko ang kaniyang pag singhot at pag buga ng hininga sa aking leeg.
Tumindig ang aking balahibo ng tumama ang mainit niyang hininga sa aking balat. Tahimik ang paligid at tanging pag tibok lamang ng kaniyang puso ang aking naririnig. Paakyat at palibot ang kaniyang kamay sa aking tiyan na siyang mas higit na naka-pag pakalma sa aking sikmura, hanggang sa tuluyan na akong dalawin ng antok at lumalim na ang aking tulog.
Kinaumagahan, nagising na lamang ako ng makita ang aking mga bagahe sa kuwarto ni Spencer. Una kong hinanap ang aking pamalit at tahimik tumungo sa banyo para mag hilamos. Mabilis akong nag punas ng mukha ng maramdaman ang pag kulo ng aking sikmura.
Pag labas ko pa lang ay agad ko ng naririnig ang tawanan mula sa sala. Medyo nahihiya tuloy ako dahil inumaga ako ng gising. Nakangiti ako ng sandaling pag masdan sila sa hapag.
Nang mapansin ako ni Spencer ay agad siyang tumayo saka ako nilapitan.
"Good morning po." Bati ko sa kaniyang magulang.
Bumungisngis naman si Spencer kasunod ng pag halakhak ng kaniyang ama. Salitan ko silang tinignan dahil parang may nakakatawa sa akin at hindi ko alam kung ano iyon.
"Buti naman at mukhang maayos na ang lagay mo?" Her mother said and then she gesture her hands for me to take a sit.
"Maayos na po." Tipid kong sagot saka pinag masdan ang mga pagkain na nasa hapag.
"Hindi na kita ginising para sana sabayan kami sa breakfast dahil mahimbing ang tulog mo. Buti at masasabayan mo kami sa lunch." Turan ni Spencer habang sinasandukan ako.
Napasulyap ako sa parents niya ng mapag tanto na hindi lang pala ako inumaga ng gising kundi tinanghali pa pala ako ng gising.
"Pasensiya na kung tinanghali ako ak---"
"Oh it's okay. Ang mahalaga ay ang kalagayan mo." Ani madam, matapos ay nainom.
"Natasha, huwag ka sana ma-offend sa sasabihin ko---"
"Honey!" Usal ng ginoo saka pinandilatan ang asawa.
"It's okay po. Ano po ba 'yon?" Magalang kong tanong. Bigla kong naramdaman ang kamay ni Spencer na naka suporta sa aking likod.
"Ahm, napansin ko lang kasi na parang nag glow yung skin mo at--namayat ka ng husto?" Saad ng madam na tila ba may nais ipakuwari.
"Di kaya napapabayaan mo yung sarili mo habang nasa france ka?" Tanong ni Spencer na sumulyap pa sa kaniyang magulang na agad din nag balik ng tingin sa akin.
"Hindi naman. Tsaka siguro dala lang ng labis na puyat at stress ko these days..." I explained.
"Stress? Coz I think, buntis ka." Seryosong sabi ng madam na siyang nag patigil sa aming apat. Natameme ako at natagpuan ang sariling naka uwang ang bibig.
Paulit-ulit iyong nag lalaro sa aking pandinig. Kundi pa sana umismid ang ginoo hindi pa sana ako babalik sa wisyu.
"Imposible po." I heaved a sigh.
"Bakit naman?" Usisa ng ginang.
"Mom, please?" Ani Spencer na hawak ang aking kamay na nasa ibabaw ng mesa.
Kung ganon wala pa rin pala silang alam? Siguro panahon na para malaman nila ang totoo.
"The truth is, I have a polycystic ovarian syndrome." Pag tatapat ko.
Gulat at pag aalala ang nakita ko sa naging reaksiyon ng parents ni Spencer. Tinitigan ako ni Spencer na para bang hindi niya nagustuhan ang pag tatapat ko sa parents niya. Namilog ang kaniyang mata't umigting ang panga ng mag lihis ng tingin.
"Oh!--I'm so--"
"I'm sorry too madam. I hoped you would understand that it's not easy for me to open this thing and it took a lot of courage to tell about this--sor--sorry." I said in a crack voice.
"Natasha, anak it's okay." Ani ng ginoo na hindi ko inaasahan.
"Kailan pa?" Usisa ni madam na mayroong nangingilid na luha.
"A year ago..." Spencer utter and then he leaned his back on his seat.
