Chapter 11

Chapter 11

"Kunin mo yan," sabay abot ni Max ng jacket niya sa akin. Napataas naman ang kilay ko.

"Para saan?" Kunot noong tanong ko. He seriously look at me.

"Nakikita ang binti mo kapag uupo ka, ilagay mo ang jacket ko sa binti mo," he commanded tila hindi na tatanggap ng reklamo kaya nakangusong kinuha na lang ang jacket niya.

"Good luck sa game ah? Ayusin mo," sabi ko sa kanya ngunit nginisihan lang ako ng gago.

"Just cheer for me, aayusin ko."

"Nakakatamad, marami kanang supporters oh," sabay tingin sa ibang babae na may banners pa na nakalagay ang jersey number niya.

Ngumuso naman si Max at tumingin sa akin. "Iba din naman kasi yung sayo," he said.

Napailing nalang ako, "Ang arte nito. Basta galingan mo, sasapakin talaga kita. Nag effort ako tas matatalo ka lang pala, nako." I glared at him, he just chuckled.

"Yes Maam, aayusin po,"

"Good," sabay thumbs up.

Napabaling si Max sa team niya ng tinawag na siya.

"Go, pakitaan mo ako ng gilas Captain," ngising sabi ko sa kanya. He also smirk at me.

"My pleasure," sabay talikod at umalis papunta sa team niya. Napailing nalang ako sa kanyang reaksyon. Bumalik na ako sa upuan ko bitbit ang kanyang jacket kung saan nakita ko ang mapang-asar na mukha ni Blue na nakatingin sa akin. Kasama na din ang ibang kaklase ko na nakangisi na din sa akin.

"Kayo na ni Captain, Prim?" Tanong ng isa sa kanila na inilingan ko.

"Magkaibigan lang kami," natatawang sabi ko at umupo sa tabi ni Blue.

"You mean, magka-ibigan," Blue sarcastically remark then smirk at me. Inirapan ko siya ngunit may ngisi pa din sa labi. Di na sinagot ang kaibigan ng nagsimula na ang laro.

I gently put the jacket, para matatabonan ang legs ko dahil magagalit si Max. Habang nakangising tinignan naman ako ni Blue di pa din maka get over sa nangyari kanina.

The first quarter started agad naghiyawan ang mga tao lalo na't naghahabulan lang ng score ang dalawang team. Hindi nagpatalo ang engineering kahit pa alam nilang ang captain ay nasa department namin marami naman kasing magagaling na player sa kabila.

Agad akong napabaling kay Stan habang nagdribble ng bola. Alam ko namang magaling na player si Stan kaya di na ako nagtataka ng nakalusot siya sa nagbabantay sa kanya. Nag-hiyawan ang mga department niya at napakapit ako kay Blue kaya napabaling ito sa akin.

"Alam mo, nagsisimula ka nang magtraydor," napailing-iling na sabi ni Blue kaya hinampas ko ang kamay niya.

Agad akong napasigaw ng na shoot ni Stan ang bola kaya magkaparehas na ng score ang dalawang team.

"Go Stanford!" Dining na dinig ko pa ang sigaw ng ibang babae na nasa harap namin at ang ibang babae na nasa team ko.

"Di lang naman ako ang traydor ah?" Bulong ko kay Blue. She just chuckled and shake her head.

"Manood ka nga ng maayos baka magtatampo na naman si Boss niyan,"

Agad akong napabaling sa court kung saan si Max ang may dala ng bola. Agad akong napatayo at tinignan ito ng mabuti. He glance at me kaya napasigaw na ako.

"Ayusin mo Scavien!" I shout kaya bumaling yung ibang ka team ko ngunit binalewala ko iyon. Ngumisi ang teammate ni Max na nasa bleachers para sa sub. They also cheered for their captain.

"Ayusin mo raw Captain!" Someone at his teammate shouted then they laughed.

Max gracefully manage to dodge all the guards and with no effort shoot the ball.

Tres!

