WebNovelSurreal50.00%

Chapter 12 - Mask

"Dale!"

"Hoooy! Dale!"

Sigaw namen ni Ava sa kanya habang nalakad kame palapit at mukhang di nya kame naririnig dahil sa layo nya, tsk.

Nasa gitna sya ng field at buti nalang tapos na yung event don dahil maglulunchtime na kung hindi mukha syang ewan dun sa gitna.

"Daaaleeeee!!"

Nagulat naman ako ng mas nilakasan ni Ava sigaw nya jusq, ngayon ko lang narinig ng gento kalakas sya sumigaw HAHAHA.

"Bat ka natawa, tinidorin kita dyan eh"

Lalo pakong natawa sa sinabe nya na lalong kinagalet nya saka nya ko tinusok ng daliri nya sa tyan, raulo saka naman sya tumakbo ulet HAHAHA.

"Hoy masaket yon ah, raulo ka HAHAHA"

"Ahh, masaket ba wawa naman si kuya Aize.. nye nye"

Lalo pang nangasar si gaga, pag eto pinikon ko bwisit to saken HAHHAHA.

Nagulat naman ako ng biglang tumakbo si Dale paalis ng field saka sya pumasok sa isang eskinita papunta ng likod ng isang building.

"Love si Dale"

Agad kong sabe sa kanya saka naman sya lumingon at hinawakan ko kamay nya saka ko sya hinila para sundan si Dale.

Binilisan namen takbo namen ni Ava habang hawak hawak ko paden kamay nya saka kame sumunod sa eskenita.

Grabe halos wala ng masyadong mga tao sa part nato ng school kokonti nalang siguro kase lumabas na ng campus yung iba para kumain.

"What do you want"

Agad nameng narinig boses ni Dale sa gawing kaliwa sa mismong likod na ng building saka kame pumunta sa may pader lang para pakinggan siya.

"I'm not an enemy.. Cedrick Dale Alvarez"

Bigla kameng nagkatinginan ni Ava ng may narinig kameng ibang boses na kausap ni Dale.

"How did you know my name?"

"Tsk tsk, why bother asking? Always so curious hmm?"

Pinakinggan ko ng maigi usapan nila ni Dale at parang pamilyar saken yung boses ng kausap nya, felt like I've already heard it somewhere.

'huy.. anong ginagawa mo?'

Agad na bulong saken ni Ava ng sinubukan kong sumilip sa kanila.

'shh, silipin ko lang..'

'wag na, pag ikaw nahuli iiwan kita'

Agad ko namang sinamaan ng tingin si Ava sa sinabe nya saka nya ko tinaasan ng kilay, tsk titignan ko lang eh.

"What do you wan--"

"I want you to stop"

Bigla namang tumahimik si Dale sa sinabe nung kausap nya saka naman kame nagkatinginan ulet ni Ava.

Stop what? Anong ginagawa ni Dale?

'bisexual siguro si Dale no tas jowa nya ya--nsjshshdh'

Agad ko kaagad tinakpan bunganga ni Ava dahil sa sinabe nya raulo kase kung ano anong mga sinasabe HAHAHA.

"What if I don't want to"

Naramdaman ko namang lumapit yung kausap ni Dale sa kanya dahil sa mga narinig nameng yapak saka sandaling tumahimik..

"W-what"

Said Dale in a shocked voice at narinig naman nameng napa-apak patalikod si Dale sa kausap nya, ngina binulong ba sa kanya yung sinabe? P0tek maduga.

"Told you stop feeding it"

Wtf... that phrase seems familiar..

"Curiousity kills.."

His voice too..

"Literally"

"Huy?! Anong ginagawa nyo dyan?"

Nagulat naman kame at agad napalingon sa sumigaw samen at bumungad mukha nila Joshua at Ray samen p0tek.

"What's that?"

Agad naman kameng napatakbo papalapit kila Joshua saka tinakpan boses nila ng marinig kame nila Dale at nung kasama nya saka naman namen sila hinila paalis sa lugar at kumaripas ng takbo p0tek.

"W-wait.. huy"

"Hoy... a-anong.. anong.. Hooy!"

Bigla namang inalis nila Ray at Joshua mga kamay nila sa pagkakakapit namen ng nakalayo-layo na kame at agad kumunot mga mukha nila samen.

