Chapter 3

Ngumiti ang lalaki sa aking nanay at ang nanay ko naman halata mong gumanti rin ng matamis na ngiti. Bakit ngayon pa? Ang wrong timing talaga lagi ng mundo oh!

"Hi Tita." Lumapit ang lalaki sa aking Nanay ay nakipagbeso pa ito.

"Bakit bumalik ka pa?" Tanong ng lalaking nakaupo na sa hospital bed.

"May sasabihin sana ako. Nakalimutan ko kanina, pasensya na. Opening kasi nung restaurant ko this coming Friday. Punta kayo ni Asty." Bumaling ito kay Mommy at ngumiti. "Ikaw rin Tita."

Kita ko naman sa aking peripheral vision ang pagngiti ni Mommy. "I'll try." Sagot pa nito.

"Sige pagaling ka Bro. Bye Asty." Kumaway pa ito sa akin na ikinakaway ko rin sa kanya.

Buti na lang at hindi gumulo baka hindi ko na alam ang gagawin ko pagnagkataon. Bumuntong hininga ako at binaling ulit kay mommy ang paningin ko dahil bigla itong nagsalita.

"By the way, Caeruz. Wala ang Mommy mo kaya hindi siya makakapunta dito, nasa business trip kasi siya sa US."

"Lagi naman." At nakita kong umirap pa si Caeruz. Napakasama talaga ng ugali ng isang to. Nakakainit ng ulo, walang galang.

"What?" Takang tiningnan siya ni Mommy. Hindi siguro naintintindihan yung sinabi ni Caeruz.

"Caeruz you need to rest." Pangingealam ko sa kanila. Ayokong pahabain pa ang kanilang usapan. Buti nga at hindi nagkagulo kanina tapos mukhang magkakagulo pa tong dalawang to?

Hayyy, tumingin ako kay Mommy na nakatingin rin sa akin ngayon. I just smiled at her and she replied a sweet warm smile.

Lumapit naman ito sa akin at niyakap ako. I just hug her back. Pakiramdam ko kailangan ko ang mga yakap niya kahit ngayon lang. Hindi ko alam kung bakit pero parang gumaan ang loob ko dahil sa mga yakap niyang yun.

"Tss." Kita ko namang humiga si Caeruz. Umirap ako sa kanya ng mapadako ang tingin niya sa akin at nakita niya yun kaya umiwas siya ng tingin at pumikit pa.

Humiwalay na si Mom after ng mga ilang minuto. Nang tumingin si Mommy kay Caeruz ay binigyan niya lang ito ng seryosong tingin bago naglakad papuntang pintuan.

Ngumiti ito sa akin bago lumabas ng pinto. Naglabas naman ako agad ng malalim na hininga pagkalabas na pagkalabas ni Mommy.

Ang tagal ko rin kasing iniwasan na magtagpo yang dalawang yan. Lalo na sa bahay dahil alam kong may galit siya kay Caeruz dahil syempre sa pagkawala ni Dad.

Umupo ako sa couch at naglabas ulit ng malalim na hininga. Siguro ang naiisip ng ibang tao kasalan rin ni Dad kung bakit siya namatay.

Kase pinagtulakan ako nito sa maling tao. Pinagtulakan ako nito sa pinakaaayaw niyang tao.

Pero wala akong magagawa dahil nagkamali siya. Tao lang din naman ito at nagkakamali rin.

Sobrang sakit lang dahil nung ginawa niya yun. Syempre kung kelan niya nalaman tsaka na tapos yung kasal. Kasal na kame. Naglabas naman ulit ako ng malalim na hininga.

Ang dami dami na namang pumapasok na kung ano ano sa utak ko.

"Hey stop sighing." Rinig kong sabi nung nakahiga sa kama. Hindi ko siya pinansin at tinitigan ang mga daliri ko na hindi ko napansin na pinaglalaruan ko na pala.

Naalala ko tuloy si Daddy. I know he made many mistakes to me but It doesn't matter anymore.

Ang gusto ko lang ay dapat...

Dapat...

Maulit yung nakaraan at maitama ang mga mali na nangyari. Para hindi kami nagkakaganito ngayon.

Para hindi magulo.

Para hindi nagkakagulo.

Miss ko na si Dad. Kahit boring kapag pinapanood ko siyang maggolf at nasa tabi niya lang ako at umuupo na sa madahon na sahig dahil sa pagkangalay.

Kahit boring kapag sinasamahan ko siyang manood ng basketball.

