WebNovelSurreal10.71%

Chapter 1 - Notes

"Love? I've been on room 9 eversince"

"I haven't texted you yesterday, may kabet ka talaga no!"

...

I dunno what to believe in, even my own memories are tricking me.

Even my own author.

"Score! That's another point for the Blue Overknights!"

It's been 5 days nung tinanong ko si Ava about the text and room things.

"It's the quarter half of the game and Yellow ThunderBirds are on a 5 points lead! Will--"

Nasa laro kame and yeah, nanonood lang ako, i could have been playing out there.

"Love, are you okay?" Saka hawak saken ni Ava sa pisnge

"Iniisip mo nanaman ba?" Kilalang kilala nako ni Ava, ramdam nya ko pag may nagbobother saken.

I just smiled at her and put my hands on her waist saka nya sinandal ulo nya sa braso ko.

Galet ako sa author, ang weird nga ng story nya HAHAHA.

"That's it for the game, Blue OverKnights win it again!"

Nice one team, win as always

Alam kong yon ang sinabe ni coach ket layo-tanaw ko lang sila dito, basa ko na bibig ni coach at lagi naman ganon sinasabe nya pag nananalo kame.

Pupunta sana ko sa kanila and was gonna congratulate them pero bigla akong tinawag ng kalikasan at nagpaalam muna ako kay Ava saka ko dumiretso sa cr.

Sayang talaga di ako nakalaro dahil sa pilay ko, kaya ayokong nakakakita ng ganon eh--

ng alen?

May nakita nanaman ba ako? Arghh, bat nalimutan ko nanaman.

Oh, one thing about those bad omens, nalilimutan ko sila after some time.

Dapat di nako mabigla pero, iba tong ngayon kumpara sa dati eh, Mas strong pa yung pagkakaalala ko sa nangyare.

Alam kong sa school sya nangyare, near the cafeteria, pero blur yung mga taong kasama ko but i know Ava was there.

Nasa kabilang chapter lang yon eh, well that chapter is my past now sanaol readers pwedeng basahin nalang ulet hays.

Kinuha ko agad phone ko and i started writing it down.

Pumunta ko sa notes and--

Whut.

I don't usually write notes pero may mga nakasulat naden akong notes don, from 2017, 2015, 16 and even this year 2018

Pero pag inoopen ko yung notes, blank lang sya, weird. May mga sinulat bako dito dati? Tas dinelete ko den?

Lah bat ba ako nasa notes? May isusulat den ba ulet ako? Bat ako napadpad sa notes!? Arrghh.

Sobra kong nainis kaya inoff ko nalang phone ko at lumabas nako ng cr, di na den ako nakaihe umurong sa ines HAHAHAHA. Damn you author.

Readers help, pinapahirapan nako ng author HAHAHAHA.

Nakita ko sila coach tsaka mga kateam mates ko nagkukumpulan and Ava's there too.

"Evans!" Tawag saken ni coach ng makita na nya ko, agad naman akong tumakbo papalapit sa kanila.

"Next time dapat kasama ka na nilang naglalaro sa court okay? Klaro ba?"

Napatingin ako kay couch at pansin nilang pagod ako, well so exhausted from thinking.

"..Sagot!"

"Yes Coach! Yes Sir!"

"Good" sabay tapik saken ni Coach sa braso ko at umakbay.

"Oyt, musta pilay one arm HAHA" sabay iniswing swing ng unggoy ang kamay nya pangaasar sa braso ko.

Masusuntok na kita Lucas, konti pa.

Iniswing iswing pa nya ulet braso nya at pinakita nya kung gano kaflexible kamay ng unggoy

"Naigagalaw mo na ba yan gaya saken Eva--"

Binatukan naman agad sya ni coach at mukhang ayaw pang tumigil kakaasar, raulo kase HAHAHA.

Dat nga di lang batok eh, Author pasuntok mo nga si Lucas kay Coach o kaya pagalingin mo na agad braso ko may nahanap na daw na gamot na pag ininom okay na agad yung pilay ng ako makasapak HAHAHA.

