Chapter 2

Chapter 2

Walang emosyon akung tumingin sa aking dinaanan. Its quite a blow right there. I think I need to recharge myself.

Napahinto ako dahil sa biglaang paghawak sa braso ko. I glanced up and saw Max's blank face. My face lit up a bit when I saw him.

"Max," mahinang sabi ko sa kanya. Habang binigyan siya ng malungkot na ngiti.

"Uwi na tayo," He state it like a command. Wala akung nagawa ng hinila na niya ako palabas ng University. Suot pa ang kanyang jersey at sports shoes, tinitigan kami ng ibang estudyante sa paligid, tila nagtataka. Nakakapagtaka nga naman kung bakit isang Varsity Player nasa labas ng gym at gumala-gala eh practice nila ngayon. Lalo pa't isang captain ito.

Kitang kita ko ang likurang bahagi ng kaibigan ko. Noon his just a skinny but tall guy in his early teens. Malaki nga ang pagbabagong nangyari kay Max. Right now, he have broad shoulders and muscles in the right places. Siguro dahil sa pagiging varsity niya. But then I remembered he always find time to go to gym when we were in Junior High. After niya akung ihatid sa bahay ay aalis siya dahil may appointment siya, noong una tinatanong ko kung saan pero hindi niya lang ako sinasagot at chini-change topic lang niya.

Pero dahil chismosa ako. One time na umalis siya sinundan ko siya at doon ko nakitang pumasok siya sa isang gym. Hindi ako nagdalawang isip na sumunod doon. Napakagat ako sa aking labi habang tinitignan ang mga lalaking naggi-gym doon. May matatangkad, may malalaki na ang katawan. May nakita din akung mga babaeng sobrang sexy doon.

"May kailangan ka Miss?" Tanong sa akin ng nasa front desk. Miss, hindi nila alam na 15 years old palang ako noon. Well, most people mistakenly think that I'm at the legal age kasi matangkad ako, hindi karaniwan sa edad kung 15 years old. They think I'm 18 or 19.

"May kinokomperma lang ako," I cleared my throat. "Yung lalaking kakapasok lang dito, kilala niyo?" The guy in front of me stared at me questionably. Baka sa tingin niya isa akung stalker.

"Boyfriend ko, hindi kasi nagsasabi kung saan nagpupunta kaya chinicheck ko kung nambabae ba," sabi ko habang kinunot ang aking noo tila ba naiinis. Ngunit sa kaloob- looban ko ay gusto ko ng sumabog. I feel my cheeks blushing a bit sa kaisipang boyfriend si Max. What the fuck?

"A-Ah," awkward na sabi ng lalaki habang ini-scan ang nga papel doon. "Ah, his name is Mark Xavier Scavien," he glanced at me. "Is he your boyfriend?" Taas kilay na tanong nito.

"Ah, yes. Salamat," at agad umalis doon. Napailing nalang ako sa kaisipang nagbibinata ang kaibigan ko, gusto ata maging macho dancer.

Napabalik ako sa aking sarili ng huminto si Max sa harap ng kanyang kotse at binuksan ang shot gun seat.

"Get in," tila isang asong natatakot sa kanyang amo na pumasok ako sa kanyang kotse. He had this hard expression in his face na tila kung hindi mo siya susundin then he will snap at you.

The awkward silence illuminated the whole car. Hindi ko alam kung magsasalita ba ako o hindi. I don't remember a thing when Max was mad like this. I'm pretty sure he never went mad at me before.

Hindi alintana ang katahimikan ay ibinaling ko nalang ang aking tingin sa labas ng bintana. Nagpatuloy sa pagmamaneho si Max hanggang huminto kami sa isang Ice Cream Parlor. Kunot noong tinignan ko si Max.

"I thought we're going home?" I asked him ngunit hindi niya ako pinansin at nagpark lang ng sasakyan. I observe his expression, still the same, blank face.

Lumabas siya ng sasakyan at pinagbuksan ako ng pinto. Agad naman akung lumabas sa takot na ako yung masinghalan sa galit niya. And thats the problem, I don't know why his angry.

Kinuha niya ang kamay ko at kinaladkad ako papasok sa loob pagkatapos ni lock ang kotse. Napanguso na lamang ako ng iginiya niya ako sa isang upuan malapit sa salamin. He pulled the chair kaya umupo ako.

"Ah-" naitikom ko na lamang ang aking bibig ng hindi niya ako hinayaang magsalita at umalis na sa aking harapan para mag-order. I sighed, whats wrong with that man? Tsk.

Naalala ko tuloy ang nangyari kanina. I should have known, this is not the first time Stan rejected my gifts. Kaya nga ayaw kung may nauuna sa akin dahil yun ang idadahilan niya ngunit ibinigay ko parin sa kanya. I should have give it to Max o kaya kay Quine. Napasimangot ako ng naalala ang regalo ng ala model na yun. Ano naman kaya ang ibinigay niya kay Stan? Mas malaki naman yung box ko para kay Stan. Tsk

Napabaling ako kay Max ng inilagay niya ang isang cup ng chocolate flavor sa aking harapan. Umupo siya sa harap na upuan bitbit din ang kanyang ice cream cup. I bet its ube.

"Akala ko ba uuwi na tayo?" Mahinang tanong ko sa kanya at kinuha ang plastic spoon at nagsimulang kainin ang ice cream na binili niya para sa akin.