Kahit boring kapag isinasama niya ako sa mga business meetings niya dati.

Kaya kong tiisin yun makasama ko lang ulit siya at makabonding ko lang ulit siya.

Kahit gaano pa kaboring yung mga bagay na yun kaya kong tiisin makasama ko lang ulit si Dad.

Sana okay ka lang dyan ngayon kung nasaan ka man.

You know how much I Love You even though I didn't say it directly to you. I love you very much Dad.

"Huy ano bang nangyayare sayo?" Napatingin ako sa lalaking nakatitig sa akin. Nakamulat na ito ngayon ng mapatingin ako sa kanya at nakakunot ang noo nito.

Nagkibit balikat lang ako.

"Kumain ka na. Babalik na ako sa bahay, ipapasundo na lang kita sa driver natin. I have to go somewhere." Seryosong sabi ko at tumayo sa pagkakaupo.

Miss ko na si Dad at hindi ko na siya nadadalaw lately. Dahil sa sobrang kabusyhan ko sa buhay. Baka kailangan ko na rin dumalaw sa kanya ngayon at magkwento ulit sa nangyayari dito ngayong wala na siya.

Tsk. Ganun na ba ako kawalang kwentang anak sa kanila.

"Where are you going?" Seryosong tanong nito. Ako naman umirap lang sa kawalan bago ako lumingon ulit sa kanya.

"Somewhere." May diin kong pagkakasabi at lumabas na ng kwartong iyon.

Alam kong magdadrive ulit ako papuntang sementeryo pero hindi na kagaya kanina na may tapang ako sa pagdadrive ngayon bigla na lang nawala.

Parang bumalik yung mga alala sa akin ng nakaraan. Bigla na lang nanginig ang buong kalamnan ko ng may maalala ako.

Pero ako eto at sobrang pasaway ay nagdrive pa rin papuntang sementeryo. Kahit alam kong hindi ko kaya ay ginawa ko pa rin.

Siguro ako rin ang may kasalanan kung bakit namatay si Dad. Dapat lumaban ako kay Caeruz noon at hindi ko siya hinayaang hatakin ako kung saan man.

At puro luha lang ang lumalabas sa akin noon at walang katapang-tapang.

Pagkababang-pagkababa ko ng kotse ay naglakad ako ng kaunti papunta sa puntod ni Dad.

Pero hindi ko natuloy ang paglalakad ko noong nakita ko doon ang lalaking nasa kwarto lang kanina ni Caeruz.

Bakit nandito pa kaya siya?

Siguro naramdaman niyang may nakatingin sa kanya kaya napatingin siya sa direksyon ko.

Ngumiti siya dahilan upang mapangiti ako ng pilit.

Namiss ko ng sobra ang mga ngiting iyon. Yung mga ngiti niyang makalaglag panty at yung mga mata niyang nakakapanlusaw.

"Asty." Nanlabo ang mata ko ng banggitin niya iyon. Our endearment. Asty and Yacky. Siya ang nagbuo noon. Nung una syempre ayoko dahil sobrang cheesy at hindi ako ganon kasweet na gumagamit ng endearment.

Pero alam ko namang hopeless romantic yan kaya pinagbigyan ko na. Mahal ko naman e.

"Yacky." Sabi ko rin. Nilapitan niya ako at ngayon ay magkaharap na kami. Bigla namang nanlambot ang tuhod ko ng maamoy ko ang pabango niya.

Inalalayan niya ang braso ko dahil alam niyang kahinaan ko ang kanyang pabango lalo na kapag niyayakap niya ako.

"I miss you." Rinig kong bulong niya sa aking tenga ng nilapit niya ang mukha niya sa mukha ko.

Napahagulhol ako dahilan upang yakapin niya ako lalo ng mahigpit. Niyakap ko rin naman siya pabalik.

Namiss ko ang yakap niyang nakakapagpatulog sa akin at yung pabango niyang nakakapagpalambot sa buo kong katawan. Ang tagal ko ring hindi ulit naramdaman to, yung tyan ko na parang may kumikiliti sa loob sa tuwing tinititigan niya ako.

Sa sobrang pagkaattach ko sa lalaking ito, nahirapan ako ng mawala siya at nung ikinukulong ako ni Caeruz.

Hirap na hirap akong gumalaw dati dahil halos hindi na ako makalabas ng bahay dahil sa pagkukulong sa akin ni Caeruz. May time pa dati na nahuhuli ako nitong tumakas kaya lalong hindi ako makalabas ng bahay kasi wala daw siyang tiwala sa akin.

