WebNovelSurreal17.86%

Chapter 3 - Blue

"Oy bro, natapos agad date nyo?"

"Hanggang 2 lang kame pinayagan ni tita" saka bagsak ko sa sofa namen, arghh my head.

Nasa bahay nako at andito nga sila Dale, Ray at Joshua, tambay nanaman sila at wala nanaman sigurong magawa sa buhay.

"Wala ba kayong mga assignments or projects na kelangan gawen ha?" Tanong ko sa kanila at agad naman silang nagulat parang mga ewan.

"HALAAA TITA OH, PINAPALAYAS NA PO AGAD KAME NI AIZE!" Nyeta nagsumbong pa si Joshua siraulo talaga to eh.

"Bat mo po sila pinapauwi agad kuya kakadating lang nila eh"

"Ooohhhhh! Gusto kame ng kapatid mo dito, diba? Apir!"

Nabrabrainwash nila ang bata mga demonyooo! Sksksksksks.

Tinawanan ko nalang sila at pumunta munang kusina para kumuha ng tubeg at nauhaw ako.

"Ano? Basketball tayo may malapit na court HAHAHA" pagbibiro ko sa kanila habang nilalagyan ng tubeg yung baso ko.

"Yow, you serious? HAHAHA may pilay ka pa men ays lang yan"

Sagot saken ni Dale sabay swing nila ng mga braso nila gaya ng ginawa ni Lucas saka nagtawanan mga raulo.

"Musta kayo ni Ava pre?" Tanong saken ni Ray making their laugh stop.

Ngumiti naman ako tsaka ininom yung tubeg sa baso ko..

"We're good as always, strong kame"

"Sanaol"

"Naol"

"Sanaoil"

Mga hikbi at iyak ng mga kawawang single HAHAHA, napasanaol den ba kayo? Kanina pa kayo sa previous chapter ah HAHAHA.

"Sana all po lahat"

muling pangaasar ni Joshua saka tumawa, self support yan guys pag walang tumawa sa joke mo ikaw nalang, di ka na nga nila tinawanan eh gagaya ka pa? Boost morale!

"Yow guys, papalapit na pala finals naten this incoming intrams tas balak pa tayong isali ni coach sa bracket games ng--"

Dale spoke some things but I lost focus and I just stared at his eyes.

Again readers, I'm not gaaaay! May Ava akooo, lalake ako! Love ko yon!

Dale's eyes are normal tho, di sya nagchachange into blue, naggaganyan na mata nya before, a long time ago pero ngayon ko lang ulet naalala.

I know it's a bad omen when i saw eyes like that pero..

I'm badly curious wala nakong pake sa mangyayare.

Given the fact na nakakalimutan ko sya means ayaw ipaalala saken ng author HAHA! I outsmarted you bro, mahigpit na hawak ko dito di ko na makakalimutan to.

Try nyo den naman kase akong tulungan readers paalala nyo sakeeeen!

"--eh ikaw Aize?"

Nagulat naman ako ng tanungin nila ko, I wasn't paying attention.

"Oh sorry, come again?"

Nahalata naman nilang lutang ako and a big question mark covered their face.

"Okay ka lang pre?"

"Sabog ka ba Aize? HAHAHA"

Agad akong binato ng mga tanong nila Ray at Joshua at umiling iling nalang ako saka tumawa HAHAHA.

"De pre naiintindihan naman namen" sabay lapit saken ni Joshua at saka umakbay

"Kung may tago ka dyan pasinghot na den, di kame magsusumbong sa pulis HHAHAHAHA"

Agad ko syang tinulak palayo saka nagtawanan ang mga siraulo mga sabog talaga HAHAHA.

"De, we're asking if ikaw Aize okay lang ba sayong after ng finals isama pa yung team sa laro ng Intrams inside the campus"

Dale explained what I left off a while a go..

Varsity sa Intrams? Is it even allowed? Alam ko kameng main team na ng school eh di na pwede sumali sa laro inside the campus.