Agad naghiyawan ang mga Business Ad at nag cheer. "Go! Asul! Wohah! Asul! Laban! Laban! Laban! Asul!," di ko na mapigilang ngumiti habang pumalakpak pa ang kamay habang nakatingin sa court. Agad na akung umupo ng mabuti sa aking upuan.

Bumaling si Max sa akin at nagthumbs up kaya sinagot ko din ito ng thumbs up.

"Ang inspired ni Captain," Blue remark habang nakangising tumingin sa court.

"Aba't ayusin niya kundi ako talaga ang magtatampo,"

Nagpatuloy pa rin ang game, humingi ng time out ang kabilang team kaya agad pumunta si Max malapit sa bleachers namin.

Inabot ni Blue ang bagong tubig na mineral sa akin at nginuso si Max. Taas kilay ko namang tinanggap ito.

"Ibigay mo kay captain," bulong niya. Umiling ako dahil nakakahiya naman, lalo na't nag-uusap pa ata sila kasama ang coach nila.

"Bilis na, mabilis lang ang oras," at medyo hinatak pa ang braso ko kaya wala akong nagawa kundi ang tumayo. Lumapit ako sa may barandilya kaya napabaling ang ibang players doon sa akin.

May sumipol agad ng nakita ako at siniko si Max. Naputol tuloy ang usapan nila kasama ang coach ng lumingon si Max sa akin.

"Wait lang coach," sabi ni Max sabay lakad papunta sa akin. Ramdam ko ang init ng pisngi ko habang nakatingin ang ibang players at mga studyante sa akin. Sabi na nga bang masamang ideya eh! Si Blue talaga pahamak!

Mas lalo akung namula ng napatingin ang coach sa amin at napailing nalang. Lalo nang nakita ang malalaking ngisi ng mga teammates niya ngunit nakinig na ng mabuti sa coach nila.

Max approach me with questioning gaze. Kaya agad kung nilahad ang mineral bottle na nasa kamay para makaalis na. Kahit sa pawis na tumutulo sa kanyang noo at ang pawisang braso di pa rin maipagkakaila na gwapo talaga tong nilalang na nasa harapan ko.

"Uh, water?" Naguguluhan din ako kung anong sasabihin ko. Napanguso si Max tila tinatago ang ngiti sa labi at inabot ang mineral water na nasa kamay ko.

"Did I grace the court already?" Tanong niya habang binubuksan ang mineral water. I gaze at him at nakitang seryoso itong nakatingin sa akin.

"Hmm," sabi ko tila nag-iisip pa kaya tinaasan niya ako ng kilay.

"Yeah, you did." He smirked at my reply at uminom sa mineral water na bigay ko.

"But, nah, still not satisfied." Kaya napabaling ito sa akin na may seryosong tingin. He closed the bottle and with intense eyes stared at me.

"Not satisfied huh?" Napalunok ako dahil doon. What's wrong with me? At ano 'tong nararamdaman ko? I felt something in my tummy ngunit binalewala ko iyon.

I smirk at him, "Are you threatened Captain?" Asar ko sa kanya. He smirked at me then the alarm buzz.

"Scavien!" Tawag ng coach nila kaya bumaling siya dito. He nod then stared back at me.

"Watch," sabay pitik sa noo ko at nag-jog na paalis para bumalik na sa court. Napailing nalang ako at kinuha na ang mineral bottle na iniwan niya at bumalik sa upuan.

"Label na lang talaga ang kulang eh," parinig ni Blue kaya inismiran ko ito. She smirk at me.

"Magkaibigan lang kasi kami,"

Second quarter came and the game was intense, mas lamang ang Team namin ng limang puntos. Dalawang beses naka shoot ng tres si Max at sa tuwing nakakashoot siya ay babaling siya sa akin tila tinitignan kung nakikita ko ba ang pag 'grace' kuno niya sa court.

He will smirk at me, or tataasan ako ng kilay. Mapapatawa nalang ako habang napailing sa kanya. Ang kapal talaga nito.