Na baka daw kapag pinayagan niya na akong makalabas ng bahay ay agad agad kong puntahan si Yaeruz para makipagkabit dito.

Halos gabi gabi akong walang tulog dahil sa pinaggagawa ni Caeruz na kawalanghiyaan. Naisip ko ngang tapusin na ang buhay ko pero kahit ganoon ay tinatagan ko pa rin ang loob ko at hindi ko hinayaang manalo ang walanghiyang si Caeruz.

Ganon ba talaga ang walang hiyang lalaking yun? Walang awa.

"Hey, stop crying." Rinig kong bulong ulit nito. Hinigpitan ko pa ang pagkakayakap sa kanya.

"Miss na miss na miss na miss na miss kita." Sabi ko rito. Narinig ko namang tumawa siya ng mahina.

"Miss na miss na miss na miss na miss na miss na miss na rin kita." Ewan pero ayaw tumigil ng luha ko sa pagpatak at tuloy tuloy pa talaga.

"Hey, luwagan mo naman na ang pagkakayakap sa akin. Hindi na ako makahinga." Hindi ko siya sinunod at mas lalo pang hinigpitan ang yakap.

"Kung alam mo lang." Mahina kong sabi dito.

"Alin?" Takang tanong nito bago dahan dahang inalis ang pagkakayakap ko sa kanya. "May problema ka ba Asty?" Tanong nito.

"Wala." Niyakap ko ulit siya at sininghot singhot pa ang pabango niya. Niyakap niya din naman ako pabalik.

Nakakamiss yung ganito. Na kapag may problema ako siya yung lalapitan ko lagi. Na kapag kailangan ko siya andyan siya palagi. Yung araw araw na panlalambing niya. Miss ko na lahat at miss ko na siya.

"Nagugutom ka ba? Gusto mo bang kumain? Treat ko." Aya niya sa akin. Umiling lang ako at hinigpitan pa lalo ang pagkakayakap sa kanya.

"Huwag ka na lang umalis. Balik na tayo sa dati. Yung mga dati nating ginagawa at yung dating tayo." Humihikbi kong sabi sa kanya. Napangiti lang siya ng mapait.

"Alam mo namang hindi pwede di ba? Kasal ka na at paano kung malaman ni Caeruz? Hindi magdadalawang isip yun na saktan ang isa sa atin."

"Kaya ko namang magtago e. Atsaka gagawa ako ng paraan para mawalan na ng bisa ang kasal namin. I can file an annulment o kaya magpapadala ako lagi ng divorce papers sa office ni-"

"No Asty. Kapag ginawa mo yun e mas lalong magagalit si Caeruz. Hindi mo na namang gugustuhin na mademonyo si Caeruz di ba?"

"I can take the risk Yaeruz. Ikaw? Kaya mo ba?"

Hindi agad siya nakasagot at napabuntong hininga pa. "Alam mo namang kaya kong gawin ang lahat para sayo di ba? Pero kung kikilos agad tayo ngayon hindi mo gugustuhin ang mga gagawin ni Caeruz pagnagkataon." Hinalikan niya ang noo ko kaya lalo akong napaiyak.

Alam ko ang mga kayang gawin ni Caeruz pero ang makitang natatakot si Yaeruz na harapin ang kapatid niya ng dahil sa akin ay nakakadismaya.

Alam kong ayaw lang ni Yaeruz na masaktan ako pero kahit ganoon e nasaktan pa rin ako sa sinabi niya kahit wala namang katotohanan iyon.

Hindi niya kayang kalabanin ang kapatid niya dahil alam ko kung gaano niya kamahal iyon.

"You should leave. Baka may makakita pa sa atin dito. Malaman pa ni Caeruz." Inalis ko na ang pagkakayakap ko sa kanya. Yayakapin niya sana ulit ako pero umiwas na ako.

I know that he can't take the risk pero hindi niya ako kailangang paasahin. Dun ako nasasaktan e.

"Kahit kaunting sandali pa Asty."

"No Yaeruz, you should leave." Pagpupumilit ko dito. Lumapit pa ito at hinalikan ulit ang aking noo. He was about to kiss me on my lips pero umiwas ako.

"You should leave." Ulit ko pa dito.

"Huwag kang mag-alala gagawa ako ng paraan para makuha kita sa kanya. Not now but soon. I love you Asty, I always will." Ngumiti ito sa akin at halata mo sa kanyang ngiti ang lungkot. Ngumiti din ako dito ng malungkot.