"Pwede ba yon? Diba bawal na tayo since nalaban na tayo sa ibang schools?"

Tanong ko sa kanila at nag agree silang lahat saken.

Sa Ava University kase every year may laban sa ibang Universities and they only pick the best to make their team, yun kame we're chosen to represent the School pero dati simple teams lang kame inside the campus and then pag nagexcel ka saka ka makukuha at ilalaban sa ibang Varsity Teams.

Kaya nagtataka kame bat isasama pa kame sa Intrams Game, tho di naman ako makakalaro dahil may pilay ako HAHAHA.

"Tanong nyo nalang si Coach bukas tutal may pasok naman na"

umoo naman lahat kay Ray saka tumigil yung usapan nila about don.

Tinignan ko ulet yung mata ni Dale but nah, nothing weird is happening.

Hmmmmm..

"Oh ano? Dito nalang ba tayo magtititigan? Tara gala!"

Biglang sigaw ni Joshua at di ko napansing nagtititigan na pala kame may kanya kanyang iniisip HAHAHA.

Agad naman silang nagtayuan at sinundan ko sila.

"Tita alis na po kame, thank you po pala sa pagkaen!"

Langya, anong oras pa pala sila nandito at nakakaen pa sila jusq HAHAHA.

Nagba-bye naman si Mama na nasa may labahan malapit sa kusina, buti nandito sya di sila nagbukas ng resto?

May small business pala kame na nagbebenta ng pagkaen, isa syang restaurant at marami naden kameng branches sa iba't ibang lugar pero around our city lang.

"Ma, samahan ko lang po sila labyuuu"

Agad namang nag-ayieee ang mga siraulo atsaka ko sila pinagbabatukan bat ba..

Di ko pa pala napapakilala sila Mama sa inyo HAHAHA.

Jenny Cortes Evans

Pure pinay at nakapangasawa ng kano, maganda yan si mama beltok umangal, ket highschool graduate lang sya nagsumikap syang magnegosyo and look at where she is now.

Yung restaurant na pinatayo nya ay hindi galeng lang sa pera ng kesyo kano may mahuhugot na pera, my mom is not like that galeng lahat sa pawis at dugo nya ang negosyong pinatayo nya.

She's on her mid 40's and yes mas matanda sya sa mga magulang ni Ava pero di mo mahahalata kay mama na matanda na sya dahil sobrang 'baby face' pa nya at sobrang masiyahin.

Laughter is really the best medicine, huh?

William Cortes Evans

An american man who fell inlove with my mother, dati lang syang customer ni mama sa resto nila pero nagpabalik balik at laging kinukulit si mama HAHAHA.

Dad is an 'executive chairman and ceo' of Steeltech, they are manufacturers and providers of rebar or bakal, basically they sell metal bars for buildings HAHAHA.

Dad is on her 40's also, alam ko medyo magkalayo lang sila ni mama ng 3 taon dahil mas matanda si dad kesa kay mama..

At kame ang mga gwapong anak nila, angal ka? Sabagay angal den ako HAHAHA.

Jhon Liam Cortes Evans

My lil bro HAHAHA, yes may first name sya, woaaah! HAHAHA kilala nyo naman na sya gusto ko lang banggitin name nya HAHAHA.

Back na author *wink

So ayun pumunta kameng mall at trip daw nilang mag arcade at sinakyan ko nalang den gusto nila, wala den naman akong magawa sa bahay, tapos na gala namen ni Ava HAHAHA.

I was wandering around the place while Dale is buying us coins, wala gusto ko lang maggala gala.

Lumabas ako ng arcade at sumilip sa rails ng mall dahil nasa 3rd floor tong lugar.

I looked down on people and there they are swarming like ants sa sobrang liit nila from a distant view.

Being an author is cool and amazing.

Imagine creating this world, this little world i'm living in.

You're like a God bruh.

I'm lucky to witness your art, not all wattpad characters has the chance to be aware of their surroundings.

It's kinda good thing to be concious of this world.

but at the same time.. nah.

It's kinda sad knowing your world is all fictitious.

