Chapter 16

Chapter 16

After putting a matte lipstick and check myself in the mirror, I'm already satisfied. Wearing a checkered sleeveles black dress and black stiletto heels, tapos na akong mag-ayos para sa lakad namin ni Max.

Umalis na ako sa kwarto at bumaba, Max was sitting comfortably in the living room while staring in his phone. Then my phone beep, napabaling ako doon at nakitang may mensahe ito sa akin.

From: Max

Nalunod ka ba sa shower?

Napairap na lang ako at binatukan siya pagkalapit ko.

"Shit!" He glance at me and his lips parted a bit as he check me out.

My brow raised ready to rush myself towards him, "Bakit? Ha?" Masungit na tanong ko.

He smirk then scratch the back of his head.

"Well, good morning pangit."

Kumunot ang noo ko dahil sa sinabi niya.

"Anong sabi mo? Sinong pangit?!" akmang hahampasin ang braso niya dahil sa inis ngunit hinuli niya ito.  He laughed as he stared at me still holding both of my hands while sitting. 

"Ang bingi..."

"Anong bingi?" My forehead creased because of annoyance, "Kanina ka pa ah, una pangit tas ngayon bingi?!"

Mas lalo lang ata siyang natawa sa sinabi ko na mas ikinainis ko.

"Ang sabi ko kasi, ang ganda mo."

I stilled, kumunot ang noo ko, "Totoo?"

He smirked then nodded.

Napasimangot naman ako, nang go-good time lang ata to eh.

"Bolero," I hissed then walk towards the kitchen. He chuckled as he stands up to follow me.

"Kain muna kayo?" Si Aquila habang tinatanaw kami ni Max na papasok. She's sitting pretty in the stool while eating her breakfast.

"Hindi na Quine, sa labas na kami kakain." Si Max napataas naman ang aking kilay dahil sa kanyang sinabi. I went towards the fridge to drink water.

"Oh? Ingat sa date." Then shrugged her shoulders. Pagkatapos kung uminom ng tubig ay humarap ako kay Max na nakatitig lang sa akin.

"What?" Taas kilay'ng tanong ko sa kanya.

"Wala," he smirked as I rolled my eyes at nilampasan siya para lumabas na.

When we get outside, he opened the door for shotgun seat kaya pumasok ako doon. Pumasok na din siya sa driver seat at inayos ang kanyang seatbelt.

"Seatbelt," he reminded.

"Yeah, whatever," sabi ko at inayos na din ang akin.

"Kulang pa ba ang tulog mo?" Natatawang tanong nito pero inirapan ko lang kaya mas lalo itong natawa. He maneuvered the car at nangingising tumingin sa daanan.

"Why are you so grumpy?"

"Just drive,"

"Did I said something wrong?"

My lips went in grim line.

"Did I?" He raised his brow then take a peek.

"Wala,"

Hindi nagsasalita si Max at hinayaan akung hindi na umimik. I open his stereo to have some music ngunit napasimangot ako ng walang ni isang music doon.

"Connect mo na lang yung phone mo,"

I connect my phone para magpamusic then tap the first song in my playlist. Taylor swift's voice illuminates the car.

"Swifties, eh?"

Hindi ko siya pinansin at nagpatuloy sa pagscroll sa cellphone. Nagfacebook na lang ako dahil wala din naman akung magawa.

My forehead creased when I saw my notification.

Stanford Lim Rivers accepted your friend request

My lips parted and blink my eyes for several times habang nakatitig pa din sa screen ng cellphone.

Am I dreaming? What the hell?

"Hey? Are you listening?"

"Shit!"

Kumunot naman ang noo ni Max habang napabaling sa akin ngunit tumitig ulit sa daanan.

"Bakit? Something's wrong?"

"Omayghad! Stan accepted me!"

Max stilled, "W-What?"

"I mean! OMG! Sa tagal tagal kung nag friend request sa kanya ngayon lang talaga!"

My smile widen as I screenshot it. Hindi pa din makapaniwalang tinanggap na ni Stan ang friend request ko. Ngayon lang talaga!

"Is that so?" Nakasimangot na tanong ni Max habang nakatingin pa din sa daan.

"Yeah! Like, I can't believe it. Bakit kaya nagbago ang isip noon? Buti na lang napansin pa eh," I giggled as I stalk his profile.

Hindi na umimik si Max habang nagpatuloy pa din ako sa pag-scroll sa cellphone. Hindi maalis sa isipan ko ang nangyari habang tinitignan ang mga profile pic nito.

"Ang gwapo naman,"

"Mas gwapo ako," bulong-bulong ni Max habang nagmamaneho pero di ko na pinansin.

