Chapter 10

Chapter 10

"Prim? Tapos ka na ba? Let's go," katok ni Aquila sa pintuan ko.

"Last na teka lang," sagot ko pabalik habang inayos ng mabuti ang buhok ko. Napanguso ako habang nakatitig sa T-shirt na susuotin ko mamaya sa game na katabi ng bag ko. Suot ang Denim skirt, White smocked top at black ankle strap tapered heels, I'm ready to grace the campus.

Bumukas ang pintuan at iniluwa ang kakambal kung bubugahan sana ako ng tumaas ang kilay dahil sa outfit ko.

"Ba't sobrang ayos mo ata ngayon?" Takang tanong niya sa akin. Ngumiti ako at nagpose sa harap niya.

"Maganda na ba?" Ngising sabi ko ngunit tinitigan lang ako nito.

"Okey lang, tao ka pa rin naman," she said then shrugged her shoulders sabay alis sa kwarto ko.

The heck?

"Psh," kinuha ko nalang ang shoulder bag ko kasama ang paper bag kung nasaan ang T-shirt na susuotin ko mamaya.

Napatitig ako kay Quine ng nasa sasakyan na kami kaya napabaling ito sa akin.

"Hindi ka ba manunuod mamaya? May game si Max," sabi ko sa kanya.

"Hindi na, mag-aaral na lang ako," napaismid na lang ako sa sinabi ng kapatid.

"Pwede ka naman mag-aral after ah? Di mo ba susuportahan ang department mo?" Kumbinsi ko pa rin sa kanya.

"Wala akung oras," sabay baling sa bintana ng sasakyan. Psh, ang kill joy talaga.

"Ano ba yan, kailangan mo din naman mag-relax ah. Puro ka na lang kasi aral eh kaya di ka nagka-boyfriend." Sikmal ko sa kanya. Napatikhim na lang si Aquila dahil sa aking sinabi.

"Kung makapagsalita ka parang may boyfriend," she answered me sarcastically pero di ko iyon pinansin.

"Kailangan wag puro aral, you need a life Aquila, at saka, kayo na ba ni Ryder? Naiinis na ako sa pagmumukha ng aso mo," nakangusong sabi ko habang iniisip na susunduin na naman ni Ryder ang kapatid ko mamaya pagdating namin sa school.

"Hindi," simpleng sagot niya di man lang ako binalingan ng tingin. Nagkibit balikat na lamang ako.

Nakarating na kami sa campus. Ngayon ko lang natanaw na mukhang medyo nag-ayos din pala ang kapatid ko. Kahit sa skinny jeans na nadepina ang mataas na legs niya at ang black long-sleeved jersey top na kitang kita ang kurba ng kanyang katawan, ang ganda niya pa rin.

Kaya di na ako nagtataka na medyo na-ulol si Ryder sa kanya. Maganda nga naman ang kapatid ko.

Di na maipinta ang mukha ko ng nakita si Ryder na tutok na tutok kay Aquila pagpasok namin sa Campus.

"Hi girls, ang ganda niyo ngayon ah?" Nakangising komento ni Ryder habang di pa din binawi ang tingin sa kapatid. Tinaasan ko ito ng kilay.

"Ngayon mo lang nalaman? Matagal na kaming maganda," sarkastikong sagot ko sa kanya kaya napabaling ito sa akin. Di man lang tinablahan ang gago at napangisi.

"Nako, may magagalit, ginandahan mo naman masyado Prim," ngising sabi nito kaya kumunot ang aking noo.

"What do you mean?" tanong ko, pero di na niya ako sinagot at bumaling na sa kapatid ko nang nagtuloy-tuloy ang lakad.

"Good morning hon, nagpapaganda ka ba para sa akin?" Tanong nito at sinabayan si Quine sa paglalakad.

"Kapal mo Evangelista," ismid ng kapatid ko at di pa din pinansin si Ryder. Sumipol lang si Ryder at nginisihan ito. Napailing nalang ako habang tinanaw ang papalayong bulto ng dalawa.

Naglalakad na lang ako papunta sa classroom, at napadaan ulit sa gym ngunit di ata ako swerte ngayon kasi di ko nakita si Max. Napanguso na lamang ako, makikita ko din naman yun mamaya kaya okey lang yan.