Naalala ko pa nung first time kong malaman na--

oh..

Saglet akong natigilan sa pagkaamaze ko sa mundo and questions started invading my head.

How did I started knowing that my world is a fantasy?

Since birth? Teenage days? Childhood? Last year? Last month? Last chapter? HAHAHA.

Wtf.

"Yow Aize! Men, lika na" napalingon naman ako sa tawag ni Dale and--

His eyes.

Shet.

As soon as I saw his eyes turned blue, flashes started showing right before my eyes.

Cafeteria

Ava

Eyes

Text

Room 9

Notes

Notebook

I froze,

my head's in chaos and in constant pain, I can't move a damn muscle.

I feel my body started feeling numb, i saw my hands became pale white as snow.

Sweat falling all over me and my body shivers rapidly as I hear my heart beats faster and loudly.

My vision became blurry, my surroundings rotating makes me sick

and the last thing i see..

Ray and Joshua running towards me.

I fainted.

...

Blue eyes...Text....Room 9....Notes

Wake up!~

Blue eyes...text....Room 9....notes

Wake up.

WAKEE UPPPP!!!

My eyes opened from a terrible dream and all I can see is a ceiling with a light bulb, eyes, text, room 9 and notes kept floating around my head making it ache arrghh..

Where am i tho?

"He's awake" rinig kong boses ni Dad sabay alog nya kay mama na natutulog pa.

Lumapit naman sila saken at hinawakan ni mama kamay ko, i can tell they're so worried because of their eyes.

"First the injury, now you fainted! Ano banaman yan Aize" galet na sabe saken ni mama with her voice cracking.

Pinipigilan nya lang umiyak but I can tell umiyak na sya kanina halatang pagod mata nya.

I'm too exhausted to speak pero triny ko paden magsalita at hinigpitan ko hawak ko kay mama.

"I'- i'm go-good ma"

Napansin naman nila mama at papa hirap ko sa pagsasalita at si mama medyo nabahiran naman na ng ngiti ang mukha ng magsalita ako.

"The doctor said you need to rest, if you can't speak pa nak don't force it and just sleep, okay buddy?"

I just nodded at Dad saka lumabas sila ni mama, hays.

My mom's crying, mababaw luha ni mama at alam niya na I can't stand her all fed up in tears, kaya pinipigilan nya lang nung kaharap nya ko.

My phone ring na nakapatong lang sa desk sa tabi ng kama ko.

Gumalaw ako ket nanghihina ako at andaming nakakabet na apparatus saken, I forced reach my phone at pagtingin ko..

Ava is calling.

Ket medyo pagod pako I need to answer this and speak to her, magaalala yon.

"Love!? Sumagot ka den hays, nagcall ako sa mama mo sabi nila nasa ospital ka daw anyareee?!"

"I just-- just fainted love... kelangan ko lang magpahinga sabi ni-la Dad"

"Di mo sinabe sakeng may gala kayo nila Dale di ka man lang nagpaalam! Hays, tapos bigla bigla kong malalaman na ganyan--"

Galet na galet Ava ko HAHAHA, pero sabagay kung ako den nalaman kong naospital si Ava magagalet den siguro ako.

"Calm down Ava Gale"

Natigilan naman si Ava kakasalita at saglet na tumahimik sa kabilang linya.

"I'm sorry, wag mo kase akong pagalalahanin! Alagaan mo sarili mo!"

"I'- i'm fine, i love you"

Natigilan ulet sya, pustahan tayo kinilig to HAHAHAHA basa ko na si Ava.

"I love you too"

We talked for half an hour actually more on si Ava lang nagsasalita at puro pangangaral ang natanggap ko sa kanya HAHAHA, cute nya magalala.

"Love tulog na daw ako, di ka makakapasok bukas no?"

"Hinde po ata.. go-goodnight i love you"

"Hays, sigi goodnight i love youuu"

Pagend ko ng call ko saka ko lang nakita yung oras, it's already 10:34 pm, napatingin naman ako sa couch ng ospital sa gilid at nakita ko sila mama at papa na nasa loob na, si mama tulog na, nakahiga sa couch habang si papa tulog na den pero nakaupo lang HAHAHA.