"Marami akong kilala na nag kaanak kahit may pcos. Basta ba't regular ang pag take ng medications. So don't loose hope dear." Malambing na sabi ng kaniyang ina.
"Yeah. And as far as I could remember the doctor said that according on your case, there's a small chance na mag ka-baby pa tayo. What if tama si mom?" Ani Spencer.
Malungkot ang kaniyang mata na para bang nais niyang patotohanan ko ang haka-haka ng kaniyang ina. Pero natatakot ako. Ayoko na ulit siyang paasahin dahil ayokong makita siyang muling mag dusa matapos umasa sa wala.
"The only way para malaman natin is----"
Hindi ko na pinatapos pa si Madam Mervie dahil minsan na rin itong nangyari. Ayoko ng maulit at maramdaman ang kahalintulad na senaryo noon.
"Kung ako lang po ang tatanungin, gusto ko na po talaga mag ka baby. Sinubukan naman namin pero minsan na kasing umasa si Spencer---"
"Sweetheart don't say that! May tamang oras pa para diyan., tsaka puwede ba kumain muna tayo?" Inis na himig ni Spencer.
"Pero hindi naman masama kung mag papa test si Natasha. Buhay ng apo ko ang pinag uusapan natin dito Vahrmaux!" Ungol ni Ginoong Gener na siyang nag bigay katahimikan sa salas.
Napa singhal si Spencer saka ako marahang nilingon. Hinawakan niya ang aking pisngi at tumayo. Niyakap niya ako na para bang may kung sino ang mang aapi o mananakit sa akin. Nakaramdam ako ng pag mamalasakit sa kaniya kaya naman kahit paano ay medyo lumakas ang aking loob.
"Mag pahinga ka na lang muna sa kuwarto ko." Utos ni Spencer. "Excuse us" paalam niya saka ako hinila papasok sa kaniyang kuwarto.
Hindi naman ako totally na stress o napagod ng husto kaya Hindi ako dapat mabulok lang sa kuwarto niya.
Pabagsak niyang sinara ang pinto saka balagbag na naupo sa kama. Mukhang sa aming dalawa, siya ang higit na naapektuhan sa mga naganap kanina lang. Alam ko kung gaano kataas ang expectation sa kaniya ng dad niya at marahil iyon ang dahilan kung bakit nagawa niyang ilihim lahat ng ito lalo na sa kaniyang ina na labis niyang pinag kakatiwalaan.
"Pasensiya na Ash. Huwag mo na lang pansinin 'yon."
Naupo ako sa tabi niya at tahimik na yumuko. Ilang saglit pa ay tumunog ang kaniyang phone.
"Stay here." Aniya saka humalik sa akin bago lumabas ng silid.
Hindi ko alam kung related ba sa business or what ang tawag dahil hindi niya iyon agad sinagot. Ilang sandali lang pag labas ni Spencer ay agad din kumatok si madam at kusang binuksan ang pinto. Napatayo ako at pinatuloy siya.
"Natasha, kaninang umaga nga pala nag utos ako kay Marlyn na ibili ka ng pregnancy kit... huwag ka sanang magagalit?" Nag aalangan na sabi ng madam.
Kinuha ko iyon saka tipid na ngumiti sa kaniya.
"Nag abala pa po kayo..."
"Natasha, para na rin kitang anak. Kaya sana huwag mong masamain ang pag mamalasakit ko sa iyo bilang isang ina..."
"Huwag po kayong mag-alala. Naiintindihan ko po." Sagot ko.
"Paano ba ito, babalik na ako sa Sunrise Hotel. Balitaan mo ako agad sa resulta okay?" Nakangiting sabi ni madam na tinanguan ko lang.
Sumandal ako sa pinto matapos iyon isara. Wala naman sigurong masama kung susubukan ko ulit. Mabilis akong gumawi sa banyo para malaman ang totoo.
Sa harap ng salamin, bumuga ako ng malalim na pag hinga. Pikit mata akong nag aabang ng ilang segundo upang abangan ang magiging resulta ng pt. Nag mulat ako at nakatingala habang nananalangin na sana ito nga...
Marahan kong binaba ang aking tingin sa pregnancy test na siyang nag pabagsak muli ng aking luha. Hindi dahil negative kundi dahil sa dalawang kulay pulang guhit na malinaw ang siyang nakita ko.
