Chapter 1

Chapter 1

Pinahid ko ang pawis na namumuo sa aking noo habang tinignan ang timer sa aking harapan. I can't wait to taste it!

When I heared the sound of 'Ting' na galing sa timer ay agad akong pumunta sa harap ng oven at binuksan ito. Sweet smell illuminates the kitchen kaya di ko mapigilang mapangiti. Kinuha ko ang tray na nasa loob at tinitigan ito. My master piece!

Hindi ako makapaghintay na ibigay ito sa kanya. I specially made this for him and only for him.

Kinuha ko ang box na kulay blue na hinanda ko kanina at maingat na nilapag sa lamesa. I stared at the heart shaped cookies that I baked. Sana magustuhan niya ito. Ilang araw ko din itong pinag-aralan.

"Prim! Hey! Asan ka?" Napairap ako ng narinig ang boses ng aking kaibigan na papasok sa kitchen.

"Here!" Simpleng sagot ko at maingat na nilagay ang cookies sa loob ng box.

"What are you doing?" He curiously ask me as he approach. "Wow! Cookies!" Masiglang sabi ni Max at kumuha ng cookie at sinubo iyon. My jaw drop as I stare at him habang sarap na sarap siya sa luto kung cookies na kinain niya na hindi naman para sa kanya!

"Max!" I hissed at him. Damn Max! Hindi para sa kanya yan!

"What?" He ask at akmang kukuha pa ng isa. I slapped his hands away and glared at him.

"Ang damot mo naman," Nakasimangot na sabi niya.

"Hindi yan para sayo!" I said angrily. He stilled at my statement then I saw something dark pass through his eyes. I gulped when he stared at me with cold eyes. But then, he blink and smiled at me sheepishly.

"Kaya naman pala galit na galit ka," hilaw na sabi ng kaibigan ko habang kumuha ng tubig sa refregirator. Napairap na lamang ako at pinagpatuloy ang paglalagay ng cookies sa box.

"Para kay Stan?" He asked. Acid is visible in his tone. Alam kung hindi niya gusto si Stan at hindi ko alam kung bakit. He always dislikes Stan but then he got no choice because I like Stan. I always beg him to be nice to him dahil gusto ko ito.

"Yes, kaya please behave. I want this to be perfect." I said absentmindedly and close the box while wrapping it in a white ribbon.

"Bakit mo ba siya bibigyan niyan eh hindi naman niya birthday?" Nakasimangot na tanong ni Max sa akin. Napangiti na lamang ako.

"I just want to congratulate him. He will receive Latin Honors that's why," mas lalong napasimangot ang kabigan ko dahil sa aking sinabi. Stan is very smart, hindi lang yan but he was also very talented. I always knew he will get to the top easily lalo na't he have the looks and the brain.

"Kaya ikaw Max, study well. Malay mo ipagbe-bake kita ng paborito mong cake," I said then tapped his shoulder habang pumunta sa counter para ilagay ang apron na suot. Max just huff habang sumunod sa akin.

"Hatid na kita," he offered kaya mas lalo akong napangiti. Max is always there for me everytime I need him. He always save my ass so I'm grateful I have a friend like him.

Umalis kami sa kitchen at dumiretso sa harap ng bahay kung saan nakaparada ang sasakyan niya. Sumakay kami doon at bumalik sa University. Hindi ako pumasok kaninang umaga dahil lang dito. Nabalitaan ko kasi na Latin Honors si Stan kaya napagdesisyonan kung bigyan siya nito.

After Max park the car, umalis ako kaagad. Max called me but I just waved my hand at agad pumasok sa loob.

Stan is a basketball player katulad ni Max. Pero sa mga oras na yun I think nasa library pa siya. Palagi kasi siyang nandoon para magbasa ng libro.

Agad kung nilakad ang distansya patungo sa library. Maraming mga estudyante ang nagkalat sa campus dahil lunch break. I push the door of the library. The smell of the books illuminates the whole room. Pumunta ako sa log in section upang isulat ang name ko. After dun agad kung hinanap si Stan, his really not particular of the place where he reads. Minsan nakikita ko siya sa last aisle minsan sa gitna kaya medyo pahirapan ang paghahanap sa kanya.

Bitbit ang box kung saan nasa loob ang cookies with the card na sinulatan ko kanina at ang aking maliit na shoulder bag agad akung dumiretso sa likurang bahagi ng library. Malakas ang kutob ko na nandito siya eh. Mas lalong lumaki ang aking ngiti ng nakita si Stan doon, naka side view siya sa akin. Masyado siyang nakafocus sa librong binasa niya kaya hindi niya naramdaman ang presensya ko.

