Chapter 9
Monday came at kahit noong weekends ay hindi nagmemessage si Max. I tried to call him once ngunit nagri-ring lang din yun at hindi ko na inulit pa. Hindi ko na napigilan ang sariling mag-message at magcall sa kanya kahit hindi ko naman ugaling maunang mag-message.
Me:
Galit ka pa din? Sorry na :(
Me:
Promise babawi ako.
Me:
Max, bati na tayo please? :(
Napatitig ako sa cellphone na wala pa ding message o reply galing sa kaibigan. Hindi ko na alam kung anong mararamdaman ko.
I mindlessly put the cellphone at the table then glared at it. "Nakakainis ka na ah?! Ba't ayaw mong magreply ha? Tignan natin pag ako na naman ang magtampo kung hindi ka ba maghahabol," Tsk. I crossed my arms at inalis ang tingin sa cellphone. Naiinis na talaga ako, masyadong pabebe yung Mark Xavier na yun.
Napabaling ako sa cellphone ng wala pa ding white icon na lumitaw ilalim ng blue icon kung nasaan ang message ko.
"Alam mo ikaw? Nakakairita na eh! Di mo pa sinasagot tawag ko ah? Tignan mo, tatandaan ko talaga to pag nagbati na tayo," inis na sabi ko habang nakatutok sa pangalan niya na nasa cellphone. Napasimangot ako dahil sa salitang binanggit ko.
"Ba't ba kasi nagtatampo ka?" Napahinga na lamang ako ng malalim. "Bati na kasi tayo eh!" I puff an air then stare at his name. Ngayon lang ata umabot ng ganito ang tampohan namin ni Max. Di ko akalaing matitiis niya ako ng ganito katagal. Ni di nga dumalaw dito kahit weekends. Nakakaembyerna na.
"Sino bang kausap mo?" Tanong ni Aquila habang pumunta sa refrigerator para kumuha ng tubig.
Naiinis na ginulo ko ang buhok ko.
"Nakakainis na siya! Alam mo yun? Sobrang pabebe. Tsk," napailig nalang si Aquila habang nakatingin sa akin. Feeling ko tuloy sa isip niya nababaliw na ako.
"Hindi ka ba kinausap last week?" Tanong niya at tuluyang humarap sa akin. Nakasimangot naman akung umiling.
"Wala, di namamansin ang gago. Nakakairita na ah," inis na sabi ko.
"Baka nakalimutan mong busy yun sa pagte-training. Malapit na ang laro nila ah," dahil sa sinabi ni Aquila naalala ko na naman ang gagawin kung effort para di na magtampo ang bakla. Tsk.
"Pag itong ginawa ko di naman niya ma appreciate nako, friendship over na talaga." Padabog na kinuha ko ang cellphone at bumalik sa kwarto. Kailangan ko ng maghanda dahil papasok pa ako sa klase ngayon.
Nakasimangot na pumasok ako sa school. Naglalakad na kami ni Aquila papasok, mas lalo atang sumama ang timpla ko ng nakita na naman ang aso ni Aquila.
"Nehara!" Malaking ngising bati ni Ryder sa kakambal ko na tuloy-tuloy lang din naman ang lakad at di siya pinansin.
"Kay aga-aga ang lalandi," bulong ko habang nakatanaw kay Ryder na sumusunod kay Aquila. Buti pa 'tong isang to nagawa pang magparamdam sa kakambal ko samantalang ang isa ang pabebe masyado.
Walang ganang naglalakad ako sa Corridor hanggang sa nakarating ako sa classroom, nandoon na si Blue sa kanyang upuan at may tinitignan sa kanyang cellphone. Napa-angat ang tingin niya nang nasa harapan na niya ako.
"Morning," bati niya at nginisihan ako. Agad ko siyang binigyan ng dudang tingin. Kay aga-aga ba't ganyan ang ngisi nang babaeng yan?
"Morning," sagot ko na lamang at umupo sa tabi niya.
"Makukuha na pala natin ang T-shirt na pinaprint," sabi ni Blue at nginuso ang isang kumpol ng mga t-shirt sa gilid ng upuan ni Sam.
"Nakuha mo na ang sa 'yo?"
"Hindi pa, hinihintay kita para sabay na tayo," Tumango na lamang ako at pinuntahan si Sam. Hinanap ni Sam ang pangalan ko sa papel at binigay ang T-shirt ko at pati na din ang kay Blue.
"Astig, may pinadagdag ka?" ngisi ulit ng kaibigan nang nakita ang Print sa shirt ko.
"Oo, para sa pabebeng lalaki," nakasimangot na sagot ko dito. Tumawa lang ng bahagya ang aking kaibigan habang sinusuri pa din ang T-shirt ko.
