Chapter 3
Days passed like a blur. One week from the day I got rejected from Stan pero hindi pa din iyon naging hadlang upang magpatuloy ako sa pagiging admirer sa kanya. Specially now na malapit na ang magaganap na game sa kanilang basketball sa campus.
Isang bigating event ang magaganap sa school. A competition between the varsity players in different department para sa isang nalalapit na competition against other school. And Stan will represent the Engineering department. Kahit na nasa ibang department ako its not a hindrance really kasi di naman ako nag-iisa.
Pumasok ako sa loob ng library at naglog-in. Naghanap ng librong babasahin, well, an excuse para makatabi si Stan. After getting a book mindlessly from the first section ay agad kung hinanap ang table ni Stan. His in the middle part, walang ibang tao sa kanyang table kaya mas lalo akung napangiti.
Lumapit ako doon at tinignan siya ng mabuti na nakatitig sa kanyang libro.
I cleared my throat, "Bakante?" Tanong ko sa kanya ng bumaling siya sa akin. Tinaasan niya ako ng kilay, "May nakita kang nakaupo?" Masungit na sagot niya at pinagpatuloy ang pagbabasa. Napaismid ako sa kanyang sagot ngunit binalewala ko iyon. Umupo ako sa kanyang harapan at binuksan ang librong nakuha ko.
Nanlaki ang mata ko ng nakitang halos puro numero ang nasa loob ng libro. What the fuck? How am I suppose to read this fucking book?
What a careless move Prim. Paano naman ako makaka-intindi nito? I'm not that dumb in Math pero sumasakit lang talaga ang ulo ko tuwing tumatagal ang tingin ko sa numero.
I sighed then scan something in the page. I took a peek at Stan at naalalang Engineering nga pala ito. I'm pretty sure magaling siya sa math lalo na't nakatanggap siya ng Latin Honors.
Patuloy ako sa pag-scan sa page tila hindi na nagbabasa eh, tumitingin lang dahil wala naman talaga akung pake sa libro. I'm thinking how to strike a conversation towards Stan.
"Its not a magazine you know," napahinto ang aking kamay ng nagsalita si Stan. Medyo uminit ang pisngi ko ng napagtanto ang kanyang sinabi. I know that damn well Mr. Sungit.
"Ah, may hinanap lang. Specific topic." I said as an excuse. Hindi siya bumaling sa akin at nagpatuloy sa kanyang pagbabasa.
"Thats why there's a thing called table of contents," He said sarcastically. Napayuko ako at tinignang mabuti ang isang topic na hindi ko alam. I know what he meant, he really thought that I'm that stupid? Nakakainis talaga!
"May tinignan lang din ako, don't worry nahanap ko na." Sabi ko pambulabog loob sa sarili. Hindi na naman kinaya ang pagkapahiya sa harap ni Stan. Okey lang yan Prim, I know your smart and you can do this!
I stare at the book, well, let me rephrase that. I glared at the book tila lahat ng inis ko kay Stan ay sa libro ko pinagbuntungan. Sarap niyang pingotin eh. Napanguso na lamang ako. I can't do that, masyado ata akung mawiwili na masaktan siya pagginawa ko iyon. Mas okey pang si Max ang pingotin ko. I giggled at the thought, napahinto ng napabaling si Stan sa akin na nakataas ang kilay.
"Is there something comedy inside that book?" Kunot noong tanong niya. Ang sungit talaga kahit kailan.
"A-Ah wala, may naalala lang." Sabi ko at nagpatuloy sa pagbabasa.
"Tsk," at nagpatuloy siya sa kanyang pagbabasa. Tsk, edi wag niya akung pansinin. Pero teka lang ah, kanina ko pa napapansin kahit nagsusungit siya para bang binabantayan niya ang galaw ko?
Napakagat ako sa aking labi upang mapigilan ang aking ngiti dahil sa naisip. Pabibo din tong si Stan eh, akala mo ako lang yung nag-oobserve dito siya din pala. Sita ng sita eh. Pinigilan ko ang ngiting lumabas sa aking labi at nagpatuloy sa pagbabasa kahit sa totoo lang wala talaga akung naintindihan.
Hindi naman ako nagugutom at lunch break ngayon. I will consider this as a diet na lang. Yep, thats good Prim.
Unti-unti kung binuksan ang aking mga mata ng may yumugyug sa aking balikat. I blink several times because of the man's silhouette.
"Prim,"
I rub my eyes at tinutok ang mata sa taong nasa aking harapan. The face of my friend is what I first saw.
"Hey," mahinang alog pa din sa akin ni Max. Hindi alam kung bakit siya nandito at nasaan ako. Wait, where the hell am I?
Nilibot ko ang aking paningin at nakitang puno ng mesa at libro ang paligid. Why am I inside the library? Kunot noong tinignan ko si Max.
"Are you hungry? I bought sandwich. Your favorite of course," sabay lapag ng sandwhich at can juice sa aking harapan katabi ng librong tila inunanan ko pa.
I look at the book's cover. At nanlaki ang mata ng naalala ko ito. The Math book, Searching for Stan, Stan's always remark at me.