Kaya ni papa matulog ng nakaupo HAHAHA pati pag sa bahay ket sa sofa lang namen don nakakatulog sya, siguro dahil sa kulang lage tulog nya busy lage sa office.

Binalik ko tingin ko sa phone ko at kumonek ako sa wifi ng ospital, buti may free wifi mainggit kayo HAHAHA.

Pagopen ko naman ng messenger ko saka nagpop up mga chat nila Joshua at Ray saken pati mga iba pang nangamusta pati mga gc's na maiingay.

(Ray)

:uy pree sorry umuwi na

agad kame di ka pa gising

sabi naman ng doctor gigising

ka na daw maya maya, ginabe

na kase. hahaha. 

3hrs ago

:pre gising ka na?

2hrs ago

Okay nako pre thank you:

sorry den pala nasira ko

gala XD HAHAHAHA

Just now

Hirap magtype ng isang kamay, lalo na't kanan ako sanay pagalingin mo na to author!

From Ray to Joshua hanggang kay coach at ibang teammates ko kinamusta ako, bilis kumalat ng balita ah HAHAHA.

Hmmmm.. bat si Dale walang paramdam? Pati sa gc sya lang wala, may wifi naman sila HAHAHA.

:Uy pre buti naman,

pagaling ka lang :))

Just now

Ray si Dale pala? Bat:

sya lang di nagparamdam

saken pati sa gc naten wala

offline ba sya? XD HAHAHA

Just now

:Miss mo pre? HAHAHA

XD ewan ko den, kasama

namen sya pagkahatid

namen sayo sa ospital eh

pero ilang minuto lang den

umalis na sya nagpaalam

daw kay Joshua

Just now

Ahh sige pre thanks:

Just now

Hmmm, weird HAHAHA. Nung natumba den ako tas nahimatay huli kong kita sila Ray at Joshua natakbo papunta saken eh pero si Dale..

Arghh, ang blur..

Kumirot yung ulo saka ko minasahe masahe ng konti para humilom yung saket at pilit kong inalala yung nangyare saken.

Ray and Joshua ran towards me but..

si Dale hinde.

He just stood there looking at me, shocked.

Shocked with his blue eyes..

Nagfaint ako because of that, nah dahil sa kakaisip ko.

Hmmm?

Nagulat sya sa pagkahimatay ko pero bat di man lang sya tumakbo para tulungan ako gaya nila Ray at Joshua.

Lalong sumaket ulo ko ah.

Ano palang trip mo author? HAHAHA, pilay tas nahimatay ako, patayin mo nalang kaya ako? HAHAHA.

Dat kasuhan yung author pinapahirapan nya yung sarili nyang character! Dapat may batas yoooon!

Napabuntong hininga ako at napatulala sa kisame, i'm so exhausted.

Maybe I should've stopped thinking about those things tho, napapagod lang ako tas nahihirapan.

But..

Arghh..

Tinigil ko na pagiisip ko at napagdesisyunang matulog nalang nakakapagod..

nakakapagod.

..

"Yes pwede nyo na po syang madischarge yung cause lang naman po ng pag-faint ng anak nyo is fear or emotional trauma and headaches, wala namang masamang nangyare sa kanya, he just needed rest and--"

I overheard the doctor talking to my parents and wth, fear or emotional trauma plus headaches?

This shit really makes it hard for me.

"Your son needs regular exercises, a balance diet and a healthy thinking"

"But he's an athlete? May regular exercise naman po sya sa basketball and strict coach nila sa diet nila"

"But with his injury nakakasama pa ba sya mrs. Evans?"

Natigilan si mama atsaka oo nga naman bat pa ba sinabe ni mama yon di na nga ko nakakalaro HAHAHA.

I was discharged at inuwi nako nila mama at papa, di ako nakapasok hays baka bukas pa or pwede naman ako humabol nalang sa pm class.