Tinignan ko ang aking sarili sa salamin na para bang proud na proud ako sa sarili ko dahil pakiramdam ko, buong-buo na ang pag katao ko.
Mabilis kong pinunasan ang aking luha saka mabilis na lumabas ng silid. Wala sa salas si Spencer maging ang kaniyang magulang.
Lumabas ako sa garden at doon ay nakita ko ang pag i-inspect ng driver sa kotseng marahil ay mag hahatid sa parents ni Spencer papunta sa Sunrise Hotel.
Mula sa malayo kita ko ang namumulang mukha ni Spencer habang may kausap sa telepono. Nasa kaniyang tabi ang mga magulang na halatang problemado. Nang makalapit ako ay narinig ko pa kung paano niya sigawan ang kausap sa kabilang linya.
"F*ck that old man! Ngayon pa ba sila mag ba-back out? Tell to him na ituloy ang meeting this afternoon! NOW!"
"Hindi matutuloy ang bidding?" Kunot noo na tanong ng madam.
"It's my fault. Naging busy ako masyado..." Ani Spencer.
Mukhang hindi pa perfect time para ipaalam ang good news. Mabuti siguro sa ibang araw na lang.
"Natasha! May kailangan ka ba?" Tanong ng ginang nang mapansin ako.
Natuon ang atensiyon sa akin ni Spencer at ng ginoo.
"Buti pa siguro ipa re-schedule natin ang meeting..." turan ng ginoo na parang naluging milyonaryo. Akmang lalapitan ako ni Spencer ng muling mag ring ang kaniyang phone.
"What? Talagang mag mamatigas sila? Puwes sabihin mo sa kanila kapag hindi natuloy ang meeting ngayon, humanap na siya ng magaling na abogado!" Hiyaw ni Spencer saka binaba ang tawag.
"Kasi--"
"Kumusta Natasha? Ano ang result?" Tanong ng ginang na nag pakunot noo kay Spencer.
"Result?" Taas kilay na tanong ni Spencer habang isikusuksok sa bulsa ang kaniyang phone.
"Yes. Yung pregnancy test? Ginamit mo na ba?" Seryosong tanong ni madam.
Ang dami kong gustong sabihin. Nag uunahan yung mga salita kaya naman ngumiti na lang ako saka iyon inabot kay Spencer.
Dumaan muna ang limang segundo dahil salitan niya pa kaming tinitigan bago iyon abutin.
"Two red lines? Mom is this-----"
"Oh God! Positiiiiiiiiiiiiiiiive!" Hiyaw ng ginang saka ako niyakap.
"Kung ganon, may kalaro na ako sa golf? May hahabulin na rin ako?" Maluha luhang sabi ng Ginoo.
Kumalas ang ginang sa pag yakap sa akin. Si Spencer naman ay hindi na nakayanan pa ang ang mag salita. Ang tanging naging tugon niya ay pag yakap na mahigpit at pag halik na kay tamis.
Sa harap ng magulang niya, hinalikan niya ako na halos malunod na ako dahil ayaw niyang paawat sa ginagawa. Walang humpay ang pag agos ng luha naming lahat dala ng labis na galak.
"Congrats Sir! May munting anghel na rin sa bahay na ito!" Maligayang sabi ng kanilang kasambahay na nakiki usisa.
"See? Daddy na ako!" Maligaya niyang sabi bago ako muling hinalikan kasabay ng masiklab na palakpakan ng kanilang mga tauhan kasama pati ang kaniyang magulang.
Muling tumunog ang telepono na agad niyang sinagot.
"Sir Mr. Toshio is now waiting for you in the lobby--"
"Sorry Nenitz please tell him to leave and cancelled all my appointments today!--I don't care! Just do it for me! And I'll double your salary!"
"Mom, I think we have to celebrate?"
"I second demotion! What if mag bakasyon tayo sa Cagayan?" Ani ng ginoo saka kumindat sa anak.
Nag katitigan silang tatlo na para bang may planong hindi ko alam. Habang ako, iniisip kung kaya ko na nga ba 'ng balikan ang lungsod na matagal ko ng binaon sa limot kasama ang lahat ng pangit kong karanasan?
Sa ngayon, masaya akong makitang walang pag lagyan ang kaligayahan ni Spencer lalo na ang kaniyang magulang. Marahil malapit na nga kami sa dulo at ito na ang tugon ng maykapal para sa aming wagas na pag iibigan.