"Anong meron? Ano yon? Anong ginagawa nyo don?!"

Dirediretsong bato ng tanong ni Ray samen jusq, isa isa lang kalma. Agad naman akong napakamot sa ulo ko saka bahagyang tumawa..

"Ahh, de kase--"

Nagulat naman ako ng biglang kurutin ni Ava likod ko kaya napatingin ako sa kanya saka nya ko pinaglakihan ng mata, wtf? Sumesenyas kaba?!

Ngina di ko naman maintindihan at napakunot noo ko saka ko den sya sinenyasan ng 'ano?' at paulit-ulit nya lang akong pinagdilatan ng mata jusq, nagkakaintindihan talaga kame ayos to HAHAHA.

"Alam nyong nakikita namen kayong nagsesenyasan diba?"

Agad naman kameng natigil ng sabihin ni Joshua yon saka kame sabay na napalingon sa kanila.

"De kase--"

"Ano--"

Nagulat naman ako ng sabay kameng magsalita ni Ava atsaka kame nagtinginan ng masama, abey epal gaya gaya.

"What's wrong.. anong tinatago nyo?"

Seryosong sabi ni Ray sabay taas ng dalawang kilay niya habang nakakunot noo at nakapamulsa sa shorts nyang pang basketball pa.

Natahimik naman kame ng saglet ni Ava at nagkatinginan habang nagiintay ng sagot sila Ray at Joshua saming dalawa.

"A-ano kase.. si Da--"

"May nagyuyug-yugan sa likod ng building!"

Bigla namang nanlake mata ko sa sinabe ni Ava para putulin pagsasalita ko.

"A-ano?! Jusq.. HAAHAHAHAHAHA"

Agad namang nagtawanan sila Joshua at Ray sa sinabe ni Ava saka ako napatingin sa gawi nya at bahid sa mukha ko pagtataka sa dinahilan nya.

'a-anong sinabe mo?!'

Sabi ko kay Ava ng walang boses at binubuka ko lang bunganga ko at agad naman nya kong sinenyasan ulet at pinanlakihan ng mata jusq, di ko nga naiintindihan yaaan! Arrghhh.

"HAHAHAHA, jusq tas pinapanood nyo lang sila?"

"Ang weird nyo ah HHAHAHAHA"

Nginitian nalang namen sila ng tipid habang natango tango, jusq Ava ano tong naisip mo HAHAHA.

"Oy hahaha.. san pala kayo papunta at napadaan kayo don?"

Pagiiba ko ng topic para maalis na kame sa kahihiyang sinabe ni Ava, jusq send help..

"Ay, HAHAHA wait.. HAHAHAHA"

Patuloy pa silang tumawa habang nakahawak sa mga tyan nila jusq, sana kabagin kayo tas mapautot ng madame ngina, HAHAHAHA.

"De.. de kase.. hinahanap namen kayo, kain tayo sa labas"

Sagot saken ni Ray habang natawa paden si Joshua jusq..

Bigla ko namang naramdaman yung gutom ng mapagtanto ko kung anong oras na at 11:47 AM na pala magtatanghalian na HAHAHA.

"Sila Daisy at Angel pinahanap den pala namen sa kabilang side nung field tas magkikita kame dun sa dulo"

Sabay turo nila sa dulong part ng oval.

Nagnod naman ako ka'y Ray saka ko sinabeng puntahan na namen sila at nagsimula na kameng maglakad habang si Joshua tawang tawa paden jusq..

'bat pala di mo sinabe sa kanila totoo'

Bulong ko kay Ava habang nagpapahuli kame sa lakad at pinapauna namen sila.

'Personal na buhay nya yon, di nga naten alam kung anong totoong nangyare sa likod ng building eh tas sasabihin mo sa kanila, baka mamaya tadtarin pa nila ng tanong si Dale'

Explain ni Ava saken at oo nga, tama naman sya ang weird lang kase ni Dale pero sabagay unang chapter palang naman nentong story weird na sya psh, HAHAHAHA.

But yung kausap nya tho..

'Told you stop feeding it'

'Curiousity kills.. literally'

Tsk.. aren't these phrases seems familiar.

'pero sino kaya yung kausap ni Dale no love? sa tingin ko di nya kakilala yon, pretty much a stranger'

Bulong ulet saken ni Ava habang naglalakad..