"May victory dinner kame, you should come Evans sama mo na si Ava" sabi saken ni coach at nagnod nalang ako sa kanya.

"Coach, eh hindi naman yan naglaro! Wala syang ginawa para maipanalo yung tea--"

"Adler, that's enough"

Natigilan naman si Lucas sa sinabe ni Coach, alam kong ayaw nyang binabanggit surname nya panget daw kase HAHAHA.

"Bat mo ko tinawag sa surname ko!"

Sabay batok ulet sa kanya ni Coach, bukol na yang ulo nya mamaya walang respeto.

Hinawakan ko kamay ni Ava at sumama na nga kame kila coach.

Maganda naman surname ni Lucas eh maarte lang sya sakto kaya sa first name nya, galeng ng author yieieie, napuri na kita wag mo nakong pahirapan HAHAHA.

Lucas Adler, surname palang kilala mo na agad kung sino at ano sya, the top predator, top of the food chain. Adler means eagle the tertiary consumer of the chain kaya ayaw nyang nalalamangan sya gusto lage nasa itaas.

"gān bēi!"

Nagkalampagan ang mga shotglass at sabay sabay nameng ininom yung alak.

Maliban kay Ava, bawal yon uminom keltok, beltok, hambalos.

"Here's to another victory of our team!" Sabay nagpalakpakan at naghiyawan sila.

Kame lang maingay dito sa resto kakahiya pero lagi naman na kameng nakain dito, Samgyeopsal, yung usong korean na kainan.

Uso den yon sa mundo nyo diba? HAHAHA

"Kung di dahil sa 3 pointers ni Lucas naku di tayo makakahabol nung 3rd quarter" pagpuri ni Ryan kay Lucas at kita mong lumobo nanaman ang ulo ng unggoy.

"Ehem, wala yon nubakayo, anything for the team" gatong ni Lucas proud na proud dapak.

De pero magaling talaga yan si Lucas ugali nya lang yung mabantot.

"Coach nasan si Dale?" Tanong ni Ray

Lah oo nga no, bat wala pala si Dale?

"Nagpaalam na sya ng maaga saken, sabi nya may gatherings daw sila ng angkan nila kaya di na sya nakasama saten"

Oh, dale.

Dale.. dale.. dale.

He's my friend pero, what's wrong? Bat parang dapat may alam ako sa kanya? Arghh, what is it? It feels like may alam ako sa kanya, an idea lingering inside me-- Oh! sya ba yun--

"Musta na braso mo Evans? Di na ba ganong nasaket?"

Arghh, natigilan ako sa pagiisip dahil sa tanong ni Coach, ang wrong timing naman ng dialogue mo author!

"May times parin po na nakirot sya pero mostly numb nalang po HAHAHA" tsk.

"Oh good" sabay nod ni coach saken

Hays, where was i kanina? Oh right si Dale ba yung nasa blur na memor--

"Eh nagpacheckup ka na ba ulet kay Mrs. Leah?" Arghh.. wth Coach.. no, you author!

"Ah hindi napo sabi nya po kase pacheckup na daw po ako sa hospital na daw talaga" sabay smirk ko.

Tsk, i was thinking author wtf.

So si dale nga yung--

"So what happened to your checkup?"

wtf. I'm being calm okay? Wtf author what's wrong with you.

"Goooood-- good daw po, haha" kalmado kong sagot ket inside nakulo nako.

I stopped thinking and waited if magtatanong pa ba sya but nah, he started eating.

Author ang beginner mo no, di ka marunong magtiming ng dialogue.

Oh shet, what was i thinking again kanina.. Arghhh! AAAAHHHHHHHHH!

I bit my lower lip to stop myself from screaming sa sobrang galet. What's wrong with me, i used to be good at remembering things, tsk.

Tumayo ako at nagpaalam muna ako sa kanilang magccr lang ako, this is too much to bare.

Pagpasok ko ng cr naghilamos agad ako para kumalma, nagvibrate phone ko seems like someone texted kaya kinuha ko yon sa bulsa ko.

