Chapter 5
"Class dismissed," sabi ng prof namin sa last subject at agad nagsitayuan ang iba kung kaklase. Niligpit ko ang gamit ko at tinignan si Blue na naghihintay na pala sa akin.
"Saan tayo?" Tanong ko sa kanya, inirapan niya ako.
"Akala ko ba manonood tayo ng game ni Stan?"
"Oh shit! Right! I almost forgot," napatawa ako ng bahagya at bitbit ang shoulder bag at libro, umalis kami sa classroom.
"Punta lang ako sa locker. Iiwan ko lang to," tumango lang si Blue at sinamahan ako papunta sa locker ko. After putting the books, umalis na kami at pumunta na sa gym kung saan maraming mga tao ang nasa paligid. The gym is almost full with people waiting for the competition. Kitang kita ko ang lahat ng nursing department na nasa left side kung saan bitbit ang puti at red na balloon with all the streamers. Shouting their team. The Engineering department were in the right side bitbit and kanilang puti at orange na balloon. Cheers of different team illuminates the whole gym kaya medyo maingay ito. Blue pulled me to the right side at umupo sa bandang ibaba na bleachers kung saan nakikita ko ang maaaring uupuan ng mga players mamaya.
"Blue!" Taas boses na tawag ko sa kaibigan na nasa tabi ko. She hissed at me dahil nasobrahan ko ata.
"What?" She boredly answered at nilibot ang tingin sa paligid. Inakbayan ko ito kaya nagtatakang tinignan niya ako.
I give her a grin at tinaas baba ang kilay. "Nagbo-boy hunting ka na?" Nasira ang mukha ng kaibigan ko at kinabig papalayo ang kamay na nakaakbay sa kanya. Napatawa naman ako sa kanyang reaksyon.
"Stop it Prim. Hindi ako nagbo-boy hunting," inis na sabi niya and crossed her arms habang diretsong nakatingin sa harap.
Pikon talaga, "Okey fine. If you need an advice just ask me. Or if you need a help, I'm always available." Natawa ako ng inirapan niya ulit ako.
"Good Afternoon People of Campbell!"
A loud cheer answered the man na nasa court. I think his the one who will introduce the players for this afternoon.
"Oh yes! I really feel the competition already!" Both parties shout loudly answering it. Nakikisigaw na din ako sa aking upuan habang si Blue ay walang pake sa kanyang paligid.
"Well, what are we waiting for? Let's welcome. From the Red Team! Representing the Nursing department. Let's welcome their players!" At isa isang pumasok ang kanilang players earning a loud cheer from their department. May ibang taga engineering na babae ang nakiki-cheer din. May ibang taga department ang nanood sa paligid pero most of it was part of Nursing and Engineering department.
"And the competitor! From the Right side. The Orange team, representing! The Engineering department, let's welcome the players!" Tumayo ako at agad sumigaw kasama ang iba pang nakikisigaw sa right side. Agad tinawag isa isa ang kanilang mga players.
"15, Stanford Lim Rivera!" Agad nagningning ang aking mata ng nakita ang bulto ni Stan. He was running with her teammates habang kumakaway ang isang kamay sa mga nagchi-cheer sa kanya.
"Go Stan! Go! Go! Go! Woooh!" Malakas na sigaw ko kaya napabaling ito sa akin. I smiled at him and wave my hands pero nilipat niya rin ang kanyang tingin sa kanyang teammates at nagsimula na silang mag-usap kasama ang kanilang coach.
Its sting a bit because of his reaction pero positive parin ako habang pinapanood sila.
The first quarter was really intense. Kasisimula palang ng game ay mas nangunguna sila Stan. 5 points higher than the red team. Mas lalong nag-iingay ang paligid lalo na't naka three point shoot ang isa sa kasamahan ni Stan.
I can say they are very good at this. Lalo na si Stan at kanina pa ito nag sho-shoot kaya mas lalong inaaligidan ng kalaban kaya pahirapan na itong magshoot when the first quarter was almost over.
Time out was called from the Red Team. Their coach was standing and having a blank expression in his face. Hindi ata natutuwa sa naging resulta sa unang quarter.
Patuloy pa din kami sa pagchi-cheer habang nag-uusap ang magkabilang team sa kanilang mga coach. I saw how Stan wipe his sweat with his face towel from his for forehead to his neck. His really hot while doing it, at alam kung hindi lang ako ang nag-iisang nag-iisip nun.