Yeah, pretty much a stranger..

Hmmmm..

Can he be the one I met last time?

Yung kausap nya kase and the stranger I met, their voices are similar to each other.

But it's impossible ano namang kinalaman nya kay Dale?

Pero sabagay wala den namang kinalaman yong taong yon saken.

Ngina puro ka, assumptions hala siya ba yon, hala karinig, hala gento ganyan, karinde amp.

Oh nagparamdam ka?

Go ahead, don't mind me continue mo lang magdig, narinde lang ako.

Jusq, tuloy tuloy nako kanina eh ininterrupt mo naman psh.

"Angel! Daisy!"

Nagulat naman ako ng biglang sumigaw si Joshua at natanaw na namen sila sa malayo.. at mukhang may kasama silang lalake di ko lang malaman kung sino dahil nakatalikod.

"Si Dale ba yon?.. Dale?.. Daleeee!!"

Agad na sigaw ni Ray ng makalapit na kame ng konti saka kame nilingon nung lalake na kanina'y nakatalikod samen.. oh yep it's him.

Agad naman kameng tumakbo papunta sa kanila saka kame binungad ng galet na mga mukha nila Daisy at Angel.

"San ba kayo nanggaling, aber!!"

"Oo nga bat antagal nyo, sang lupalop nyo ba nakitang naglalampungan tong magjowang to!"

Agad namang hinampas ni Ava si Angel sa braso saka sila nagtinginan ng masama.

"HAHAHA, di kayo maniniwala sa ginawa nil--"

"Uyy, musta pre? Haha, Hinanap mo daw ako? Baket?"

Agad na putol ko kay Joshua at mukhang ikwekwento nya yung sinabe ni Ava, jusq kase, ano bang pumasok sa isip niya HAHAHA.

Napatingin naman saken si Dale at saglet kameng nagkatinginan saka nya ko nginitian.

"De HAHA, ano kase.. ah n-narinig ko yung ano.. yung nangyare sayo.. yung.. yung sa building.. hinabol mo daw.."

Strange, he's clearly bluffing..  hindi sya ganyan magsalita, I know him when he speaks, he's straight dirediretso lang flow ng mga salitang nalabas sa bunganga nya.

"You good pre?"

Agad na tanong ni Joshua ng mapansin nya den yung akto ng pananalita ni Dale saka nya tinapik braso nya.

"I'-i'm good hahaha.. so ano? San tayo kakaen? Try nyo sa Resto nila Aize ansarap ng mga luto!"

Pagiiba nya ng topic saka suggest nya sa kainan namen.

"Sigii, dun ulet tayo at matagal na den nung huling kumain kame don"

Pagaagree ni Daisy sa suggestion ni Dale atsaka naman na umoo lahat.

Naglakad na kame palabas ng campus at saka medyo natagalan sa pagaantay ng bus dahil andame deng nasakay galing Ava University punuan lage.

Nakasilong muna kame sa waiting shed sa labas ng campus at hindi nakikipagunahan sa mga tao sa bus, bala sila mauna ang init sumingit HAHAHA.

Pinagmasdan ko naman si Dale na ngayon ay kausap si Ray at Angel and he seems normal like nothing happened.. or I dunno.

"Love"

Nagulat ako ng bigla pumitik si Ava sa harapan ko para mabaling atensyon ko sa kanya at bumungad naman saken nagaalalang mukha nya.

"Baket? Anong problema?"

"Si Dale, he seems... normal"

Sabay napatingin din si Ava sa gawi ni Dale na ngayon ay natawa habang kausap sila Ray.

"Well, no one reveals their real faces on public right?"

I nodded at her ng hindi ko inaalis tingin ko kay Dale.

"Ofcourse there's always a mask"

Pageexplain saken ni Ava and naintindihan ko naman yung sinasabe nya..

Yeah, she's right wala namang malungkot na nagsasabing malungkot sya eh, walang hindi okay na nagsasabeng hindi sya okay, there's always an 'i'm fine' phrase everytime na tatanungin mo sila.. there will always be a mask pantakip sa totoong nararamdaman nila.. and tbh..

We all wear it..

We all are liars in a mask..

"Ang cozy talaga sa resto nyo no Aize"

Sabi ni Daisy saka nya pa sinandal ng maigi likod nya at parang hihiga na sya sa upuan nya HAHAHA.