8:34

Saturday, Aug 12

~~~

(M) Ava♡ texted ---

(N) Notes app is open.

(F) Richard Morgan sent a friend request

Ava texted me, pagbukas ko ng phone ko bumungad saken yung notes na inopen ko pala kanina, di ko nasara inoff ko lang agad yung phone.

Weird tho.

Notes:

--

--

--

--

It's empty.

Alam ko kanina may mga notes to na walang laman ah from different years? Wtf. Lalo lang sumaket ulo ko. Anlala ng nangyayare saken ngayon ah dati problema lang sa family or kay Ava.

Bat sobra yung saket sa ulo ng problema ngayon, wtf author.

I closed the notes app at tinignan ko na message ni Ava sa inbox ko.

Ava ♡

:Are you alright love? :<

Hays, Ava's worried I should get myself together. Saka ko inalog alog ulo ko para magising lang ako at umayos nako, I became silent for a second and i convinced myself--

This world is fictional, weird things happen and it's normal.

Inoff ko ulet phone ko tsaka ko binulsa at lumabas nako ng cr.

i saw them happily eating, smile plastered on their faces.

Ava was there looking at me all worried so i gave her a smile just to tell that i'm alright saka ko naglakad papunta sa kanila.

Enjoy the evening Aiden, stop thinking.

...

"And i was like, wooossshhh flying through the court avoiding the enemies HUAHAHAAHA and when i was about to--"

Sobrang ingay talaga ng unggoy pag napadami sa inom. HAHA.

"Call nyo na nga parents nyan apaka daldal" iritang sabe ni Ryan at agad naman umagree ang iba

"Naparami ata ang inom nyan eh HAHAHA" natatawang sabi ni Aaron one of our teammates

"Anong marami? 3 shot nga lang sabog na yan eh" pabirong gatong ni Josh saka kame nagtawanan

Totoo naman kase HAHAHAHA

"Hoy! Hahaha, a-anong MABILIS MALASENG!!" Nagalet ang unggoy HAHAHAHA.

Lagi naman kase pag nagkayayaan ang team na maginom ket konti lang naman iniinom namen sya kauna-unahang nabagsak HAHAHAHA. Too much for an Adler huh? HAHAAHA.

"Kayo Evans di ba kayo tipsy?" Tanong ni coach samen at umiling nalang ako

"We're good coach, thanks" saka ko ngumiti kay coach

"Should i call your dad para sunduin kayo?"

"Okay lang po kame coach, dad let me borrow his car" even tho may pilay ako HAHAHA.

"Oh okay, ingat nalang kayo! Drive safely Evans lalo na't may pilay ka at nakainom" nagnod nalang ako kay coach saka ngumiti at nagpaalam.

Ava and I got in the car and slowly drive away from the place, my head's kinda light at di nako masyadong dinalaw ng kakaisip ko.

Why was i thinking even, enjoy ko nalang tong flow ng mundong ginagalawan ko bat ko pa ba pinapansin mga nakikita ko sa paligid ko eh fictional nga tong pinamumuhayan ko.

Thank you nalang sa author kase ket papano ayos naman ang story ko.

My phone suddenly vibrates and i went to look kung sino nagtext.

"Love, your mom texted me, hinahanap ka na pala" she nodded at me and smiled

Hmmmm..

"Okay ka lang love?" Napatingin naman sya saken sabay napayuko as she clenches her fists and tears came falling down her eyes.

"Lah, love?"

I immediately hit the breaks and stopped the car, I can't talk seriously while driving HAHAHA.

I looked at her and grabbed her hands all wet from her tears

Pilay ako oo, kaliwang kamay kase ginamet ko, kanan pilay ko okay? Para mas maimagine nyo ng ayos yung scene HAHAHA.

"What's wrong?" Kinuha ko panyo ko sa may bulsa ko tsaka pinunasan luha nya.

"Ampanget mo na, iyak ka pa HAHAHA"

"e-epal haha"

