Chapter 6
Natatarantang tinignan ko ang aking cellphone habang nakasakay ng taxi habang papunta sa coffee shop kung saan ang usapan namin ni Max. I'm three hours late, its 6:30 in the afternoon kaya lagot talaga ako.
Nag-ring ulit ang aking cellphone at bumungad doon ang pangalan ng kaibigan ko.
Max Calling..
Huminga ako ng malalim at sinagot ito.
"H-Hello?" Napakagat ako ng labi habang pinapakinggan ang kabilang linya. Max's breathing is what I only heard. Hindi niya ako sinagot kaya nagsalita ako ulit.
"M-Max, I'm sorry. Nakalimutan ko na may usapan pala tayo. Hindi ko din napansin ang mga tawag mo dahil nasa loob ako ng gym." Sabi ko sa kanya.
"Yes, I heard. Sabi nga ni Blue nasa gym ka," mas lalo ata akung kinabahan when he answered me with his serious tone.
"I'm sorry, nalibang kasi kami ni Blue sa kakapanood ng basketball. Nakalimutan ko, di ko din nacheck ang phone." Sabi ko at bumuntong hininga. I brush my hair who keeps falling to my face.
"Nasaan ka?" Tanong nito. I cleared my throat before answering him.
"Papunta na ako dyan. Are you still there?" Tanong ko sa kanya.
"Umuwi ka na, its almost your curfew." Sabi nito. Mas lalo atang bumigat ang loob ko dahil sa kanyang inasal.
"May thirty minutes pa naman Max. Pwede pa akung pumunta dyan. Pwede ko namang tawagan si Quine na male-late ako ng uwi." Sabi ko, hindi mapakaling hindi kami magkita lalo na't ganito ang nangyari. Max hate broken promises at usapan na hindi tinutupad. Kaya nagu-guilty ako dahil sa nangyari.
"Uwi kana. I'm on my way home. Di mo na kailangang pumunta sa coffee shop." The edge of my eyes sting a bit dahil sa cold niyang boses.
"M-Max, I'm really sorry." Sabi ko, kinagat ang labi to stop the unwanted noise threathening to get out from my lips.
"Go home and sleep early. I bet your tired after watching the game." Tumango ako na tila nasa harapan siya at pinagsasabihan ako. I sighed then grip my phone harder.
"Uuwi na," I said it almost a whisper. I heard Max sighed.
"Good night. Sleep well, see you." He said then the line end. Tumulo ang isang butil ng luha galing sa aking mga mata. Huminga ako ng malalim habang naalala na naman ang tungo ni Max sa akin. I wipe my tears, I really don't like it when his like this.
He did not even mentioned my name before he end the call.
"Manong, Denzel Homes po." Sabi ko sa driver ng taxi bago binaling ang tingin sa labas. My phone beep kaya medyo nabuhayan ako sa kaisipang baka si Max iyon.
Na-disappoint ako ng nakitang hindi si Max yon. Its Quine.
Aquila:
Where are you? Pauwi ka na ba? Magdi-dinner na.
Napabuntong hininga ako at nag type ng reply sa kapatid.
Me:
On my way.
I turn my phone off at tumingin ulit sa labas ng bintana. Mas bumigat ang loob ko ng naalala ang nangyari ngayong araw. Si Stan at yung ala model na babae at ang tungo ni Max sa akin.
What a tiring day. I just want to go home and sleep.
Hindi ko namalayan na malapit na pala kami sa tinitirhan ko. Huminto ang taxi ng nasa may gate na kami.
I open the window at sinalubong ang isang guard na naghintay sa labas.
"Kuya, Priscela Marie Betram po," nang nakilala ako ng guard ay tumango ito at bumaling sa harapan upang sabihin na padaanin.
Nagpatuloy sa pag-andar ang kotse hanggang sa huminto ito sa aming bahay. Pagkatapos ibigay ang pamasahe ay pumasok na ako sa loob ng bahay. The front yard lights shine under the dark sky.