Maganda nga dito sa resto ang calming lang ng paligid ang sarap den sa mata nung aesthetic nung lugar, trees sa labas na kitang kita mo through the transparent glasses, wood floorings at pader na di naman totoong kahoy epal si Joshua at may mga potted plants nga everywhere.

"Nako, kung kasama namen kayo nung nakaraan mukhang tanga kamo si Aize dito, may hinahanap sa buong resto HAHAHA"

Saka naman tumawa si Ray at napatingin sila saken jusq, oo nga pala.. ano palang hinahanap ko non.

Ngina Aize, there you go again.

Ano nanaman?!

"Mukha kamo syang batang nawala sa mall tas hinahanap nanay nya HAHAHAHA, aligaga HAHAAHA"

Gatong pa ni Joshua sa sinabe ni Ray tsaka sila lalong nagtawanan.

Ano bang ginawa ko non HAHAHA.

Nabaling naman tingin ko ulet kay Dale at napansin kong may tinitignan sya sa likuran namen ni Ava.

Triny ko namang lumingon den at tignan tignan yung lugar pero wala naman akong mahanap na valid para titigan nya.

"It's nothing"

Rinig kong sabe ni Dale ng mapansin nyang lumingon ako sa likuran ko.

Bigla namang silang napatigil sa pagtawa at nagtaka sila bat biglang nagsalita si Dale saka nila kame tinignan parehas..

Silence filled the air at medyo nakaramdam na kame ng ilang ni Dale sa isa't isa.. arghh.. I need to go out HAHAHA.

"Excuse me--"

"Wait lang--"

Nagulat naman ako ng sabay kameng napatayo at nagsalita ni Dale saka nila kame pinagtinginan.

"Ahh.. a-anong meron?"

Mahinang tanong ni Daisy at lalo pang nadagdagan yung awkwardness namen sa isa't isa p0tek.. tsk.

"B-bathroom"

"Sa cr"

Nagkatinginan naman kame ulet ni Dale at nagulat ng sabay ulet kame magsalita at parehas pa kame ng pupuntahan.

"O-okay? Sigii"

Sabi naman ni Ray at nakaramdam ako ng uneasiness habang tinititigan kame nilang lahat tf bat kame nagkakailangan? Bat bako naiilang, tsk.

Ano ba kaseng nangyare sa likod ng building Dale?!

'Anong meron sa kanila?'

'Ahh.. di ko den alam eh'

Rinig ko sa malayo tanong ni Joshua kay Ava ng umalis na kame sa table at dumiretso ng comfort room.

Tahimik lang kameng pumasok ng cr at ramdam ko paden yung awkwardness namen sa isa't isa tsk.

Naghugas naman muna ako ng kamay saka naman pumasok agad si Dale sa isang cubicle.

Silence are all around at tanging yung tunog lang ng tubig galeng sa gripo rinig sa buong cr.

Tsk.. I wanna ask him.

Then ask him.

Nagulat naman ako ng may nagsalita at nilingon lingon ko yung paligid but there was no one around, who tf is that?

Hoy! Dito tanga.

Napatingin naman ako sa harapan ko at nagulat ako ng kumaway kaway saken yung reflection ko sa salamin tf--

Stop narrating jusq, hey readers oo nasa salamin ako HAHAHAHAHA.

P0taena, pano ka nakapunta dyan?

Dami mo talagang tanong sa buhay no, kausapin mo na kaya si Dale ng matahimik ka na.

How? Nyeta ano sasabihin ko, na sinundan namen sya pinakinggan usapan nila nung kung sino man yon.

Oh? Ano naman? Jusq puro ka kase ganyan ayaw mo ng diretsuhin taenang yan HAHAHA.

Kumuha naman muna ako ng tissue saka ko pinunasan mga kamay ko saka na ko pumasok sa isang cubicle.

Napansin ko namang hindi pa nalabas si Dale ng cubicle kanina pa sya ah tumae ata HAHAHAHA.

Anliit naman nyan.

Gago baka may mga batang nagbabasa.

Ay sorna HAHAHA.

Atsaka malaki to epal ka!

Sige imaginin nyo readers.

Gago talaga.

HAHAHAHAHA.

Narinig ko namang bumukas yung pinto ng cr at mukhang may pumasok atang tao saka naghugas ng kamay ng marinig ko yung gripo at yung umaagas na tubig.