"Where's Stan?" Unang tanong ko kay Max ng umupo siya sa harap ko. Taas kilay'ng tinignan niya naman ako.
"What?"
"Nasaan si Stan?" Balik ulit na tanong ko at hinanap ang mukha ni Stan sa paligid ngunit hindi ko naman nakita ni anino ni Stan.
"Wala si Stan dito," he coldly answered. Napabuntong-hininga na lamang ako dahil sa kanyang sinabi. Iniwan ba ako ni Stan?
"Eat this, alam kung kanina ka pa gutom. It's 3:00 PM already." Max said at tinitigan ako. My eyes grew wide of what he said.
"What?!"
"Ssshhh," napatakip naman ako sa aking labi ng sinuway kami ng librarian. Max chuckled a bit at tinitigan ako ng mabuti.
"Yes Missy, late ka na sa klase mo. Buti nalang walang prof sa last subject ko kaya hinanap kita." Napailing na sabi nito at binuksan ang kanyang libro na hindi ko napansin na dala niya kanina.
Absent na naman, hayst. Lagot talaga ako kay Quine pag-nalaman niya ito. Well, hindi ko naman sinadya at definetely hindi ko din alam na nakatulog ako.
Kinuha ko ang binili ni Max at kinagatan yun.
"Thanks Max," sabi ko sa kanya.
"Hmmn," sagot niya at pinagpatuloy ang kanyang pagbabasa.
Napasimangot tuloy ulit ako ng naalalang ni hindi man lang ako ginising ni Stan para hindi ako maka miss sa klase ko. Iniwan talaga ako? What a bad guy. Di bale crush ko pa rin naman yun.
Pasalamat siya gwapo siya kung hindi. Hmmp.
Hindi na ako pinapansin ni Max dahil abala siya sa pagbabasa. Tinignan ko ang cover page ng librong dala ni Max dahil pamilyar ito.
"Danger and desire run deep.."
BELOW THE SURFACE
By Karen Harper
Napangisi ako ng nabasa ito at agad may naisip. Tapos ko ng basahin ang librong iyan.
"Twin. Mermaids II," Simpleng sabi ko at napabaling si Max sa akin. Now I get his attention.
"What are you saying?" He furrowed his brows while staring at me. Tinatantiya rin niya ang aking expression. Mas lalo atang lumaki ang aking ngisi.
"Alam mo kasi Max, ang pumatay kay Daria na isa sa kambal ay si--"
Nanlaki ang aking mata at di ko natuloy ang sasabihin when Max automatically leaned in front while his holding my nape with his right hand and the left covering my mouth.
Masyado siyang matangkad na hindi siya nahihirapan sa distansya naming dalawa kahit nakapagitan na ang mesa sa amin.
His face was so near kaya ramdam ko ang mga mata niyang binigyan ako ng masamang tingin.
"Shut up Priscela," pikon na sabi ni Max. Mas lalo ata siyang napikon ng naramdaman niya ang ngiti ko sa kamay niya.
"Hmmm mmm hmmm, hmmm" nagpatuloy ako sa pagsasalita even though hindi na namin pareho maintindihan dahil nga he covered my mouth.
"Nakakainis na ah, isa." I chuckled of his reaction. Sa lahat lahat ang pinaka-ayaw ni Max ay ang ma spoil sa mga binabasa niyang libro o sa pinapanood niyang movie.
I raised my two hands as a sign of surrender. Hindi pa din ako pinakawalan ni Max and he study me for a good ten seconds. Pagkatapos ay unti-unti niyang tinanggal ang kamay niyang nakatabon sa bibig ko. I'm still smiling underneath dahil determinadong aasarin pa din ang kaharap
"Si Daria may Ex siya yung be--" Nanlaki ang mata ko ng inilapit ni Max sa akin ang mukha niya kaya hindi ko naituloy ang sasabihin. Now his face is serious, medyo kinabahan ako lalo na sa distansya namin. Hindi pa niya tinatanggal ang kamay na nasa nape ko.
"May sinasabi ka?" At mas lalong lumapit. Halos one inch nalang ang layo ng ilong namin. Siya habang tinitigan ako, at ako habang may nanlalaking nga mata na nakatingin sa kanya pabalik. Seryoso na nga, patay.
I cleared my throat, nawala ang mapang-asar na ngiti kanina.
"W-Wala," sabay alis ng tingin at bumaling sa right side ko.
Hindi pa din siya umalis sa pwesto hanggang ilang segundo. Ramdam ko tuloy ang hininga niya sa pisngi ko dahil doon. Umalis din si Max at umayos ng upo pabalik sa harapan when he felt the awkward atmosphere. What the hell?
He cleared his throat at binuksan ang kanyang libro.
"Isa pa ah, masasapak na talaga kita," Kumento niya pero di na bumaling sa akin. Napahinga ako ng maluwag nang nagsalita siya kaya kinalimutan ko na din ang nangyari kanina.
Ngumisi lang ako at nagpatuloy sa pagkain ng sandwich.