"Dad you don't have work?"

Tanong ko naman kay papa dahil nagtaka ko monday pero nagstay sya sa Ospital si mama naman pwede ket kelan kase may nagbabantay naman ng resto.

"I took the day off, you're a priority buddy" sabay ngiti saken ni papa.

Sweet yan si papa ket minsan grabe magalet pero alam ko namang kaya lang sila nagagalet dahil nagaalala sila samen.

Pagpasok ko naman sa bahay agad na bumungad saken si Liam at niyakap ako.

"Aba, naiwanan si bunsoy ah, big boy naaa" sabay gulo ko sa buhok ni Liam

Tumingala naman sya saken at saka bumusangot ang mukha.

"Anyare po sayo kuya bat ka namatay"

nagulat naman ako pati sila mama at papa sa sinabe ni Liam saka ako natawa at pinabitaw ko sya sa yakap.

Binaba ko katawan ko para medyo maging magkatangkad kame at muling ginulo buhok nya.

"Na-hi-ma-tay po nahimatay hindi namatay" sabay tawa ko ulet HAHAHA

Grade 4 na si Liam pero minsan hirap at naguguluhan paden sya sa ibang mga tagalog words kase sa America sya lumaki at nagkamalay, dinala sya dun ni papa nung 4 years old palang sya tas kame ni Mama dito dahil di pa maiwanan ni Papa family nya.

Tho sa america pagka-18 independent na, si papa may pake paden lalo na't matanda na parents nya noon at ayaw nya ipagkatiwala sa home for the aged kaya sya nalang nagalaga.

"Umabsent ka den Liam?"

Tanong ko sa kanya sabay tumango sya saken, grabe umabsent silang lahat HAHAHA.

It would be bad of me if hahabol pako sa pm class lalo na't umabsent silang lahat para saken.

"Hey, since I took this day off and all of us are here why don't we have a... hmmmm? Guess it, a Movie marathon!"

Sabay ngumiti si Liam at nagtatalon talon Yey! HAHAHA.

One thing about Evans tho, we all are fond of movies, lahat na siguro nabinge na namen, name it!

Star wars?

Lord of the rings?

Marvel?

Harry Potter Series?

Napanood na namen lahat, uso yan sa inyo diba? Syempre dito den sa mundo namen HAHAHA.

This fictitious world.

I suddenly became sad for a moment.

Right, this are all fantasy okay lang naman ah?

Go with the authors flow! Whoooo! haha.

Okay lang naman saken dati ah? Bat ako biglang nalulungkot ngayon.

Bigla akong napatingin sa pamilya ko and they're all preparing, taking out foods from the fridge..

Setting up the smart tv, arranging the pillows from the couch,

All smiling and you can tell they're excited.

What a happy family.

Don't get me wrong, i'm thankful author

Maganda yung story na ginawa mo saken pero..

Sana di ko nalang alam na di totoo tong mundo ko.

Sana di nalang ako aware na story lang tong pinamumuhayan ko.

Bat ba ko aware sa mundong to?

Bat ko alam? Pano?

Tsk, I'm aware but.. am I really tho?

Am I really that awake?

Or am I still blind, walking this world in a blindfold.

I need answers,

but I don't know how--

"Aize! Bat ka nakatulala dyan halika na dito" tawag saken ni mama at niyayaya nako para manood.

I just smiled.

yeah, i smiled.

tho i'm not that okay.

Matagal akong namuhay ng gento, tinanggap nalang na di to totoo.

Tanda ko na lahat ng nangyare at mahigpit na kapit ko dito.

--arghh

Biglang kumirot ulo ko kakaisip at napapikit ako sabay hawak sa ulo ko sa hapdi argh.

I should probably stop thinking... for now, at di pako nakakarecover sa faint ko at yung sudden resurfacing ng mga memories ko kaya nakirot pa ulo ko.

Kinalma ko sarili ko saka napabuntong hininga.

This world is fictional, weird things happen and it's normal.. or is it tho?

...