Hindi ko nga namalayan ang oras. Kaya pumasok na ako sa loob. Walang tao sa sala kaya dumiretso ako sa dining area. Nakita kung nandoon ang parents at kakambal ko. Nag-angat ng tingin si Mommy sa akin at nginitian ako.
"Priscela, kumain ka na. Hindi ka na namin nahintay," tumango ako at pumunta kay Mommy upang mahalikan siya sa pisnge at si Daddy bago tumabi ng upo sa kapatid kung saan mas malapit kay daddy na nasa kabisera.
"Sorry I'm late," mahinang bulong ko bago tinitigan ang pagkain na nasa harapan. Masarap ang hinanda ng maid ngunit wala akung gana. Pero hindi pwedeng hindi kumain lalo na't nandito si Daddy.
"Why are you late young lady?" Dad's strict tone illuminates the kitchen. Napabaling naman kami sa kanya. Mom glanced at me habang pinagpatuloy naman ni Aquila ang kanyang pagkain.
"I'm sorry Dad. May ganap kasing basketball competition sa School kaya nanonood po kami ng classmates ko," sabi ko bilang humingi ng paumanhin. My father was strict specially to curfews. 7 PM at kapag wala pa kami ni Aquila sa bahay ay nagagalit ito lalo na't hindi niya alam kung nasaan kami.
"Robert, nagtext siya kanina kay Aquila na may game silang papanoorin," Mom explained carefully towards Dad. Huminga si Daddy ng malalim at tumango na lamang sa sinabi ni Mommy.
Nagsimula na akung kumuha ng pagkain kahit wala akung gana dahil sa nangyari.
"Girls, we have a surprise for the both of you." Mom said kaya napabaling kaming dalawa ni Aquila kay Mommy. She smiled at us at tinignan ang aking Ama.
"Well," Dad started and put his spoon to his plate and give us his whole attention. "Napag-usapan namin ng Mommy niyo na kailangan niyo ng mag-aral kung paano magmaneho." Nanlaki ang aking mata dahil sa sinabi ng aking Ama. Dad never want us to drive a car even though when we turned eighteen Dad bought us cars. Pero hindi pa namin ito nagagamit dahil palaging nagtataxi o nagpapahatid sa driver namin. Pero minsan kasi hindi namin parehong nagagamit ni Aquila ang sasakyan dahil mas madalas na nauunang umuwi siya sa akin kaya siya ang gumamit sa sasakyan na may driver. And me, its either nakikisakay ako kay Max o nagtataxi.
"Kaya, napag-isipan namin ng daddy niyo na you should start driving na. Lalo na't magsisimula na kayong mag-aral sa business natin." Mom smiled at us.
Nagkatinginan kaming dalawa ng kapatid ko na may malalaking ngiti sa labi. And here I thought this is a bad day. Di naman pala.
"Kailan kami magsisimula Dad?" Tanong ng kapatid ko.
"Well, if your not busy next week-"
"Next week!" Me and Aquila exclaimed together kaya napatawa kaming lahat dahil hindi maitatanggi ang excitement na nanunuot sa aming dalawa ngayon.
"Easy girls. Gusto kung mag-ingat kayo pareho sa pagmaneho. Ayaw kung may mangyaring masama sa inyo. I'm going to ask my secretary about this thing," mas lalong lumaki ang ngisi ko dahil doon.
"Probably after your class next week?" Tanong ni Daddy sa amin. Tumango kaming pareho ni Aquila dahil doon.
Hindi makapaghintay na dumating na ang susunod na linggo para makapag-aral na ng maneho at magagamit ko na ang aking kotse.
"Kapag marunong na kayo. I don't want to hear from others kung saan saan kayo gumagala at hindi na pumapasok sa klase. And always be reminded sa curfew niyo. Alam kung nasa legal na edad na kayo ba't ayaw ko lang na mapapahamak kayong dalawa pareho. This is for your safety, I hope you understand that?" Striktong sabi ni Daddy habang tinitigan kaming dalawa.