"Ay, uwian na," ngising sabi ni Blue ng pumasok ako sa classroom. Napairap na lang ako.

"Pinaghandaan ah? Ang ganda mo ngayon," Dagdag pa nito while staring at me from head to toe. Umupo na lamang ako sa katabing upuan at binalingan siya.

"Matagal naman talaga akung maganda ah?" Taas kilay'ng sabi ko. Napatawa na lang ito.

"Alam mo, feeling ko nahahati ang isip mo ngayon eh. Saan ka uupo mamaya?" Ngising tanong nito ng naalala na naman ang problema.

"Syempre sa ka team ko," labas ilong na sabi ko na mas lalong nagpalaki ng ngisi nang kaibigan.

"Uh-huh, baka bigla ka na lang mawala mamaya ah, I know your torn pa naman," napahalakhak pa ito.

"Psh, shut up." Bakit parang ako ata ang pinagtitripan ng kaibigan ko nitong mga nakaraang araw? Dapat ako yung nang-aasar kay Blue eh ngunit baliktad ata kami ngayon.

Lumipas ang oras at di na ako makapaghintay na manood nang game. Sabay kaming naglunch ni Blue ngunit di ko man lang nakita si Stan sa Cafeteria. Sa tingin ko naghahanda yun pati din si Max di ko nakita.

Napatingin ako kay Blue na nakakunot ang noo habang titig na titig sa kanyang cellphone.

"Ano yan?" Takang tanong ko sa kanya.

"Wala, masamang damo lang," naramdaman kung di niya gustong pag-usapan kaya binalewala ko na lang din.

"That's all for today. Good bye Class," huling sabi ng professor bago umalis kaya mas lalo akung na-excite sa magaganap na laro. Nagsigawan ang mga kaklase ko na ang iba ay nakapag-bihis na ng kanilang T-shirts.

"Okey, guys, ang balloons ay doon na ibibigay. Hope present ang lahat para mag cheer sa team natin. And as promise, manalo o matalo may night out mamaya," mas lalong naghiyawan ang mga kaklase ko dahil sa announcement ni Sam.

"Punta tayo? May curfew ka diba?" Tanong ni Blue sa akin. Napanguso na lamang ako.

"Magpapa-alam ako kay Dad," sabi ko sabay kuha sa cellphone na nasa bag. Naghanda na ang iba kung kaklase habang ang iba ay nauuna nang pumunta sa court.

After four rings ay sumagot na din sa wakas ang aking Ama.

"Yes Prim? What's wrong?" Tanong ni Dad sa kabilang linya. I think nasa office siya ngayon, base on the noise tingin ko may meeting siya.

"Dad? I'm sorry if I disturb you, magpapaalam lang po ako. May night out pala kami mamaya eh, di naman po ako magtatagal. After kasi sa game may magaganap na bonding with friends," kagat labing sabi ko habang nakatingin naman sa akin si Blue, inaantay ang desisyon ng aking Ama. I silently utter a prayer that my father will let me join the night out later.

"Sino ang maghahatid sa 'yo pauwi? Sasama ba si Aquila?"

"Si Max po, and I don't know Dad if sasama si Aquila, sabi niya kasi kanina na di siya manonood pero baka magbago ang isip Dad. Magpapaalam naman yun 'pag sasama," I gently brush my hair frustrated na baka hindi papayag ang Daddy. Ni hindi ko nga alam kung maihahatid ba ako ni Max o sasama ba yon. Magpapahatid na lang ako ni Blue kung sakali. Ilang segundo pa ang lumipas dahil medyo may kausap pa si Dad sa kabilang linya. Tingin ko ay tinawag pa ang attention niya eh.

"Okey dear, just get home safely. I trust Max naman. If your sister is coming with you isama mo nalang. I need to go, medyo busy ako anak." Unti-unting sumilay ang malaking ngiti sa aking labi dahil doon.

"Yes Dad, no problem. Bye po, love you Dad." Nakita ni Blue ang ekspresyon ko kaya unti-unti na ding napangisi ang kaibigan.

"Sige, love you too sweetheart." Sabay baba nang tawag. Napatili akong yumakap kay Blue habang natatawa naman ang kaibigan sa inasal ko.

"Himala ah?"