Hindi na ako bumalik doon sa may barandilya upang ibigay ang mineral water kapag may time-out kasi nahihiya na ako, even though tinitignan talaga ako ni Max kahit pa kausap niya ang coach niya. Hindi ko alam kung hinihintay ba niya ang paglapit ko ulit. Pero sorry siya, may hiya pa ako sa katawan.

"You want?" Aya ni Blue sabay bigay ng bag ng chips ngunit hindi ata ako makakakain ng maayos habang tinignan ang court. Naghahabolan ulit ang dalawang team sa score. Hindi ko din mapigilang humiyaw 'pag nakashoot si Stan.

Marami din ang nakikisigaw, mas lalo atang naghiyawan ang kabilang team lalo na ng nakalamang sila sa amin dahil kay Stan.

"Go Fifteen!" Di ko mapigilang isigaw nang nagthird quarter at nagshoot ng tres si Stan. Kaya hinampas ako ni Blue.

"Ang traydor ah," ngisi niya tapos tinuro pa si Max. Kaya agad akung napatingin dito. Nakasimangot na ang mukha at seryoso ang mga mata habang tinitignan ang scoreboard. Napakagat tuloy ako sa aking labi ng bumaling ito sa akin.

Di na ako pinansin at bumalik na ang atensyon sa laro. Patay, nagalit ko ata.

Through out third quarter, nakasimangot ang captain namin. Na foul pa siya ng isang beses kaya napapatingin na ang iba sa akin. Bakit ako ang tinignan? Wala naman akung kasalanan?

Parang ako pa tuloy ata ang mag-aalo diyan eh 'di naman yan bata.

Our team called for time out. Seryosong nakikinig si Max habang pinupunasan ang pawis gamit ang face towel. Bahagya pa itong hinihingal habang nakikinig sa utos ng coach nila. Naging malupet nga naman ang laban dahil lamang na ang kalaban at mag fourth quarter na.

"Wag ka nang makikicheer sa kabilang team ah? Seryoso na ito," seryosong sabi din ni Blue na ikinatango ko na lamang. Kahit sinusuportahan ko si Stan di ko naman gustong matalo ang team namin kaya nga medyo kinakabahan na ako eh dahil lamang ang kalaban ng anim na puntos.

Nasa team namin ang bola, agad itong dinidribble ni Lucas at pinasa sa kasama, medyo naghiyawan ang kabilang team kaya di din kami nagpapatalo.

"Ayusin mo unggoy patay ka sakin," bulong ni Blue na ikinakunot ng aking noo. Kaya napabaling ako sa kanya.

"Ano?"

"Wala," seryosong sabi niya at kunot noong tumingin sa court. Kaya napabaling na tuloy ako doon at seryosong nanonood.

Nasa kamay ulit ni Lucas ang bola, akmang ishoshoot ang tres ng inilagan niya ang nagbantay at lumapit sa ring at nag shoot ng dos.

Ramdam ko ang higpit ng hawak ni Blue sa akin ngunit binalewala ko iyon. Mas lalo atang naging seryoso ang mga players at ramdam ang tension ng magkabilang team.

"Go! Asul! Wohah! Asul! Laban! Laban! Laban! Asul!" Nagsigawan kami ulit lalo na ng nakuha na naman ng team namin ang bola at na shoot iyon ng tres. Time out was called from the engineering department kaya nag-usap usap ang mga ka teammates ni Max kasama ang coach.

Hindi na din ako nagtangkang lumapit lalo na't medyo seryoso na ang pinag-uusapan. Bumaling din ako sa kabilang team na nasa malayo at seryoso din itong nag-uusap, nakakunot pa ang noo ng coach nila habang seryosong nagbibigay ng utos.

Stan gently wipe the sweat in his neck while seriously listening to their coach. Napabaling ako kay Blue ng tumikhim ito. Nginuso niya ang lugar nina Max kaya tumingin ako sa banda don. Ganun pa din naman, seryosong nag-uusap pa din sila habang nakakunot naman ang noo ng captain.

"Wag ka na kasing traydor," bulong ni Blue na ikinasimangot ko na lang.