"Yes Dad," sabay na sabi namin ni Aquila.
"Mabuti naman kung ganoon," huling sinabi ni Daddy habang nagpatuloy silang dalawa ni Mom sa pag-uusap tungkol sa negosyo.
Lumapit ng kaunti sa akin si Aquila at bumulong sa aking tenga.
"No to skipping classes Prim." Napasimangot naman ako dahil sa sinabi ng kapatid ko.
She smiled knowingly dahil sa aking reaksyon. Yeah right, kailangan ko lang atang pagbutihan ang pagtatago sa mga skipping classes ko. Di naman madalas, minsan lang if I need my stalking skills towards Stan.
Pero next week, I need to behave lalo na't kotse na ang pinag-uusapan dito.
After the dinner ay agad kaming umakyat ni Aquila sa sarili naming kwarto. Magkatabi kami ng kwarto ng kapatid ko. Mas una akung makarating sa aking kwarto bago siya.
"Balita ko panalo crush mo," sabi ni Aquila habang sumasabay sa akin sa paglalakad.
"Yep, panalo sila." Masiglang sabi ko sa kanya ng naalala na naman ang nangyari pagkatapos ng game.
"Then? What did you do?" Taas kilay na tanong ng kapatid ko.
"I just greet him then praise his last move sa game. Tapos ayon, umuwi na ako," walang ganang sabi ko habang bumuntong hininga ng naalala na naman si Max.
"Bakit parang di ka masaya?" Nagtatakang tanong nito nang nakarating na kami sa kanya-kanyang pintuan.
"Did something happened?" My twin sister ask. I always talk about my problem kay Aquila, sometimes nga pagkailangan ko ng kausap ay pinupuntahan ko siya sa kanyang kwarto at ginugulo.
"Something bad happened after that actually." Napahinto ang kakambal ko at binigay ang buong atensyon sa akin. She crossed her arms and stare at me. I sighed at kwinento ang nangyari tungkol sa usapan namin ni Max, ang game, yung model na babae at ang tungo ni Max sa akin.
"Well, you know Max. Hindi ka matitiis nun. I'm sure bukas na bukas siya pa ang unang kumausap sayo." Kibit balikat na sabi ng kakambal ko. Hindi ako kampante sa kanyang sinabi lalo na sa asal ni Max kanina sa kanyang tawag.
"I really hope so, hindi ako sanay na hindi kami bati ni Max." I sighed at napayuko na lamang. Lumapit si Aquila then tap my shoulder.
"I'm sure hindi din yun makatulog sa kakaisip kung paano kayo magbabati. Don't worry, you're not alone. At mag-usap nalang kayo bukas. Apologize again lalo na't nadisappoint pa ata yun dahil di mo tinupad ang usapan niyo." Napatango naman ako sa sinabi ng kapatid ko.
"Good night Prim," mahinang sabi nito habang binuksan ang kanyang pinto.
I smiled at her, "Good night Quine," sabay pasok sa loob ng kwarto.
After taking a half bath and change to my pajamas. Humiga ako sa aking kama habang binubuksan ang aking cellphone. Tinignan ko ulit ang missed calls ni Max doon.
28 missed calls
Napabuntong hininga ako. Bakit ba hindi ko namalayan na tumawag siya? Ugh!
I open my messages and tap ang pangalan ni Max. Kahapon pa ang last message niya.
Max:
Good night Prim. See you tomorrow ;)
Me:
Night Max. Sweet dreams :)
Napabuntong hininga ako habang tinitigan iyon. Hindi ako sanay sa ganito na hindi siya nag me-message sa akin.
I'm really sorry Max. Babawi talaga ako sayo. I need to talk to him tomorrow. Sana hindi na yun galit sa akin.
I turn my phone off at nilagay sa side table at tumitig sa kisame.
Now I'm confuse kung sinong uunahin ko bukas. Stan or Max?
I sighed then closed my eyes when I choose a decission.