Second quarter was almost done. Mas higit ng dalawang puntos ang kabilang team. Its quite a good game actually. Pagkatapos kasi ng first quarter the other team took it seriously then. Naglalabanan na sila, walang nagpapatalo sa dalawa. Stan gave three consecutive Three Shoots but then mas humigit pa din ang kabila. Mas lalong nag-iinit ang laban lalo na't nakikitang seryoso ang dalawang team.
Stan's coach called their attention and give some commands and all. Nag-uusap ulit ang dalawang team. The coach from the other team ay pareho pa din ang ekspresyon ng mukhang pinapakita. Seryoso ulit itong nagbibigay ng mga salita sa kanyang nasasakupan. When the alarm ring, everyone cheered like a loud roar.
Third quarter came and everyone was in hype. Nagpa sub ang team nila Stan sa isa sa mga player doon. Naalala kung kasama siya noong panahon na binigyan ko si Stan ng regalo.
"Go Stan! Nice One!" Sigaw ko ng naka shoot ito ng two points. Everyone in Engineering Department shout because of it. Then I saw her, the model girl who also shouts Stan's name. Napasimangot ako ng nakitang malaki ang kanyang ngiti habang may bitbit pa ang orange na balloon. She's six chairs away from me with her friend from the library. Hindi ko alam kung anong course niya but then I think she's with the same department with Stan dahil naka puting T-shirt ito with their team written in black bold letters. Ngunit ang mas lalong nagpasimangot sa akin ay ang numerong naka print sa kanyang likod.
'15'
What the heck? Ang kapal talaga! Tsk. Nakakainis. I can do better than that! Pero naiinis ako sa sarili dahil hindi ko ito napaghandaan. I should have print a T-shirt too with Stan's face in it para mas emphasize. Tsk
"Woooh!" The crowd shout when from Stan's team shoot a three point. Di ko namalayan na patapos na pala ang third quarter. Gaano man ka hype ang team na kinabibilangan ko ay mas higit ng tatlong puntos ang kabilang team.
Mas maingay ang nasa aming harap na crowd dahil doon. Ngunit kampante ang Taga engineering department na mananalo sila.
"Si Stan lang katapat nyan. Mananalo tayo I'm sure," Sabi ng lalaking katabi ko habang tumango naman ang kausap nito. Napatango ako sa kanyang sinabi. I know kakayanin yan ni Stan. I'm pretty sure na mananalo sila.
Nagsimula na ang fourth quarter at mas lalong nag-iingay ang mga tao. The Engineering Department was threathened pero may kampante naman. I observe the model girl who also shouts for their team.
Nang nasa kamay ni Stan ang bola ay sumigaw ito. "Go Stanford!" I huff because of annoyance. Hindi natutuwa na nahigitan ako nito. Effort na effort si ate eh.
Hindi ako nagpatalo at sumigaw din, "Go Stanny! Kaya mo yan!" Malakas na sigaw ko kasabay ng ibang manonood na sumisigaw din. Blue grimaced at me kaya napatingin ako sa kanya.
"Stanny? Really Prim?" She said, disgusted of my nickname for Stan.
"What? Nakiki-cheer lang ako nuh. Di pwedeng magpatalo." I answered back at binalewala nalang si Blue at nanood pabalik sa game.
"Ang bantot pakinggan Prim. Really, you should call him by his real name. Its much better," kumento ulit nito. Kaya napasimangot ako dahil mukhang kinakampihan pa ata ni Blue yung babaeng karibal ko dahil tinatawag niya si Stan sa kanyang totong pangalan at hindi siya supportive sa nickname ko kay Stan.
Its two minutes left and the crowd is on hype. Magkaparehas na ng score ang magkabilang team kaya mas lalong nag-iingay ang tao sa paligid. Medyo napapaos na din ako sa kakasigaw dahil di ko naman maitangging ang ganda nga ng laban.
"Nice one Stan!" Sigaw ko ulit ng naka shoot si Stan ng three points at mas humigit sa kalaban. The crowd was on hype kaya napaka-ingay na ng gym. But then naka three point then ang kabilang team kaya mas lalong nag-iinit ang laban.
Fifty seconds left and nasa Engineering department ang bola, one of them tried to shoot it pero hindi pumasok ang bola kaya mas lalong nakaka-dagdag thrill lalo na't nasa kabilang team na ang bola.
Mas lalo ata akung na stress ng naka shoot ng two points ang kabilang team at twenty seconds nalang ang natitira.
Nagtime-out ang team nila Stan at mas lalong naging seryoso ang coach nila habang nagbibigay ng orders. Seryosong nakikinig si Stan kaya tinitigan ko ito. Kumunot ang kanyang noo habang pinapakinggan ang kanyang coach na tila bigatin pa ata ang kanyang gagawin. Mas lalong bumilis ang tibok ng puso ko anticipating of what will happen next.