"Medyo busy kasi si Dad, akala ko nga maeembyerna eh,"

"Kung ganun magbihis kana. Malapit ng magsisimula ang game," tumango ako at kinuha na ang paper bag para makapag-palit na ng T-shirt.

Sakto lang ang size ng T-shirt na pinili ko. Medyo hapit pa nga sa katawan kaya di ko na kailangan i tuck-in.

After kung magbihis sa comfort room ay nagretouch na din kami ni Blue.

"May hinanda ka ng cheer kay boss?" Ngising tanong naman ni Blue sa akin tila nang-aasar na naman.

"Bahala na, isisigaw ko lang naman pangalan niya mamaya," sabay lagay ng matte sa labi. I smiled at the mirror satisfied with my looks.

"Bilis na, baka hinanap ka na ni Boss eh," kinaladkad na ako ni Blue palabas ng comfort room. Maraming mga nagkakalat na estudyante sa grounds. Ngunit pagdating namin sa gym ay mas marami ito. Kitang kita ang mga kulay ng balloon na orange at puti sa left side kung saan ang mga engineering at sa right side kung saan nagkakalat ang blue at puti ng mga business ad.

"Wow, mas marami ata ngayon kumpara last week ah," komento ni Blue nang nakita ang nagkakalat na estudyante sa gym.

Di nga maipagkakaila na sobrang daming manonood ngayon. Agad kaming naghanap ng bleachers ni Blue.

"Wag kang mag-alala nagpareserve na ako sa mga classmates natin. Sabi ko front seat para mas gaganahan maglaro ang captain," she said absentmindedly at hinahanap ang mga kasama namin.

"Ba't naman gaganahan yun? Nagtatampo pa nga eh," nakangusong sabi ko ngunit di na ako sinagot ni Blue nang nahanap na niya ang mga upuan namin.

"Dito!" One of my classmates shout when they saw us. Agad kaming napapunta ni Blue doon at di nga nagkakamali. Nasa harap kami at kitang kita ang mga players na uupo mamaya sa baba.

Hindi pa man nagsisimula pero ramdam na ang tension sa pagitan ng dalawang team.

"Tubig?" Sabay abot ni Blue nito sa akin. Agad ko naman itong tinanggap dahil nakaramdam ng pagka-uhaw.

"Good day campbell!" The crowd cheered when the host started. Agad kung binaba ang mineral bottle at nilagay sa gilid ng narinig ang host.

"Wow, I really feel the competition already! Di na natin papatagalin pa!" Napabaling ako kay Blue kung saan seryosong nakatingin sa harap. Habang ang mga kaklase ko at ibang taga business ad ay nagsisigaw na.

"From the left side of the court. Introducing--" halos hindi na marinig ang boses ng host dahil sa sigaw ng mga supporters ng Engineering department. Hinanap ko pa sa crowd si Aquila. Baka nanonood lang pala iyon eh.

I get my cellphone to type a message for my sister.

To Aquila:

Manonood ka ba? Tabi tayo, may bakante sa tabi ko.

Napaangat ang tingin ko nang tinawag ang mga players.

"Stanford Lim Rivera!" Napatili ako habang tumingin kay Stan kasama ang kanyang mga team na nag-uusap. Ang puting jersey na may halong orange ay hapit sa kanyang katawan. May armband siya sa right arm niya. He looks so handsome in his jersey at ang mestizong kutis ay mas lalong umangat dahil sa puting uniform.

"Ang traydor mo girl," komento ni Blue ng narinig ang tili ko ng tinawag si Stan.

"Di ko mapigilan eh," napailing na lamang ako at inayos ang pagkakaupo habang napatingin sa court.

"Di naman magpapigil ang right side of the court. The Business Administration department--" Halos kaming lahat ay napatayo para isigaw ang aming team.

"Go! Asul! Wohah! Asul! Laban! Laban! Laban! Asul!" Halos maubos ang boses ko sa kaka-cheer sa team namin. Di ko mapigilang mapatingin kay Blue na seryoso ring nakiki cheer.

"Ang sikat mo ah," inis ko sa kanya ngunit inismiran lang ako ng kaibigan.