She's cute tho, inaasar ko lang sya.

"u-uuwi nanaman k-kase ako haha"

Hays, Gale's.

I know naprepressure na to sa standards ng family nya, once na umuwi sya baka lunurin nanaman sya kakastudy hays.

"Come closer, tuck in"

Sinandal ko sya sa dibdib ko as i hug her tightly, minsan di ko na alam kung ano pang pwede kong sabihin kay Ava just to make her alright kase alam kong alam na nya mga sasabihin ko eh pero alam nyo?

Sometimes, a person to cry on is enough.

No more words nor advices, just a person to be there with you through the storm.

The one who'll hold your hand and never let go what may happen as you go on.

Yan ang aking hapitot HAHAHA. Natututo kayo kay Aiden Raze Evans panes.

Binilhan ko ng makakaen muna si Ava saktong may malapit na 7/11 sa pinagparadahan namen.

Matakaw sya promise especially when she cries comfort food nya siopao HAHAHA, ay hinde lahat pala ng pagkaen pero fave nya lang siopao HAHAHA.

"Lah, andami naman nyan" nagreklamo pa HAHAHAHAHA.

"Ayaw mo? Penge nalan--"

Sabay hinablot ng demonyo ang aking kaluluwa HAHAHAHA. Kala mo namang kakainin ko lahat pahingi lang eh damot.

"Ano okay ka na?"

Tinignan nya ko sabay tango punong puno pa yung bibig ng siopao HAHAHA, takaw talaga.

Chineck ko naman ulet text ni tita saka ko nireplyan at sinabihan ko na den na kumain na kame sa labas.

"Love?"

Nabaling tingin ko sa kanya ng tinawag nya ko, lah puno pa ng siopao bibig nya kanina ah nalunok nya agad?!

"Ikaw, okay ka na ba? Di mo na iniisip yon?"

Saglet akong nagtaka sa tinanong ni Ava at napagnilaynilayan kung ano ang tinutukoy nya

Lalim no 'napagnilaynilayan' sabog yung author eh pagpasensyahan HAHAHA.

"Ahhhh, okay naman nako di ko na masyadong iniisip" then i smiled to her at kita kong natuwa den sya sa nalaman nya.

Nagvibrate ulet yung phone ko at nagtext ulet si tita, nakaramdam naman si Ava at tumayo na agad sya at bumalik na kame sa sasakyan.

...

Yeah, transition sa sumunod na araw HAHAHAHA sorna daw agad sabi ni author di sya marunong magtransition.

I woke up early around 5 and i immediately take a shower para magising kaluluwa ko.

Nilagyan ko naman plastic yung braso kong may ajuju iMmObILizEr daw HAHAHA, basta may semento di ko kase alam tawag HAHAHA, bawal daw kaseng mabasa.

Habang nararamdaman ko pagbagsak ng tubig sa katawan ko mula sa shower nakatulala lang ako sa pader.

Ge imagine nyo kong nakahubad beltok.

My mind is silent, no more questions popping di ko na den iniisip yung mga bagay na nangyare, i really convinced myself.

I dunno if it's a good thing or nah.

Laging gento, dati den may mangyayare saken then malilimutan ko mawawalan ako ng pake.

But before mga simple nga lang nangyayare saken unlike now, like earthy problems ganon lang.

Dati mga nakikita ko lang eh simple weird things lang, like Liam's name before akala ko Niam, my pet when i was a child was a dog pero sinasabe nila saken pusa daw pati sa pictures ko dati pusa den, tapos yung earphone ko dati blue but then it suddenly became white tas yung iba naman--

Whut.

Natigilan ako saglet at agad kong inoff yung shower sabay kinuha yung tuwalya para lumabas ng cr.

Please don't fade,

Remember Aize, Remember Aize.

Paulit ulit kong sinasabe yan sa isip ko habang naakyat ako papuntang kwarto ko.

I entered my room and quickly search for my bag, binuksan ko at kumuha agad ako ng notebook, sinilip ko yung bulsa ng bag ko pero, shette.