"Gusto ko lang magpalamig," he said it not even glancing at me. Napanguso naman ako sa inasal niya. His cold, and I don't know why.

"Whats wrong with you?" I curiously ask him.

"Nothing," he shrugged his shoulders at tinanaw ang labas.

"A-Are you mad at me?" I ask him almost a whisper. Doon napabaling ang kanyang tingin sa akin. I saw from cold eyes to soft ones. Napabuntong hininga ito.

"Next time, if he doesn't want to receive your gift, just give it to me. I'm willingly accept it." Sabi niya habang tinatantiya ang mukha ko. Napabuntong-hininga ako.

"Well, I really consider it you know? Ibibigay ko sana sayo after kung nakita ang eksena sa library."

Kunot noong binalingan niya ako, "Anong eksena?"

"Someone's giving him already. I think she's a transferee. Ito madalas ang natatanggap kung excuse ni Stan everytime he received a gift from other girls then I gave him later. Pero I just tried my luck," I said then shrugged a shoulder. Max give an exaggerated sigh at tinitigan ang Ice Cream niya.

"When are you going to stop this Prim?" Mahinang bulong nito sa akin. Napahinto naman ang aking akmang pagsubo dahil sa kanyang tanong. Binaba ko ang aking kutsara at tumingin sa labas.

"I really don't know. All I know is just, I like him. But i think theres more to it. Ilang beses na ding sumuko ang sarili ko everytime he rejected me but then after that I'm determined ulit to catch his attention," I sighed then glanced at my friend.

"Ilang beses ko ng pinigilan ang sarili kung saktan siya Prim. But then If I saw it again, if he rejected you in front of my eyes, I will not hesitate to bury my hands in his face." He said it menacingly that I think for a second its not the Max I knew.

Agad kung hinawakan ang kanyang kamay sa lamesa at nginitian siya. "Don't worry Max. I'm fine okey? I know you always have my back," I smiled sweetly at him. He sighed and shakes his head.

"Yah, whatever. Bilisan mo dyan may practice pa ako," he said annoyingly at me.

Napatawa naman ako dahil sa kanyang inasal.

"Ah-ah, let me remind you na ikaw ang nagdala sa akin dito. I really thought you would bring me home," napangiti na lamang siya sa sinabi ko, siguro naalala ang pinaggagawa niya kanina.

"Ah yeah, I just save your ass there you know," I glared at him but he just grin. What an annoying creature.

Pagkatapos naubos ang inorder ni Max ay umuwi na kami. What I mean is, hinatid lang niya ako sa bahay dahil bumalik siya sa University dahil may practice pa siya. His thirty minutes late already pero binalewala niya iyon.

Pagpasok ko sa loob una kung nakita si Quine sa sala at nagbabasa.

"Kanina ka pa?" Tanong ko sa kanya at tumabi ng upo.

"Medyo, where's Max?" She ask, hindi pa din tinanggal ang atensyon sa libro. Weird, how did she knew that I'm alone? She never glanced at me a bit.

"Bumalik na sa University, may practice pa yun." I sighed at sinandal ang ulo sa kanyang balikat.

"I heard you got rejected again," napataas naman ang aking kilay habang tinignan ang aking kapatid.

"Where did you get that information?" I ask her curiously. Ngunit naalalang nandoon pala ang aso niya.

"Ryder told me," I scoff at her answer. Yung lalaking yun? Hah!

"Oh yeah? Narinig mo din ba sa aso mo na nag-uusap sila tungkol sa isang transferee at may balak pa atang tirahin yun?" I said. Napahinto sa pagbabasa ang kakambal ko at napabaling sa akin.

"No," she said then glanced back at her book, "And I really don't care."

"Oh yeah? Talaga lang ah, wag ka talagang manghingi ng advice sa akin," Hmp.

"Uuwi na si Mama at Papa bukas. They called earlier when your still out." Balita ng kapatid ko. Napataas naman ang kilay ko sa kanyang balita. I thought isang linggo sila sa France?

"Ba't napaaga ata?"

"I don't know. They said its an emergency." She said then turn to the next page.

"Okey then. Mauna na ako sa kwarto, di na ako magdi-dinner, busog na kasi ako," sabi ko sa kapatid ko at umakyat na sa ikalawang palapag ng bahay pagkatapos niyang bahagyang tumango.

Pakiramdam ko ang bigat ng katawan ko ng nakarating ako sa kwarto. Pagkalapag ng gamit ko sa table ay agad akung dumiretso sa bathroom gusto ko ng matulog. Bakit parang nakakapagod ngayong araw? Napabuntong hininga na lamang ako. Nakakapagod nga naman ang nangyari kanina.

After taking a shower and do my routine. Agad na akung pumunta sa walk in closet para kumuha ng isang itim na shorts at spaghetti strap na puti. Lumabas ako at kinuha ang cellphone sa bag ng nagbeep ito.

Humiga ako sa kama habang nakatingin sa screen ng cellphone.

1 Message

I open it at hindi mapigilang mapangiti ng nabasa ang content doon.

Max:

Good Night in advance. Baka di na ako makapag-text mamaya, late matatapos training namin. Sweet Dreams.

Napangiti naman ako ng nabasa ito. I tapped the reply button.

Me:

Good Night, ingat sa pagdrive.

I off my cellphone at tuluyang inayos ang pagkakahiga sa kama hanggang tangayin na ako ng antok.