Chapter 7

Chapter 7

The ring of my alarm made me awake. Inabot ko ang cellphone ko sa side table at pinatay ito. I groaned as I glance up.

Nakakatamad namang pumasok ngayon. Its friday, kaya nakakatamad pumasok.

Wala akung nagawa ng umingay ulit ang pangalawang alarm ko. Napabuntong-hininga na lamang ako habang bumangon sa pagkakahiga at pinatay ito.

Remind me again kung ilang alarm ang nilagay ko sa cellphone ko? Tsk.

Bumangon na ako after I charge my cellphone. Pumunta na ako sa bathroom upang maligo. I savor the water while closing my eyes and feel it. Naalala ko na naman ang nangyari kahapon. Hindi ko alam kung paano haharapin si Max ngayon pagkatapos ng nangyari.

After taking a shower ay agad na akung nagsuot ng damit. Wearing my black skirt, white polo shirt with the Universities logo, and my white high heels. I'm ready to go.

Lumabas na ako sa kwarto at dumiretso na sa dining room. Aquila is already there habang kumakain. Wala na si Mom and Dad. Mukhang maaga silang pumunta sa kompanya.

"Morning," I greeted my twin at tumabi ng upo sa kanya sa counter kung saan siya kumakain

"Morning," at sumubo ng bacon. Binaba niya ang utensils niya at tinignan ako.

"Nagtext ba sayo?" Napakunot naman ang aking noo kaya binalingan ko siya.

"Sino?" Takang tanong ko at kumuha ng hatdog bago inilagay sa sariling plato.

"Yung Best friend mo," sabi ni Aquila habang umiinom ng hot chocolate sa kanyang mug. Napasimangot naman ako dahil sa kanyang sinabi nang naalalang wala akung natanggap na message galing kay Max o kahit ngayong umaga. Hindi ko din naman kasi ugaling unang nagtetext sa lalaki eh, kahit pa best friend ko. Except kung kailangan na talaga or emergency.

"Nope. Baka galit pa yun," sabi ko at sumubo ng pagkain.

Pagkatapos kumain at maglinis sa sarili ay umalis na kami ni Aquila sa bahay. Nasa backseat kaming pareho habang nagda-drive ang driver namin. Hindi ko na pinansin si Aquila ng tutok na tutok ito sa kanyang cellphone. Napatingin tuloy ako sa cellphone ko kung may message ba si Max ngunit dismayado ng wala pa rin.

Nagfacebook na lang ako dahil doon. Event from yesterday flooded my news feed. Picture ng event, players o sariling mga pictures ng ibang tao ang nakikita ko patungkol sa basketball kahapon. Maraming nagcongratulate sa Engineering Department ngunit may isang post ang nakakuha ng atensyon ko.

Evee Alexandra Tuazon

Good game Stanford. Nice moves 15 ❤

Its a picture of Stan and that model girl. Nakatag si Stan kaya nakikita ko ang post ng babae. Maraming likes doon, its 1k actually. Sikat kasi si Stan sa University at tingin ko sikat din yung babae. Nakaka-engganyo nga naman.

Nakangiti ang babae sa camera habang bahagya lang tumaas ang labi ni Stan habang tumingin sa camera. At nakakakuha naman talaga ang atensyon ang numero sa Jersey ni Stan at ang Numero ng T-shirt ng babae. Akala ko sa likod lang yun pero di ko akalaing pati pala sa harap.

Kumunot ang noo ko habang binabasa ang comment na nandoon.

Lucas Armmand Tyson:

Congrats sa inyo Bro! See you sa next game. Ganda ng chicks ah.

Umingos ako ng nabasa ang salitang 'chicks'. Tsk, hindi sila bagay.

Zwei Oliver Natividad:

Swerte ah. Panalo na, may chicks pa.

Agad ko namang tinap ang profile nito. Isa ito sa kaibigan ni Stan na kasama niya noong nireject ako sa gym. Nang nakitang friends kami ay agad ko itong ina-unfriend. Swerte pala ah.

Chelsea Anne Socenna:

Congrats Stan! Stay strong sa inyo!

Naiinis na tinap ko ang pangalan ng nagcomment. Nakita kung yung kaibigan ng model. Heck? Anong stay strong?

I also stalk this Evee girl, well, di nga ako nagkamali. Model nga yung babae, mukhang sideline niya kasi may mga feature photos siya na minomodel ang isang bag.

She's famous actually. Lalo na sa dati niyang school dahil sikat din ito. Mas lalo akung nainis ng mukhang mag trend pa ata sa University ang pic nila ni Stan.

Bumalik ako sa pagscroll sa comment section ngunit ng nakitang halos tinatanong pa ata kung sila ba, I exit the app annoyed for the fact na baka nga sila na.

"Salamat Manong," ang boses ng kapatid ko ang nakapabalik sa aking sarili. Nandito na kami sa University. Bumaba na kaming pareho ni Quine at sabay na pumasok. Marami na ding estudyante ang nasa paligid na may kanya-kanyang ginagawa.