Wala akong ballpen, jusq Evans.

Oh shems,

Remember, remember, tsk

Pinikit ko mata ko at pilit inaalala mga sinabe ko kanina hays.

'P-pencil'

Huh, napalingon ako sa narinig kong boses pero wala namang tao pero may nakita akong lapis sa desk ko.

Cool mo author ah, nagsasalitang lapis apir!

Joke lang ang weird mo! Nyeta ka.

Agad ko namang sinulat lahat ng naalala ko sa notebook, every detail down to it's sub atomic level, panes HAHAHA.

Phew! Nasulat ko den, di ko na sya nilagay sa notes ko kase alam mo na, weird yung ginawang notes ng author sa phone ko HAHAHAHA.

I tried closing and opening my notebook just to check kung mawawala, nyeta ka author subukan mo.

"Kuyaaaaaaaaaaaaa!!!"

Agad naman akong nagulat sa sigaw sa may living room nyeta, si Liam ata yon bunganga palang.

Agad naman akong napatakbo pababa sa pagkataranta ko sa sigaw nya, muntik pang mahulog tuwalya ko HAHAHA

Nanlaki naman mata ko ng makita kong naiyak si Liam at nakaupo sa may sahig.

"Anyare sayo Liam?" Nakaupo sya Aize sa may basang sahig ano kayang nangyare hays

"b-bat basa iyong s-sahig k-k-kuya" oh, shet HAHAHAHA.

"Kase inihian mo HAHAHA" Biro ko sa kanya sabay pingot sa ilong nya hays lalo namang umiyak HAHAHA

"Shhhh, wag kang maingay magising sila mama, ikaw bat ba gising ka na?" Tanong ko sa kanya habang tinatakpan ko bibig nya

Tinuro naman nya yung ref habang pinupunasan nya mata nya.

Gutom ang bata HAHAHA.

"Oh, wag ka ng umiyak laki laki mo na eh grade 4 ka na nga oh" sabay hampas nga sa kamay ko HAHAHA.

Kinuha ko naman agad yung mop at pinunasan yung sahig, yaya here.

Yes ako yaya sa bahay di kame nagyayaya ket pwede naman kase ayaw nila mama at papa na maispoil kame gusto nila matuto kame sa mga gawaing bahay.

Mukha namang master nako HAHAHA.

"Aga aga mo namang maligo kuya linggo ngayon ah, san ka nanaman pupunta?"

Di ko alam kung tanong yon o pagbabanta HAHAHAHA, nakaseryoso pa mukha nya habang nakaen ng chocolates.

"May gala kame ng tropa HAHAHA" sabay gulat ng kapatid ko parang tanga.

"Gala ng tropa or gala ng jowa?" Di ko alam, mas matured pa ata kapatid ko kesa saken.

"Ikaw ah bata bata mo pa chismoso ka na, opo may gala po kame ni Ate Ava mo" sagot ko sa kanya agad naman syang nag ayieee parang ewan.

Gusto ko munang igala naman si Ava ng makalaya naman muna sya ket papano sa bahay nila at sa problema nya sa family nya masyado nang ngudngod mukha non sa mga libro, antalino na non.

"Ganda ni Ate Ava no kuya?"

Napangite naman ako sa sinabe ni Liam, i really love that girl di lang ss itsura nya but her as a whole, i cared for her so much kahet nung magkaibigan palang kame.

Yeah, bestfriends muna kame bago naging kame.

"Yeah, maganda si Ate Ava mo inside and out"

Sad lang kase, she can't see herself the way i see her kaya i'm trying my best to make her feel special everytime.

Kaya mamaya, don't screw us up sa date namen author--

Author.. author. Oh shet.

Agad kong nabitawan mop ko at tumakbo paakyat ng kwarto ko.

"Kuyaaaa?! Uyyyy"

Di ko naman agad napansin sigaw ni Liam saken alam kong nagtataka sya pero tumakbo lang ako paakyat.

Please, don't vanish,

Pleasee.

Pagbukas ko ng pinto hinanap ko kaagad yung notebook sa taas ng desk ko.

Agad kong kinuha yung notebook at hinanap yung page ng pinagsulatan ko, pinaulit ulit kong binuksan at hinimayhimay kada pahina pero--

Tsk, it disappeared.

...