"Shit, yung pack abs," napakagat ako ng labi habang nakatingin sa isang litratong nasa beach si Stan. Nakabalandira doon ang katawan habang nasisinigan ng araw, parang model ito na umahon sa dagat suot lang ang kanyang trunks.

"May abs din ako,"

Napataas ang kilay ko at bumaling sa kaibigan na nakasimangot na at di na maipinta ang mukha.

"Oh? Tinanong ko?"

He scoff at me kaya nagpatuloy ako sa pagscroll. May mga picture siyang naka jersey doon at may bitbit na bola ng basketball, bagay na bagay talaga sa kanya ang jersey nila.

Hindi ko napansin na nasa harap na pala kami ng coffee shop na madalas naming puntahan ni Max. After he parked the car ay inalis na niya ang seatbelt niya at bumaba.

Inalis ko na din ang seatbelt ko at umasang pagbuksan ng kaibigan nang hindi man lang ito pumunta sa may banda ko para buksan ang pinto.

Nakakunot ang noo nito habang tinatanaw ang sasakyan. I sighed then get out from the car. After I closed the door he lock the car.

"Are you--"

"Let's go," at nauna ng maglakad paalis. Napaawang ang labi ko habang nakatanaw sa papalayong likod ng kaibigan. What's wrong with him?

Nakasimangot na sinundan ko si Max pagkapasok namin sa loob.

"Hanap ka ng upuan, ako na mag-oorder." Sabi niya hindi man lang ako binalingan at pumunta na sa harapan. Nagkibit balikat na lang ako at umupo sa upuan banda sa salamin.

I glanced at my phone when the notification beep. Mas lalo ata akong naestatwa sa upuan ng nakita ang sunod na notification.

Stanford Lim Rivera reacted to your photo

Shit, he heart my profile picture!

Did he stalk me? Ni hindi ko nga ni like ang post niya baka mapaghalataan ako. Pero mahihiya pa ba ako ng nakitang ni react niya ang current profile ko?

Bumalik ako sa profile niya at isa-isang ni heart ang profile pic niya. I also tap wow ng nakita ulit ang pack abs sa picture. Napahagikhik ako habang nakatingin doon hindi napansin ang nakatayong Max sa harapan at nakasimangot sa akin.

I cleared my throat at ngumiti sa kanya but he wears a serious face as he put the tray.

"May gusto ka pang i-order?" Masungit na tanong nito habang umayos ng upo at nilapag ang pancake sa aking harapan. He also put the hot chocolate.

"Cookies?"

Napaangat ito ng tingin sa akin. I smiled sheepishly at him, he nodded then stand up to get my cookies.

Nilagyan ko na ng syrup ang pancake habang panakaw-nakaw nang tingin sa cellphone ko nagbabakasakaling mag chat mang lang si Stan. Nasa profile niya pa din ako. I also look for his featured photos.

Marami na kaming mutual friends lalo na't iisang school lang naman kami ng pinasukan. Max came back with my cookies, nasa loob ito ng plastic na tupperware at nilagay na sa tabi ng pancake ko.

"Now eat," he commanded at hinarap na din ang kanyang boneless bangus with rice. Its his favorite, and a brewed coffee.

Hiniwa ko ng pakunti ang pancake at sinubo habang mapapatingin sa cellphone kung may notification na darating ngunit nadismayang wala man lang bagong notif galing kay Stan.

Kumalabog ang kurbyertos ng nilagay ito ni Max sa kanyang plato kaya napabaling ako dito. His face was itch with anger as he stared seriously at me.

"Can you eat your breakfast properly?"

Napalunok ako ng wala sa oras at pinatay ang cellphone, di na gustong magalit pa ng husto ang nasa harap.

"I'm sorry," I apologize then continue to eat my pancake. Tumahimik naman ito at nagpatuloy sa pagkain.

After awhile he sighed so I glance at him still cutting my pancake.

"Can I ask you a favor?"

Kumunot naman ang noo ko at nilapag na din ang kurbyertos para harapin ito ng maayos.

"Ano yun?"

He stare at me for a second.

"Can you stop thinking other men while your with me? Or atleast," he paused, "Just pay attention... to me, while we're together?"

I blink twice at tinitigan ang mukha niya. I saw something glinting in his eyes. Is that sadness? Hindi naman siguro. Hindi ko alam na possesive pala ang kaibigan ko pero, oo nga naman Prim. Respeto naman kay Max at siya ang kasama mo.

Napabuntong-hininga ako at seryoso na ding tumingin dito.

"I'm sorry, hindi na mauulit," I mumbled softly as his face soften too as he stared at me.

"Glad to hear that," Sabi niya at napatikhim bago nagpatuloy sa pagkain.

"Pero, matanong lang kita..."