Time out was over at balik na sa game. Bola ng Engineering department. The crowd was in hype again.
Nasa kamay ni Stan ang bola kaya malakas na sumigaw ang taga Engineering department kasali na ako doon. Tumakbo ito palapit sa kanilang ring at nag dribble ng bola. He give a sign something with his teammates. Then he pass the ball sa kanyang kasama. His teammate was easily pass through the two guys who guard him at binalik ang bola kay Stan.
"Go Stan! Go!" Malakas na sigaw ko at halos kaming lahat ay tumayo na habang sinisigaw ang kanyang pangalan. Ten seconds left and after Stan dribbled the ball he jump, akmang i-sho-shoot ang bola sa ring kaya mas lalo kaming nag-ingay. Someone from the other team jump too to blocks Stan ngunit hindi namin inasahan ang nangyari. Hindi shinoot ni Stan ang bola kung hindi ay pinasa pabalik sa isang kasamahan niya at ito ang nag shoot ng bola. Then the alarm ring reminds us that the time was over.
There was a moment of silence because of what happened. Then the crowds shouts loudly. Nanlalaking matang tinignan ko ang Score board.
89-91
"Oh my Ghad!" I exclaimed and join the crowd who jump for joy. Panalo sina Stan! Fuck yes!
"Omayghad! Stan!" Sigaw ko pa din. Hindi makapaniwala, dahil in the first place I thought Stan would be the one who will shoot the ball. What a move Rivera! Kaya nga pala varsity to eh. Shit mas lalo ata akung nagkagusto sa lalaking ito.
"Congrats Prim. Panalo ka," Blue said with a hint of sarcasm pero hindi ko iyon pinansin habang may malaking ngiti na nakaplaster sa aking labi.
Nagpatuloy ang pag-iingay at ang announcement kung saan sinabing panalo ang department nina Stan. May iba ng lumabas ng gym at may ibang nagpapa-iwan at pumunta sa court para sa isang picture taking. Nagkakagulo ang mga tao dahil sa nangyari. May ibang taga nursing department na disappointed pero may iba namang kuntento, its a tough game I must say.
"Uwi na tayo?" Aya ni Blue sa akin ngunit bumaling ang tingin ko kay Stan kung saan umupo sa isang upuan at umiinom ng tubig.
"Just a second?" Baling ko ulit sa aking kaibigan. She sighed, "Fine. Bilisan mo at maghihintay ako sa labas," ngumiti ako sa kanya at bumaba na sa bleachers para pumunta sa court para i-congratulate si Stan.
I saw Stan kaya pinuntahan ko ito. He glanced up at me ng tumayo ako sa kanyang harapan.
"Congrats! You did a great job there. Nice moves," I praise him with a big smile in my face. My cheeks blush a bit when he glanced at me with his intense eyes.
"Thank you," he answered at binaling agad ang kanyang tingin sa kanyang tubig.
"Stan!" Sigaw ng isang babae kaya pareho kami ni Stan na napabaling doon. Napasimangot ako ng nakitang yung babaeng ala model ang may malaking ngiti at tumawag sa pangalan ni Stan.
I observe Stan's face and I saw his lips smile a bit. Bitterness drip inside me after I saw it. Lumapit ang babae sa kanya at binigyan siya ng malaking ngiti.
"Congrats! I know you can do it," The girl praise him.
"Thanks Evee," He answered her. Kunot noong tinitigan ko silang dalawa lalo na't tinawag pa talaga ni Stan ang babae sa kanyang sariling pangalan. Wow, first name basis? Eh kaka transfer lang nito ah? Ba't ako, di pa niya tinawag sa sarili kung pangalan? I know that he already knew me. Matagal na akong naging admirer niya.
Nag-uusap silang dalawa na tila walang ibang tao sa kanilang paligid. With a down heart umalis ako doon, something ripped inside me ngunit hindi ko iyon pinapansin.
Nang palabas na ako ng gym ay nag ri-ring ang aking cellphone. Hinanap ko ito sa aking shoulder bag ng may tumawag sa pangalan ko.
"Prim!" Bumaling ako kay Blue na tumatakbong papunta sa akin.
"What?" Tanong ko sa kanya habang binaling ulit ang tingin sa aking shoulder bag para hanapin ang aking cellphone.
"Max called me, sabi niya nasaan ka daw at kanina ka pa niya hinihintay. May usapan ba kayo?" I stilled when I heard what my friend said. Agad kung nakita ang cellphone nang tumahimik na ito. I open it and saw 28 missed calls.
"Shit," I silently cursed as I stared at it. It's Max.