The morning light touch my face as we stroll in the corridors. Hindi kami magkaparehas ng course ni Aquila kaya magkaiba ang dadaanan namin papunta sa kanya-kanyang department.

Ngunit napahinto na lamang ang aking kapatid at tinanaw ang kung sino ang nasa malayo. Nandito kami malapit sa gym kaya nagmasid din ako sa kaisipang baka nandito si Max.

"Nehara!" Napatingin tuloy ako sa harap kung saan bumungad sa akin ang mukha ni Ryder na may malaking ngiti habang tinatawag ang kakambal ko.

My twin just rolled her eyes at naunang maglakad sa akin. Ryder followed her like a loyal dog kaya madalas ko siyang tinatawag na aso ni Aquila. Dahil para nga naman tong aso si Ryder eh.

"Wait for me! Kanina pa kita hinihintay," Ryder said at sumabay pa sa kapatid ko. Napahabol tuloy ako sa kanilang dalawa at tumabi kay Quine.

"Go away asshole, nakakasira ka ng umaga," ingos ng kapatid ko pero mas lalo atang ginanahan tong Ryder nang nagmamaldita na naman si Aquila.

"Alam kung gwapo ako, di muna kailangang sabihin. Good Morning my Nehara," sabi ni Ryder at nginitian pa si Quine na tila cute na cute sa kanyang sarili. Napataas din ang kilay ko sa kanilang dalawa. May label na ba to? Ba't parang inaangkin na niya ang kapatid ko?

"Fuck off dumbass, hindi mo ako pagmamay-ari. And please! Go away!" Then Aquila stomp away from us with an annoyed face. Nagkatinginan naman kami ni Ryder, I crosse my arms at tinaasan siya ng kilay.

"What?" Kunot noong tanong nito.

"I know you like my twin. Pero kung pinaglalaruan mo lang siya, pakiusap wag mo nalang siyang guluhin." Mataray na sabi ko at naglakad na sa daan patungo sa classroom. Hindi ko pa din nakalimutan ang pinag-uusapan nila sa gym tungkol sa model girl na iyon. Lalo na ang kumento ni Ryder.

Napahinto ako sa paglalakad ng lumabas si Max sa kanyang classroom. Hindi pa niya ako nakikita dahil may kinausap pa siyang kaklase na nasa loob ng classroom habang siya ay nasa labas na. I glanced at him habang dinaramdam ang mabilis ng tibok ng puso ko sa kaba.

Naramdaman niya sigurong may nakatitig sa kanya dahil bumaling siya sa akin. From his smiling face, his expression change to a blank one. Mas lalong na emphasize ang kanyang matangos na ilong at ang kanyang kulay abo'ng mata. His lips set in a grim line while staring at me. His eyes are very captivating. I always tell him that how I love his eyes cause its mesmerizing pero ang sabi niya mas maganda pa daw ang mata ko.

Ilang segundong titigan iyon ng unang nagbawi si Max at naglakad patungo sa akin. Akala ko kakausapin niya ako nang nilagpasan niya lang ako tila ba isang hangin. Bumigat ang aking loob dahil doon. I never think twice as I turned and call his name.

"Max!" Tawag ko sa kanya kaya napahinto siya sa paglalakad. Hindi siya lumingon kaya ako ang pumunta sa kanya at hinawakan ang kanyang kamay para humarap siya sa akin. I stare at him with pleading eyes dahil hindi ko gusto ang nangyari sa aming dalawa. Masyado naman ata tung ginagawa niya sa akin.

"Max please, talk to me," I whispered habang lagpas lang ang kanyang mga mata. There is something pass through his eyes that I can't name pero wala akung nakuhang sagot sa kanya.

"I'm sorry about yesterday. Totoong nakalimutan ko na may pinag-usapan pala tayo. Tapos hindi ko din alam na tumatawag ka pala. Please, talk to me. Babawi ako sayo," I said pleadingly as I squeeze his hands gently.

Napatingin siya sa kamay kung nakawak sa kanyang kamay. Napabuntong hininga siya at tinignan ako sa mata.

Ilang segundo pa siyang napatitig ng umiling siya, "I understand kung bakit mo pinili si Stan. No need to say sorry. At pasensya na kung ganito ako, just don't mind me. Hindi naman kita pinigilan kung gusto mo talagang manood. I don't have the right to do that to you. And I can't dictate you anything Prim. Baka masakal ka lang, it maybe selfish pero minsan napaisip ako kung kailan ka din mag-effort para sa akin. I'm sorry about this, siguro gumugulo lang ang isip ko nitong nakaraan. Don't mind me. Sige na alis na ako, may practice pa kami," sabay talikod at naglakad na palayo sa akin.

Tinatanaw ko na lang ang papalayong bulto niya sa akin habang mas lalo atang bumigat ang pakiramdam ko.

Do you really think I don't care for you Max?