Nagbuzz na ang alarm at itinuloy ang laro. Halos maubos na ang boses ko sa kakacheer kapag nakakashoot ang bola ng team namin.

"Ayusin mo Captain!" Sigaw ko na din ng nasa kamay ni Max ang bola. Napakagat ang aking labi ng binantayan ito ni Stan. Ngunit seryoso lamang si Max sa pagdidribble at di man lang natinag.

Halos humanga ako kung paano nalusutan ni Max ang dalawang bantay at walang pasumbaling nag shoot ng tres kaya naghiyawan ang buong business ad department ng nakitang twenty seconds nalang ang natirang oras ng game. Di ko din mapigilang mapatayo at tumili kasama ng mga ka team ko.

"Shet, panalo na to." Bulong ng isa sa mga kasama ko. I really hope so, na panalo na ito baka makabawi pa ang kalaban eh.

Itinuloy ang game, nasa kalaban ang bola. Sabay-sabay kaming nagsisigaw ng team ko.

"Defend! Defend! Defend!"

Agad kaming napatayo ni Blue ng naagaw ni Lucas ang bola at ipinasa ni Max.

"Go Captain!" Sigaw halos ng mga ka team ko habang nakitang dinidribble ni Max ang bola. Napahawak ako sa kamay ni Blue habang kami pareho ay seryosong nakatingin sa court.

"Max! Ayusin mo!" Sigaw ko na din. Five seconds left at walang pasombaling shinoot iyon ni Max.

Then the Alarm buzz. The Crowd shout loudly when the score came.

93-98

"Omayghaaad!" Tili ni Blue at sinabayan pa ng talon. Di mawala ang malaking ngisi sa aking labi habang nakatingin sa score. Damn! He did grace the court well.

"GO! ASUL! WOHAH! ASUL! LABAN! LABAN! LABAN! ASUL!" Naghiyawan ang buong Business Ad Department nang na announce na panalo kami. Nakita ko pang nag-aapiran na ang dalawang team.

Hindi ko na alam saan ibabaling ang atensyon. I saw how his teammates smile in a wide grin while tapping Max's shoulder.

"Fuck, sabi ko na nga ba ang inspired ni Captain eh," napapailing na sabi ni Blue habang nakatingin sa akin.

Napatawa lang ako at bumaling kay Max na seryosong kinausap ng coach niya. Tumatango-tango pa ito. Agad akung napabaling sa kabilang team kung saan nag-uusap ang mga ito.  Kahit talo sila ay tingin ko satisfied naman sila sa kinalabasan ng laro.

Unti-unti ng lumabas ang ibang tao habang nagpicture pa sa court ang iba. Napabaling ako kay Blue na kinausap pa ang isa sa mga classmates ko kaya umalis ako doon sa inuupuan ko at bumaba sa court.

Isinuot ko ang jacket ni Max. Medyo malaki ito sa akin pero di ko na iyon pinansin. Napatingin ako sa kabilang team at nakita doon si Stan na nakaupo sa gilid habang nagpupunas ng pawis. Seryoso itong nakatingin sa sahig na parang wala sa sarili.

Unti-unti akong lumapit doon habang busy ang lahat. Napabaling si Stan sa akin at tinaasan ako ng kilay.

"You did great," sabay ngiti sa kanya. Seryoso niya akong tinignan at napatingin pa siya sa T-shirt ko ng nakakunot ang noo.

"Tsh," he smiled sarcastically kaya di ko alam kung anong sasabihin ko.

"Uhm, una na ako. Good game," sabi ko na lamang.

"Congrats," he said. Napahawak tuloy ako ng mahigpit sa isa kung kamay ng naramdaman ang pagbilis ng tibok ng puso. Pinansin niya ako!

"Thank you," I smiled at tinalikuran siya. Kahit ramdam ko pa ang titig niya sa likod ko. Sa kaloob-looban ko ay ang sarap nang tumili ngunit pinigilan ko ang sarili dahil magmumukha akong tanga.