He raised his brow.

"Friends ba kayo ni Stan sa facebook?"

He scowled at me kaya napatawa ako.

"Joke kang, kain ka na."

Napailing na lang ito at nagpatuloy sa kanyang pagkain. The whole breakfast was at peace. Max was in a good mood after that.

Bumalik na kami sa kotse at pumunta sa mall. I said I want to watch some movie dahil matagal na din akung hindi nakapag-sine.

When we reached the mall, maraming tao ang nagkalat sa paligid. Lumiwanag ang mukha ko ng nahagip ang National Book Store, walang pagdadalawang isip na hinigit si Max patungo doon.

Mas lalo atang nagbunyi ang kaluluwa ko ng nakita ang mga bagong libro na nakadisplay. Iniwan ko si Max at agad nagpunta sa fiction section.

Hindi ako makapili habang kuha ng isa tas punta na naman sa isa. I read the summary of each books at hinahawakan ang librong nagustuhan.

"Let me hold this," si Max at kinuha ang apat na librong nasa aking kamay. Hinayaan kung ibigay sa kanya ito.

"Pangit yan, wag na yan,"

"Oh, I think that's nice."

Nakikipili na din siya habang hawak pa din ang mga librong nagustuhan ko. Max is also a book lover. He loves to read books in his spare time kaya magkakasundo kami sa part na ito.

In the end I pick seven books while Max have three. Binili iyon lahat ni Max at hindi ako pinabayad.

Nakasimangot na nakatingin ako sa kanya.

"Wag na kasi, ako na ang bahala,"

"Pero akin kasi yun, dapat ako ang magbayad."

He smiled then get the paper bag at siya na ang nagdala. He just hold my hand at hinigit na ako palayo doon.

"Its okey Prim, I swear. Its not a biggie."

"Fine. Ako ang magbabayad sa ticket natin sa movie."

"No--"

"Uh-uh, ako ang magbabayad. Period,"

He chukled, he knew he cannot change my mind.

"Fine then,"

Nakapili na ako ng movie. Fifteen minutes left at magsisimula na ito. Truth to his words, hinayaan ako ni Max na pumili at nagbayad para sa ticket naming dalawa pero yun nga lang siya ang bumili ng snacks ni hindi man lang nagpaalam sa akin.

Kaya nakasimangot na hinintay ko siya ng papalapit siya at may bitbit na snacks.

He suppress his smile as he stare at me. "What?"

"Why did you pay for the snacks?"

"Oh? Dapat ba ikaw?" He asked playfully na mas lalong iki-nasimangot ko.

"Chill, snack lang to."

At nauna ng pumasok. Napabuntong hininga na lang ako at sumunod na sa kanya sa loob. He choose the fifth row dahil medyo marami na ang naka-upo sa mas malapit na upuan. After he put the snacks ay umupo na siya kaya tumabi na ako sa kanya.

The place was dim. Nagsimula ng magpalabas ang patalastas. Ngunit napabaling ako kay Max ng menasahe niya ang kanyang noo.

"Are you okey?"

"Yeah,"

"Sure?"

He just hummed. I choose action-romance movie para hindi naman siya maboring dahil may action naman.

I eat the popcorn he bought and focus my attention in the big screen para mas maintindihan ko ang palabas ngunit nadidistract ako kapag menamasahe ni Max ang kanyang ulo.

I know something was wrong.

"Your not fine," I concluded as I whispered.

"Just a little bit tired Prim. Don't worry, ang tagal kasi naming umuwi kagabi." He chuckled then get some popcorn from me.

"You can sleep, gigisingin na lang kita pagkatapos ng palabas?" I suggested ngunit kumunot lang ang noo niya.

"That's rude. I invite you for a date tapos tutulugan kita?"

I don't know but it makes my heart feels warmth.

"Well, alam ko kasing pagod ka kaya naintindihan ko naman Max. May practice ka pa mamaya kaya mas mabuting makapagpahinga ka ng kunti."

"I'm fine Prim, I swear. Manood ka ng maayos,"

"Pero--"

"I'm fine," he said with finality kaya napanguso na lang ako at tumitig na din sa screen.

Minute passed at naaninag ko na medyo yumuyuko na ang ulo ni Max, but he tried to open his eyes para makatingin sa screen. Napailing na lang ako at hinigit ang ulo niya para ilagay sa balikat ko.

"I'm fin--"

"Shut up. Sleep,"

Hindi na ito sumagot at hinayaan ako. Tumingin ako ulit sa screen para manood. Pagkalaon, his breathing was even, it means that he was asleep. I shake my head as I stared at Max's face.

What a stubborn man. Pero di na lang iyon pinansin at nakangiting tumitig ulit sa screen.