"Alam mo ikaw lang talaga ang naiiba sa lahat eh, ba't may number pa talaga ang harap? Sana all,"
"Shut up Blue, diskarte ko na yan. Reresbakan mo ako kapag di pa din yun namamansin sa akin," sabi ko at umupo sa upuan habang tinitignan din ang print ng T-shirt ko. Ewan ko na lang kung magtatampo pa yun.
"Aye, Aye captain," walang kwentang sagot ni Blue at umupo na din.
Martes nang maaga kami ni Quine sa School. Suot ang vintage jeans, retro v-neck crop top at white sneakers, naglalakad kami ni Quinne sa campus, halos ganun pa din ang nagyari, hindi pa din ako kinakausap ni Max.
Napasimangot na naman ako ng nakita na naman ang aso ni Aquila na may bitbit na chocolates. Hindi naman valentine's ah?
Napahinto din si Aquila ng nakita si Ryder sa harapan. Pormang porma pa ito, pero wala eh, bad boy pa rin ang dating nang gago.
I heard Aquila sighed.
"You okey?" Tanong ko sa kakambal.
"Yeah,"
"Good Morning Nehara dear," sabi ni Ryder at lumapit kay Quine. Kumunot naman ang noo nang kakambal ko.
"Fuck off Evangelista," naiinis na sagot ni Quine na kinatawa naman ni Ryder.
"You need sweets my love, I have chocolates here," sabay abot ng dala niyang chocolates. Agad ko namang kinuha ito at nginisihan si Ryder.
"Saan ang lamay?" Tanong ko sa kanya habang nakatingin sa pormadong dating habang siya ay nakasimangot na nakatingin sa chocolates na bitbit ko.
"Hindi yan para sa 'yo Prim, pasensya na, hindi ko naman alam na gusto mo pala'ng binibigyan ng chocolates. Hayaan mo pagsabihan ko si Captain," sabi niya habang seryosong nakatitig sa akin. Kumunot naman ang noo ko sa sinabi niya. What the hell?
"Excuse me? Ang kapal naman talaga ng budhi mo ha!" I hissed at him ngunit nginisihan lang ako ng gago at bumaling na kay Aquila na nagsimula ng maglakad paalis.
"Babe teka," umismid ako ng narinig na naman ang mga endearment ni Ryder kay Aquila.
"Pssh, wag sanang patulan ng kakambal ko." Bulong-bulong ko at nagsimula na ding maglakad paalis papunta sa classroom ko ngunit napahinto ng lumabas galing sa gym si Max kaya napatingin ito sa akin.
He stared at me with his blank face. Hindi kami nagkita since weekends at ngayon lang talaga. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko dahil baka galit pa ito sa akin.
His broad shoulders is define because of his black nike shirt pares ang grey sports shorts at puting sports shoes, di maipagkakailang basketball player ang tindig na dating ng aking kaibigan.
Tumingin siya ng deretso sa mata ko habang may seryosong mukha ngunit bumaba din ang kanyang tingin sa aking kamay kaya napabaling din ako doon. Nakita ko pa ang heart shape na chocolate ni Ryder doon. Tumikhim ako kaya bumaling si Max sa akin ngayon na may nakakunot ng noo.
"Kumusta?" Ngiting tanong ko sa kanya hindi na inalintana kung mapapahiya.
"Fine," tipid na tipid ang sagot Scavien ah? Nakakatamad bang kausap ako ha? Sa isip ko ang sarap na niyang hambalusin habang binibigyan ko lang siya ng ngiti. Ang pabebeng ito sumusobra na.
"Good luck sa game," sabi ko sabay ngiti at tinalikuran na siya. Determinadong di na siya papansinin hanggang magsimula ang game bukas. Tignan natin, di pa man ako nakalayo nang tinawag niya ako.
"Prim," hindi ko alam kung ngingisi ba ako or mananatiling seryoso ang tingin ngunit nginisihan ko na lang siya ng bumaling ako sa kanya.
"Bakit?" Sabi ko, he held his nape habang bahagyang tumikhim.
"A-Ahm," narinig ko pa ang bahagyang pagmumura niya kaya tinaasan ko siya ng kilay. Problema nito?
Bahagya pa siyang tumingin sa bitbit kung chocolate. Ano bang problema nito, gusto niya bang kunin to?
"Kanino galing yan?" Napatanga naman ako dahil sa sagot niya. Hindi ako nagtanong kung alin dahil tingin ko ang chocolate ang ibig niyang sabihin dahil kanina niya pa ito tinitignan.
Like hello? Ilang days kaming hindi nag-usap tas ngayon tatanongin niya kung kanino galing ang chocolate? What the heck Scavien.
"Ahm, ano para--" napahinto ako ng may naisip. Ngumiti ako sa kanya.
"Sa akin 'to. Para sa 'yo sana kaso mukhang ayaw mo." Sabay bigay sa kanya ng ngiti. I'm sure ayaw naman ni Aquila dito, then gamitin na natin ng di masayang.