"Matagal na Prim," napailing nalang ako sa kanyang sagot. Napatoon na ang aking tingin sa harap ng lumabas na ang players ng department namin. Halos nagtitili na ang mga babae sa banda namin.

"Mark Xavier Scavien!" Napatayo ako at nakikitili na din sa mga babae na nasa side ko.

Hindi ko maiwasang punahin si Max habang suot niya ang blue nilang jersey. His so sinfully handsome. Kaya naintindihan ko kung bakit maraming babae ang nakikitili. Plus points na siya pa ang captain sa basketball.

Nag-uusap sila ni Lucas, habang seryoso itong nakikinig kay Lucas ay gumagala ang mata niya sa right side kung nasaan kami na parang may hinahanap. Hindi ko alam kung bakit ganun nalang ang bilis ng tibok ng puso ko sa kaisipang baka ako ang hinanap niya.

"Ang gwapo naman ni Captain," ngising komento ni Blue sabay baling sa akin. Siniko ko siya at napabaling ulit kay Max, nahigit ko ang aking hininga ng nakitang nakatitig ito sa akin.

"Shit bess ayan na, ipakita mo na ng di yan magtampo, baka matalo pa tayo." Bulong naman ni Blue, napakagat nalang ako sa aking labi at unti-unting tumayo para mas makita niya ng maayos ang naka print sa T-shirt ko.

Scavien

23

Grace the Court Captain

"Go Max!" Sigaw ko sa kanya sabay bigay ng malaking ngiti. Napabaling naman ang ibang kasamahan niya na nandoon. Ngumisi si Lucas ng nakita ako at siniko si Max, sumipol din ang ibang ka team niya at inakbayan ito.

Kagat labing tinignan ako ni Max habang tumatawa naman mga ka team niya at tinapik pa ang kanyang balikat.

"Bati na daw kayo!" Sigaw ng isa sa players doon at nagtawanan silang lahat. Sinapak naman yun ni Max kaya mas lalo silang nagtawanan.

"Mukhang tinatablahan na si Boss," ngising sabi ni Blue sa akin. Kaya napabaling ako sa kanya.

"Tingin mo?"

"Sa ganda mong yan? Lalo na't pinaghandaan mo to nuh,"

Napabaling ako sa harap kung saan tumitingin pa din si Max sa akin. Lumapit ako sa barandilya kaya naghiyawan ang mga ka team ni Max ng lumapit siya sa akin.

Di ko na mapigilan ang ngiti ko ng nakita ang paglapit ni Max sa akin.

Tinukod ko ang dalawang siko habang napatingin sa kanya. Habang seryoso lamang ang kanyang ekspresyon. Nang nakalapit siya ay mas lumawak ang aking ngiti.

"Bati na tayo?" Sabi ko. I saw how his eyes softened at me. He sighed then bite his lips.

"Ano na?" Napanguso na ako dahil ilang segundo muna niya akong tinitigan.

"Ang ganda mo," bulong niya. Di ko maiwasang di mapatawa ng marinig ang sinabi niya.

"Alam ko na yan, ano na nga?" Natatawang sabi ko pa rin sa kanya, napailing siya at ngumisi na din.

"Bati na tayo?" Ulit ko.

"Walang tayo," sagot niya na ikinasimangot ko. Kaya napatawa siya sa naging reaksyon ko. He gently pinch my right cheek. Sa tangkad niya ay abot niya ang mukha ko.

"Ano na nga?" Di na makapaghintay sa sagot niya

"Yeah, bati na tayo." Sabi niya at nginitian ako. Di ko na din mapigilang mapangiti sa kanya.

"Talaga?" Nabuhayan ang aking loob dahil sa kanyang sinabi. Tumango siya kaya mas lalong lumawak ang ngisi sa labi.

"Oo na," natatawang sabi niya.

"Aba! Buti naman nuh, nag effort kaya ako," nakangusong sabi ko sa kanya at inirapan siya kaya napatawa na naman siya.

Ilang segundo niya akong tinitigan kaya tinaasan ko siya ng kilay. He shrugged his shoulders and continue staring at me. I smirk at him. Ano ka ngayon Scavien? Ha? Di ka pa mamamansin? Amp.

"Fuck," Napailing-iling siya sabay baling ulit sa akin, "Hindi talaga kita matitiis." sabi niya at nginisihan na din ako.