Ngunit kumunot ang aking noo ng may na-unang lumapit sa kanya. A tall girl with curvy body, tan skin and jet black hair like a model walk towards Stan. Agad akung napaupo sa isang mesa at kunwari nagbabasa ng libro. I took a peek at them, medyo malapit ako at dagdag pa na tahimik ang library at limang tao lang ang nandito. Me, Stan, The Model Girl and her friend and a nerd guy reading at the corner, naririnig ko ang pinag-uusapan nila.

"Hey Stan," napa-angat ng tingin si Stan at tinignan ang babae na nasa harap niya. He had a blank expression in his face habang tinitignan ang babae.

The girl slightly take a step back nang nakita ang expression sa mukha ni Stan. She cleared her throat at bumalik ang kanyang ngiti sabay abot ng isang kulay red na box medyo maliit ng konti sa akin at inabot kay Stan.

"Congrats, I heard you received a Latin Honors," the model girl smiled sweetly at Stan. I observe Stan's reaction. Mas lalo atang kumunot ang noo ko ng nakitang medyo ngumisi si Stan dahil sa sinabi ng babae.

"Ah yes, bilis kumalat ah?" He said while shaking his head. The girls face lit up ng nakitang may reaksyon pabalik si Stan sa kanya. Naiinis na umalis ako sa library habang naiisip pa din kung paano nagkaroon ng reaksyon si Stan sa babaeng yun. Sino ba yun? Tsk.

Nakakainis, his not really friendly to all the girls he encountered specially me. But then, mabibilang sa kamay ang mga babaeng pinapansin niya and I think that model girl is one of them. But! I can't believe it! Bakit pinapansin niya iyon? Purkit morena?!

Nakakainis!

Nakasimangot na pumunta ako sa aking locker at pinasok sa loob ang box. I stare at the box inside the locker.

Sayang, nag-effort pa naman ako. Should I throw it away? Or bigay ko na lang kay Max? Buti pa yun gusto yung luto ko. Mas lalo akong napasimangot sa kaisipang hindi ko ito maibibigay sa kanya dahil may nauna.

But then I remembered. Times like this sometimes happened! Minsan nga di ko na napapansin na may nagbibigay sa kanya eh. I cooked this for him and I should give this to him. Di bale nang maraming nakauna at least I will give this!

Yes, Tama! Ibibigay ko nalang ito mamaya pagkatapos ng klase. He have a basketball practice later, doon ko na lang ibibigay.

I sighed and close the locker.

"Hey Prim!" Napabaling ako sa babaeng tumawag sa pangalan ko. We have the same fair skin but different looks. She had the brown eyes from my mother while I have the green eyes from my father.

"Oh hey," walang ganang bati ko sa kakambal ko.

She examine my reaction at tinaasan ako ng kilay. "Hindi ka daw pumasok?" My sister eyed me suspiciously. Alam ko nagdududa na ito sa akin kasi last week I sleep late. I'm trying to learn how to bake cookies at ang kakambal ko ang taga critic nito. She always ask me para saan yun but I just smiled at her. Tingin ko may alam na siya.

"Ah yeah, may ginawa lang akung project sa bahay at kaninang umaga ko lang natapos kaya ngayon lang ako pumasok," I said smoothly. But then I know my sister will not going to believe me just like that cause she knew me too well.

"If you'll get hurt, I tell you, 'wag mong ipapakita sa akin ang pagmumukha ng lalaking yan." She said glaring at me. Napanguso naman ako at kumapit sa braso ng kapatid ko.

"Don't worry about me Quine! I'm fine," I smile at her affectionately dahil minsan lang magpakita ng concern ang kakambal ko. She's always cold, of course not towards me. Parang siya pa nga yung mas matanda eh, samantalang ako naman ang naunang lumabas. She always act like this. Matured and all.

She sighed, "Just make it sure. Please, I don't want to see you cry again because of jerk guys." Nakasimangot na sabi ng kakambal ko. Mas lalo atang lumaki ang ngiti ko dahil sa aking narinig. I pinched the right cheek of my twin then I giggled. She hissed at me and slap my hands away.

I chuckled, "You know what, you should show some emotions sometimes. Or kung maari madalas eh, para ka tuloy'ng isang Sculpture ng yelo na naglalakad." Napailing-iling na sabi ko.

She just shrugged her shoulders at nauna ng maglakad.

"See you later Aquila!" I shout at her. She just waved her hand at me. Sungit talaga.