Bumukas den naman yung pinto sa cubicle ni Dale at mukhang lumabas na sya at naghugas na den ng kamay.

Silence still roams the air inside at tanging tubeg lang maririnig mo sa loob.

Nakakabingi yung katahimikan..

Pano ka mabibingi sa katahimikan?

Shhhh.. agad kong pinatahimik utak ko ng may naramdaman akong kilos sa labas.

"No."

Rinig kong singhal ni Dale tf? Sino yung kausap nya.

"I'm telling you, don't do it kid"

"Sino ka ba ha!? What do you know?"

Inapak ko naman paa ko paakyat ng inidoro para di nila makita at pinakinggan ko lang sila baka kase mamaya masilip nila ako.

"You don't need to know who I am nor what--"

"Ikaw den ba yung nagpakita kay Aize last time dito?!"

Nagulat naman ako ng marinig ko pangalan kong banggitin ni Dale dun sa kausap nya.. kausap nya ba yung kakapasok lang?

"Yes and i'm here to help"

Wtf are they talking about, anong nagpakita saken?

Tangina Aize, ulyanin.

Ano nanaman ba!?

"I don't want your help"

Agad na sagot ni Dale dun sa lalake, wth sino ba yon?

"Parehas na parehas kayo ni Aize, so curious.. so desperate to find the answers.. can't you just shut your minds and let things be? Hmmm?"

"Why do you care huh? Keep your nose out of our business"

Pagkontra ni Dale dun sa lalake at saglit naman yung tumahimik saka tumawa ng mahina.

"HAHA, No one should know.. no one should question.. This world is fictional, weird things happen and it's normal"

Wtf, linya ko yon ah HAHAHA.

Taena alalahanin mo nga Aize.

Naramdaman ko namang naglakad papalapit yung lalake kay Dale dahil sa mga yapak nya atsaka siguro bumulong.

Lumabas naman na yung lalake ng cr at tumahimik na ulet bigla yung paligid, lumabas nadin ba si Dale?

Dahan dahan ko namang binuksan yung pinto ng cubicle at sinilip yung labas at nakita ko sya nandun nakatayo pa at nakatulala lang.

"I know you're there"

Sabi saken ni Dale nung aktong isasara ko sana ulet yung pinto kaya lumabas nalang den ako.

"What happened? Sino yung kausap mo?"

Agad kong tanong sa kanya saka nya lang ako tinignan ng diretso sa mata..

His eyes.. it turned into crystal blue.

Hindi naman nako nagulat dahil alam ko naman ng ganon mata nya but as I look at it naramdaman kong kumirot ulo ko.

"Never stop Aize"

Said Dale in a serious tone.

"Find the answers, never stop.."

Dagdag pa nya as he clenches his fist and I can see anger in his eyes.

"No matter what this world throws at you.. never stop"

Dugtong pa nya saka na sya naglakad palapit sa pinto ng Cr.

Tsk, wtf is he saying..

"Oh and Aiden"

Nagulat naman ako ng tawagin nya ko bago pa sya tuluyang lumabas ng restroom.

"Open your notes"

Said Dale saka na sya tuluyang lumabas..

What did he said? Why should I open my notes?

Out of my curiousity kinuha ko phone ko sa bulsa ko saka ko pumunta sa mga notes ko and I saw a single note.

I immediately tapped it and a phrase started appearing on my screen..

'Told you to don't feed it'

I automatically froze and my hand started trembling..

Pain started growing inside my fvcking head again takte.. it's burning.

~

"Don't do it kid"

"Curiousity kills.. literally"

"Told you to don't feed it"

Room 12

"Love, I've been on room 12 eversince"

"I wanna help you Aiden.. get out of there"

John Michael Gandia Santos

"My first lead"

"You belong here Aiden"

Cotton

"Ma si cotton?"

"Sino si cotton?"

"Elmer"

"I'm gonna find what's real, myself"

"Yes! I cheated!"

"What?!"

"You happy now? You ruined it"

"He used an erasable ballpen during--"

"We should not held mico accountable--"

"Keep being distracted Aiden"

~

Arggh.. the pain..

Agad akong napahawak sa lababo ng cr dahil sa sobrang saket ng ulo ko shet..

Tangina.. now I know how you play your game author.

Fvck you.

...