Nakita ko ang pagkagat ng labi ni Max habang bumaling siya sa gilid niya. He cleared his throat bago ako tinignan pabalik.
"Talaga?" Tanong niya ulit habang may seryosong titig na naman.
"Yes. Ayaw mo?" Kunot noong tanong ko ngunit napangiti ng inilahad niya ang kanyang kamay.
Inabot ko ito sa kanya habang siya ay seryosong tinitignan pa din ang chocolates na nasa kamay na niya.
"Ingat sa practice. Balik na ako sa klase ah?" Sabi ko sabay ngiti sa kanya. Bahagya lang siyang tumango at tinalikuran ako.
Kaya di ko maiwasang mapasimangot ng dahil sa inakto niya? Aba't! Tsk.
Ang sarap talagang hambalosin eh.
Umalis na lang ako at naglakad na papunta sa classroom baka mahuli pa ako sa klase.
Pagdating ko doon ay prenteng nakaupo na si Blue sa upuan habang may binabasa sa notebook.
"Ang seryoso ah?" Tanong ko sa kanya sabay tabi.
"May quiz daw tayo, 40 items." Sabi niya at seryoso pa ding nagbabasa sa notebook niya. Nanlaki naman ang aking mata dahil sa kanyang sinabi.
"Seryoso ba yan?" Sabi ko at kinuha na din ang notebook ko. Di ko alam kung may na take note ba ako kasi minsan lang naman ako mag-take note.
"Mukha ba akong nagbibiro?" Taas kilay'ng baling sa akin ni Blue bago binalingan ulit ang notebook.
Napatikhim nalang ako at binalingan ang notebook at seryoso na ding nagreview.
Nakasimangot akong lumabas sa classroom pagkatapos ng klase ko sa umaga. Sabay kaming lumabas ni Blue, tapos na ang quiz kanina at nakakainis sa dinami-dami kung na review eh kunti lang naman ang lumabas sa binasa ko dahil halos nasa dulo na ang kinuhang questions ng prof.
"I feel you," kumento ni Blue sabay tapik pa sa balikat ko kaya sinimangutan ko ito.
"I-kain na nga lang natin to." Sabi ko sa kanya sabay kaladkad sa kaibigan patungo sa cafeteria.
"Nag-usap na ba kayo ni Max?" Tanong ni Blue sa akin kaya agad kung naalala ang tagpo namin ni Max kaninang umaga.
"Ah, Oo."
"Seryoso? Kailan?" Mukhang natutuwa pa ata si Blue na nag-usap na kami. Ngunit di ko nagustuhan ang huling tungo ni Max sa akin.
"Kaninang umaga,"
"Talaga? Anong sabi?" Ngising tanong ni Blue.
"Sabi niya kanino ba daw galing ang chocolates ko," walang ganang sagot ko sa kaibigan habang napaupo sa isa sa mesa sa cafeteria.
Umupo sa harapan si Blue habang napakurapkurap sa sagot ko.
"Ano?" Kunot-noong tanong niya. Kaya kwinento ko ang nangyari kaninang umaga.
Napanganga na lang si Blue pagkatapos kung sabihin sa kanya ang nangyari.
"Ang assuming ni boss," bulong ni Blue di pa din makapaniwala.
"Hayaan mo na, buti nga pinansin ako eh. Hindi ko alam kung magpapasalamat ba ako kay Ryder," napapailing na sabi ko.
Blue chuckled after what I've said.
"Akalain mo? May silbi din pala yung aso ni Aquila?" Napahagalpak pa siya ng tawa.
Napangisi na din ako dahil sa kanyang sinabi ngunit na agaw ang aking pansin sa pamilyar na bulto na pumasok.
Sina Stan kasama ang mga kaibigan niya papunta sa table nila. Seryosong nag-uusap ang mga ito at naka jersey pa ang iba. Halatang nag-eensayo din.
"Uy, laway mo," asar ni Blue habang nakangisi kaya sinamaan ko siya ng tingin. Ngunit napabaling din ulit sa bagong dating.
Si Max kasama ang mga ka-team niya. Nakita ko pa nga si Lucas yung binibigyan ni Stan ng regalo ko na para sana sa kanya.
Bumaling si Max sa banda namin kaya ngumiti ako sa kanya at bahagyang kumaway sa kaisipang bati na kami.
Ngunit napaawang ang labi ko ng inirapan ako ni Mark Xavier Scavien. Napatawa naman si Blue dahil sa nakuha kung pansin ni Max na ngayon ay pumunta sa kabilang table malayo sa amin.
"Ang taray ni Boss ah," sabi ni Blue tapos tumawa ulit.
Aba't ako talaga ang hinahamon ng pabebeng yun. Makikita niya bukas.