"Prim!" Tinawag ako ni Blue bitbit ang paper bag ko. Kaya agad akong napapunta doon.

"Saan ka galing?" Nagtatakang tanong nito.

"Ahm, dyan lang. Si Max?" Sagot ko at inilihis na ang topic. Buti naman at kinagat niya iyon.

"Kausap pa ang ka team niya. Tara puntahan na natin. Nauna na ang iba sa bar na napag-usapan." Sabi niya habang naglalakad kami kung nasaan si Max.

Ngumingiti ito habang kinakausap ang teammate niya. When Lucas saw us ay agad niyang siniko si Max.

"Ayan na naman tayo, kaya inspired eh." Pang-aasar ng isa sa kasamahan ni Max kaya nagtawanan sila. Max approach me kaya nginitian ko ito.

"Galing mo boss ah? Epic talaga eh," kaya napabaling ito kay Blue. He chuckled.

"Di naman," tikhim pa nito. Napanguso na lamang ako. Pa humble amp

"Asus! Congrats sa atin. At saka may night out pa tayo kaya," bumaling si Blue sa ibang kasamahan namin na nasa court na rin at sa ibang players. "Guys! Arat na! Night out na this!" Kaya nagsigawan ang iba doon habang napatawa lang si Blue. Napailing nalang ako.

"Pupunta ka?" Tanong ni Max ng mas lumapit pa ito sa akin. Napatingila ako sa kanya at nakita ang seryosong mukha nito.

"Uhm, Oo. Ikaw?" Tanong ko. Kunot noo naman niya akung tinignan pabalik.

"Curfew mo?"

"Nagpaalam na ako kay Dad, pumayag naman siya." Tumango lamang ito habang tinignan naman ang jacket niya.

Agad akong napahawak dito at tumikhim. "Sinuot ko na," he just smiled at me.

"Its fine. Magbihis lang ako, sabay na tayong pumunta." I nod at him at agad siya'ng tumalikod para kunin ang gamit niya.

"Tara na?" Tanong ni Blue sa akin.

"Sabay na daw kami ni Max eh," nakangusong sabi ko. Blue smirk at me.

"Hay naku! Okey na okey lang nuh. Sige na at mauna na ako hinihintay na din ako ng iba," she wink at me. Medyo na guilty ako kasi kami lang namang dalawa ang magkasama kanina pa.

"Sure ka? Pwede naman tayong magsabay."

"Naku! Di na, ayokong maka isturbo. Besides may kasama na ako, sina Sam kaya its fine. Ingat ah? Kita na lang tayo doon," tinanguhan ko na lang ito at unti-unting tinanaw ang papalayong bulto ng kaibigan.

Unti-unti na ding nagsialisan ang mga kasamahan namin kaya kunti nalang ang mga tao sa paligid.

Naalala ko ang kapatid ko kaya kinuha ko ang phone para makita kung nag-message na ba ito.

From Aquila:

Hindi ako makakapunta. May nilakad lang, nakapagpa-alam na ako.

Napanguso na lamang ako at nagkibit balikat. Mukhang may importanteng lakad ang kakambal ko.

Ano naman kayang pinag-aabalahan nun?

"Captain! Una na kami!" Napabaling ako sa kaliwa ng nakita ang mga ka teammates ni Max at kumaway dito. Tumango lang si Max at agad lumapit sa akin.

Ang gwapo naman. Suot ang puting nike shirt, black jeans at white shoes. Parang model na naglalakad ito patungo sa akin. Napailing na lang ako.

"Magbibihis din ako," sabi ko sa kanya kaya kinunotan ako nito ng noo.

"May dala kang damit? Okey na naman yan ah?" Sabay tingin sa T-shirt ko kung nasaan nakaprint ang apleyido at number niya.

"Di naman ito pang club eh." Nakasimangot na sabi ko.

"Huh? Maganda ka naman sa suot mo," he said mindlessly. Di ko alam bakit uminit ang pisngi ko dahil sa sinabi niya.