Medyo gumaan ang loob ko ng nakausap ko ang kakambal ko kaya dumiretso na ako sa classroom ko. My twin and I have different course. Habang ako ay Business Administration ang kinuha, siya naman pinu-pursue ang pagiging Engineer niya. Max is also a Business Ad student ngunit hindi kami Classmate. Magkaiba din sched namin dahil sa pagiging varsity player niya.

Mabilis lumipas ang oras na hindi ko namalayan. Saktong nagdismiss ang prof namin ay nag-alarm ang cellphone ko, it makes me remind that I need to give my gift to Stan.

Dala ang shoulder bag pumunta muna ako sa comfort room para magretouch. Mahirap na at matalbugan tayo sa mga babaeng umaaligid kay Stan. I should stay pretty in his eyes, kaya kailangan kung magpaganda. After that agad akung pumunta sa locker upang kunin ang box sa loob. Pagkatapos maisarado ang locker naglakad na ako papunta sa School Gym, sana hindi pa sila nagsisimula.

Nang nasa pinto na ako ng gym, rinig ko ang mga boses na nag-uusap usap. I can't quite pinpoint kung sino ang nasa loob but I think Stan is one of them lalo na't binanggit ang pangalan niya.

"Yabang talaga nitong si Stan, purkit binigyan ng regalo ni Ms. Transferee," nagtawanan ang mga kalalakihan doon. I also heard Stan chuckled because of his friend's comment. Tingin ko yung babaeng model yung pinag-uusapan nila.

"Bilis talagang makabingwit. Sa susunod nga mag-aaral na akung mabuti. Latin Honors lang pala ang kailangan eh," mas lalo silang nagtawanan. Napanguso ako sa naisip, mukhang bigatin ata yung karibal ko sa puso ni Stan ngunit hindi ako magpapatalo. Sa tagal na naging admirer ako ni Stan? Ngayon pa ba ako susuko purkit may bagong babaeng dumating? No way!

"Type mo ba yun Stan? Baka hindi naman, akin nalang yun!" I recognize that voice. It's Ryder, mas lalo akung napasimangot. That guy always pestering my twin sister dahil nga 'kuno' may pagtingin siya dito. Eh ano tung naririnig ko? He talks about another girl? How dare him!

"Well, she's not that bad I guess," Stan answered. Mas lalo ata akung nainis sa kanyang pinapahayag na gusto niya yung model na yun! Huminga ako ng malalim at nagsimulang naglakad papasok. Nag-uusap usap pa sila bago ako napansin ng isa sa kanila.

"Oh? Prim? Hanap mo si Captain?" One of the basketball players ask me. Anim silang nandoon, Stan, Ryder, two from Engineering department and the rest galing nursing department. Ang Captain na tinutukoy niya ay si Max.

"A-Ahm," I cleared my throat ng naramdaman ang kanilang mga tingin, uminit ang pisngi ko lalo na't sinalubong ko ang tingin ni Stan.

"Hindi si Max ang pinunta ko dito," mahinang sabi ko. Napataas naman ang kilay ni Stan habang tumingin sa akin. The other boys gaze at us knowingly. Alam kung matagal na nilang alam na may pagtingin ako kay Stan. For the past 2 years I'm always been vocal and showy about my feelings towards Stan kaya hindi na ito bago sa kanila. I approach Stan habang inabot sa kanya ang box, "Ahm, congrats pala for receiving Latin Honors," I feel his cold gaze towards me. Mas lalo atang tumibok ang puso ko dahil doon. I was nervous kung anong reaksyon ang matatanggap ko. Ngunit nakahinga ako ng maluwag ng tinanggap niya ito.

"Thanks," mahinang sabi niya. Ngumiti ako sa kanya, "But, I already received a gift kaya-" sabay baling sa isa sa kasamahan niya. "Lucas? Gusto mo?" Tanong niya. Tinignan ko si Lucas, I saw how he was hesitate to answer Stan. But then Lucas gulped at hilaw na ngumiti, "Well, sure." Sabay abot sa box, "Salamat dito," sabi ni Lucas no one in particular at tinitigan ang box na pinaghandaan ko.

I saw Ryder shake his head while gazing at me. Mas lalo ata akung nanliit sa aking sarili dahil sa nangyari, my lips quiver but then Malakas ang loob na tinignan ko ulit si Stan and give him my mastered smile na hinihiling sana hindi matanggal. I feel it, the quite pain in my chest na para akung tinusok.

"C-Congrats ulit," huminga ako ng malalim at malakas na loob na tinitigan siya pabalik, "Alis na ako." With all the strenght I have tinalikuran ko siya at umalis doon. Hindi napansin ang presensya ng kaibigan ko na nasa pintuan ng Athlete room na nakatingin sa amin.