Nang maglakad ito palayo ay unti unti na namang tumulo ang mga luha sa mata ko.

Napaupo ako sa damuhan at napayakap sa sarili ko. Dad bat ba laging ganito? How can I move on kung bumalik na naman si Yaeruz sa buhay ko?

I fish out my phone in my pocket at tinawagan si Keia. She didn't answer sa unang tawag pero sumagot din sa pangalawa.

[Hey! Wassup?] Bungad agad nito sa akin.

"Pwede mo ba akong sunduin?" Humihikbi kong tanong dito.

[Oo naman. Umiiyak ka ba? Ano na namang nangyare ha?] Nag-aalala nitong tanong sa akin. Patuloy pa rin sa pagtulo ang luha ko kaya hindi ako makasahgot dito.

Hindi ko naman mapigilan ang pagtulo ng luha ko. "Si Yaeruz."

[Oh bakit? Anong nangyare?]

"I saw him earlier an-"

[And?]

"And I tried to pursue him na ibalik yung dating kami pero hindi siya pumayag." Nahihirapan kong sabi dito dulot na nga ng pag-iyak ko.

[Ano ka ba naman kasi Astraea! Antali-talino mo pero nagiging tanga ka! Hindi mo dapat ginawa yun. Hindi mo ba iniisip ang maaaring gawin ni Caeruz sa inyo kapag nalaman niyang may relasyon kayo?]

"Alam ko naman yun kaya nga sinabi kong I can take the risk e pero hindi agad siya sumagot at nagdadalawang isip pa kanina. That's why I'm fvcking hurt."

[Hindi kasi ganon kadali yun. Asan ka ba? Nasa parking lot na ako papunta na ako dyan.]

"Nandito ako sa sementeryo. Sa puntod ni Dad."

[Sige sige ibababa ko muna yung tawag ha. Magdadrive a-]

"No. Magcommute ka cause I brought my car with me."

[What?! Did I heard it right?]

"Yup, I brought my car with me."

[Hindi ka ba nag-iisip?! Nagdrive ka?! Sinong kasama mo? Alam mo ba kung gaano kadelikado kung magdadrive ka?]

"Alam ko naman yun e per-"

[Pero ano? Kahit ano pa yang dahilan mo hindi pa rin ligtas yun. Ni hindi ka pa nga nakakamove on sa nangyari dati di ba? Paano kapag nagka-vision ka na naman nung nagdadrive ka?! Edi baka nabangga ka na naman?!]

"I'm alright naman e. Pwede ba mamaya mo na ako sermonan. Nakakahiya na sa mga patay dito e napakaingay ko." Sarkastiko kong sabi.

[Ha-ha-ha nakuha mo pang maggaganyan. I'm on my way na dyan wag kang aalis dyan ha.]

"Oo sige sige mag-iingat ka ha."

[See you there.]

I hung up the call at tinitigan ang puntod ni Dad. "I'm so sorry Dad, pangako tatapusin ko na talaga ang problemang to. Sana gabayan mo ko lagi ha huwag mo kong papabayaan. I love you."

Tumayo na ako sa pagkakaupo at bumalik na sa kotse ko. Sumakay ako sa backseat dahil hindi ko maatim na sumakay sa shotgun.

Dito ako nag-intay kay Keia. Hanggang ngayon ay umiiyak pa rin ako at hindi pa rin tumitigil. I can't stop.

Mga ilang minuto pa akong nag-iintay ng dumating si Keia at bumaba sa isang taxi. I unlock my car para makapasok siya.

Binuksan niya ang pintuan at agad agad akong niyakap. "I'm so sorry ngayon lang ako nakadating. Nasa work kasi ako."

"No. I'm so sorry kasi nakaabala ako sayo. Hindi na dapat kita tinawagan."

"Ano ka ba naman Astraea! Dapat lang na tinawagan mo ko. Ano na lang ang gagawin mo? Magdadrive pabalik sa bahay niyo? Ang kulit kulit mo talaga noh?"

Bumuntong hininga ako at gumanti ng sa kanyang yakap. "Inaantok na naman ako."

"Sige matulog ka na muna. I'll drive papunta sa bahay niyo." Humiwalay siya sa pagkakayakap sa akin at pumunta na sa driver seat at inistart ang kotse ko.

Napapapikit na naman ang mata ko dahil sa pagod kaya hindi ko na iyon pinigilan pa at nagpadala na sa antok.

***