"Tsk, mas gusto ko yung damit ko kaninang umaga. Pwede naman ata magbihis doon?" Sabay turo sa locker room nila. Napabuntong hininga na lamang siya.

"Fine," sabay hila sa kamay ko papunta doon. He entered first and check if may tao pa.

"Cap? Tara?" Nagulat ako ng nakita pa si Lucas na nakahubad ang pang itaas at pinunasan ang leeg.

"Fuck," agad tinabonan ni Max ang paningin ko at humarap sa akin.

"Cap?" Rinig ko pa ang naguguluhang tanong ni Lucas.

"Magbihis ka Tyson!" Inis na sabi ni Max dito kaya napatingala ako sa kanya.

"Okey ka lang Cap--"

"Just fucking wear your shirt!" Narinig ko pa ang mabilisang galaw ni Lucas at ang bahagyang pagtawa nito.

"Ayan na, tapos na. Di ko naman alam may chicks ka." Natatawang sabi pa nito. Max sighed and look at me.

"Sorry about that,"

I smiled at him. "Its okey."

"Hi Prim, sorry pala," natatawang sabi ni Lucas na nakatingin na sa akin. Max just hissed at him but Lucas just chuckled.

"Okey lang."

"Ano Captain? Mauna na ako? Lock the door guys," mapang-asar na sabi ni Lucas and wink at me.

"Fuck off Tyson," inis na sabi ni Max dito.

"Chill Scavien. Di ko yan aagawin," natatawang sabi pa nito at kinuha ang duffel bag. " Mauna na ako," tinanguan ko lang ito.

Max double check the room. Napatingin lang ako dito habang serysoong tinitignan kung may tao pa.

Napailing na lamang ako, "Magbibihis na ako," nakasimangot na sabi ko sa kanya.

He nod, "Doon ka sa loob magbihis. Maghihintay ako dito." Tinanguan ko siya at pumasok sa loob bitbit ang paper bag. Ibinalik ko ang white smocked top ko which is mas appropriate tignan kung pupunta kami sa bar mamaya.

I check myself infront of the mirror at nagretouch na din. Sinuklay ko pa ang buhok ko at inayos ito. Agad kung nilagay sa paper bag ang T-shirt at lumabas na.

"Let's go?" Tanong ko kay Max na nakaupo sa isa sa upuan doon at tutok sa kanyang cellphone. Agad naman itong napabaling sa akin.

Kitang kita ko pa ang pag-awang ng labi nito. He cleared his throat at agad tumayo. Kaya nahulog ang phone niya, napakunot naman ang aking noo.

"Shit," mabilis niya itong kinuha at tinignan. Tumikhim ulit ito at inilagay na ang phone sa bulsa.

"Tara na? Baka late na tayo sa party eh," sabi ko sa kanya at lumapit. Bitbit ko na ngayon ang jacket niya. Kaya inabot ko ito sa kanya.

"Ayan na," he look at the jacket at umiling.

"No, isuot mo yan." He answered kaya napataas ang kilay ko.

"Huh? Hindi na, papangit ang outfit ko." His lips turned into grim line while looking at my top.

"Isuot mo yan, baka lalamigin ka." He said menacingly.

"Ano ka ba," kinuha ko ang kamay niya at pinatong ang jacket doon. "Hindi na nga. Okey lang ako, tara?" Anyaya ko na at nagsimula ng maglakad ngunit napahinto ng hinablot niya ang aking kamay.

"What?" Naguguluhang tanong ko sa kanya.

He heaved a deep breath. Then look at me seriously.

"Walang pupunta sa party kapag di mo isusuot jacket ko." He said it viciously kaya napaawang ang labi ko dahil sa kanyang sinabi.

"What?" Kunot noong tanong ko sa kanya.

"You heard me," sabay upo sa upoan at tinitigan ako.

"Pero papangit nga ang outfit ko!" Naiinis na sabi ko sa kanya.

"I don't care," he shrugged and get his cellphone. Naiinis na tinignan ko siya, ang sarap hambalusin!

Ano bang problema nito?!